Nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko ay agad na bumukas iyon. "Ma'am nasa baba po si Sir Enzo, sinusundo raw po kayo," wika ni Aileen "Sige baba na ako," nakangiting sagot ko sa kaniya at agad na kinuha ang purse ko bago bumaba. Naabutan ko si Enzo na salubong ang kilay at nakasimangot habang naghihintay sa sala kaya napakunot ako ang noo ko. Tumingin ito sa akin. Sa pagtaas pa lang ng kilay niya nang makita ako ay alam kong hindi siya ang Enzo na pakakasalan ko. "Let's go," saad nito. "Baks?" Tawag ko sa kaniya, short for bakla He just rolled his eyes and continue to walk. Damn, why him? "Bakit ikaw?" naguguluhang saad ko nang makasakay na ako sa kotse niya. "Iyon din ang gusto kong itanong. Bakit ikaw?" "Bakit hindi? I proposed to you, remember?" "I did not agree." "But