Chapter 2

1986 Words
KAREN Naligo lang ako at mabilis na humiga sa kama ko. Padapa akong nakahiga habang nakayakap sa isang unan ko. Pagod pa ako sa byahe kaya gusto ko munang magpahinga. Hindi lang naman ako gumala nang magtungo ako sa Singapore. Nagtrabaho ako doon. Hindi naman puro party lang ang inaatupag ko sa buhay ko gaya ng iniisip ng ama ko. Nagtatrabaho rin ako pero ayaw niya sa trabaho ko bilang modelo. Gusto niyang gumaya ako kay April na sa foundation nagtatrabaho. Pero ayoko at hindi naman niya ako pinipilit though hindi niya suportado ang pagmomodelo ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero hapon na nang magising ako. Kumakalam na ang tiyan ko kaya matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Wala na si Dad. Siguro ay nasa senado na siya. Pero syempre nandito naman ang asawa niya pero hindi ko ito pinansin at dumiretso ako sa kusina para maghanap ng pwede kong kainin. Naabutan ko si Manang Luz at Ate Nida na nag-aayos sa kusina. "Karen, gutom kana ba?" tanong sa akin ni Manang Luz. Sa pagkakaalam ko, bagong kasal pa lang ang mga magulang ko ay nandito na si Manang Luz. Kaya nga nang mawala ang ina ko ay isa siya sa nag-alaga sa akin. Pinaka-close din ako sa kaniya. Parang nanay ko na rin siya. Isa pa, kapag pinapagalitan ako ni Dad. "Opo, ano po bang pwedeng kainin diyan?" tanong ko sa kaniya habang hinihimas ang tiyan ko. "Meron ditong Caesar salad. Kung gusto mo pwede rin kitang ipagluto. Ano bang gusto mong kainin? Magra-rice ka ba o diet ka?" tanong nito. Alam kasi niyang kapag may show ako madalas ay hindi ako kumakain ng rice. I am a model, and one thing I need to maintain is my body. Pero hindi naman ako mabilis na tumaba kahit na malakas akong kumain, isa pa naggi-gym. “Okay na po ako sa salad,” sagot ko. Agad naman nitong kinuha ang salad na nasa ref at binigay sa akin. Pero habang kumakain ako ay biglang pumasok sa dining ang feeling donya at mahaderang asawa ng ama ko. She looked at me, but I kept ignoring her. As an attention seeker, one thing she hates is being ignored, and that's what I am doing now. I just keep on eating as if I don't see her. Humawak siya sa sandalan ng isang bangkong narra na nasa kabisera ng mahabang table. Nakatingin ito sa akin pero umaakto akong parang hindi siya nakikita. "You are acting like a princess here, while your sister is busy doing charity.” “Because I am a princess here,” pambabara ko sa kaniya. Sarcastic na ngumiti ito sa akin. Pero walang pakialam na tumingin lang ako sa kaniya na lalong ikinapikon nito. I keep on eating. “My daughter is far better than you, you are just giving your father a headache," pagkukumpara ng pa nito. Itinirik ko ang mata ko bago bored na tumingin sa kaniya. “I am not your daughter. Hindi ko kailangan maging goody-goody para lang maging paborito ni Dad. You greedy for my father’s validation. Hindi ka ba naawa sa anak mo? You used her and you are still using her,” saad ko sa kaniya dahilan para mamula ito sa galit. “Anak siya ni Karlos. Hindi lang ikaw ang Angeles,” giit nito. Alam ko naman iyon. Mama ko ang pinakasalan ni Papa pero nang ipanganak ako ay biglang sumulpot ang babaeng ito para sabihing may anak sila ni Papa at si April nga iyon. Dalawang taon na si April nang malaman ni papa na may anak siya sa iba. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pinakasalan siya ng ama ko matapos mamatay ng ina ko. Paano niya nagawang pakasalan ang babaeng dahilan ng pagkamatay ng asawa niya? Kaya kahit kailan hindi ko matatanggap ang babaeng ito. Muli akong sumubo ng salad habang mapang-asar na nakatingin sa kaniya. Nakita ko ang isang katulong kaya tinawag ko ito. "Ate Dita, can you come here? Saglit lang." Mabilis namang lumapit sa akin ang tinawag ko. "Pwede po bang mag-spray kayo after? Para kasing may bubuyog na nakapasok dito sa bahay. May naririnig kasi ang bumubulong na pisti," saad ko at pagpaparinig ko kay Rachel. Nakita kong gumalaw ang mata ng katulong para ituro ang madrasta ko kaya ngumiti ako sa kaniya at kinindatan siya. "Sige." "Baygon, ate. Para patay agad," pahabol ko pa sa kaniya. "You b***h!" galit na galit na saad ng madrasta ko pero wala siyang magawa. "I know," maarteng saad ko bago uminom ng orange juice at ngumisi sa kaniya. Asar na nag-walk out ito habang natatawang pinapanood na lang siya. Sayang naman ang bansag nila sa aking maldita at matigas ang ulo kong hindi ko patutunayan sa kanila. Isa pa alam ko naman na hindi niya ako mahahawakan. Si Dad, maaring napagbubuhatan niya ako ng kamay and I am not saying it's okay. Itinapat ko sa pisngi ko ang malamig na baso na may laman pang kalahating juice. Hindi naman talaga malakas ang sampal sa akin ni Dad palagi. Masyado lang akong over dramatic, minsan nga hindi pa lumalapat ang kamay niya sa pisngi ko ay nag-iinarte na ako. Kanina lang talaga medyo tumama pero hindi talaga ganoon kalakas, alam lang ng tatay ko na maarte ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nagtungo sa kwarto ko. Nakita ko ang cellphone ko mula sa side table na umiilaw kaya agad ko iyong kinuha. "Hello?" "I heard you are back. Wanna hang out tonight?" narinig ko ang boses nang kaibigan kong si Kira mula sa kabilang linya. "It's Marco's Birthday, don't you remember?" Oo nga pala. Nakalimutan ko. "Sure, I'll come" mabilis na sagot ko sa kaniya. Marco is a friend and one of the models I have always worked with. Wala naman akong gagawin kaya mas mabuting lumabas na ako. Nilagyan ko ng tubig ang bathtub at nang mapuno na iyon ay lumusong ako sa tubig habang hawak ko ang cellphone ko. I opened my social media account and took a picture while I was in the bathtub. Hindi naman kita ang katawan ko dahil sa makapal na bula. Napangiti ako habang maraming reacts at comments akong nakikita. Mula sa mga followers at kaibigan ko. Some are compliments pero syempre, meron ding mga bashers. Pero hindi na ako apektado sa masasakit na sinasabi sa akin ng ibang tao. Sanay na ako, kaya hindi ko na lang sila pinapansin. Eksaktong alas siyete ay naka-ayos na ako. Ngumiti ako sa harap ng salamin habang naglalagay ako ng pulang-pulang lipstick. I am wearing a black mini-dress, may pagka-silk ang tela noon, hindi fitted pero kitang-kita pa rin ang kurba ng katawan ko. Kumindat pa ako sa salamin bago ko kinuha ang mini bag ko at lumabas ng kwarto ko. "Where are you going wearing that kind of dress?" tanong sa akin ni Dad. Nakasalubong ko siya sa mismong maindoor. Kadarating lang niya ngayon. Nakita ko ang dalawang body guards niya na nakasunod sa kaniya. "Bar." Nagsalubong ang kilay nito. "With that kind of dress?" "Yes," hinawakan ko pa ang laylayan ng suot ko marahang hinila para ipakita sa ama ko. "It's more like just a handkerchief, not a dress," he said, shaking his head. "This is called fashion dad," nakangiting sagot ko. Umiiling na nilampasan lang ako nito at hindi nagsalita. Napatingin naman ako sa kapatid kong parang tutang laging nakabuntot sa ama ko. Masyado siyang nagsisipsip kay Dad. "You should stay at home. Don't go out and make another scandal that can taint our father's reputation," saad nito kahit hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. "Don't you like it? I am the bad girl, and you will always be the good one. Try to loosen up, April. You are acting like a saint, as if I don't know what lies beneath your prim and proper façade," I whispered before leaving her, stunned. Mabilis na sumakay ako sa kotse at nagtungo sa bar na itenext sa akin ni Kira. I don't have a photoshoot tomorrow, so I can get drunk tonight. I already know this place. I had been here before. Tumingin ako sa pangalan ng hotel bago ako tuluyan. May lalaking nahagip ng mata ko. I was about to run after him pero may bumangga sa akin kaya bigla siyang nawala sa paningin ko. That's him. Enzo. The guy I kissed in Singapore. O baka nagkamali lang ako. Ano naman ang gagawin niya rito? Hinanap ko na lang ang hotel bar kung saan nagaganap ang party. Maybe I am just hallucinating for seeing him. "Karen!" napatingin ako sa tumawag sa akin at napangiti ako nang malaki nang makita ko si Kira. Nakataas ang isang kamay niya na may hawak pang isang bote ng alak. Nakipagsiksikan ako sa mga taong parang nakawala na agad sa wala kahit maaga pa. Agad na binigyan niya ako ng alak at agad ko naman iyong tinanggap. "You look gorgeous!" saad ni Kira habang nakatingin sa akin. "Because I am," mayabang na sagot ko sa kaniya. She chuckled and shook her head. May mga kakilala akong nakita sa party. Siguro dahil ang mga nandito ay kadalasan nakasama ko na sa trabaho. Niyaya ako ni Kira na magtungo sa dance floor pero tumanggi muna ako sa kaniya. Sinabi ko na lang na susunod na lang ako. Napangiti ako nang makita ko si Marco na papalapit sa akin. "Happy birthday!" masayang bati ko kay Marco at bumeso sa kaniya. He is gay, but only a few know about it. Minsan ko na siya sinubukang landiin pero parang may nakakahawang sakit ako kung ipagtulakan niya. Noon ko nalaman na pareho pala kaming dalawa ng gusto. "I saw the gossip about you," saad nito. Siguro ang tinutukoy niya ang nakasulat sa tabloid tungkol sa pakikipaghalikan ko sa isang lalaki sa Singapore. "Kung pumayag kang halikan kita dati, naibalita din sana tayo," pang-aasar ko sa kaniya. Kita ko ang nandidiri nitong tingin sa akin kaya natawa na lang ako. "Gaga," mahinang saad nito. "That's the famous Enzo Del Prado, likod pa lang alam kong siya na iyon. Isa pa kita ang tattoo niya sa likod ng left arm niya. Tagal kong pinagpantasyahan pero naunahan mo pa akong bruha ka," asar na bulong nito sa akin. So Enzo Del Prado ang buo niyang pangalan. Alam kong Enzo ang name niya dahil may tumawag sa pangalan niya noong halikan ko siya sa Singapore. kaya nga bigla siyang kumalas sa akin at iniwan ako. Sinubukan ko pa siyang habapin perp hindi ko na nakita. Tumaas ang isang sulok ng labi ko habang nakatingin sa mga nagsasayan. Nasa may sulok kaming dalawa at pinapanood ang mga nagkakasayahan na pinamumunuan ni Kira. Umakyat pa ito sa entablado para doon gumiling. "You know him?" He rolled his eyes. Baklang-bakla talaga ito pero dahil militar ang tatay kaya hanggang ngayon hindi pa rin magawang makapagladlad. Baka daw kasi bala ang bumabol sa kaniya kapag inamin niya sa ama niya ang totoo. "He is famous." "How?" "He is an actor." "Really?" "Yes, hindi lang naman ikaw ang sikat, 'no. He is a BL actor, kaya siguro hindi mo kilala. Sikat siya, maraming kabaklaan ang nagkakadarapa sa kaniya. Kaya ngayon, karibal ang tingin sa'yo ng marami," saad nito. Napangiti ako bago sumimsim sa alak na hawak ko. "Isa ka na ba doon?" mapang-asar na tanong ko sa kaniya. Hindi na ako nagtataka na maraming nagkakagusto sa kaniya. That guy is freaking hot. And knowing that he is based in the Philippines, ibig sabihin malaki ang chance na magkita kaming muli. Maaring siya talaga ang nakita ko kanina. Kung artista siya at sikat siya ibig sabihin iisang mundo lang ang ginagalawan naming dalawa. Bakit hindi ko siya kilala? Tinungga ko ng diretso ang alak na hawak ko bago nagtungo sa gitna nang dance floor. Enzo Del Prado—I will remember that name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD