Napatingin ako kay Enzo. May damit na siya ngayon. Nagpapasalamat ako na siya ang Enzong kaharap ko, hindi iyong malambot. Baka kung nagkataon na hindi siya ang dumating at ang other self niya, baka pareho lang kaming tumiling dalawa. Hindi gaya ni Enzo na nasa harapan ko ngayon na hindi nagdalawang isip na nakipagbakbakan sa lalaking pumasok sa kwarto ko. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Lumilikot ang mga mata ko bago pasimple akong tumitingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya. "We need to get married as soon as possible," biglang saad nito kaya napatingin ako sa kaniya. "Are you sure?" Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya sa naging tanong ko. "I am always sure about my decision. How about you? Are you thinking twice now because of that man?" Ako naman ang napakunot a