'I'll pick you up at 2 p.m. - YOUR HUSBAND Napangiti at at hindi ko mapigilang magpagulong sa kama ko habang nagsisipa ako dahil sa nabasa kong sulat. Hindi ko mapigilang kiligin sa nabasa ko. Your husband daw. Ilang oras na lang talaga, asawa ko na siya. Wala na si Enzo nang magising ako pero may naiwan siyang sulat sa may side table ko. Excited na bumangon ako. Kumakanta-kanta pa ako nang bumaba ako para kumain ng almusal. Masyadong maganda ang umaga ko at pakiramdam ko wala ng makakasira ng araw ko. "Good morning!" masayang bati ko sa mga katulong na napatanga sa akin. Kita ko ang pagtataka sa mukha nila. "Good morning, po. Mukhang maganda ang gising ninyo, Ma'am Karen," bati sa akin ni Aileen na may dalang feather duster. "Well, masarap kasi ang tulog ko kagabi. And I can feel