bc

(Filipino) WANTED: Be my Baby!

book_age16+
3.9K
FOLLOW
26.4K
READ
billionaire
contract marriage
family
escape while being pregnant
bitch
comedy
bxg
mystery
office/work place
reckless
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED!

TEASER: Warning: 16+

Malapit nang mag-expire ang saling-lahi ni Sañamae Carantes sa edad na thirty-five at ang tanging paraan ay makahanap siya ng lalaking kanyang magiging sperm donor na willing na anakan siya, despite sa nais ng kanyang ama na mag-asawa na siya. She doesn’t like commitments that’s why she made her own rule.

Thanks to this online dating application called Coffee Meets Bagel, and she met this guy for her mission and that is Harris Alejandre. Ang lalaki rin palang ito ang sisira at babago sa sarili niyang pananaw sa buhay.

Makakaya ba nitong lusawin ang kasing lamig ng yelo niyang puso o siya ang malulusaw sa pang-aakit nito sa kanya? Paano kung ang pagkakilala nila ay may koneksyon pala sa kanilang nakaraan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE:
Hello all! Marami pong salamat sa pagsubaybay, ang Chapter 6 ay nakaVIP na hanggang dulo. Locked and VIP story. Please support my stories until ending. =DISCLAIMER= ©2020-2021 WANTED: BMB! written by JL Dane made available only in Dreame and Yugto mobile app. All rights reserved. This is an original work of fiction and the results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s written permission or publisher except for the use of brief quotations in critical articles or reviews. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** NAKAPILA na ang lahat ng empleyado ni Sañamae sa loob ng building upang batiin siya tuwing Lunes. Ipinagawa niya iyon sa mga empleyado upang maiwasan ang pagiging late ng mga ito. Siya lang ang may karapatan upang ma-late, ngunit hindi niya kailanman gagawin iyon upang hindi siya pamarisan ng mge empleyadong nasasakupan niya. “Nangangawit na ang mga paa ko, hindi pa ba papasok si Ma'am Saña?” reklamo ng babae niyang empleyada. “Shh.. Huwag ka ngang maingay, Claudette. Kapag narinig ka ni Ma'am. Saña, baka bukas o makalawa ay sesante ka na. Alam mo namang napakahigpit niyon. Makita nga lang tayong nagbubulungan, pupunain na tayo. Paano pa kaya kapag nagreklamo tayo?” “Kung bakit kasi hindi na lang si Señor Agusto ang naghanap ng hahawak sa atin at sa kanya pa talaga tayo napunta. Kasing lamig pa naman ng yelo ang puso n’on at parang dragon kung bumuga ng apoy,” dagdag ng isa nilang kasama na pinagigitnaan ang kausap na lalaki. “Shh.. Tama na nga kayo, mamaya at bigla iyong bumaba at tayo ang mabugahan ng apoy. Alam n’yo namang never na late ang isang iyon.” Sakto namang pagpasok ni Saña ay rinig na rinig ang lahat ng pag-uusap ng mga ito. “Narinig ko lahat ng reklamo n’yo, Mister Suarez. Don’t worry, hindi ko kayo sesesantehing tatlo but get ready to make a report. In my office, today.” taas kilay na sabi niya habang diretsong naglalakad sa hallway patungong elevator. Hindi na siya nadismaya, alam na niyang araw-araw ay siya ang laman ng chitchat ng mga ito. Naniniwala na siya sa sumbong ng kanyang ama at reklamo rin nito na masyado siyang mahigpit bilang isang Sales and Marketing Director. She actually needs that, how can she manage the operation kung hindi niya gagawing mahigpit, clever and bold ang pagpapasunod ng mga ito. With her look, have her hair in a tight bun, a smooth and slight make-up—slight brush of blush on, foundation and lipstick with the match of her two-inch Jimmy Choo and a designer office sleeve and slacks. Papasa talaga siyang matronang nagbabantay ng library, isama pa ang kanyang square style na eyeglasses. No one could ever notice she's a director with how she fixed herself—a typical librarian descriptive. Masungit, may katarayan, sopistikada at mahigpit sa lahat, mapatrabaho man o bahay. Pero hindi pala sigaw. She's still managed to compose herself all the time. Pwera na lang kung hindi na niya makontrol ang emosyon sa inis, iritasyon o galit. Never niyang naisip magsuot ng bestida kaya tila lagi siyang naka-uniporme sa kasuotan niyang iyon na madalas na kinangingilagan ng mga ito. Nagkaroon naman siya ng mga manliligaw lalo noong nasa kolehiyo pa siya kahit na noon pa man kakaiba na siya pomustura, ngunit dahil focus sa pag-aaral ay isinantabi niya iyon. Many are saying she looks like Lovi Poe but an older version. Marahil ay pareho sila ng hugis ng mukha ng batikang celebrity at kakulay din niya. She never invested in a high-end quality whitening products. Para saan pa, kung babalik rin naman sa dati ang kulay niya? It’s just thankful that she has a fair glowing Filipina skin. Kayumangging pantay ang kulay at dahil iyon sa minana niyang kulay ng ina plus a daily routine for maintenance. She’s a five-seven and eight inches tall. Maintain niya rin ang healthy diet kaya kahit mukha siyang matanda sa hitsura ay bata pa ring tingnan ang katawan niyang balingkinitan at mukha. Idagdag lang talaga ang postura niya kung kaya nagmumukha siyang matanda. Kung tutuusin, papasa naman sana siyang model. During her college days, marami na ang gustong kumuha sa kanya, either endorser or a magazine model, siya lang ang may ayaw. Hindi niya hilig ang ganoong linya. Business is her desire and priority. She’d been working her ass off over five months in a five-star Hotel Del Casa, Isa sa pinakamalaking hotel sa Makati. At sa loob lang ng isang buwan ay tumaas na ang posisyon dahil sa promotion. Marami na siyang pinalitan at sinesanteng empleyado na unproductive, ineffective at unpersuasive, lahat na yata ng may nakarugtong na suffixes ay tinanggal niya, matiyak lang na sa bago niyang pamamahala ay magiging maayos iyon kumpara sa huling naging director. It's her father's choice which she assumed one of a control freak. Nang maka-graduate sa kolehiyo ay isang four-star hotel ang napasukan niya at na-promote bilang Catering Conference Service Director. Pero dahil isa iyong four-star ay kinondena ng ama ang tuloy-tuloy niyang pagta-trabaho roon. Pagkaraan lang ng isang taon bilang promoted director ay napilitan siyang lumipat sa isang five-star hotel kung saan share holder ang kanyang ama at nagtrabaho. Okay naman mag-umpisa sa mababa, ngunit iyong inulit niya ang posisyong mababa ay nahirapan talaga siya. But she wanted to prove, that she's worth giving the chance to work in a five-star hotel. She did all the hard work, perseverance, and committing to the hotel and now she's the new Sales and Marketing Director, thanks to the promotion and what his father did to climb her on top. Alam niyang marami ang tumutol na siya ang italagang bagong Sales and Marketing Director dahil una ay babae siya, kaya tiniyak niyang lahat ng kumakastigo sa kanya ay malinis ang mga hangarin kung hindi, ay titiyakin niyang mahahanapan ng baho ang mga ito. They are having a line-up, not only in the hallway but inside the Sales and Marketing Department. Doon ay nagsasabi isa-isa ang lahat ng mga tauhan o empleyado ng kani-kanilang mga gagawin sa araw na iyon bilang kanilang achievement. It actually helps a lot for her to manage what they are finishing within a day. Mas madali niyang namo-monitor ang mga ito kahit pa hindi siya nakatingin. Her coordinator, jot down what they are saying. Para mas masiguro niya na hindi uulit ng trabaho ang mga ito. Sixteen lahat ng kanyang tauhan. At kahit kaunti lamang ang tauhan niya sa opisina ay nahihirapan din siyang i-handle isa-isa ang mga ito dahil may kanya-kanya rin namang working attitude ang mga ito. Natapos na ang lahat magsalita at siya ang pinakahuli. “Today, I’ll be attending a meeting to confirm some valued guests and longtime clients. I will take my assistant coordinator with me.” Tinawag nito ang Assistant Coordinator. “Harlene, please take over. Have a good day ahead everyone,” pagkasabi ay kaagad na dumiretso na siya sa kanyang sariling opisina. Pasunod na rin sa kanya si Harlene na nagtimpla muna ng kape para sa kanya bago dumiretso ng opisina niya. “You need to fix my schedule today. Aalis ako by sixteen o'clock to assist some guest,” paalala pa niya. Ibinigay naman nito ang detalye sa kalendaryong nasa mesa niya matapos malagyan ng mga sticky notes. “You’ll have a meeting with the Engineering Department para po sa interior design and renovation ng office by ten AM. By one PM is the meeting from Food and Beverage Department. At three o’clock PM, meeting with guests to confirm their stay. And at four PM. I already cleared it for you, Miss Saña.” Napataas ang kilay ni Saña, if it were on her shoe, she can do that interior design by herself but unfortunately, she's not an interior designer, no more. And never she will be. “Better, but you forgot one thing. I told you to learn military time, didn’t I?” saka niya sinulyapan si Harlene. Tumango naman ang pobreng si Harlene Montelibano. Natutuwa talaga siya rito at matiyaga ito pagdating sa kanya at mga task niya. “It’s okay. I don’t want to waste some time. Go downstairs and take some bread.” Alam niyang pareho silang hindi pa nag-aalmusal lalo na ito kaya hahayaan muna niyang mag-breakfast ito bago bugbugin ng trabaho. “I need to finish answering some emails. Tiyak tambak na iyon and before you stepped your feet out of the department, don’t forget to call Claudette, Pamela, and Mister Suarez, ASAP. Thanks.” Pagkalabas ni Harlene ay nakita pa ni Saña na sinenyasan nito ang mga kasama kaya mabilis na nakapasok ang mga ito bago pa tuluyang makalabas ng buong department si Harlene. “Mam. Saña..” tila nagmamakaawa na ang boses ni Claudette. “Hindi pa kita kakainin. I need you to follow up with the landscape architect for the plants I wanted to put inside the department. Tapusin mo iyon bago dumating ang coordinator ko bukas ng umaga. Kailangan may update ka ng magawa bago pa matapos ang araw. Then, come to the office before I leave. Next time, if I catch someone gossiping again, I will assign her or him to a different job, might be related or worst not related in your position. Am I understood?” “Yes, ma’am,” sagot ni Claudette na lumabas na rin ng opisina niya. Kung siguro ay nasa department din niya ang mga taong gumagawa ng tsismis sa kanya, paniguradong naparusahan na rin niya ang mga iyon. Masuwerte lang ang mga ito at sa ibang department nakatalaga. Matapos makaalis ng huli niyang pinarusahan at binigyan ng trabaho ay kaagad na humarap si Saña sa laptop para sa tambak na emails. Sumasagot din naman siya ng email sa bahay ngunit kahit pa, tambak pa rin iyon na kulang na lang ay sa opisina na lang siya tumira. Hindi na niya namalayan ang oras nang mag-set siya ng alarm sa phone tungkol sa meeting niya by ten AM. NANG mag-umpisa ang meeting ay isang mahabang diskusyon lang ang inilahad niya. “I want it clean and green. Ayaw ko ng colorful flowers o kung anong klase ng halaman. I want a plain and simple,” mariing sabi niya nang may nagsuhestisyon na ang ilalagay dapat na mga halaman ay colorful para bumagay sa renovation ng department. May narinig siyang bulong. “Gaya n’yo.” Kahit alam na niya kung kanino galing at galing iyon kay Arturo —ang Assistant Director ng Engineering Department, dahil wala ang Director. Nagkibit lang siya ng balikat, in the end siya pa rin naman ang masusunod. Marami siyang nais ipagawa sa mga ito. Tutal, naglaan na siya ng budget para doon. Mula sa mga staff, nais niyang palitan ang interior designs at i-make over ang buong department. It looks plain and dull after the last management. She wanted anew from the start, nakare-refresh kapag bago lahat. Ilang buwan na bago rin iyon aprubahan ng kanyang ama. “I have all the budget to make this project happen,” kastigo niya at kung kinakailangang galing sa sarili niyang bulsa ang panggastos ay gagawin niya, mapaganda lang ang aura ng buong office ng Sales and Marketing. Marami na siyang nakalatag na plano at iyon palang ang unang hakbang para mas umangat ang department nila kumpara sa ibang department. “Kung hindi lang siguro nakadespalto ng pera si Mister Revanzano ay baka siya pa rin ang namamahala sa department.” Tila nagpanting ang tainga niya sa nais sabihin ng Assistant director na mukhang tutol at lubhang nahihirapan sa mga plano niya. At tiyak niya ayaw pa rin ng mga ito sa kanya. “That’s the main reason why the department looks plain, dull and lifeless. Dahil inilaan niya ang perang ipaaayos sana sa ikagaganda ng department para sa sariling bulsa,” pagdidiin niya nang malinawan ang baklang panot na Assistant director. Literal na mauubos ang buhok nito sa bumbunan lalo na kapag siya ang magsasalita at mangangatwiran. Napailing-iling na lang ang baklang si Mister Arturo Laurete. She has nothing against gays or gender equality, ngunit pakiwari ni Saña ay ginagamit nito ang kabaklaan upang magkaroon ng matalas na dila at pagtaasan siya. Tinitiyak niyang hindi mangyayari iyon. Laki siyang palaban at palaging first honor sa debate. Saña’s c*m Laude honor didn't go for anything from her being aggressive, clever, and wise attitude. Wala na ring tumutol matapos ang meeting. Kinausap siya ng architect para sa design na nais niya at iyon na ang huli niyang pagkausap sa mga ito. “Miss Saña..” habol ni Martin, ang Architect Assistant. “Kung may kailangan ka pang linawin. Go to my office before the office hours. Marami akong agenda at nakapila ang lahat ng iyon. So, please excuse me and I have to go,” malamig na sambit niya saka tinalikuran ang magsasalita pa lang na si Martin. “Hindi ba uso sa kanya ang salitang deadline? Parang laging nagmamadali.” Narinig pa niya ang huling sinambit nito bago ito tuluyang mawala sa paningin niya. Nakasunod lang sa likuran niya si Harlene. Kung binilisan nito sa pagsasalita ay baka nabago pa nito ang schedule niya. Hindi niya kasalanan kung hindi nito kayang tapusin ang mga deadline na nais niya at kung may schedule siyang nauna. First always comes first, and one of her theory. Natapos niya ang buong agenda pati ang outside meeting kasunod ng maraming emails na naman na kailangan niyang tapusin. Pasado alas otso na ng gabi. Muling sinulyapan ni Saña ang bintanang salamin na tagusan. Natanaw niyang naroon pa sa labas si Harlene at kagaya niya ay abala pa rin ito. Nag-ayos na siya ng gamit at lumabas na rin kinalaunan. Ayaw niyang magpagabi lalo pa at may meeting daw sila ng kanyang ama ngayong araw ding ito. “Harlene,” tawag niya sa coordinator. “Yes ma'am.” “I’m going. It’s already twenty fifteen. Umuwi ka na rin. May bukas pa naman. Bukas mo na lang tapusin iyan,” sabi niya rito. Nag-aalinlangang inayos nito ang mga gamit. Isinalansang sa desk at tumayo na rin. “I already approved your application for overtime tomorrow. I will send an email tomorrow para sa ibang task na need kong gawin mo bukas. And send me the details of what I gave to those three,” malinaw at maautorisado niyang banggit. “Yes ma'am.” Kung hindi lang napansin ni Saña na si Harlene na lang ang nasa loob ng opisina ay baka hindi niya ito pinauwi at hinayaang sumabay na rin sa mga kasama. Kahit masama man ang tingin sa kanya ng mga kasamahan ay wala na siyang pakialam, only her close friends knew the real her. Palabas na ng parking area si Saña nang makita si Harlene na nakatayo na at nag-aabang sa sakayan ng FX at bus ngunit karamihan nang mga dumaraan ay puno na. Itinabi niya ang sasakyan at ibinaba ang bintana ng sasakyan. “Harlene, come. Ihahatid na kita.” “Naku ma'am. Huwag na po. May dadaan na rin naman pong FX. Or baka po mag-MRT na lang ako.” “Sa Caloocan ka pa, do you think you can go to MRT from here at Pasay? Ihahatid na lang kita sa MRT station sa malapit. I insist, sumakay ka na,” pangungumbinsi niya. Ngumiti ito nang malapad. Batid niyang nais din talaga nitong makauwi na. Ngayon lang naman umabot sila ng ganoong oras, madalas ay hanggang alas siete lang naman. “Ma'am, salamat po talaga. Malaking bagay na rin po para makapasok rin ako nang maaga bukas para sa overtime.” “I’m also thinking to have a shuttle para sa mga employee natin.” “Actually ma'am, may service talaga kami sa department. Kaya lang ay tatlong buwan na ring nawala sa hindi namin malamang dahilan.” “Babanggitin ko ito sa papa. We need immediate action regarding the employee’s concern.” “Kung alam lang po nila kung gaano ka kabuti ma'am, hindi ka nila huhusgahan ng ganito.” Nilingon niya si Harlene. “Don’t tell anything. Hayaan mo sila,” saka muling ibinalik ang mga mata sa pagda-drive. She made her voice convincing. “Kung alam lang nila ang kabutihan na nais n’yo sa department at kompanya ay hindi sila gagawa ng issue. They’re judging a person by its cover talaga.” Hindi na lang siya umimik. Hindi na rin niya namalayan na nalampasan na nila ang station ng MRT. Kaya nagpumilit na lang siyang ihatid si Harlene. Si Harlene ang natirang coordinator na hindi niya pinatanggal. Nakitaan naman niya ito ng potential at kabaitan kaya kinuha niya itong kanyang assistant coordinator. Masasabi niyang maaasahan naman ito sa isang buwang nagdaan dahil hindi pa siya nito binibigo. Halos alas diyes na rin ng gabi nang makauwi siya ng bahay sa Makati. Mabuti nga at madaling nakahanap siya ng shortcut para makauwi. “Papa..” Humalik muna siya sa pisngi ng ama bago siya pinapunta sa loob ng maliit nitong opisina na karugtong ang library —ang study room nito. Sa hitsura pa lang ng ama alam na niyang masamang balita ang sasabihin nito at kinakailangan na pag-meeting-an. Nagsalukap ng dalawang palad and may edad na na si Agustus o Agusto. “Alam mo namang patay na ang iyong ina, seventeen years na ang nakararaan dahil sa...” Napahinto ito sa pagsasalita at iniingatang hindi makasagi. “ Alam mo ring ako na lang ang kasa-kasama mo liban sa mga kasambahay natin dito at ang dalawa mong kapatid na babae ay nagsipag-asawa na. I know your passion in working and putting your mind into a business, after you graduated and proved me how lucky I am to have you. Pero napapanahon na rin siguro na mag-asawa ka na rin, Saña.” His dad doesn’t look like a sixty-five-year-old man dahil na rin sa pag-eehersisyo nito at mga multi-vitamins. Nagsimula lang itong mag-retiro nang ma-promote siya sa trabaho and her dad do that for her as a reward. Napakunot ang noo niya sa tinuran ng ama. Halos tuloy-tuloy ito magsalita na nagpakaba sa kanya iyon pala ay mapapunta na naman sa pag-aasawa na ilang beses niyang tinanggihan. Marahil ay ito na ang pangpito simula sa banggit ng ama. “Alam kong nais mong mapalago ang negosyo ngunit isa itong malaking hamon sa iyo, anak. Tingnan mo naman ang sarili mo.” Napatingin siya sa sarili. “What’s wrong with me? Nothing is wrong with me. I’m perfectly capable,” katwiran niya na buong-buo ang tiwala sa sarili. “Thirty-five ka na ngayong taon at malabo na yatang mabigyan mo pa ako ng apo. I want you to get a life, Saña. Huwag kang umasa sa dalawa mong kapatid na si Sarriyah at Siella na aalagaan ka nila kapag tumanda ka. Like them, they have their own life now at masaya silang maging housewife.” Napakibot si Saña sa nais tumbukin ng ama. “I want you to get married. Kailangan maiharap mo ang mapapangasawa mo sa akin bago matapos ang buwan ding ito. I want you to have a child before the year ends, or otherwise, you will let me do the privilege. I have someone who knew can marry you and teach you how to be a mother.” Napabuga siya ng hangin gamit ang ilong. “Nagpapatawa ba kayo Papa? It’s already August today. August five to be exact.” “I’m deadly serious, Sañamae Carantes.” Tiyak niyang seryoso nga ito nang buuhin na nito ang pangalan niya. “I want you to bear a child and get married as soon as possible. Kung hindi mo magagawa iyon..” Tumayo ito. “Sad to say, mapipilitan akong alisan ka ng mana at katayuan sa kompanya. Mawawala ang lahat ng mayroon ka, Saña. Mapupunta ito sa orphanage o charity.” Para siyang nasampal sa sinabi ng ama. Wala siyang pakialam sa mana, ang ninais lang niya ay ang kompanyang pinagtatrabahuan at pinagsikapan niyang maayos. “I-I don’t think you can forced me to that," pilit ang sarili na ilabas ang boses upang hindi mahalatang natatakot siya sa banta ng ama. “I am, Saña. With all my might and mark my word. Kaya ngayon pa lang ay atupagin mo na ang paghahanap ng asawa and that’s my task for you," mariing sabi ng kanyang ama. Alam na alam niya kung paano magalit ang kanilang ama lalo pa at minsan na rin siya nakatikim niyon at madalas ding nakasasaksi lalo na noong bata-bata pa sila. Kaya tiyak niyang anuman ang sinasabi ng ama ay paniguradong mangyayari. Kahit pa ang tanggalan siya ng mana, karapatan o anumang mayroon siya ngayon. Pinaghirapan din naman niya ang magkaroon ng katungkulan sa kompanya. At iyon ang nais niyang alagaan. Hindi rin niya kayang mamulubi o mag-umpisa na naman sa wala. She's been there a lot of times and frankly speaking she'd fed up to this kind of cycle. Ngunit sigurado siyang hindi sasapat ang naipon niya sa kanyang sariling bank account. Ang huling kita niya sa kanyang passbook ay halos isang milyon at kalahati pa lamang iyon. Nais niyang bumili ng lupain at sariling bahay upang mayroon siyang maging ari-arian. Kung maaari nga lamang ay bumili siya ng sariling kompanya ay baka ginawa na niya at nang sa ganoon ay siya ang mamahala ngunit napakaimposible lalo na sa estado niya sa pera. Mabuti na lamang at hindi na muna siya gumastos ng marami ngayong buwan upang makatipid. Kahit gamit niya ang credit card na konektado sa kompanya, mas mainam ng sapat lang muna ang bilhin. Kung bakit naman kasing kinakailangan pa niyang mag-asawa? She can support her self. Mahihina ang mga lalaki, iyon ang tingin niya sa mga ito. Mahihinang nilalang na madaling magpatalo sa tukso at mga walang pasensya. Hindi niya kailanman pinangarap mag-asawa, magkaroon ng sariling pamilya. Hindi lang dahil wala siyang love interest, kundi karamihan sa mga lalaki ay kunsimisyon sa buhay at pasasakitin lang nito ang ulo niya. She can take care of herself with all her strength. Walang matinong lalaki, lahat sila matutukso din at maghahanap ng iba. There is no thing as one-woman man. Isang malaking kalokohan lamang iyon. Kaya nga mula noon at mapahanggang ngayon ay ni kailanman ay hindi siya nagkaroon ng nobyo. M.U. o ka-Mutual understanding na nauwi rin pala upang maging isang tulay lang siya sa pagmamahalan ng dalawa niyang kaibigan noong college days nila. Kaya hindi na siya umulit. Dahil tiyak namang wala siyang mapapala sa mga lalaki. Wala siyang love interest and never she would have. Being single is enjoyable, no one dictates only herself. No one interferes. She's the only one who can decide everything she wanted. No man is deserving especially her attitude and guts. Imposible ring may lalaking darating na karapat-dapat lalo pa at alam niyang sa panahon ngayon kung hindi borta ay bihira ka na makakakita ng matinong lalaki. At hindi siya susugal para lang maghanap ng lalaking paaamuhin siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.5K
bc

My Last (Tagalog)

read
489.5K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.8K
bc

OSCAR

read
236.6K
bc

Stubborn Love

read
100.1K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook