Chapter 3

1623 Words
KAREN Napapikit ako nang muli akong mapainom ng isang shot bago ako pumunta sa gitna at nakipagsayaw sa mga naroon. Maharot akong gumiling sa gitna habang napapalibutan ako ng mga tao. Nakita ko si Kira na nagche-cheer sa akin kaya nginitian ko siya bago mas giniling pa ang katawan ko. I keep on dancing, pinagpapawisan na ako pero wala akong pakialam. Sumusunod lang ang katawan ko sa tugtog may naramdaman akong brasong bumulupot sa beywang ko pero agad ko iyong kinalas. "Back off!" sigaw ko sa lalaki at lumayo sa kaniya. Alam kong lasing na ako pero hindi ko ugaling makipaglandian na lang kahit na kanina. Muli akong sumayaw hanggang sa makaramdam ako ng pagod at magtungo ako sa may counter para humingi ng bagong alak sa bartender. "Getting wasted again?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Rex. “You don’t care!” mataray na sagot ko at lumayo ako sa kaniya. He is my ex-boyfriend, I dumped him after I caught him kissing another girl, but he is still chasing me. Sorry for him. Hindi ko ugaling dumampot muli ng basurang itinapon ko na. Hindi ko siya pinansin at muli akong uminom. Hindi ko na makita kung nasaan si Kira gayong magkasama lang kami kanina sa dance floor. Nakita ko naman ang birthday boy na mag kalandian ng lalaki sa dulo. May napansin akong isang kumukuha ng larawan dito nang akmang hahalikan na nito ang lalaki kaya mabilis akong lumapit at humawak sa braso niya. "Let me borrow him," saad ko sa kalandian niya na nagulat pa sa biglaang pagsulpot ko. Tumango naman ang kausap nito kaya hinila si Marco palayo dito. "What's wrong with you?" inis na tanong nito. "Malapit na, e. Umeksena ka pang bruha ka." Pasalamat nga siya iniligtas ko pa siya. Anong gusto niya? Nakabalandra bukas ang mukha niya sa dyaryo at online news? Gusto ba niyang mabulbog ng papa niya? "Careful, There are cameras," mahinang saad ko at pasimpleng tumingin sa isang babaeng nakaupo sa may hindi kalayuan. "Hanggang dito ba naman? Siguro ikaw ang habol niya. Anak ng Senate President, gumiling sa gitna ng mga liong nag-aabang sa kaniya," saad nito pero hindi ko siya pinansin. “Gusto mo bang ikaw ang gilingan ko? Pa-birthday ko sa iyo?” pang-aasar ko sa kaniya at kinindatan siya. “Manahimik ka, nakakadiri ka!” saad nito at umakto pang kinikilabutan sa sinabi ko. Natawa naman ako sa sinabi niya. Muli akong sumenyas ng alak sa bartender. Ilang sunod sunod na inom ang ginawa ko. "You are drunk, stop na," saway sa akin ni Marco at inagaw na niya ang iinumin ko. "No! Isa na lang," pakiusap ko sa kaniya at itinaas ang hintuturo ko. I shake my head because my sight is starting to get blurry. Suminghot ako at napasinok. May ibinigay ito sa aking card. "Just go to my hotel room and rest there for a while before you go home or better sleep there," utos nito sa akin. Kinuha ko naman ang card na ipinatong niya sa ibabaw ng counter bago ngumiti sa kaniya. "Thanks," nakangiting saad ko sa kaniya. "Don't get caught," paalala ko pa sa kaniya. Sumisiring na humakbang ako pero hinabol pa ako nito para sabit sa leeg ko ang small clutch purse ko. "Careful," saad nito sa akin. Itinaas ko naman ang kamay ko sa kaniya bago muling humakbang pero hindi pa ako nakakalabas nang may humarang sa akin. "Where are you going?" Napatingin ako at nakita ko si Kira. Ipinakita ko sa kaniya ang card na hawak ko bago ko inagaw ang alak na hawak niya at ininom ko iyon. Inagaw niya sa akin ang alak. "Enough, Karen, you are already drunk." Pinunasan pa nito ang pisngi ko na nabasa dahil sa pag-agaw niya sa akin sa kopita. "Go, matulog kana." "You'll not go with me?" "I'll go with someone tonight," malanding saad nito at sabay kaming napahagikhik. We both love to party, pero mas liberated siya sa akin. Hanggang kiss lang ako, tapos mapili pa ako samantalang siya ang hilig niyang makipag all the way. "Okay, fine. You flirt!" saad ko bago tuluyang humakbang palabas ng bar. Pakiramdam ko lumalabo na ang mga mata ko at ilang beses na akong muntik matumba. Mabilis na pumasok ako sa elevator at mabuti na lang walang ibang sakay kundi ako kaya naupo ako dahil pakiramdam ko ay lalabas lahat ng laman ng sikmura ko. Napahawak ako sa bibig ko upang pigilin ang sarili kong masuka. Nang bumukas ang elevator ay agad na lumabas ako pero bumangga ako sa isang matigas na akala ko ay pader. Napatingin ako kung sino ang nakaharang at bigla akong natigilan at napanganga nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko. Ipinilig ko pa ang ulo ko dahil baka lasing lang ako kaya nagkakamali ako ng tingin. "E-Enzo?" Tama ba ang nakikita ko? "It's you, right?" So it's really him that I saw kanina. Agad na dumamba ako ng yakap sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit pero hindi ko na napigilan ang pagsukang kanina ko pa pinipigilan at napasuka na ako sa dibdib niya. "s**t!" narinig kong saad nito. Nakita ko ang suka ko sa damit niya kaya pinahid pahid ko iyon para mawala. Nakakahiya. "S-sorry," sinisinok na saad ko pero mukhang kumalat pa yata ang suka ko dahil sinubukan kong pahirin iyon mula sa damit niya. Muli akong napahawak sa bibig ko nang pakiramdam ko ay masusuka na naman ako pero napahawak ako sa kaniya nang bigla niya akong buhatin. "Hey! Put me down!" kumakawag-kawag ang paa ko pero nakakapit naman ako sa kaniya dahil takot akong malaglag. Pumasok kami sa isang kwarto at dinala niya ako diretso sa bathroom mabilis na sinubsob ko ang mukha ko sa bunganga ng bowl at doon ako sumuka nang sumuka. Nanghihina na ako sa kasusuka ko. "Next time don't drink too much," napalingon ako sa baritonong boses. Nakita ko ang salubong na kilay nito habang at wala na itong damit pang-itaas. Napangiti ako. He is hot. Siguro hinubad niya ang shirt niya dahil nasukahan ko. Hindi ko naman sinasadya. "So-sorry! Promise!" Itinaas ko ang kanang kamay ko. " I will not t-taste a-alcohol again!" lasing na pangako ko sa kaniya. Ilang beses ko nang sinabi ang linyang iyon pero hindi ko naman napapanindigan. Muli akong nasuka pero hindi sa bowl napunta ang suka ko kundi nasalo nang dress na suot ko. "Damn it!" Napatingin ako nang magmura siya at nakita kong tila inis na nakatingin ito sa akin habang kinakamot ang kilay. "Why are you a-angry!" sigaw ko dito at tinuro ito. "You are wasted," saad nito. Mariin akong umiling sa kaniya at tumayo. HUhubarin ko na sana ang dress ko pero pinigilan nito ang kamay ko. "What are you doing?" "I throw up on my dress. It's ew now, so I need to remove it," paliwanag ko at tuluyan nang hinubad ang suot ko. I am just wearing a n****e tape but underwear. I was about to face him when suddenly he covered me in a robe. "Cover your body. You should not just strip off your clothes in front of anyone," saad nito at hinigpitan ang pagkakabuhol ng robang sinuot niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya. "You are not anyone," nakangiting saad ko. "W-we already s-shared a k-kiss in Singapore, don't you re-remember?" malanding tanong ko sa kaniya at hinawakan ang balikat niya at pinagapang ko ang kamay ko pababa sa maskulado niyang dibdib. "I don't know what you are talking about." Inalis nito ang kamay kong nasa dibdib niya Sumimangot ako sa kaniya. "You... you a-are Enzo, t-the actor," lasing na saad ko habang nakaturo sa kaniya. "I am not an actor." Huh? But Marco said he is a fan of him. "You don't s-show on TV?" nakakiling ang ulong tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa katawan niya. I smiled when I saw his biceps and abs. Yummy! "No." "You're not Enzo?" Napasinok akong muli. Agad nitong hinawakan ang kamay ko at pinaharap ako sa sink. "Stop asking. Gargle," utos nito sa akin at binigyan ako ng tubig. Minumog ko naman iyon kahit parang gusto nang pumikit ng mga mata ko. Mahigpit din akong nakahawak sa isang braso niya dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko. Pinunasan niya ang bibig ko nang matapos ako. "T-thanks." Muli niya akong binuhat pero sa pagkakataong ito ay sa mga hita niya ako yakap kaya napahawak ako sa mga balikat niya dahil parang sako ng bigas ang pagkakabuhat niya sa akin. Ibinagsak niya ako sa kama. "Sleep now," utos nito. Itinaas ko ang mga kamay ko. "Let's sleep together," yaya ko sa kaniya pero tinabig nito ang kamay ko. "Just sleep, brat." "E-nzo... t-thank you...." mahinang saad ko bago ako nakatulog. Hindi pa ako nakakatulog nang tuluyan nang makaramdaman kong naiihi ako kaya kahit tinatamad ako at parang gumagapang na ako papunta sa banyo ay nagpilit akong humakbang. Hindi naman pwedeng mag-ihi ako sa salawal ko. Napakunot ang noo ko nang may marinig akong lagaslas ng tubig pero hindi ko iyon pinansin. Pumasok ako sa bathroom at naupo sa bowl habang nakapikit nang muli kong maramdaman ang lagaslas ng tubig. Napatingin ako sa direksyon noon at napangiti ako nang may makita akong hubad na katawan ng isang lalaki na nasa tapat ng shower. Glass lang ang wall noon kaya kita ko ang nasa loob pero hindi ko makita ng malinaw. Kahit tapos na akong umihi at inaantok na ako ay nanatili ako sa pagkakaupo sa toilet bowl habang nakahalumbaba at nakangiting pinanood ko ang lalaking nasa loob ng shower room. Adonis ba iyon? Ang ganda ng katawan. Hindi ko na namalayang nakatulog ako sa pagkakaupo ko sa toilet bowl habang nanunood sa nakahubad na naliligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD