KAREN Sumilip ako sa bintana ko matapos ko. Nakapantulog na ako ngayon, tumingin ako sa wall clock at past nine na. Wala pa rin ito. Napatingin ako sa malaking puno, sa may bintana ni Kuya Winston iyon mas malapit. Kailangan pa niyang tumawid sa balcony ng kwarto nito para makapunta sa kwarto ko. Kailangan niyang mag-ala spiderman kapag ginawa niya iyon. Hinayaan ko na lang na nakabukas ang bintana ko bago ako nagtungo sa kama ko. Hindi ko inaasahang darating siya pero just in case na makarating mas siya ay makakapasok siya. Mabilis rin akong nakatulog, pero naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may nanunood sa akin kaya napamulat ako ng mata ko. “Hmmm...” inaantok na saad ko at inaaninaw kung may tao ba. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki sa loob ng kwa