Nang magising ako ay agad na kinapa ko ang tabi ko kahit na nakapikit pa ako. Napasimangot ako ng wala akong makapa. Ibig sabihin, umalis talaga siya noong makatulog na ako. Siya iyong maginoo pero bastos na nakilala. Hindi siya nagte-take advantage, siguro dahil alam naman niya na kahit hindi ako lasing, I am still willing to be in his arms. Bumangon na ako. Kung kagabi ay bad mood ako dahil sa naging usapan namin ni Dad, ngayon ay maganda na ang mood ko. Pumayag na si Enzo sa kasal. Tama ako, kapag si Enzo ko ang kausap ko, hindi ako mahihirapan. Mabilis akong nagbihis. Sinuot kung muli ang dami na suot ko kagabi dahil wala naman akong choice. Alas diyes na ng umaga, mamayang two pa ang photoshoot ko kaya may oras pa ako. Sumakay lang ako ng taxi para umuwi sa bahay ni Tita. May mga