Chapter 10

1925 Words
KAREN Nasa swimming pool ako ngayon at naglalangoy. Medyo na-stress ako sa sinabi ni Dad. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya o tinatakot lang niya ako gaya ng dati. Ilang beses akong napabalik-balik sa paglangoy bago ako umahon sa tubig. Pero nakaabang na si Rachel sa may gilid nang tuluyan akong makaahon sa tubig. Kailan kaya ako tatantanan ng babaeng ito? Ang role yata niya sa buhay maliban sa maging sipsip sa ama ko ay ang sirain ang araw ko. Isa siya sa palaging masaya kapag pinapagalitan ako ng ama ko, kaya kahit anong sabihin niya sa akin, hinding-hindi ako makikinig sa kaniya. Para siyang stepmother ni Cinderella, pero hindi naman ako si Cinderella, kaya hindi niya ako maapi. "I am excited to see you in your wedding dress." May mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Rachel habang sinasabi iyon sa akin. Tumingin ako sa kaniya. Kung seryoso man ang ama ko sa sinabi nito na ipapakasal niya ako sa anak ng kaibigan niya. Hinding-hindi iyon mangyayari. Hindi ako gaya ng iba na basta na lang madidiktahan kahit na nang sarili kong magulang. Handa naman akong makinig kay dad kung alam kong para iyon sa kabutihan ko pero kung pati pag-aasawa ko ay siya ang masusunod, ibang usapan na iyon. "Don't be." Kinuha ko ang towel at inilatag sa upuan bago ako naupo. "Kapag kinasal ako sisiguraduhin kong hindi ka invited." Hindi ako mag-iimbita ng taong hindi ko naman gusto sa kasal ko. It's my wedding, people important to me should be there, and she is not included. Nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Dahil sa katigasan ng ulo mo, ipapakasal ka na ng ama mo," parang nanakot na saad pa nito. Hindi ko siya pinansin at kinuha ko ang juice na nasa table sa tabi ko at uminom. "Alam mo. My dad can't force me. Kung magpapakasal man ako, iyon ay dahil gusto ko, hindi dahil gusto ni Dad. And you don't be excited dahil kahit ikinasal na ako, hindi mo pa rin mabubura sa pamilyang ito. I am always the first and legal daughter. I belong to this house since I was born, hindi gaya ng anak mo. Ipinagsiksikan mo rito para lang magkaroon ng karapatan," maanghang na sagot ko sa kaniya. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa asar sa akin pero mas mapang-asar na nginitian ko pa siya. Sinabi ko naman na sa kaniya dati pa, kung kamalditahan lang ang usapan. Hindi ko siya uurungan. Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagbihis. Wala naman akong lakad today kaya nagpasya akong dalawin ang isang lugar na malapit sa puso ko. Dumaan muna ako sa isang malaking grocery store para mamili ng mga gamit at pagkain. Bumili din ako ng limang malalaking pizza bago ako dumiretso sa lugar na pupuntahan ko. Tumigil ako sa tapat ng isang gate na may arko. Napangiti ako nang mabasa ko ang nakasulat doon. Ipinasok ko ang kotse sa bukas na gate bago ako huminto. Nakita ko ang gulat na mukha ni Jeric nang makita ako. Agad na pinatay nito ang hawak na hose sa pagdidilig at binitiwan iyon. Mabilis siyang lumapit sa akin. "Karen?" "I miss you!" malaking ngiting saad ko at niyakap ang kaibigan ko. "Bakit hindi ka nagpasabi na darating ka pala?" tanong nito sa akin. "I want to surprise you guy," sagot ko at pinindot ang key na hawak ko para bumukas ang likuran ng kotse ko. "May dala akong mga pasalubong." Lumapit siya sa akin para tulungan akong magbaba ng mga dala ko. "Mabuti naman at nadalaw ka ulit dito. Alam kong busy ka kaya hindi ka nakakapunta minsan dito," nakangiting saad sa akin ni Jeric. "Oo kaya pasensya kana kung ngayon lang ako nakapunta ulit dito," nakangiting saad ko sa kaniya. Ibinaba namin ang mga dala kong pasalubong para sa mga bata. Palagi talaga akong bumibisita dito lalo na noong bata pa ako dahil ito ang foundation na pinakamalapit sa puso ng ina ko. Mahilig si mama sa mga bata kaya dati tuwing weekends o kaya birthday ko dito kami naghahanda kasi iyon ang hiling ko kay mama. Madami kasi akong nagiging kalaro dati rito, minsan nga iniisip ko nasaan na kaya sila? Iyong iba kilala ko pa pero may ilang umalis at namumuhay na ng kanila. Merong nagkaroon na ng pamilya at meron namang tinutupad ang mga pangarap nilang akala nila ay wala ng pag-asa pa. Isa si Jeric sa mga nakilala ko dito sa bahay ampunan. Dito siya lumaki at hindi na siya umalis, bagkos ay tumulong siya para alagaan ang mga bagong bata na kinakalinga ng Precious Children Foundation. Napangiti ako nang sumalubong sa akin ang mga nakangiting mukha ng mga bata. Mukhang kagagaling lang ng mga ito sa paglalaro dahil medyo pawisan pa sila. Kasunod nila si Sister Gina at Sister Marie na napangiti at agad akong binati nang makita nila ako. Sila ang namumuno sa foundation. "Ate Karen!" masayang sigaw mga bata at agad na nagsilapitan sila sa akin. "Hello? Kumusta kayo?" nakangiting tanong ko sa kanila. "Okay lang po," sabay-sabay na sagot nila. "Naging mabait ba kayo?" "Opo!" muli ay sagot nila at may mga tumango pa. "Dahil diyan may pasalubong ako sa inyo," masayang saad ko at lalo akong napangiti nang makita ko ang saya at excitement sa mga mata nila. Inilabas ko ang isang kahon ng pizza na binili ko. Napatalon sa tuwa ang mga bata nang makita kung ano ang hawak ko. Hindi ko mapigilang matuwa habang nakatingin ako sa mga inosente nilang mukha. Tinulungan ako ni Jeric na dalahin sa loob ang mga dala ko at pakainin ang mga bata. Isa sa mga ginagawa ako na hindi alam ng ama ko ay tulungan ang foundation na ito. May sariling foundation naman ang ama ko pero naka-pokus iyon sa mga ina na inabuso at gustong magkaroon ng trabaho kaya tinuturuan nila kung paano magsimulang muli ang mga ito. Iyon foundation na pinamamahalaan ni April. "Salamat sa iyo, kahit matagal ng wala ang ina mo, hindi ka pa rin nakakalimot," nakangiting saad ni Sister Gina habang pinapanood namin ang mga batang masasayang kumakain ngayon. "Masaya po akong makatulong sa inyo. Isa pa, gusto ko lang ipagpatuloy ang nasimulan ng ina ko," magalang na sagot ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin. "Mabuti na lang marami pang gaya ninyo ang mabuti ang puso. Noong nakaraang linggo lang may anonymous donor kaming natanggap. Masyadong malaking halaga ang ibinigay nito. Kaya mas mapapaayos na namin ang foundation at mas maraming bata pa ang makakalinga namin." Napatingin ako sa sinabi ni Sister. Anonymous donor? Normal na iyon, lalo na kapag may kaya na bukal talaga sa loob tumulong. Meron kasing iba na tumutulong pero gusto nilang ipangalandakan sa madla ang nagawa nila, meron namang lihim lang ang ginagawang pagtulong. Pero kahit ano pa man ang gusto nila, para sa akin hangga't nakakatulong sila sa foundation wala akong problema. Nakipaglaro ako sa mga batang naroroon. Mas masaya talaga kapag napapalibutan ka ng mga inosenteng nilalang. Parang ang gaan ng mundo at nakakalimutan ko ang bigat na meron sa tunay na mundo ko. Kaya kapag medyo stress na ako, dito ako pumupunta. Mas masarap huminga dito kasama ng mga inosenteng angel na inabandona ng kanilang mga magulang. Naupo ako sa isang bench habang pinapanood ang mga bata na naglalaro ng bola. Napangiti ako ng may maalala ako. Noong bata pa ako dahil madalas kami dito ng mga magulang ko may nakilala ako noon ditong bata. Sabi nila, nasagip lang nila ito. Nawalan daw ito ng malay sa harap ng gate habang sugatan ito. Kinupkop ng bahay ampunan pero dahil may trauma raw ito ay hindi ito nakikisalamuha sa iba. Hindi ito nagsasalita at nakikipag-usap sa ibang bata. Madalas na tahimik lang ito at nakaupo sa kinauupuan ko ngayon habang pinapanood niya ang iba. One time sinubukan ko siyang kausapin pero napagod na ang bibig ko sa kakasalita ay hindi man lang ako kinausap pabalik. Hindi talaga ito nagsalita kaya sa asar ko ay binatukan ko ito pero nang tumingin siya sa akin ng masama ay ako pa ang umiyak. Hindi ko mapigilang matawa ng maalala ko iyon. Tuwing pupunta kami dito ay siya palagi ang hinahanap ko. Palagi ko itong kinukulit noon. Malinaw pa rin sa alaala ko ang mga ginawa ko para kausapin niya ako. "What's your name?" Tiningnan lang ako nito pero hindi ito nagsalita kaya napasimangot ako. "Why you don't want to talk to me ba?" naiinis na tanong ko dito. "You are a stranger." "Then let us be friends!" Tumingin lang ito sa akin pero parang ayaw nitong maniwala sa sinasabi ko. "I don't want to be your friends." "Why?" Nagkibit balikat lang ito kaya napahawak ako sa baba ko habang nakatingin dito. "How old are you?" tanong ko dito. I was just seven, and he looks older than me." "Ten." Ngumiti ako sa sinabi niya. Kumurap-kurap ako habang malaki ang ngiti ko sa kaniya kaya kumunot ang noo niya. "You don't want to be my friends, how about my husband?" Lalong nagsalubong ang mga kilay niya na kulang na lang ay magdikit dahil sa sinabi ko. "No." Bigla akong naiyak sa sinabi nito kaya nilapitan ako ng mommy ko. "What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin. "He does not want to be my husband, Mommy," pagsusumbong ko. Natawa ang mga nakarinig sa sinabi ko. Sinaway naman ako ni Mommy. “Karen, you are too young for that. It’s not for kids,” saad ng ina ko. “I said in the future, mommy. But he does not want to,” umiiyak na saad ko sa ina ko. "Husband? Hindi ba asawa ang ibig sabihin noon?" saad naman ng isang batang lalaki. Payat ito at may bungi pa sa unahang ngipin. Itinaas nito ang kamay. "Ako, gusto kong maging husband mo!" pagbo-boluntaryo nito. Lalo akong naiyak. Ayoko sa kaniya. Kulang ang ngipin niya. Tuwing maalala ko ang araw na iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti. Palagi ko siyang hinahanap kapag nagpupunta kami ni Mommy dito kaso may isang batang pang bata na nagboboluntaryo tuwing tatanggihan niya ako. Ilang beses kong kinulit noon ang masungit na batang nakilala ko at lagi namang sumisingit ang bunging batang na kasama niya dito sa ampunan. Hanggang sa sumunod na pagdalaw namin ay excited na excited pa ako noon dahil noong last na punta namin dito ni Mommy ay kinausap na niya ako ngunit hindi ko na pala siya maaabutan dito sa foundation, wala na siya. Nahanap na raw ito ng tunay na mga magulang nito, ang sabi ay nakidnap lang ito at nakatakas pero hindi agad nahanap. Akala nga nila ay patay na ito, mabuti na lang at ang bahay ampunan ang nakakuha rito. Mula noon ay hindi ko na siya nakita. Wala na ring balita maging ang ampunan tungkol sa kaniya. Ang alam ko lang nagbigay ng malaking halaga ang ama niya bilang tulong sa pagkakaligtas ng anak nito, kaya ibig sabihin nanggaling siya sa may kayang pamilya. Alam ko kung nasaan ang batang bungi, gwapo na siya ngayon at maraming mga babae na ang nagkakandarapa sa kaniya pero iyong batang masungit na palagi kong kinukulit na maging husband ko, wala akong alam sa kaniya. Naalala ko pa rin ang huling bagay na sinabi niya sa akin bago siya mahanap ng mga magulang niya. Siguro hindi na mangyayari iyon pero kung nasaan man siya ngayon sana masaya siya. Napatingin ako sa langit. Kung sakaling magkita kaya kaming muli, makikilala pa kaya niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD