KAREN “Come here. I will not eat you. Not now,” muling saad ni Enzo sa akin pero mariin akong umiling sa kaniya. "Hindi ba pwedeng dito na lang ako?" tanong ko sa kaniya. Kailangan ba kapag mag-uusap kakandong pa? Baka naman makurot na ako sa singit nina Kuya Winston kapag nalaman nila ang pinaggagawa ko? Bakit ba kasi inaakit ako ng lalaking ito? Alam naman niyang pagdating sa kaniya, nagiging marupok na yata ako. Hindi naman ako ganito dati pero ngayon, parang ang landi-landi ko na. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Maharan nitong pinalo ang isang hita nito. "Are you afraid of me?" "Hindi, 'no." "Don't you trust yourself?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "What do you mean?" "Maybe you are afraid that your mind will jump on me and kiss me. That instead of talking we will