CHAPTER THREE:

3600 Words
NAKAHINGA nang maluwag si Saña nang tuluyang nakalabas na siya ng mansion at naisakay na rin ang mga bagahe. "Babalik ako. At kapag bumalik ako, maayos na ang lahat." Saña starts the engine running off that house. Pakiramdam niya ay isa ng bangungot ang bahay na iyon. Bakit bigla siyang nakaramdam ng lungkot nang mahimigan ang ama? Ang dapat na sumusuporta sa kanya ay siya pang umaaway sa kanya ngayon. Kung buhay lang sana ang kanyang ina tiyak ay hindi nito hahayaang maging ganoon ang trato sa kanya ng ama. She was eighteen when their mother died in heart attack. Isang araw na isinumpa niya. Pero hindi ito ang sitwasyon para umiyak siya. She can be cold as ice and hard as stone like before. Hinding-hindi siya iiyak dahil lang sa kalagayan niya ngayon. Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay at ibinaba na ang dalawang luggage. Sa ngayon ay kailangan na niyang magpahinga at matulog upang maaga gumising bukas. Kinabukasan, pagpasok pa lang ng liwanag ay bumangon na kaagad si Saña upang iayos ang mga gamit na laman ng luggage. Ang totoo ay hindi siya gaanong nakatulog. Maraming bumabagabag sa isipan niya at kinakailangan na talaga niyang ituloy ang plano. Upang makabalik siya sa hotel at makuha ang kayamanang sa kanya naman talaga ay dapat na niyang magawa ang plano ng mas maaga kasama ang lalaking gagamitin niya. Nag-unat-unat si Saña, stretching, squat at jumping jack ang ginawa niyang ehersisyo para ganahan sa umaga. Sinimulan na niya ang mga luggages na ayusin at ilagay iyon sa tokador. Napahinto si Saña sa pag-aayos nang makita ang frame ng kanilang ina. Mabuti na lamang at naisama iyon ni Manang Auring nang hindi niya naalala kaagad. Niyakap niya iyon at saka binigyan ng halik sa pisngi. "Mama, miss na miss na kita. Ikaw lang ang karamay ko sa lahat. Ikaw lang ang tanging taong nagmahal sa akin," sambit niya na pilit tinatago ang hinanakit. "Kung bakit kasi namatay ka nang maaga, e 'di sana nakapag-asawa ako kaagad at nakita mo. Kaso hindi. You leave me behind. You just letting me experience this pain and sorrow I have to went through. Madaya ka, Ma." Lumunok siya upang pakalmahin ang sarili at piliting itago ang luha sa mga mata. Iniangat ang ulo at pilit na ibinabalik ang namuong luha upang hindi tuluyang lumabas. Pinagpatuloy niya ang pag-aayos. Kailangan din niyang umalis at puntahan ang ire-r****d na lang na wardrobe lalo pa at kailangan niya ng pera upang ipambayad sa lalaking kakailanganin niya. Pinagpag ni Saña ang mga kamay nang maayos ang mga damit, mga pabango at gamit sa bathroom. Ang iba ay inilagay niya sa nabiling stand na ipinalagay sa tabi ng kama at ang night lamp. Lalong nagmukhang masikip ang kwarto na triple ang liit sa kwarto sa mansion, ngunit puwede namang pagtiyagaan. Lalo pa at siya lang naman ang matutulog sa kamang iyon na napalitan na rin niya ng kobre kama at sapin. Pati ang mga unan ay bagong bili kasama ang punda. Ayaw niya ng mabaho at marumi. Nakabili na rin siya ng vacuum cleaner para sa carpet na ilalagay pa lang niya sa ilalim ng kama. Hindi naman niya kakailanganin ng TV. She have her laptop, tablet and phone. Dagdag gastos lang ang additional appliances lalo pa at kailangan niya ng pera. Pero hindi puwedeng mawala ang refrigerator, ngunit hindi na sapat kung bibili pa siya. Bahala na siguro. Pwede naman siyang magpunta na lang sa fast food o restaurant para kumain. Hindi naman maarte ang tiyan niya basta hindi lang mabaho at marumi. Kaagad ay naligo na rin siya para pumunta sa mall kung saan ipare-r****d ang pinabalik na wardrobe. Suot ang turtle neck long sleeve violet blouse at pares ang black trouser. Mabilis na itinali niya ang buhok nang naka-bun. Kakailanganin din pala niya ng hair blower para sa buhok. Isinuot ang salamin sa mata. Saka nag-swipe ng cherry lip balm. Lulan ng kanyang itim na Toyota ay bumaba siya sa tapat ng mall kung saan nabili ang mga furniture. "Ma'am, papalitan n'yo na po ba ng ibang item ang nabili n'yo kahapon?" tanong ng lalaking nag-assist sa kanya kahapon. "Actually no. I want a full r****d on that item." Napakamot-ulo ang pobreng salesman. Mukhang marami itong dandruff. Nilapitan ni Saña ang kahera. "I know you are the lady yesterday, gusto kong i-r****d ang furniture na pinabalik ko kahapon." "Ma'am nagre-r****d po kami ngunit mababawasan po ng two percent of the item dahil sa handling fee since pinadeliver n'yo iyon sa araw ring iyon," paliwanag ng kahera na nai-intimidate na sa hitsura niya. "What! Anong klaseng store kayo na may handling fee pa? Remember, I didn't even touch that thing." "P-Pero pinalagay n'yo sa loob ng bahay ang wardrobe at pinabalik n'yo rin at mabibilang po iyon sa handling fee." "This is horrible! Give me back my money now!" histerikal na hiyaw niya dahilan para magtinginan ang ibang naroroon para mamili rin. Mabuti na lamang at alas nuebe y media pa lamang ng umaga kaya mangilan-ngilan pa lang ang naroroon para mamili. Nataranta na ang kahera at hinanap na ang manager nila para ito ang kumausap sa kanya. "Ma'am, nasabi na sa akin ang nangyari kahapon. We do apologize for what happened. Pero hindi naman namin kasalanan kung hindi angkop ang nabili n'yo," paliwanag ng manager. "Are you accusing that I am the one who's wrong here?" taas-kilay na panunubok niya. Mukhang sila pa ang dehado. Hindi lang niya gusto ang item. Marketing plan technique, as if she didn't know how marketing works. "Hindi po ma'am, pero lahat po ng mga bagay ay may bayad at may tax. Kahit po iyong nag-deliver kahapon ay binabayaran din namin." "Do you know what your employee did yesterday? He complains and talks back about me. You know, I can sue your company because of the act that your employee is treating me." Bigla niyang naalala na financially incapacity na nga pala siya kaya napahinto siya at muling umimik, "but I will not do that. It will not worth my time either." "Instead of two percent, gagawin na lang po naming one percent, in condonation of what my employee does." Tinikwasan niya ito ng kilay. "Good. Madali ka naman pa lang kausap. And I guess you are Cynthia, the one that your employee mentioned yesterday." Humingi ng paumanhin ang babaeng manager matapos maibalik in-cash ang r****d. Kung sukatan lang naman ng salita ang kinakailangan ay kayang-kaya niyang gawin iyon upang mapapayag ang mga ito na ibalik ang pera niya. That money is hers. She earned it with her blood and sweat. Kaya hinding-hindi siya papayag na hindi iyon maibabalik. Sayang ang one percent! Pero okay na kaysa wala. Dahil sa inis ay nakalimutan niyang bibili rin pala siya ng hair blower. Instead pinangbili na lang niya ng almusal. Matapos makapag-almusal ay dumiretso siya sa bangko para mag-withdraw. She needed all her money at hindi niya puwedeng itago lang sa bangko dahil baka mamatay siya sa gutom sa loob ng dalawang linggo. Dumaan muna sa maraming pirmahan ang withdrawal paper na finill-up-an niya bago tuluyang makuha ang kulang-kulang isa't kalahating milyon. "This is all, ma'am." "Great! Have a nice day, Mister Quintana." Mabilis na nilisan ni Saña ang bangko at tinungo naman ang bilihan ng wallpaper. Iyon ang gusto niyang ilagay at idikit sa pader ng salas at kwarto. Nang makauwi ay pasado ala una na ng hapon. Inumpisahan na niyang simulan ang paglalagay ng wallpaper at pagdidikit sa mga pader na nakapaligid sa salas. Hindi kaagad niya pinansin ang dalawang beses na door bell. Abala pa siya at hindi pa tapos sa ginagawa nang biglang tatlong sunod-sunod na door bell na ang umeeskandalo sa pagfo-focus niya sa pagdidikit ng wallpaper. NAPAHINTO si Saña sa ginagawa. Nalimutan niya pansumandali na ngayon ang dating ng ka-eyeball. Sinilip muna niya sa peephole ng pinto ang kung sino mang nag-doorbell. A tall guy standing in front of the door surprises her. Matangkad din pala ito at gayang gaya nito ang nasa profile pic sa CMB online dating app plus the shades. Nakasimangot na binuksan niya ang pintuan. “I thought, paghihintayin mo ako ng sobrang tagal sa labas. It’s raining outside, you know," eksasperadong simula nito. Sinulyapan niya ang sinasabi nito. Umaambon nga sa labas ngunit hindi naman malakas gaya ng sinabi nito. Exaggerated lang ang pagkakasabi. Tinaasan niya ng kilay ang lalaking nakatukod pa ang isang kamay sa taas ng pintuan niya. “Come in,” utos niya rito. Dumiretsong pasok naman ito. “Nag-aayos ka pala. Sorry, naabala yata kita. Bagong lipat ka pa lang?” Umpisa pa lang ay napansin na niyang madaldal ito at mukhang mahilig mang-usisa. “Umupo ka,” muling utos niya saka isinara na nang tuluyan ang pintuan. “To make it straight, I’m looking for a husband pretender. Gusto kong may maiharap ako kay Papa. About the money, name your price,” nakatiklop ang mga braso sa ibabaw ng dibdib na sabi niya. “Two million, hindi naman siguro kalabisan,” diretsong tugon nito. “Willing to risk my life for your convenience when money is the issue.” Napatingin siya sa lalaki mula ulo hanggang paa. Hindi na rin masama para sa isang milyong worth nito. If he's an actor or a foreign model might she'll give his price but the look on his face really belong to a one million peso. Kaya humirit na siya para makipagnegotiate. "One million is enough." "Fine," napipilitang pagtanggap nito. Hihintayin muna niyang marinig ang dahilan nito kung bakit ito pumayag sa alok niya. At kagaya ng mobile application, kung mag-match din ito sa criteria niya, ito na rin siguro ang kukunin niyang magdo-donate ng sperm para sa kanya. “Tumayo ka,” utos niya sa lalaki na ginawa rin naman nito. Umikot si Saña sa paligid ng lalaki. Napatingin siya sa tindig nito. Matangkad nga ito, suot ang two inch heels ay hanggang ilong lang nito umabot ang ulo niya. Aside from being tall, he has this evident masculine jaw line, high cheek bones and angular pointed nose na kaagad niyang napansin pagpasok nito. Suot nito ang puting polo shirt, the masculinity is evident on the part that unwrapped his arms. He's wearing maong ripped pants, dahil kita na ang tuhod sa style ng jeans na suot, nagmukha itong basahan. Mas angat ang kulay nito kaysa sa kanya. Kung nag-invest lang siya sa mga whitening products, maybe she have the same skin tone as her two sister. Itinaas nito ang suot na dark shades, ipinatong sa ulo at lalo siyang namangha sa mga mata nitong tila bituin na kumikislap at nangungusap. “I want to know your background first.” She motions him to sit again after she was being seated. “You put in the profile na Restaurant owner ka kaya I am wondering why are you in need of money.” Iniabot nito ang isang folder. “Very simple, I’m in tight position. Kung hindi ko inilagay iyon sa profile, it will not looked attractive at all.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Point taken. Tinanggap niya ang folder, laman niyon ang curriculum vitae at iba pang impormasyon ng lalaki, may kasama na rin itong NBI clearance. Mabilis na ini-scan niya ang laman ng CV “Okay. It is said here that you are thirty-five? You look younger than me.” “Unfortunately, I am thirty-five. Thanks for the compliment, by the way. Willing naman akong ipakita sa iyo ang birth certificate at mga IDs ko in case na hindi ka pa naniniwala at kakailanganin mo," paniniguro nito. Ibinaba niya ang folder, mamaya na lang niya tatapusing basahin iyon. “Okay. Mukha namang nagsasabi ka ng totoo. If not, puwede naman kitang ipa-background check kung may duda ako. Other than personal issues, sariling buhay lang natin ang pag-uusapan. This whole house is I rented. We just need to be engaged and get married. Once you have the full amount of money then we'll get divorce. Pumasa ka sa assessment ko. Ikaw na rin ang gagawin kong sperm donor, this is the last plan in case na kailangan pa rin nating i-push ang relationship.” "You will add another one million for that," dagdag nito na tila tingin sa kanya ay isang sugar mommy. Pinanlakihan niya ito ng mata sa sobrang gulat. "What?" Kapos siya, makakapos na. "Okay, here's the deal. One million accepted for our poser relationship. Pero may isa akong kondisyon.” “Ano iyon?” “I want it raw —in flesh," mariing sabi nito. Napahinto si Saña sa sinabi nito. Handa na sana siyang tumutol nang muli itong magsalita. “Hindi ka na lugi sa akin. I’m safe, one woman-man at tinitiyak kong tayong dalawa lang ang magkakaroon ng relasyon. Nothing more, nothing less. Nakita mo naman na siguro ang credentials ko. Every man needs a woman, isa iyon sa dahilan ko kung bakit, I want it raw. Isa pa kung sperm insemination ang gagamitin mo, hindi ka mag-eenjoy. Not unless virgin ka pa and you wanted intact and no scratch pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, mahihirapan kang manganak kung iyon ang pipiliin mo. Mag-isip ka, I am giving you a good opportunity, not all men will satisfied a woman. Try me, hindi ka magsisisi.” "Sa totoo lang, gusto kitang sampalin sa kinatatayuan mo," she said in greeted teeth. "Wala ng libre ngayon. Lahat ay may bayad." Hanga din talaga si Saña sa kapangahasan nito, siya na ang nahihiya para sa lalaki. Ramdam niya ang pag-iinit ng sariling pisngi mula sa mga sinabi nito. Napakuyom siya sa sariling mga palad dahil sa malapit ng umapaw na inis. “Hindi kita bibiguin, Saña. I will make your first time, enjoyable and experiencing like it was the first time you ever experience in your whole life. Hinding-hindi ka magsisisi sa akin.” “I didn’t know na napakadaldal mo pala at matalas din ang iyong dila para bastusin ako.” Umakyat yata lahat ng dugo sa kanyang ulo at kumulo iyon. Ang lahat ng sinasabi nito ay nakapang-iinit ng dugo at nakapanginginig ng laman. “I’ve never been offered such as indecent proposal as yours. You’re cunning and just want your own interest for your benefit.” Napatayo siya, ang kaninang payapang alon ay tila nagliyab sa mga pinagsasabi ng lalaking ito sa kanya. “Like you, I am also educated. As you are saying na wala pang nag-o-offer ng proposal na katulad nito sa iyo. I’m fine. Hindi ko naman minamasama na nabastusan ka sa sinabi ko. I am a man, a man will always be a man. If I am just wasting my time, aalis na ako. Kalimutan mo na lang ang kasunduang malabo nang mangyari. Thanks for opening your door to me. Tiyak namang may iba pang mag-o-offer ng ibang trabaho sa akin and for sure it will be higher than your offer.” Ipinamukha pa talaga nito na mababa ang offer niya. Napakahambog at walang modo. Now she believed in a saying that don’t fall for the looks, looks can be deceiving and can fool you. Dumiretso ng lakad sa pintuan si Saña. “Go ahead at lumayas ka na,” wala ring modong sabi niya sa lalaki. Pagkalabas na pagkalabas ng lalaki ay nag-spray agad siya ng alcohol. Mahirap na at baka hindi lang bunganga nito ang may dalang disease kundi pati ang katawan nito. Nanginginig sa inis na tinawagan ni Saña si Danica. “From now on I will not believe you!” umpisa niya sa phone. “What happened? Kailangan talaga ganyan ang entrada mo sa akin? Galit na galit. Your temper, San..” paalala ni Danica sa kabilang linya. “Kung katulad lang ng lalaking iyon ang makanenegosasyon ko, hindi bale na lang. Napakabastos, walang modo. P*rvert, walang respeto,” she hissed in greeted teeth again. “Nakaiinis. Ininsulto at pinahiya lang naman niya ako,” kuyom ang palad na dagdag niya at halos madurog na ang cellphone na hawak sa kabilang palad. “Saña, listen to me, sa panahon ba ngayon may mahahanap ka pang mas matino? As far as I know, kung hindi matino ang nakausap mo, sana na-r**e ka na, 'di ba? Sayang nga lang at hindi. Problem solved na sana.” Sumigaw siya sa pang-aasar ni Danica na sinabayan pa ng halakhak ng kabilang linya. “Well, if I were him, mas maganda nga iyon, instant. E ‘di may anak ka na sanang mape-present kung magbunga.” “You are not helping Danica. I should end this call, you know,” diskumpiyadong sabi niya. “You should listen for your desire at kung ano nga ba talagang kailangan mo kaya ka sumali sa app. Alanganin na kung maghahanap ka pa ng iba. May oras ang lahat, San. I have to end this call. I have another call with my assistant. Call you later, bye.” Then Danica ended the call. Napapihit siya at muling napasigaw sa labis na inis. Hindi niya akalaing hindi siya dadamayan ng kaibigan. "D*mn it!" gigil na bulalas niya na hindi na nakapagpigil. Dinampot ni Saña ang susi ng kotse sa ibabaw ng bedside table para habulin ang mapagmalaking herodes. "Do I really need to beg for him?" tanong niya sa sarili nang mapahinto sa pagpasok ng susi sa keyhole ng pinto ng sasakyan. "I guess you don't need to. Dahil hindi pa naman ako nakalalayo." Halos mapatalon siya sa boses na nagsalita sa likuran niya. "Ang bilis din magbago ng isip mo. Pero kung tanggap mo na ang offer ko, mabilis din namang magbabago ang isip ko." Hinarap niya ito. "Hindi kita hahabulin! Huwag kang mangarap. Bakit nandito ka pa? Pinalayas na kita ah." "Is that your final answer, Miss Soña?" "Saña," pagkokorek niya. "Kukunin ko lang sana ang folder ko. Pero kung nagbago na ang isip mo, deal closed." She cleared her throat before saying. "Oo. Papayag na ako. That will only happens after the wedding." "That would be nice. Pero kung ako sa iyo, I suggest let's have a fake wedding. Para hindi ka na mahihirapan sa divorce if you'll take it legally." "I want everything in a legal way." "Okay. I don't have issue with that." Saka ito nagkibit ng balikat. "Nagsa-suggest lang naman ako." Gusto niyang sampalin ito ng Gucci shoes, sa totoo lang. Kanina pa nga kating-kati ang kamay niyang, alisin ang suot ng paa at isayad sa makinis nitong mukha. He's a straight forward, alright but the chosen words he's letting go was really uncouth with his outrageous behavior. "Baka gusto mong papasukin muna ako sa loob? Pag-meriendahin o kahit pa-kape man lang nang mapag-usapan na natin ang aggreement." Pinauna niya itong pumasok saka niya isinara ang pintuan. "Kung alam ko lang na hindi ka kumain, sana sinabi mo, nang mapainom ko sa'yo 'yong lasong kabibili ko lang." Hindi na nagpigil pang magsalita si Saña. "Woah! That's ruthless! Kung hindi mo naman ako balak pakainin, puwede mo namang sabihin. Baka ako pa ang magpakain sa iyo," saka pa nito itinaas ang dalawang kilay nang paulit-ulit na may ibig ipakahulugan. "Bastos kang talaga!" Akma na sana niyang sasampalin ang lalaki nang pigilin nito ang kamay niya. Kinuha nito ang palad niya at hinagkan ang likod niyon. "Ang lambot ng palad mo, hindi ka siguro sanay sa gawaing bahay." Parang nakukuryenteng binawi niya ang sariling kamay. "Don't think green, I never mean it," bawi pa nito. Itinago ni Saña ang kamay na hinagkan nito. "Balikan mo bukas ng umaga ang kontrata at down p*****t. Kapag nakasal na tayo at nabigyan mo na ako ng anak, saka ko ibibigay ang full p*****t. After I got pregnant, magdi-divorce na rin tayo." "It's my first time, doing this kind of agreement. But I'm good at it. Kagaya nga ng—" "Stop right there! Huwag mo ng uulitin pa ang sinabi mo kung gusto mong hindi kita saksakin ng takong ng Gucci ko," sabi niya na nakaangat na ang sapatos at handa nang isaksak rito. "Okay. Sabi ko nga. Hindi na ako magsasalita. Pero ayaw ko ng maghintay pa ng umaga. Let's make the contract now, then tomorrow we can start the plan." Dinampot ni Saña ang laptop sa loob ng kwarto nang marinig niyang nagsalita na naman ito. "Dito rin ba ako titira? That will be good. Less than a month, baka buntis ka na—Aray! What's that for?" Sa inis ay inihagis niya ang tsinelas rito sapul sa braso nito. Napapagpag na lang ito. "Can you stop talking about that dirty thing? Dahil kung ako lang ang tatanungin, I don't want to get impregnated. At kailanman hindi ko pinangarap na magkaanak." Natahimik ito saka muling binawi ang boses. "Do you know that baby is the most precious gift we ever received from God?" "I don't care. Kung hindi ko lang kinakailangan na makabalik ng hotel ay hinding-hindi ako magpapakababa para lang maanakan ng kung sino." Mukhang hindi lang braso nito ang tinamaan niya kundi pati ego. "Yes, you didn't know me well, but I already given you my full background in my CV. Kaya parang kilalang-kilala mo na rin ako. Or kung tinatamad ka namang magbasa, I can tell, just say it." "Kung gusto mong maging maayos ang deal. Manahimik ka puwede?" This is the first time she ask someone to keep quiet. She usually ended it in a sentence but the kind of attitude he has looks like will not work at all. "Okay. Madali naman akong kausap basta pera ang usapan." He act like he was zipping his mouth for a silence she needs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD