Chapter 1

1506 Words
Karen Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa loob nang bahay. Napahawak ako sa pisngi ko habang hindi makapaniwalang napatingin sa ama ko na siyang sumampal sa akin. "Mabuti naman at umuwi ka pa? You are f-cking a disgrace in this family, Karen! Kailan ka ba magtitino?!" galit na salubong sa akin ni Dad. "What did I do wrong? Why did you slap me?" tanong ko sa kaniya habang masama ang tingin ko sa ama ko. Pakiramdam ko parang namanhid ang pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya. Kita ko ang pagtaas baba ang dibdib ng aking ama tanda ng galit nito. Ihinagis nito sa akin ang isang dyaryo. Agad na kinuha ko iyon at napangisi ako nang makita ko ang mukha ko sa front page. Kaya naman pala nag-aalburoto sa galit ang ama ko. 'Senator Angeles' daughter, Karen Angeles, was caught making out in public.' Iyon ang nakalagay na headline. May larawan ako kung saan nakaupo ako sa ibabaw ng kotse at may kahalikang lalaking nakatalikod sa camera. Kitang-kita ang mga kamay ng lalaki na nakapasok sa mini skirt na suot ko pero sa pagkakatanda ko nakahawak lang ito sa upper part ng legs ko. This happened last night. I went to my friend's party before I went back home. I saw this man at the party, and for the first time, I felt a strong attraction. It's me who initiated the kiss; I grabbed him and kissed him, especially when I saw a paparazzi following me. As a senator's daughter, I know that everyone is expecting me to behave, to act like others who are modest and classy, because they are afraid to taint their parents' names, but I am different. My goal is to make my father angry. The more his blood boils for me, the more it gives me satisfaction. I loved it when I saw his rage in his eyes and when he wanted to wring my neck but couldn't. "Your father is a senator, and what you are doing is putting him in bad reputation. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na pariwara ka?" saad ng isang babaeng kalapit ni Dad. His first love and his second wife. Si Marisol, kasi palaging siyang puro sulsol. Para siya iyong black guardian devil ni Dad, na bumubulong palagi ng masasama sa ama ko. "We just kissed, hindi ka ba nakipaghalikan sa ibang lalaki dati maliban kay Daddy? Ang pagkakaiba lang sikat ako na kahit nasa ibang bansa na ako may mga nakasunod pa ring mga paparazzi, samantalang ikaw hindi," magaspang na sagot ko sa kaniya. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng pisngi ko dahil sa pagkakasampal sa akin ng daddy ko pero hindi iyon dahilan para hindi ko patulan ang babaeng ito. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ng madrasta ko na ikinangisi ko. "Karen!" dumadagongdong na sigaw ng ama ko sa pangalan ko. "You are being disrespectful. She's your mother." Natawa ako sa sinabi ni Dad, sarcastically. Gusto ko pa nga sanang humalakhak para mas dama niya ang inis ko sa sinabi niya. "She will never be my mother. My mother is dead and no one can replace her," matigas na saad ko at tumingin sa babaeng katabi niya. "I don't need a cheap replacement." This woman is the reason why my mother died. Siya ang may kasalanan kung bakit wala na akong ina. Kaya kahit anong mangyari, hinding-hindi ko siya magugustuhan. Kung napalitan niya si mommy bilang asawa ni daddy pwes, hindi niya mapapalitan ang ina ko sa akin. Kung pwede nga lang na hindi ko siya makita. Naalibadbaran ako sa mukha niyang puro botox. "I gave you all the freedom you want, ganiyan ba ang natutunan mo? You are becoming a headache, Karen. Huwag mong hintaying ipabalik kita sa America para magtino ka," pagbabanta sa akin ni Dad. I just rolled my eyes and sat on the sofa. He can't scare me into sending me to America. Kaya kong umalis sa pamamahay niya anytime na gustuhin ko pero nanatili lang ako rito para hindi sila magkaroon ng katahimikan na inaasam nila. Alam kong matutuwa ang asawa at anak niya kapag umalis ako kaya hindi ko iyon gagawin. Kung kinakailangan kong manatili dito para walang maging masaya sa amin, gagawin ko. Hindi ako papayag na maging masaya sila ng pamilya niya habang nag-iisa lang ako. "Dad, what's going on?" Itinirik ko ang mata ko nang makita kong lumalapit sa amin ang santa-santita kong kapatid. Isa pa ito. My dad's favorite, si April. "Karen, ano na naman ba ang ginawa mo? Gumawa ka naman ba ng kalokohan?" nag-aakusang tanong nito sa akin. Pinag-krus ang mga braso ko bago bored na tumingin sa kaniya. Kita ko ang pagkairita sa mukha nito dahil sa naging reaksyon ko pero mapang-asar na nginisihan ko lang ito. Ayaw na ayaw nitong binabalewala ang sinasabi nito kaya sigurado akong nangingitngit ito ngayon sa galit pero dahil kaharap namin si Dad ay hindi ito makapagmaldita sa akin ng husto. "Shut up, April. Huwag ka nang umarteng may pakialam ka? Paborito kana ni Dad, bakit sumisipsip ka pa sa kaniya?" malditang tanong ko sa kaniya. "Karen, wala akong paborito sa inyong dalawa," tanggi ng ama ko. "Mas napapagalitan lang kita dahil pasaway ka. Hindi ka gumaya sa ate mo na maayos na nagtatrabaho." "Maayos naman akong nagtatrabaho, pero hindi ko kayang maging plastic gaya ng mag-ina mo. I know you don't care about me, you only care about your reputation. I get that," matapang na saad ko kahit na lihim na may kumirot sa puso ko. "Karen, that's not true. You are my daughter and I love you the same," giit ng ama ko. Nakita ko naman ang pag-irap ng asawa niya sa akin. "Really? Is that why you always slapped me every time you got angry? Is that your way of showing love?" puno ng hinanakit na tanong ko sa kaniya. Nakita kong natigilan si Dad, bumalatay ang pagsisi sa mukha nito dahil sa tanong ko. Totoo naman, lagi niya akong sinasampal kapag galit na galit siya sa akin. Ilang beses na niya akong napagbuhatan ng kamay niya, pero nanahimik lang ako. Masyado niyang mahal ang reputasyon niya kaysa sa akin na anak niya. Mas may oras siya kay April noong bata pa kami kaysa sa akin dahil ang dahilan niya ay lumaki itong walang ama. Pero habang abala siyang bumawi kay April ako naman iyong nawawalan ng ama ng hindi niya namamalayan. Naging malambot ang mga tingin sa akin ni Dad, malayo sa galit na mga mata niya kanina pero nanatili akong nakatingin sa kaniya nang matatag. Hindi ako nagpapakita ng kahit na anong kahinaan lalo na sa harap ng dalawang babaeng nasa tabi niya. Gusto kong ipakita sa kaniya na matatag ako. Natuto lang naman akong maging palaban dahil walang ibang magtatanggol sa akin kundi ang sarili ko. "Don't blame dad, Karen. Hindi ka naman niya sasaktan kung hindi ka gumagawa ng kalokohan at nagpapasaway. Matanda kana, you should stop making scandal na pwedeng ikasira ng pangalan ng pamilya natin," singit ni April ng makita nitong lumalambot na ang ekpresyon ng ama namin. "My daughter is right, you should --" "I am not asking your opinion," putol ko sa sasabihin ni Rachel, ang asawa ng ama ko. Tumingin ako sa kuko upang tingnan ang nail polish kong pulang-pula. Tumayo ako. "Excuse me. I am still tired from my flight, wala akong planong makinig sa pekeng homily ninyo," saad ko at kinuha ko muna ang dyaryong inihampas sa akin kanina ni dad bago ko sila iniwan at nagtungo sa kwarto ko. Agad na hinubad ko ang mga damit ko at nagtungo sa tapat ng shower. I just came from Singapore. Two weeks ako doon. I met that guy at a party. He is hot, siguro kung hindi ako niyaya ng mga kasama ko na umuwi na iyon ang inuwi ko. Napahawak ako sa mga labi kong lumapat sa mga labi ng lalaking kahalikan ko nang gabing makunan kami ng litrato. Alam kong may mga nakasunod sa akin palaging paparazzi dahil maliban sa trabaho ko kilala rin ang ama ko. Pero wala akong pakialam ng mga oras na iyon. I wanted to taste his lips, and I did not regret it. Napangiti ako nang maalala ko ang gulat sa mukha nito nang bigla ko itong halikan pero mabilis itong tumugon nang makabawi ito. He is a good kisser. Iyong tipong sanay na sanay nang humalik ng mga babae. Sa totoo lang hanggang halik pa lang ang karanasan ko pero ang lalaking iyon, halik pa lang parang kaya ka na akong baliwin. He has sinful and expert lips that I want to taste again. Nakatapis ng tuwalya na lumabas ako mula sa bathroom at napatingin sa dyaryong nasa ibabaw ng kama ko. Nakatalikod ang lalaki sa angulong nakuha. Halatang ang mukha ko lang talaga ang gusto nilang ipakita. But I cannot forget his face. Hindi ko alam pero parang nakita ko na iyon, hindi ko lang matandaan. I hope we meet again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD