Chapter 9

1914 Words
KAREN Malakas na tunog ng cellphone ko ang gumising sa akin. Nagmamadaling kinapa ako ang bedside table ko at nanatiling nakapikit nang sagutin ko ang tawag. “Hello?” inaantok na sagot ko. “We are you? Go home now!” galit na galit na saad ni Dad. Kulang na lang ay sumigaw ito mula sa kabilang linya. “I am inside my room,” antok pa ring sagot ko kay Dad. Nanatili akong nakapikit. “I will not tell you to go home if you are inside your room, Karen,” mahinahong saad na ng ama ko pero hindi maitatago ang galit sa boses nito. Wala raw ako sa kwarto ko? Agad akong napamulat. Napabalikwas ako ng bangon pero agad akong napahawak sa ulo ko dahil sumakit iyon. Marahan kong pinukpok ang magkabilang side ng ulo ko gamit ang pulso ko upang mawala ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid ko at hindi napakunot ang noo ko nang makita kong wala nga ako sa kwarto ko. Nasa isang hotel room ako. Agad na tiningnan ko ang suot ko at nakahinga ako nang makita kong nakadamit pa rin ako. Natulala ako para isipin ang nangyari kagabi. Bigla akong napahawak sa labi ko at napatili ako nang maalala ko ang lahat. We kissed again. Naisubsob ko ang mukha ko sa kumot dahil sa isipang iyon. Napangiti ako malaki at tila biglang nawala ang sakit ng ulo ko. Sa tingin may inilagay si Rex sa alak ko kaya bigla akong nahilo at antok na antok kahit na hindi naman ako lasing, sinubukan niya akong iuwi pero dumating si Enzo. “Nakipag-momol ako sa kaniya,” hindi makapaniwalang saad ko. Unti-unti akong napangiti sa isipang iyon. Dati naman nakipaghalikan na ako pero hindi naman ganoon na parang pati kaluluwa ko ay gusto ko nang ibigay sa kaniya. Mga light kiss lang dati ang naranasan ko, pero siya. Parang lamon ang ginawa niya sa akin. Napatili akong muli. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa isipang nakipaghalikan ako sa crush ko. Hindi na niya maitatangi sa akin kapag nagkita kami na hindi niya alam ang sinasabi ko. Grabe, ginawa ko talaga iyon? Napasimangot ako bigla nang maalala kong nakatulog ako habang naghahalikan kami. Hindi ko mapigilang maasar kay Rex. Kasalan niya kaya naudlot ang lahat, kung hindi niya nilagyan ng gamot ang alak ko, hindi sana ako makakatulog. Sayang. Siya lang naman ang lumapit sa akin, kaya malaki ang hinala kong nilagyan talaga niya ng gamot ang alak ko. Gago pa naman iyon kaya nga wala akong tiwala sa kaniya. Mabuti na lang dumating si Enzo kaya hindi ako nadala ni Rex kung saan man niya ako balak dalahin. Agad na akong bumaba sa kama. May hinala akong si Enzo ang nagdala sa akin dito. Kailangan ko nang umuwi dahil mukhang galit na naman ang ama ko. Pagdating ko ng bahay ay agad na bumaba ako sa taxi na sinasakyan ko at pumasok sa loob pero ang galit na galit na anyo ng ama ko ang agad na bumungad sa akin kaya nagtatakang napatingin ako sa kaniya. “Sa wakas umuwi ka na,” saad ni Rachel na nakatingin sa akin. “What’s wrong?” nagtatakang tanong ko sa kanila. Bakit kung makatingin sa akin si Dad ay parang gusto niya akong tirisin ng buhay? Kitang-kita sa mga mata niya na galit siya dahil sa talim ng tingin niya sa akin. “Where have you been? Where did you sleep? And who are you with?” sunod-sunod na tanong ni Dad sa akin kaya napakunot ang noo ko. “I slept in a hotel. Why?” Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating ng hotel. Basta nagising na lang ako kanina na nasa hotel na ako. “You are on the front page again,” saad ni April at inabot niya sa akin ang tabloid na hawak niya. “Oh,” hindi ko mapigilang sabihin habang binabasa ang laman ng dyaryong hawak ko. ‘Karen Angeles was caught making out inside the car. Senator Angeles’s daughter is getting wilder.‘ Iyon ang nakalagay na caption. Naka bold iyon at malaki ang font size kaya kitang-kita. May larawan ko na katalikod habang nasa loob ng kotse at may kahalikan ako. Kitang-kitang nakakandong ako sa lalaki at sigurado akong kagabi ito nakunan. Hindi kita ang mukha ni Enzo dahil natatakpan ko siya tanging kamay lang niya na nakahawak sa likod at batok ko ang kita sa larawan. “What’s wrong with this?” tanong ko sa kaniya at itinaas ko ang hawak ko. “What’s wrong with you,” balik tanong ni Dad. Kulang na lang ay lumabas ang mga litid niya sa leeg habang galit na nakatingin sa akin. “Did you sleep with that man?” “Sadly no,” sagot ko dahilan para mas lalong umigting ang mga panga ng ama ko. Tila mas nagalit ito sa naging sagot ko sa kaniya. “I let you do what you want, but I will not let you jump to every man’s lap,” galit na saad ni Dad kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang masaktan sa sinabi niya. Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Babaeng pariwara? Sawsawan ng bayan? I know I have a bad reputation, pero instead of asking me about what is true, mas nauuna palagi ang judgment niya. Lagi silang naniniwala sa kung ano ang sinasabi ng basurang dyaryo na iyon. “I am not a w***e,” saad ko habang diretsang nakatingin sa ama ko. “Not yet,” sabat ni Rachel. “Pero sa ginagawa mo, you are going to be. Hindi ka na nahihiya. Sa parking lot talaga? You knew that you have name in the industry you are in and because you are a daughter of a senator. Hindi mo ba talaga kayang mag-ingat?” sermon nito sa akin. “Shut up!” pasigaw na sagot ko rito. “Stop acting na para bang concern ka sa akin. We both know na wala ka namang pakialam kahit na anong mangyari sa akin.” Umirap ito sa akin pero hindi ko siya pinansin. Palagi siyang nakikialam para lang mas gatungan ang galit ni Dad sa akin. “Karen, hindi kami galit sa iyo,” mahinahong saad naman ni April. Binigyan pa niya ako ng isang ngiti na mas ikinaasar ko. “Sana lang kung gagawa ka ng mga ganoong bagay, sa walang makakakita sa iyo. Isa pa, last week lang nabalita kang may kahalikang lalaki sa Singapore and now, meron na naman at mas malala pa. Ano na lang ang iisipin ng mga tao?” “Do I really have to live in what people are going to say?” tanong ko sa kaniya. Masyado silang takot mabahiran ng kahit anong ikakasira nila ang pangalan nila. “Kahit sabihin mo iyan. We still have a name we need to protect. Sana maintindihan mo iyon,” saad ni April na tila pilit ipinapaunawa sa akin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. “Napapagod na akong sawayin ka. Siguro nga panahon na para tumino ka,” biglang saad ni Dad at naupo ito. Nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya. “What do you mean? Ipapadala mo ako sa America?” Iyon naman lagi ang sinasabi niya. Ipapadala ako sa America. “No. You need to have your own family and be a mother so that you can understand how to be a parent and for you to stop being irresponsible,” matigas na saad ng ama ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko habang hindi makapaniwalang napatingin sa aking ama. “My own family?” ulit ko. Biglang nag-init ang mga gilid ng mata ko. Parang itinataboy niya ako pero hindi niya iyon diretsang sinabi sa akin. Hindi ko ba siya pamilya para gumawa ako ng sarili kong pamilya? Dahil ba hindi na ako belong sa pamilyang meron siya? Ganoon ba iyon? Mula nang dumating ang mag-inang iyan sa pamamahay namin, mas natuon na ang atensyon niya kay April. Sakit sa ulo na lang ang naging tingin niya sa akin, tuluyan na ba siyang nagsawa sa akin ngayon? Muling tumayo ang ama ko. “Yes. You need to get married. It’s time to change your lifestyle.” “NO!” Kulang na lang ay magwala ako dahil sa narinig ko. Hindi ako papayag naipakasal niya ako. Matalim na tumingin sa akin si Dad. “I already decided to marry you with my friend’s son,” matigas na saad ni Papa. “Para matigil na ang mga ginagawa mo.” “You are impossible,” saad ko sa kaniya na kulang na lang ay walang boses na lumabas sa bibig ko. Naikuyom ko ang kamao ko at nagpupuyos ang damdamin ko habang masama ang tingin sa kaniya na hindi naman natinag sa kinauupuan niya. “This is the solution, I think ----“ “No,” matigas na tanggi ko. “Hindi ako magpapakasal kahit na kanino. Hindi mo ako mapipilit.” Wala na akong pakialam kung matigas ang ulo ko ngayon at hindi susunod sa gusto niya. Sa tingin ba talaga niya solusyon ang ipakasal ako? “You have no choice.” “I have a choice.” “AND WHAT IS IT? BEING THE DISGRACE IN THIS FAMILY?” malakas ang boses ni Dad at napatayo na itong muli sa pagkakaupo nito. Disgrace? Iyon naman ang tingin niya palagi sa akin. Sa mata niya wala akong ginawang tama. Ayaw na ayaw niyang nakakaladkad ang pangalan niya sa mga ginagawa ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit tuwing may issue tungkol sa akin kailangang nababanggit kung sino ang ama ko. Pero sa sinasabi ni Dad na magpapakasal ako, he is not just trying to clean his name, but also he wants to throw me out. Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Ang bilis naman niya ako ng sukuan. “I am tired of seeing your face more often than me in those newspapers. People are already calling you names, aren’t you aware of that? Everyone knows that you are the black sheep in the family if you don't want get married, can you promise me that you will be good from now on?” tanong sa akin ni Dad na para bang hinamon niya akong magtino na ako. “I am always good, dad. You just chose to see the bad in me,” malungkot na saad ko habang nakatingin sa kaniya. Tumakbo ako sa kwarto ko at hindi ko mapigilang itapon ang bag na hawak ko. Naiiyak na napaupo ako sa gilid ng kama ko. Ipapakasal niya ako para tumino ako? Matino naman ako, oo, hindi ako kasing tino ni April na lahat ng gusto niya sinusunod ko, pero ang ipakasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto? Sa gagawin niya mas papatunayan ko sa kaniya kung gaano katigas ang ulo ko. Hinding-hindi ako papakasal sa lalaking hindi ko gusto. Hindi naman kami chinese para i-arrange marriage niya ako. Lalong hindi ako papayag na magpakasal dahil lang gusto ng ama ko. Matigas na kung matigas ang ulo ko, wala akong pakialam kahit mas magalit pa siya. I am not a robot. I harshly combed my hair using my fingers and looked at my mother’s picture on the wall. I am sure things are different if she’s still alive. Hindi ako magpapakasal at kung magpapakasal man ako. Ako ang pipili ng lalaking papakasalan ko, hindi ang ama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD