Chapter Two

1005 Words
Naglalambing na ikinapit ko ang kamay ko sa mga braso ng gwapo kong tatay.     "Dad naman, kailan po ba ako gumawa ng kalokohan? Good girl itong anak mo, alam mo 'yan," malambing pa rin na sabi ko sa kaniya.     Mahirap na, baka topakin ito ay maisama pa ako nang wala sa oras.     "Kaya nga sinasabi ko sa'yo, anak. Wala ng mga tanong, mag-aalsa balutan ka agad at susunod ka talaga sa akin doon. I'm warning you, Belle." Patuloy pa rin siya sa pagpapangaral sa akin at wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango.     "Kung hindi lang kita mahal, hindi kita pagbibigyan sa kapritso mo na magpa-iwan dito," napapailing na sambit pa niya.     Bumuntong-hininga siya habang nakatingin sa akin samantalang napangiti ako dahil doon. I know it is hard for him. Mahirap din naman para sa akin. Matagal kaming magkakahiwalay na dalawa pero maaari naman siyang magbakasyon dito, o kaya ay ako ang bibisita sa kaniya ro’n.     Masuyong hinaplos ni daddy ang buhok ko. Alam ko na ginagawa niya ang lahat para sa aming dalawa. Kayamahal na mahal ko siya, at hindi ako gagawa ng bagay na ikakasama ng loob niya. Kaming dalawa na lang ang nandito para sa isa't-isa.     "Thank you, daddy. Ang gwapo mo po talaga. I love you." I kissed his cheek. Inayos ko pa ang kaunting gusot ng polo niya.     "Kaya ka nga maganda ay dahil gwapo ang ama mo." Gumuhit ang ngiti sa nangungulubot na niyang mukha. At kahit may wrinkles na si daddy ay totoong gwapo pa rin siya. Syempre naman, tatay ko yata 'to!     May kung anong hinugot siya sa bulsa ng pantalon niya.     "Heto na nga pala 'yong susi nang ipinabili mong bahay sa village na malapit sa school ninyo,” maya-maya ay saad niya.     Nagniningning naman ang mga mata ko nang iabot sa akin ni daddy ang susi.     Oh my gosh! Finally! Akala ko ay matatagalan pa. Katakot-takot na pangungumbinsi ang ginawa ko sa kaniya para lang pagbigyan ako. Sabi ko pa sa kaniya ay advance graduation gift na niya ito sa akin.     Mayroon akong matinding rason kung bakit ako nagpabili ng bahay sa kaniya. Bukod sa para akong kawawang aalog-alog dito sa malaking bahay namin dahil maiiwan akong mag-isa, ay may binabantayan din ako na nakatira sa village na lilipatan ko.     "Thank you so much, dad. You are really the best. I love you so much," masiglang wika ko sabay halik sa kaniyang pisngi.     "You look so young with that polo shirt, daddy." Dinagdagan ko pa iyon ng pambobola.     I can’t contain the happiness I am feeling right now. At siyempre, totoo rin naman ang sinabi ko sa kaniya.     "Sige lang, anak. Bolahin mo pa ako. Alam mo naman na gustong-gusto ng matandang 'to ang binobola,” natatawang sagot niya kaya napatawa rin ako.     See? Madali lang pasayahin ang aking tatay.     "Kailan ka pala lilipat? Isama mo si Manang Gloria para may katulong ka sa pag-aayos at si Ador naman para may driver ka."     Tumatango lang ako sa sinasabi niya. Dapat ay mas maging masunurin ako.     "Bukas po, daddy. Magpapasama rin po ako kay Dona at Lorelei." Kinuha na ni daddy ang jacket niya sa akin, tanda nang aalis na siya.     "Bawal mag-drive, Belle. ‘Wag matigas ang ulo." Habol pa niya.     Tumango ako dahil alam ko na iyon. Marunong naman akong magmaneho ng sasakyan, pero hindi na niya ulit ako pinayagang mag-drive simula nang may nangyari noon. Kaya nga ang kinalabasan ay nakatengga lang ang sasakyan sa garahe. Isa iyong puting Bugatti Veyron na niregalo niya sa akin noong nakaraang kaarawan ko.     "Yes po. Bye, daddy! Take care. I will miss you." Mahigpit ko siyang niyakap. I am going to miss him.     Hinalikan naman niya ako sa noo. "Bye, darling. Mag-iingat ka rito. I love you, anak."     Kumaway pa siyang muli bago pumasok sa kotse. Hinintay ko munang makalayo ang sasakyan bago nagpasyang pumasok sa loob.     Muli kong tiningnan ang susi na hawak ko. Hindi ko napigilang hindi magtatalon sa tuwa. Alam kong parang bata, pero hindi ko lang talaga mapigilan at saka wala namang makakakita sa akin.     "Yes! Yes! Yes!"     Kumekembot pa ako sa sobrang saya na nararamdaman ko bago muling tumalon na akala mo ay nanalo sa lotto. Tanging mga hagikhik ko lang ang maririnig sa loob ng bahay.     "Susmaryosep, hija. Ano ang nangyayari sa ‘yo?"     Napalingon ako sa nagsalitang si Nanay Gloria na nakahawak pa sa kaniyang dibdib. Maging ako ay nagulat sa biglaang pagsulpot niya.     "Wala po, nanay. Masaya lang po ako." Lumapit ako sa kaniya at humilig sa balikat niya.     Para ko na ring lola si Nanay Gloria. Simula noong bata pa lang ako ay nandiyan na siya sa tabi ko. Siya ang nag-aasikaso sa akin sa tuwing nasa trabaho si daddy. Siya ang gumagawa ng mga bagay na dapat ginagawa ng isang nana— Oh, nevermind!     “I'm happy!” Paalala ko sa sarili ko para lang hindi masira ang mood ko.     Masiyado akong masaya at ayokong alalahanin ang mga bagay na dapat ay ibinabaon na sa limot.     "Hindi naman masiyadong halata na masaya ka, anak." Natatawa na napapailing na lang ang matanda sa akin.     "Naayos mo na ba ang nga gamit na dadalhin mo bukas?"     Sa tanong na iyon lang pumasok sa aking isip na hindi ko pa nga pala tapos ayusin ang mga gamit ko. Sa sobrang excited ay hindi ko na naisip iyon. Noong nakaraan ko pa iyon pinaplano na ihanda kaso lagi naman nauudlot dahil akala ko ay hindi pa ako pagbibigyan ni daddy.     Napakamot ako sa ulo. "Hindi pa po, 'nay. Akyat po muna ako para ayusin ‘yon."     Mabuti na lang pala at ipinaalala niya. Plano ko na makalipat na rin agad.     "Sige, anak. Pagkatapos ay bumaba ka para kumain ng tanghalian."     Tumango ako sa kaniya at nagpaalam na. Habang umaakyat sa hagdan ay hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa aking labi. Ramdam na ramdam ko ang excitement.     I can’t wait to be in the same village with the love of my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD