Chapter 7

1843 Words
KAREN Nakita ko si Marco habang papunta ako sa kotse ko. Nakatayo ito habang may kausap sa cellphone nito. Agad naman nitong ibinaba ang tawag nang lumapit ako sa kaniya. "Anong nangyari? Bakit humahaba ang nguso mo?" "Umalis na sina Enzo." "Oo, kaalis lang. Alam ko kasi may pupuntahan pa silang launching. Saka ano naman kung nakaalis na sila? Kailangan ba magkapaalam sa iyo?" tanong nito sa akin kaya asar na tiningnan ko siya. "Hindi niya ako matandaan. Hindi daw niya ako kilala. Like hello? We kissed," hindi makapaniwalang saad ko kay Marco na gulat na nakatingin sa akin. "Seryoso ko?" Dinampian pa nito ng likod ng palad niya ang noo ko para malaman kung may sakit ba ako. "Wala ka namang sakit pero kung ano-anong sinasabi mo. "Asar na tiningnan ko siya. Maging siya hindi naniniwala sa sinasabi ko. Anong akala niya sa akin sinungaling? "Alam mo, let's go na. Mag-boy hunting na lang tayo para mawala iyang amats mo," yaya nito sa akin. "Saan naman?" tamad na tanong ko sa kaniya. Wala ako sa mood lumabas pero tinatamad din naman akong umuwi muna ng bahay. "High Street Bar," sagot nito. Iyon ang bar na pagmamay-ari ng kaibigan ng pinsan ko na si Winston. Alam ko na madalas doon siya tumatambay kaya nga hindi ako pumupunta doon dahil mas malala pa iyon kay dad sa pagiging overprotective sa akin. Si Marco nga muntik nang sunggaban dati ni Winston, mabuti naawat ko lang. Akala yata niya boyfriend ko. Baka naman wala siya doon ngayon dahil may asawa na siya ngayon. Bigla kasing nagpakasal ang isang iyon, hindi nga ako invited kaya nagtatampo ako sa kaniya. Iyong secretary niyang sabi niya dragon pero ngayon mukhang handa siyang mabugahan ng apoy. "Sige," pagpapayag ko kay Marco. Nagpaalam lang ako sa manager ko na si Jamie. Hindi na ako sasabay sa kanila sa van dahil may dala naman akong kotse ko. Ang usapan nga one week akong free pero biglang tumawag kahapon si Jamie dahil may biglaang photoshoot. Mabuti na lang pala at hindi ako tumanggi. Kung umayaw siguro ako, hindi ko nakita si Enzo. Kaso nakakaasar na pilit niyang sinasabing wala siya sa sinasabi ko. Nag-convoy na lang kami Marco pabalik ng Maynila. Medyo five na kaya siguradong gabi na kami makakabalik lalo na at nagsisimula nang bumigat ang trapik. Isa talaga sa hindi masolusyunan sa bansa ay ang trapiko. Kaya iyong isang oras na byahe ay nagiging dalawa madalas. Past seven na nang makarating kami ni Marco sa Maynila. We just ate a light dinner sa condo niya kami dumiretso. May gamit ako dito dahil minsan ay nakikitulugan ako sa condo niya. Iniisip nga ng tatay niya na may relasyon kami ng anak niya. Itatanggi ko sana pero ito namang si Marco ang nakiusap sa akin na hayaan na lang ang inaakala ng magulang niya. Ginawa pa niya akong panakip butas para hindi siya mabuking. Nagsuot lang ako ng isang black one-shoulder, cut-out mini dress. Labas ang left side ng beywang ko kaya kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Napatingin sa akin si Marco nang lumabas ako ng bathroom. Pinasadahan ako nito ng tingin pero hindi na ito nagsalita at nauna nang lumabas sa kaniya. Sa kotse na lang niya kami sumakay. Pagod na akong mag-drive. Sikat na sikat ang High Street Bar, madami rin itong branches kaya hindi na ako nagulat na maraming tao nang makarating kami. Almost nine pa lang pero parang punong-puno na ng tao ang loob. Napatingin ako kay Marco nang bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya nang mahuli ako. "Don't go far from me. Mamaya kung saan ka na naman mapuntang babae ka," saad nito habang pinalambot ang boses pero lalaking-lalaki naman ang tingin nito sa akin nang sabihin niya iyon. May pagkakataon talagang lalaking-lalaki siyang tingnan kaya walang mag-aakala malambot siya. "Don't worry. I will not get drunk tonight," nakangiting saad ko sa kaniya at hinila ko na siya papasok sa loob. THIRD PERSON POINT OF VIEW Napakunot ang noo ni Senator Angeles nang makita nito ang panibagong larawan kung saan nakita ang anak na masayang nasa party at halatang lasing na ito. Mabuti na lang at naagapan niya bago pa lumabas ang panibagong balita tungkol kay Karen. Hindi niya alam kung kailan titigil ang anak niya sa kaka-party nito. Napaangat ng tingin ang senador nang pumasok ang panganay niyang anak na si April. Naka-pajama na ito. Siguro ay matutulog na pero nagtungo pa sa opisina niya para tingnan siya. Sweet si April, hindi gaya ng anak niyang si Karen na mula nang magpakasal siya sa ina ni April ay nagbago na rin ang pakikitungo sa kaniya. Naging malayo na ang loob sa kaniya ng bunsong anak, sinubukan naman niyang bumawi dito pero iba na ito. Hindi na ito iyong batang palaging nakikinig sa kaniya. Agad na napatingin si April sa larawang nasa ibabaw ng table ng ama niya. Kinuha niya iyon at napakunot ang noo nito nang makita ang mga larawan. Merong larawan na lasing na lasing si Karen habang buhat-buhat ito ng isang lalaki pero hindi niya alam at parang pamilyar sa kaniya ang lalaki. Bigla siyang kinutuban pero pinilit niyang alisin sa isip niya ang kaniyang hinala. Nakangiting tumingin siya sa ama niya. "What's this?" "Another almost scandal of her," problemadong saad ni Senator Angeles. Mga pictures na iyon na kuha noong kaarawan ni Marco kung saan nalasing si Karen. Mabuti na lang at naharang ng Senador bago pa man lumabas sa medya. Lalo na ang larawan kung saan pumasok ang anak niya kasama ng isang lalaki. Karen is known for having different men; she was named a playgirl by many, kaya maging ang ama nito ay hindi alam kung paniniwalaan ba o hindi ang naririnig niya lalo na at kilala niya ang anak na medyo matigas ang ulo at ginagawa kung ano ang gusto. "She's too liberated," komento ni April habang nakatingin sa mga larawan. Tumigil siya at pinakatitigan ang larawan kung saan buhat-buhat ito ng isang lalaki, pero hindi kita sa larawan ang mukha nito kaya hindi niya makilala kung sino ang lalaking kasama nito. Pero parang kilala niya ito sa tindig pa lang nito, pero imposible naman ang iniisip niya para kay Karen. Hindi ganito ang kilala niya, wala iyong pakialam sa paligid nito kaya maaring nagkakamali lang siya. "Yeah, hindi ko na alam kung paano pa siya patitinuin. Alam kong nagrerebelde ang kapatid mo pero matanda na siya. Mas mahirap na siyang pagsabihan ngayon," wika ng Senador na tila sumasakit ang ulo sa mga kinasasangkutan ng anak. Mabuti na nga lang at hindi na ito nasasali sa gulo hindi gaya noong high school ito na parang lagi na lang siyang ipinatatawag sa school dahil nakipag-away ito. "Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako matanggap bilang kapatid niya." Malungkot na ngumiti si April sa kaniyang ama. Alam ni April na siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ganoon ang kapatid niya. Sinisisi nito ang ina niya sa pagkamatay ng ina nito. Siya ang panganay pero naging anak muna siya sa labas bago siya nakilala ng madla, hindi gaya ni Karen na simula pa lang ay kilala na bilang anak ng ama nila. Masama ang loob ni Karen sa isipang siya ang panganay, pero si Karen ang mas naunang naging legitimate daughter sa kanilang dalawa. Ngunit wala naman siyang magagawa, pinipilit na lang niyang ipakita sa ama niya na she’s better than anyone. She’s trying to be the best daughter, lalo na at alam niyang sakit ng ulo lang ang madalas na ibinibigay ng kapatid niya sa ama nila. "I am sorry, it's my fault. Don't worry, I will try to talk with your sister again. I think it's long overdue for her to accept you." Napahilot ito sa noo nito. "I want her to change her lifestyle, but I don't know how. Ayokong lumalabas na kinokontrol ko ang buhay niya." "You don't have to control her life, but maybe it's time for her to have family." Sabay na napalingon sina April at Senator Karlos Angeles kay Rachel. May dala itong gamot gamot para sa asawa. "Women change when they already have a responsibility. Baka kapag nagkapamilya na ang anak mo, baka magbago na siya. Why don't you try to find a perfect guy for her?" suhestiyon pa nito. "Ma, hindi ba baka mas magrebelde pa si Karen kapag ginawa natin iyon. We can't dictate her," tutol ni April sa sinabi ng kaniyang ina. "Hindi natin dinidiktahan ang buhay niya, inaayos lang natin. Kaysa naman puro party at kung sini-sinong lalaki ang makikitang kasama niya. What if she got pregnant out of wedlock? We are just protecting your dad's reputations and at the same time her future," paliwanag ni Rachel na para bang alam na alam nito kung ano ang tama at hindi para kay Karen. Gusto na rin niyang bumukod ang babae, kaya mas mabuting magkaroon na ito ng sariling pamilya para hindi na stress ang asawa niya palagi dito at para hindi na niya palagi makita ang babae. "But--" "We are all just concerned with her. Your dad has a lot of friends, siguradong may mga anak sila na babagay kay Karen. Karen only needs a family for her to stop playing around," giit ni Rachel. "We are her family, mom," wika ni April pero lihim itong pinanlakihan ng mata ng ina niya. "She needs to build one, para matuto siya sa buhay," wika ni Rachel at tumingin sa asawa na kanina pa tahimik. Malalim ang iniisip ng senador. Muli itong napatingin sa mga larawan na nasa ibabaw ng table nito. Matigas ang ulo ng anak niya pero hindi pa siguro sapat iyon para ipakasal niya ang anak. Tama ang anak niyang si Karen, baka mas lalong mag-rebelde ang kapatid nito kapag pinilit niya itong ipakasal. Sa ngayon, hahayaan muna niya ito pero kapag hindi na talaga niya ito ma-control baka sundin na niya ang payo ng asawa. Baka nga kapag nagkaasawa na ito, magtino na ito. Tigilan na ang makipag-party at sumama sa kani-kaninong lalaki. Ayaw niyang maging pariwara ang anak kaya ikabubuti lang nito ang gusto niyang mangyari. Nang makalabas na ang mag-ina ay sinubukang tawagan ng senador ang anak niya pero hindi ito sumasagot. Almost eleven na ng gabi at mukhang nasa bar na naman ito. He texted someone. He secretly hired a bodyguard for her daughter. Alam niyang kapag nalaman iyon ng anak niya ay tutol ito kaya hindi na lang niya ipinaalam. Maliban sa baka mapahamak ito dahil sa mga pinagagawa nito, meron din siyang mga kalaban sa politika na maaring gamitin ang anak niya para makaganti sa kaniya kaya sinisiguro niyang ligtas ito. ‘Make sure she’s safe.’ mensahe niya sa nagbabantay sa anak niya. ‘K.’ Napailing habang natatawa ng senador nang mabasa niya ang reply nito. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o hindi. Dapat siguro hindi na lang ito nag-reply kaysa parang tinatamad lang itong nag-reply sa kaniya. Mabuti na lang talaga at pumayag ito sa hiling niya kaya alam niyang kahit busy siya may nagbabantay sa anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD