HINDI makapaniwala si Saña sa sinabing iyon ng kanyang ama kanina. Kaya kahit pasado alas dos na ng madaling araw ay gising na gising pa rin ang diwa niya sa sinabi nito. Mabuti na lamang at Sabado na bukas. Walang pasok, Mahaba-habang panahon para siya magkapag-isip ng paraan upang matakasan ang naiisip ng ama.
Susubukan niyang kausapin ang dalawang kapatid na nakahiwalay na sa poder ng ama at may kanya-kanya na ring pamilya, para magsumbong sa ginagawa ng kanilang ama sa kanya.
Mabuti na lang pala at nadalaw siya ng antok kundi ay baka wala na talaga siyang tulog mula sa sandaling iyon.
Hindi na siya nakasabay ng agahan sa ama. Nag-jogging ito sa may garden nila at siya naman ay pinagsabay na lang ang almusal at tanghalian. Pagkatapos ng tanghalian ay minabuti na niyang puntahan ang ikalawang kapatid na si Sarriyah o Sarri. Dalawang taon lang ang tanda niya sa kapatid kaya tiyak na maiitindihan siya nito sa pinagdadaanan niya.
Ngunit ang inaasahan ay napaka-imposible pala, kumampi pa rin ito sa kanyang ama. How gross! She truly understood, her sister respects her father but how about her choice of being happy? Para siyang natakasan ng sanity na marinig ang reaksyon ng kanyang kapatid nang pumaroon siya sa bahay nito.
Kulang na lang ay padabog niyang ilapag ang baso ng juice na nauna na nitong hinain para sa kanya bilang bisita. Ang dalawa niyang kapatid ay maagang nagsipag-asawa. Sa katunayan ay dieciocho lang nang mag-asawa si Sarriyah, samantalang si Siella na bunso nila ay veinticinco. Kaya marahil kampi ang mga ito sa suhestisyon ng kanilang ama.
“Ate, don’t be so ridiculous! Para iyan sa kapakanan mo. Imagine, sobrang lampas ka na sa kalendaryo. You are thirty-five this year at mahihirapan ka na ring magdalang-tao.”
She's still wondering why she needs to get pregnant and married to a man? Mas gusto niyang mamuhay mag-isa at walang sakit sa ulo. Boys will always be boys. Fatal, allergic, disgusting, heart attack and headache.
Sinimangutan niya ang sinabi ni Sarri. “Hindi naman kasi iyan ang priority ko. All I want is to be successful in my life, nothing less, nothing more.”
Napabuntong-hininga si Sarri. “Ate, hindi ka na namin maaalagaan kapag tumanda ka na. Ang tanging nais lang ng papa ay mapabuti ang kalagayan mo. Magkaroon ka ng sariling pamilya na mag-aalaga sa iyo, lalo pa ngayon at may kanya-kanya na rin kaming pamilya.”
Hindi na nakipagtalo pa si Saña sa sinabi ng kapatid. Nagpaalam siyang nagdaramdam. Pinuntahan niya na rin ang bahay ng bunsong kapatid. Umaasa na baka makakuha siya kahit katiting na simpatya kay Siella.
But unfortunately, Sarri and Siella have the same thoughts and the same views about her.
“Nagkampihan ba kayong dalawa para suportahan ang papa?” mariing tanong niya sa bunsong si Siella nang marinig din niya ang reaksyon nito nang dumating siya sa bahay ng kanilang bunso.
“Actually, it was our plan. Ate Sarri and I planned this things for you and shared it to papa. Ayaw lang naming maiwan kang nag-iisa.”
Umiling-iling siya. “Pakikialam sa buhay ko is not the right thing, Siella.”
Napahawak si Siella sa tiyang bumubukol. Nalimutan niyang nagdadalang-tao nga pala ito sa ikatlong anak. Hindi niya kasalanan kung dinagdagan niya ng agam-agam ang kapatid dahil buntis ito.
“Fine, you two! Sarri and you, just leave me alone. Mula ngayon ay ayaw ko ng marinig na makialam pa kayo sa akin o sa buhay ko.” Pagkasabi ay mabigat ang yabag na nilisan ang bahay ng bunsong kapatid.
Hindi niya akalaing pagkakaisahan siya ng mga ito para lang sa iisang kagustuhan. Hindi niya kailangan ng anak, mas lalong hindi niya kailangan ng lalaki. Kung tumanda man siya, there is an orphanage willing to take the risk of taking care an old granny like her in the future.
Hindi maintindihan ni Saña kung bakit kailangan pang makialam ng mga kapatid niyang iyon sa desisyon niya sa buhay kung kailan niya nais mag-asawa o kung may balak pa siya? Dahil wala sa isip niya ang bagay na iyon. At hindi niya maintindihan kung bakit tila priority ng mga ito ang buhay niya at ang kanyang pag-aasawa?
Hindi siya dumiretso ng uwi sa bahay, pinuntahan niya ang kaibigang si Danica Carreon. Nakilala niya ito sa isang restaurant na nagmamay-ari na ngayon ng sampung food chain branches. Hanggang naging kaibigan at naging takbuhan niya tuwing may nais siyang ihingi ng payo. Sa kasalukuyan ay thirty-three na ito at tuwing magkasama sila ay hindi na nila pinapansin ang edad dahil tila pareho sila ng edad kung mag-usap. Minsan pa nga ay mas matanda ito kung magsalita kaysa sa kanya.
Nasa bahay ito ngayon habang ang asawa nitong si Charlie naman ang nangangasiwa sa food chain business nito. May dalawa na itong anak na ngayon ay may sari-sariling kuwarto.
“Mabuti na lang at nasa bahay ka ngayon, Dana.”
Nasa salas siya ni Danica at doon sila masinsinang nag-uusap sa problema niya.
Nabanggit na niya rito ang problema sa telepono bago pa pumaroon, kahit pa alam niyang wala naman itong maitutulong. She only wanted is to make Danica’s sympathy, compares to her own family and to side with her.
“Alam mo may punto naman ang pamilya mo, specially your Dad.” Matalas niyang tiningnan ang kaibigan para pahintuin sa pagkampi sa pamilya niya nang senyasan siya nito para patapusin sa pagsasalita. “Listen to me. Kapag mag-isa ka na lang, sino na ang mag-aalaga sa iyo?”
Hindi nakasagot si Saña.
“No one, right? Just take as simple as that. Wala kang matatawag na sariling pamilya. Your family has already their own at nag-iisa ka na lang.”
“Pero napakahirap ng hinihingi ng papa. He wants me to get married or bear my own child. Saan naman ako hihila ng lalaki para makaniig ko at biglang pakasalan ako?”
“I have an idea. There is a famous phone application called Coffee Meets Bagel. Popular siya when I was twenty-eight at doon ko nakilala ang hubby ko. Most of the ladies who joined the app ay nagkakaroon ng successful love life. Try it out. Baka sakaling makabingwit ka ng perfect guy na mapakakasalan mo at pakasalan ka rin. Who knows, kung mabait ang makuha mo, may chance ka na, may makakasama ka pa sa buhay at maipagmalaki mo sa iyong pamilya.”
Dahil hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nitong application ay hinayaan na niya si Danica na mag-install ng binanggit nitong app.
“Laru-laruin mo lang. Kapag may nakita ka sa profile na okay na guy, then that’s it. Chat, befriended and then meet him.”
Hindi alam ni Saña kung dapat ba niyang ipagpasalamat o ipagdasal ang sinasabi nito.
Nang mga sandali ding iyon ay ginawan siya nito ng sariling profile. Kuha ang profile picture niya sa loob ng bahay ni Danica dahil wala namang matinong picture si Sañamae sa sariling phone.
“Hintayin mo lang. May magla-like din sa profile pic mo,” panghihimok ng kaibigang si Danica.
“I really appreciate what you’re doing right now, Dana. But do you think this will work?” pag-aalalang tanong ni Saña.
“Trust me. May matutuhog ka rin. Basta huwag lantaran ha,” hinawakan pa nito ang kamay niya to boost her confidence. “Kapag may nag-like, chat mo agad at sabihin mong willing kang mag-compensate and negotiate. This is your last Alas. I know I can’t help, but at least try this one, hmm.”
Napatango-tango na lang si Saña, kahit nagdadalawang-isip sa ginagawa. Saan ba naman siya kukuha ng lalaking handang makipagnegosasyon sa kanya? Lalo na ngayon na ginigipit siya ng ama at mga kapatid. Wala siyang ibang puwedeng kapitan kundi ang sarili lang.
Hindi na siya naghintay sa bahay nina Danica para sa kunsinong matitisod sa app. Bumalik na lang siya sa bahay nila sa Ortigas, Pasig, kung saan nasa poder siya ng kanyang ama.
Her father owns a quarter hectare of an exclusive subdivision in San Antonio, Ortigas, Pasig City where she is living.
Matagal na niyang pinag-iisipang humiwalay ng bahay. Siguro ay maganda na ring pagkakataon ito upang mamuhay na lamang mag-isa at walang makikialam.
ANG profile na ginawa ni Danica para kay Saña ay nagkaroon ng isang liker. Wala na siyang choice kundi makipag-match dito at kapag hindi pumayag na makipagnegosasyon ang lalaki sa kanya, saka na lamang siya muling maghahanap ng iba.
Bagaman lutang pa rin ang isipan kinabukasan, pinilit ni Saña na mag-focus muna sa task na ibinigay sa kanya ng ama. Hangga’t wala pa rin siyang maipakilala, mawawala ang kompanyang pinagsikapan niyang paunlarin at i-manage.
Pinasadahan ni Saña ng tingin ang profile na ka-match niya.
Harris, 35
Location: Philippines
Occupation: Restaurant Owner
I am... enjoying your eyes to stare at, goofy and will love your asset.
I like... Exploring things in a different ways.
I appreciate when my date is... Can appreciate me, dealing my subconscious mind. Take time to understand me.
He has the same age as her. The person in the photo looks good with his matching eyeshades. The angular jaw, high cheekbone and mischievous lips, looks inviting. All are manly. She had also noticed his masculine arm while he's lifting the phone for a selfie. Overall, mukhang wala naman siyang maipipintas sa hitsura ng lalaki, maliban na lang sa mata nitong nakatago.
Hindi na siya nag-aksaya ng sandali, dinala kaagad niya ang sarili sa chat box ng application.
“Hi there, I’m Saña. Badly need a guy right now.”
“I’m ready and available,” umpisang message nito.
“I want a straight conversation. I’m looking for a man, ready to pretend being my fiancé, I will pay a generous amount.”
“Call! Agree ako riyan. Let me name the price. I’m single, healthy and safe.”
“Let’s meet as soon as possible.”
“Deal. Send me the details, baka sakaling pamilyar ako.”
Mag-iisip pa sana si Saña kung ibibigay ba ang address o sa isang hotel na lang sila magkikita.
Para matapos na rin ang problema niya, siya na ang nagpasya sa pagkikitaan nila. Instead of a hotel. She rented a house kung saan doon niya isasagawa ang naisip niyang plano. Simula kagabi pa niya iyon pinag-isipan. At ito lang ang tanging paraan para tigilan na siya ng kanyang ama.
Paniniwalain lang niya ang kanyang ama na may nobyo siyang matagal ng nanliligaw. Posing a fiancé at kapag pasok sa requirements niya at ng ama, voila! Tapos na ang palabas.
Hindi naman siguro mapapansin ng kanyang ama na magiging palabas lang ang lahat. Lalo pa at mukha namang sinusubukan lang siya ng ama. Kung hindi magiging pasok sa requirements nito ang lalaki, hahayaan na niyang ang ama ang pumili para sa kanya. She already know that parents knows best for their children.
Isang bahay na malapit sa hotel na mina-manage niya ang kinuha niyang upahan. Sa loob iyon ng village sa Cembo, Makati na kalapit lang din ng Pasay. Dahil hindi naman ganoon ka-exclusive ang village ay mas mainam para hindi siya mahalata ng ama na may pinaplantsang plano.
Hindi magarbo at sobrang laki, may isang kwarto, banyo at kusina, sapat na para makagalaw siya ng maayos sa loob. Balak niyang kumpletuhin na rin ang kakailanganing gamit habang hindi muna siya uuwi sa poder ng ama.
"Is this all, ma'am?" tanong sa kanya ng salesman na nag-aassist para sa mga napili niyang gamit sa bahay na inikopa niya.
Pinasadahan niya ng tingin ang night lamp, stand cabinet at wardrobe dresser. Mayroon namang mga sofa at maliit na coffee table ang bahay. Halos kumpleto na rin ng gamit ngunit hindi lang niya type ang mga iyon kaya gusto rin sana niyang palitan.
"Kapag hindi kakasya ang mga gamit na nabili ko, I will change it." It's more of a command than a question pero tumango pa rin ang pobreng salesman.
"Yes na'am. Sa cashier na lang po tayo."
Pagdating sa kahera ay inilabas na niya ang asul na credit card.
"Swipe my credit card for zero percent interest," sabi niya sa kahera.
"Ma'am we're offering a value card para sa aming mga customer para po sa mas mataas na discounts ng mga items."
"I'm not interested. Ipapa-deliver ko na lang ang lahat ng iyan and I want it today."
"Ma'am, two days po ang process ng delivery namin."
"I don't want to repeat myself, Miss Cashier. Magbabayad ako ng additional fee kung kailangan."
Napayuko na lang ang kahera pati ang salesman na mukhang napilitan na payagan siya sa deliver now.
Kinuha na ng kahera ang card niya. Narinig niyang dalawang beses na-swipe ang card ngunit nag-e-error iyon.
"Wala po ba kayong ibang card? Hindi po tinatanggap ang card."
Lumapit siya at pinaulit ang pag-swipe, error nga iyon. Mukhang may nakialam na sa credit card niya.
"Try these three," she gives the remaining three credit cards.
Kagaya ng nauna. Palayado rin ang tatlo pa.
"Deduct it on my debit account," sabi niya sa kahera saka inabot ang savings card niya.
Dismayado mang malaman na naka-freeze na ang lahat ng bank accounts niya, ay wala na siyang magagawa. Mukhang hindi lang ang kanyang ama ang nakikialam sa kanya at kumokontra, maging ang mga kapatid din niya.
Paalis na ang tatlong delivery guy na dumating sa upahan niya nang patigilin niya ang mga ito.
"Sandali!"
"Bakit po, may problema pa?"
"Kunin mo na iyang wardrobe dresser. Gusto kong palitan nang mas maliit, sobrang laki," reklamo niya. Kahit ang totoo ay dahil kailangan na niyang magtipid.
"Pero ma'am, bayad na kasi iyan eh. Hindi na pwedeng ibalik."
"Sinong nagsabi? May returned and r****d ako if hindi kakasya ang gamit dito sa bahay at gusto kong palitan."
Kinalabit ito ng isa sa kasama upang huwag ng komontra.
"Sige po, kukunin na namin."
"Pakisabi. Babalik ako bukas para palitan ng iba."
Bago pa tuluyang umalis ay narinig pa niya ang usapan ng mga ito.
"Kung kailan nakaayos na saka pa pina-pulL out."
"Hayaan mo na pre. Sabihin na lang natin kay Ma'am Cynthia."
Wala siyang pakialam kung magreklamo pa ang mga ito. Binabayaran sila para magtrabaho at hindi magreklamo. Kung hindi lang siya nagipit ay hindi siya magkakaroon ng kapal ng mukhang magpalit ng item. Wala sa ugali niya ang magpalit o mag-returned ng anumang nabili, dahil kapag gusto niya, gusto niya, pinal na desisyon. Ngayon lang lang talaga.
Muling napatingin si Saña sa isang lumang tokador. Maliit ito kaysa sa pinabalik niya pero pwede na ring magamit. Bibili na lang siguro siya ng varnish o wall paper para i-redesign iyon at magmukhang mamahalin.
Pasado alas nueve na ng gabi nang matanggap niya ang message ng kanyang ama na nagsasabing fifteen days ang ibinigay nito na leave of absence para makapagdesisyon siya.
Napabuntong hininga na lamang siya. Hindi pupuntahan ni Saña ang ama para lang lumuhod at makiusap para ibalik ang nawala sa kanya. Ni wala rin siyang dalang mga damit. Sana pala ay kumuha na siya ng ilang mga damit. Mauubos ang savings niya kapag bumili pa siya.
Napahiyaw siya sa inis at panggigigil. Her father really challenge her.
Mabilis na kinuha ni Saña ang phone para tawagan ang kasambahay nilang si Manang Auring.
"Manang, si Saña po ito."
"O, Saña, anak. Kumusta ka naman? Hindi ka ba uuwi ngayon?" Simula pagkabata ay tinuturing na siyang anak nito at tanging naniniwala sa kanya.
"Baka hindi po. Manang, pupunta ako ngayon diyan, ikuha mo ako ng mga damit na kailangan ko. Alam n'yo naman kung ano ang mga damit na kailangan ko at palagi kong sinusuot."
"Si Saña ba ang kausap mo, Manang?" narinig niya ang boses ng ama sa linya. Gising pa ito at mukhang nakikibalita sa kanya.
"Manang sabihin mong hindi ako uuwi."
Sandaling nawala sa linya ang matandang katiwala. Siguradong binilinan na ito ng kanyang ama.
Bumalik din ito sa linya. "Anak, ayaw ng papa mo eh. Kung gusto mo raw bumalik, pakasalan mo raw ang inaanak niya para hindi na raw siya mamroblema."
Her mouth twitch when she remembers how Willard looks like, the godchild of her father. It's around been three or four years nang huli niya itong makita kaya kabisado pa niya ang hitsura nito. Payat, maitim and his face —nevermind.
"Manang, pupunta ako kapag tulog na ang papa. Kukunin ko ang ilang mga gamit ko. Please, ilihim mo ito kay papa."
"Anak, hindi naman kailangang maging ganito. Umuwi ka na lang sa bahay at sundin ang papa mo."
"No. Kung gusto niya ay siya ang magpakasal. Hinding-hindi ako magpapakasal kanino man." Pagkasabi ay agad niyang pinatay ang phone.
Lalo siyang ginigipit ng ama at sinasadyang pahirapan siya.
Nang makaramdam ng gutom ay bumili na lang siya ng burger sa isang fastfood sa drive thru. Saktong alas dose ng hating gabi nang sandaling iyon nakatuntong na siya sa tapat ng mansion house.
Kaagad ay bumaba siya ng sasakyan. Tinawagan si manang sa phone upang ito ang magbukas sa kanya.
"Mapapahamak ako sa iyong bata ka," sabi ng matanda nang salubungin siya.
"Tulog na ba ang papa?"
Kumamot muna ng ulo ang matandang babaeng katiwala saka siya sinagot. "Ayaw niyang matulog mula nang tumawag ka kanina. Kaya naisipan kong timplahan siya ng gatas at lagyan ng kalahating sleeping pills para lang hindi ka mahuli."
Tinaasan niya ng kilay si Manang Auring. "Salamat sa tulong, Manang Auring. Alam mo namang ikaw lang talaga ang kakampi ko rito sa bahay."
"Tena, anak at bilisan na natin. Mahirap na at tiyak malalagot ako kinabukasan."
"Palagi mo na lang akong pinagtatakpan. Kayo lang ang tanging naniniwala sa akin."
Pagdating sa loob ay dumiretso kaagad siya sa ikalawang palapag ng bahay para tunguin ang sariling kuwarto.
Pagpihit ni Saña ng doorknob ay napahinto siya. Naka-locked iyon. Kaagad niyang hinila ang matandang look-out sa kung sinong pipigil sa kanila. "Manang, I need a key. Naka-locked ang kuwarto," bulong niya.
Mabilis na tinunton ni Manang Auring ang kinalalagyan ng mga susi. Sa sobrang katarantahan ay binitbit na nito ang maliit na drawer na pinaglalagyan ng mga susi sa buong bahay. It is a spare keys only. Those original keys are hidden and stored by her father in his own office.
"Sa sobrang pagkataranta ko, dinala ko na lang lahat. Nakalimutan ko na ang susi mo."
Tiningnan isa-isa ni Saña ang mga susi at hindi maiiwasang gumawa iyon ng ingay. Bahagya niyang hininto saka dahan-dahang dinampot at hinanap ang mga susi.
"Nakita ko na, Manang!"
Salamat sa flashlight mula sa cellphone niya at sa bitbit ni manang at kahit patay na ang mga ilaw sa buong kabahayan ay nakikita pa rin niya.
Kaagad na sinalampak ni Saña ang susi sa doorknob at pigil-hiningang wala sanang makarinig o makakita sa ginagawa nila at tiyak malalagot silang pareho sa ama.
Pagdating sa loob ng kwarto ay binuksan na niya ang ilaw upang mahagilap na ang mga kinakailangan niyang dalhin.
Nilapitan ni Saña ang walk-in closet. Inilabas ang dalawang extra large luggage.
"A-anak, sigurado ka bang makakaya mong dalhin ang mga iyan?"
Tama si Manang Auring. Baka mahuli na sila ng kanyang ama bago pa niya mailabas ang mga iyon.
Pinalitan niya ng medium size luggage ang isang extra large. Inilagay muna niya sa medium size ang mga undies, sleepwear at anumang panloob, kasunod ang mga panlakad niyang mga damit.
Ang tatlong bag, dalawang coin purse at isang wallet ay nilagay niya sa large size luggage. Dinampot niya ang dalawang high heels, isang stiletto at isang open toe wedge heels saka shoot sa loob ng luggage. Sinama na rin niya ang isang running shoes, mababang takong na sandalya at isang pares na slipper.
Dinampot na rin niya ang iilang mga koleksyon ng kwintas at mga pearls. Sinama na rin niya ang mga mamahaling tatlong klase ng pabango.
Nang masikip na ang medium size luggage ay isinara na niya iyon. Habang ang extra large size ay malapit na ring mapuno sa mga inilagay niyang gamit. Kinuha na rin niya ang make-up kit at isang dampot na pinalagay niya kay manang sa loob ng luggage.
Napahinto si Saña para mag-isip. "Hindi puwedeng wala ang mga iyon." Tinakbo niya ang banyo sa loob ng sariling kwarto. Dinampot na niya ang ilang mga handsoap, handwash, bodywash, femine wash, mamahaling shampoo, lotion, at sanitizer. Sa lahat ng bagay, iyon ang hindi puwedeng mawala.
She's always been disgusted by smell at isa ito sa kahinaan niya. Kaya bilang pangontra, ang mga ito ang pinaka-priority sa list niya.
Saktong napuno ang extra large size luggage at nai-zipper na ni Manang Auring nang magsalita ito, "Paano ang pagkain mo? Paano ka mabubuhay nang mag-isa, anak?"
"Tama na ang mga ito Manang. Ako na ang bahala sa sarili ko simula sa araw na ito. I will be back kapag nahanap ko na ang lalaking karapat-dapat sa mga mata ko."
Napailing-iling na lang ang matanda. Nilapitan siya at dalawang kamay na kinuha ang kamay niya at mariing hinawakan. "Mag-iingat ka palagi, anak. Wala ako sa tabi mo para alalayan ka." Napahikbi ang matanda sa labis na kalungkutan. "Sixty-five na ako at ikaw at ang iyong ama na lang ang itinuring kong pamilya, simula nang mamatay ang mag-ama ko sa sunog. Kayo lang ang bukod tanging tumanggap at kumupkop sa akin."
Pinunasan niya ang luha ng matanda. "Tumahan ka na Manang. Kung nasaan man ang mag-ama, tiyak ay masaya sila para sa iyo."
Hila-hila na nilang dalawa ang bagahe pababa ng hagdan at lumikha iyon ng labis na ingay na dahilan para magising ang ibang kasambahay at ma-fuse ang alarm para sa mga magnanakaw.
Mabuti na lamang at malapit na sila sa tarangkahan ng pinto ng malaking bahay bago pa makarating sa gate.
"Manang, ako na ang bahala rito. Kayo nang magbigay ng palusot. Salamat ng marami, Manang."
Nagsigawan na ng magnanakaw ang ibang mga kasambahay kaya napatago siya sa likod ng malalaking mga paso para maiwasan ang mga ito.
"Nay Auring, nasaan na ang mga talipandas na magnanakaw? Paparating na ang mga pulis."
"Doon, nakita kong tumakbo ang magnanakaw."
Mabuti na lang at nailigaw ni Manang ang isang kasambahay.
"Tigilan n'yo na iyan! Walang magnanakaw!"
Maging siya ay hindi makapaniwalang marinig ang boses ng kanyang ama na mukhang hindi yata natulog at pinagmamasdan lang ang ginagawa nila ng matandang katiwala.
"Magsibalik na kayo at Clarita tawagan mo ang mga pulis at sabihing false alarm lang."
"Opo, ngayon din."