Chapter 8

2213 Words
KAREN “Bloody Mary,” malaki ang ngiting saad ko sa bartender nang makalapit kami ni Marco sa may counter. Marami ng mga tao, kahit na sabihing high-class bar ang kinaroroonan namin marami pa ring tao at karamihan ay galing sa mga kilalang pamilya. “Huwag magpapakalasing, baka mamaya kung saan na naman ako maghanap sa iyo,” saad nito nang tanggapin ko ang cocktail mula sa bartender. Hindi ako iinom ng hard drinks ngayon para hindi ako malasing. “Don’t worry, hindi ako magpapakalasing,” pangako ko sa kaniya bago tumingin sa mga tao sa paligid. Ayaw ko nang malasing ng todo, baka hindi lang suka ang abutin ko gaya noong nakaraan. Mahirap na kapag nalasing ako, wala pa namang Enzo na susulpot gaya noong huling beses na nalasing ako. Alam kong kasama ko si Marco pero hindi ibig sabihin noon na sasamatalahin ko nang kasama ko siya para may mag-aasikaso sa akin kung sakaling malasing ako. We are drinking while watching the people around us. May mga nagkakasayahan, may mga nagsasayaw, at hindi na yata nawawala ang mga naglaladian sa gilid. Normal scenario sa loob ng bar. “Look at that guy, gwapo, matangkad at mukhang mabango. What do you think?” Sinundan ko ang tinitingnan ni Marco. Bahagyang tumaas ang ilong ko dahil sa nakita ko. “Mukhang amoy baby powder. Halatang mama’s boy,” sagot ko sa kaniya. Cute naman ito pero hindi ko type, ayaw ko sa masyadong maputi. Iyon kasing tinitingnan niya parang hindi na nasisiskatan ng araw, iyong kapag pinagpawisan parang lalagyan agad ng nanay niya ng towel sa likod. “How about that one?” Pasimple nitong tinuro ang lalaking may kaakbay na babae. “Taken na aagawin mo pa? Isa pa hindi mo ba nababasa? He has an invisible poster on his forehead saying, I am a f-ckboy,” wika ko habang pinapanood ang lalaki. May binubulong ito sa babae na para namang kinikiliti. Ngiti pa lang nito halata nang mahilig itong mang-uto ng mga babae. Sa hilatsa nito, halatang-halata na may dala itong pulang bandera at iwinawagayway pa. “Eh, iyon? He looks like a badboy,” kinikilig na saad ni Marco. “Badboy? Mukha lang marumi,” kontra ko. Mahaba kasi ang balbas nito maging ang buhok na parang pinagpugaran na yata ng ibon at hindi man lang nasuklay. “Ayaw ko sa hindi mukhang mabango.” “Ayaw mo sa mukhang rugged pero ayaw mo rin naman sa mukhang amoy baby powder. Ano ba gusto mo?” “Iyong mukhang masarap,” nakangiting sagot ko sa kaniya at kumindat pa ako. Ngumisi ito sa sinabi ko. Inikot niya ang tingin sa buong paligid para maghanap ng bagong prospect. “Iyon? Ayaw mo pa rin?” tumingin ako sa lalaking pasimple niyang nginuso habang marahan akong umiinom ng alak na hawak ko. Mukha pa iyong totoy, baka nga estudyante pa lang iyon. “Bata. Gusto mo bang makasuhan? Mukhang minor pa iyan, matangkad lang,” saad ko habang sinisipat ang lalaking tinutukoy ko. “Judger ka naman masyado. Baka naman baby face lang.” Hindi ako mahilig sa baby face, gusto ko iyong mukhang gaya ni Enzo. Iyong lalaking-lalaki tapos parang masungit at handa kang ibalibag sa kama. Basta ang hot niya sa paningin ko. May nginuso ulit si Marco. “That one. Black American, yata iyan. Sure ako, malaki iyan,” maharot na bulong nito sa akin bago siya uminom ng alak na hawak-hawak niya. “Malaki, magaling naman kaya?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin. “ Lahat na lang may puna ka. Saka why you talk na parang may experience kana? Takot ka naman sa talong na gumagalaw,” saad nito at tinirikan ako ng mga mata. “Hindi ako takot. Kahit naman ganito ako, gusto ko pa ring maging virgin bride, ‘no. I can have fun, drink, and go to different parties, but it does not mean that I belong to the streets. If there is one thing that I don’t want to count, it’s the body count,” sagot ko sa kaniya at muling humingi ng panibagong alak sa bartender. Kahit naman palagi akong laman ng iba’t ibang bar hindi ko ugaling makipag-one night stand. I still treasure my purity, siguro nga sa iba wala na iyon pero para sa akin that would be the best gift that I can give to my future husband. Kahit na pasaway ako at matigas ang ulo ko para sa mata ng ama ko, may mga principles din naman ako para sa sarili ko na sinusunod ko. Ngumiti sa akin si Marco. “I will support you with that. I really admire your stands, you are the type of person who does not easily fall for a temptation.” “Hindi kasi ako marupok,” mayabang na sagot ko sa kaniya. Ngumisi ako sa kaniya at itinaas ko ang basong hawak ko. “Cheers for that!” We cheered and looked around again. Nang magsawa kami sa paghahanap ng prospect boyfriend ay sabay kaming nagsayaw ni Marco sa gitna. I raised my hands while sexily swaying my hips. There are a lot of famous personalities here too, may celebrities, anak ng mga negosyante at politiko. Most people here are rich kids, pero kahit gaano pa kaganda ang background nila may mga manyakis pa rin talaga kaya kapag nararamdaman kong may mga kamay na humahawak sa akin ay umiiwas ako. Nang mapagod ako ay bumalik ako sa may counter habang si Marco naman ay may kasayaw na dalawang babae ngayon. Mukha siyang playboy kapag titingnan sa malayuan, pero alam kong walang malisya ang mga kasayaw niya. Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa akin. May lalaking lumapit sa kaniya at bigla siyang inakbayan bago hinila papalapit sa isang table, kaya hinayaan ko na lang. Baka kakilala niya dahil nakita kong nagbatian sila. Nakasandal lang ako sa counter at hindi umupo sa high stool. Habang tahimik akong umiinom ay napatingin ako sa itaas at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Enzo na nasa balcony. Pero nang ibaba ko ang baso ko para sana punatahan siya ay wala na siya sa pwesto niya. Inikot ko ang mga mata ko sa buong lugar, pero hindi ko siya makita. Namamalikmata lang ba ako? Kasama ko siya kaninang umaga sa photoshoot pero ang sabi busy ito kaya maagang umalis kaya anong gagagawin niya dito? Baka nga namali lang ako ng tingin. Ipinilig ko ang ulo ko, bakit palagi ko na lang nakikita ang mukha niya. Muli kong kinuha ang baso kong may alak at napakunot ako nang makita ko si Rex na nakaupo na sa tabi ko. Nakangiti ito sa akin pero mataray na tiningnan ko lang ito. “Hi, babe,” nakangising bati nito pero tinaasan ko lang siya ng kilay at kinuha ang alak ko bago lumayo sa kaniya, Bakit kung nasaan ako nandoon ang pangit na iyon? Sinabi ko na sa kaniyang hindi ako makikipagbalikan sa kaniya matapos kong malamang pinagsasabay pala niya kami at ng isa pang babaeng nagtatrabaho sa bangko. Isa pa hindi ko ugaling pumulot muli ng basurang itinapon ko na. Nilagok ko ng diretso ang alak ko bago ako umakyat sa second floor. Sinubukan kong hanapin si Enzo dahil baka siya talaga ang nakita ko pero bigla akong napasapo sa ulo ko nang makaramdaman kong parang biglang umiikot ang paningin ko. Mabilis na napaupo ako sa isang upuan. Hindi pa ako lasing dahil kukunti pa naman ang naiinom ko kaya bakit biglang parang umiikot ang paligid ko. Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na iminulat ang mga mata ko pero umiikot talaga ang tingin ko. Muli akong tumayo pero muntik na akong matumba. Did someone spike my drinks? “Ops!” Napatingin ako sa sumalo sa akin at nakita ko si Rex na malaki ang ngisi habang hawak ang mga braso ko. “Let’s go. I’ll send you home,” saad nito at inakay ako pababa. Gusto kong tumutol sa kaniya pero parang wala akong lakas. Pinipilit kong huwag makatulog dahil pakiramdam ko may inilagay siya sa alak ko kaya bigla akong nahihilo ngayon. s**t. Saglit ko lang nabitawan ang alak ko may nailagay na kaagad siya. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang hudyong ito. Nakaakbay siya sa akin habang hila-hila niya ako hanggang sa makalabas kaming dalawa pero nang nasa parking na kami ay pinilit ko siyang itulak kahit na parang babagsak ako. Ngunit wala akong lakas kaya hindi man lang siya nakalayo sa akin. “L-let m-me g-go!” kahit na gusto ko nang bumagsak at pinipilit kong tatagan ang sarili ko na huwag bumigay dahil baka kung saan niya ako dalahin. Wala akong tiwala sa tukmol na ito. “Come on, Karen. You are already drunk.” Hindi ako lasing. Muli niya akong hinawakan sa braso pero biglang may humaklit sa akin at napayakap ako sa isang katawan. Napangiti ako nang maamoy ko ang amoy nito. Ang bango. “She said to let her go. Why are you forcing her?” saad ng isang baritonong boses. “She’s my girlfriend. Sino ka ba at nakikialam ka?” narinig kong galit nang tanong ni Rex. Napahawak sa beywang ko ang lalaking tumulong sa akin dahil muntik na akong bumagsak. Mahigpit ang hawak niya sa beywang ko para alalayan akong tumayo. “Is he your boyfriend?” he asked. He sounds dangerous, but it’s soothing for me. Umiling ako. “She said no. It means you are no different with those maniacs who take advantage of drunk women. Leave before I break your bones,” pagbabanta nito kay Rex kaya napangiti ako. He sounds cool. Nang maramdaman kong umalis na si Rex ay humiwalay ako sa lalaki kahit na gusto ko ang amoy niya. Parang ang expensive ng amoy niya ang sarap singhot-singhutin. Kung hindi ako nagkakamali Dolce and Gabanna The One Eau de Parfum ang naamoy ko. Napasandal ako sa kotseng nasa likod ko upang kumuha ng lakas at tiningnan kung sino ang tumulong sa akin. Napanganga ako nang makita ko kung sino ito. “E-enzo?” Kumurap-kurap ako dahil baka namamalikmata na naman ako. “I thought you said you would not drink again?” salubong ang kilay na saad nito. Napangiti ako sabang nakatingala. Ang gwapo talaga niya kapag mukha siyang galit. Iyong nakausap ko kanina pangit, pangit ng ugali. Sinabi ko nga iyon noong huling beses na nalasing ako at nasukahan ko siya na hindi na ako titikim ng alak pero hindi pa naman ako lasing parang antok na antok lang ako at gustong pumikit ng mga mata ko. Naalala niya iyon pero hindi niya naalala na nag-kiss na kami before. Napasimangot ako ng maalala ko ang ginawa niyang pagtanggi sa akin kaninang umaga. Muli akong napatingin sa kaniya lalo na sa labi niya. Napalunok ako. Muli akong tumayo ng tuwid kahit na gumegewang ako at hinila ko ang kwelyo niya. Ngumiti ako sa kaniya. He is more handsome tonight. Salubong ang mga kilay niya, and it made him look cute. I giggled. “Let me remind you something too,” saad ko at mabilis na hinalikan siya sa labi niya. Sana sapat na ang halik ko ngayon para maalala niya ang sinasabi niyang hindi niya maalala. Sabi ko naman, ide-demonstrate ko sa kaniya kung ano ang nakalimutan niya oras na magkita kami. It was supposed to be a peck kiss, but he pulled my nape to kiss me back. Naglambitin ako sa kaniya habang hinila pa sya lalo para mapalapit sa akin habang patuloy kaming naghahalikan. I really love the taste of his lips. May nalalasahan akong alak mula sa labi niya, pero mas nagpasarap pa iyon para sa akin. Siguraduhin lang niya na hindi niya ito makakalimutan bukas. I gasped when he held my waist and pulled me closer to him to deepen the kiss. Parang bigla akong nalunod sa halik niya. He opened the backseat and pulled me there. Mabilis na pumasok kaming dalawa sa loob ng kotse, and I straddle on his lap. Naging mas mapangahas ang naging halikan naming dalawa. I know that I am making out with him now, but I don’t care. Sa halik pa lang niya ay parang nawawala na ako sa tamang katinuan. Ang isang kamay niya ay nasa batok ko at ang isa naman ay nakahawak sa likuran ko. Ito ang unang beses na tila nalalasing ako sa halik pa lang ng isang lalaki na umaabot sa puntong wala akong pakialam kung ano ang kahihinatnan ng gagawin ko. I want Enzo. Alam kong attracted ako sa kaniya, pero may part sa akin na parang gusto ko siyang angkinin at maging akin. This man will be mine. I will make sure of that. I moaned when he bit my lower lip and kissed me deeper again. He kissed me with his tongue, and I did not expect him to kiss me with hunger. We are kissing like there is no tomorrow, like we don’t want to let go of each other lips. He keeps on kissing me, but I felt like my eyes want to shut. I tried to open my eyes, but I am really sleepy. His kisses went down on my neck, but my head fell on his shoulder. Tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD