Chapter Three

1014 Words
"Done,” nakangising ani ko matapos mailagay sa closet ang lahat ng damit ko.     Nag-stretching muna ako dahil bahagyang nangalay ang likod ko sa pag-aayos ng mga dala kong damit. Dalawang punong-puno na maleta ba naman ang inayos ko. Mabuti na lang din at kumpleto na ang mga gamit dito sa bahay. Hindi na talaga ako hinayaan ng ama ko na mamroblema pa. Ang paglipat ko na lang talaga ang tanging kulang.     "Your dad really bought this house, babe?"     Napabaling ang tingin ko sa chinita na babaeng nakahiga ngayon sa aking kama. Nakapatong ang paa niya sa headboard habang nakatunganga lang sa kisame. She's Quinn Lorelei Lambert, one of my best friends.     “Hmm.” Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita.     "Akala ko ay nagbibiro ka lang noong sinabi mo sa amin na lilipat ka rito sa village na tinitirhan namin. Hell! You are really a spoiled brat!” dugtong na saad niya.     "I'm not spoiled, babe. At hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpabili ng bahay rito,” natatawang sagot ko.     Mabilis siyang bumangon at binato ako ng unan. Nagawa ko naman itong iwasan. Umayos siya ng upo sa kama at hanggang ngayon ay sinisimangutan ako.     "I hate you, Belle. Akala ko pa naman kaya ka lumipat dito ay para magkakalapit na tayo ng bahay." Himig nagtatampo ang boses niya.     I laughed because of that.     "Siyempre may parte na ganoon din ang rason ko, pero alam mo naman na may iba pa." Napangisi ako habang tumataas-baba ang mga kilay.     "Nakakatakot ka talaga, babe!” Humagalpak siya ng tawa at binato akong muli ng unan. Sinalo ko naman ito at saka itinapon pabalik sa kaniya. Ang hilig niya manakit.     "Nakakaasar!"     Magkasabay kaming napalingon ni Lorelei sa taong nagsalita. Kapapasok lang ng isa pang babae sa kwarto. May dala siyang tray na agad niyang ipinatong sa mini table na nandito rin sa loob.     That girl is Donatella Donatelli. Yes. That’s her full name. Isa rin siya sa matalik kong kaibigan. Hindi katulad ni Lei, matangkad at morena ang isang ‘to.     "What's your problem?" alanganing tanong ni Lei sa kaniya ngunit sa halip na sagutin ang kaibigan namin ay sa akin siya bumaling ng tingin.     "Walang ibang pagkain sa ref ninyo, babe." Napanguso siya at pabagsak na umupo sa kama.     "Yan lang!" Sabay turo pa niya sa pagkain na nakalagay sa tray.     Napatingin naman kami ni Lorelei sa itinuturo niya at makalipas ang ilang saglit ay magkasabay rin kaming humagalpak ng tawa. Sinamaan kami ng tingin ng pikon naming kaibigan.     "What's wrong with donuts, Donat-ella? Pft,” nang-aasar ani Lorelei sa kaniya.     Donut kasi ang dala ng kaibigan namin kaya hindi maipaliwanag ang ekspresyon niya. It is not an exaggeration but she really hates that food.     "Why? Ang sarap kaya ng donut,” pa-inosenteng sagot ko naman.     Nagsimula akong kumuha ng isa at kinagatan ito. Ganoon din ang ginawa ni Lei. Inalok pa niya ang napipikon naming kaibigan.     "I hate donuts, Lorelei!" asar na sagot ni Dona.     Yes! She does really hate donuts. And her reason?     "Donat na nga ang pangalan ko, hanggang pagkain donut pa rin?" Naiinis na humiga siya sa kama at parang bata na nagpagulong-gulong doon.     Nagtawanan na lamang kaming dalawa ni Lei. Sa tuwing magkikita siya ng donut ay asahan mong maaasar at mawawala na siya sa mood. Ganoon kababaw ang problema niya sa buhay.     "I'm sorry, babe. Natural lang na wala pang laman ang ref ko. Alam mo naman na kakalipat ko pa lang. Pasalamat ka nga may donut pa na natira kanina,” I said still laughing.     "Yeah! Enough with that! Ubusin ninyo na 'yan at baka magdilim pa ang paningin ko ay i-flush ko 'yan sa toilet bowl ninyo.”     Kulang na lang ay ibato niya ang unan na hawak sa kawawang pagkain! Walang kamuwang-muwang ay pinag-iinitan ng isang 'to.     "Kailan mo pala pupuntahan si Caleb?" maya-maya ay tanong ni Lorelei.     Nagpasya siyang ibahin ang usapan para na rin siguro maalis ang asar ni Dona. Agad naman na lumawak ang pagkakangisi ko nang marinig ang pamilyar na pangalan na iyon.     "Hmm… mamaya!"     Hindi maitatago sa aking boses ang excitement na nararamdaman. Kung pwede lang na hilahin ang oras para dumating na agad iyon.     "You're creepy, babe,” sambit ni Dona sabay bato sa akin ng tissue.     “Pasalamat ka at maganda ka, dahil kung hindi mapagkakamalan kang stalker. Matatakot na si Caleb sa ‘yo." Pambubuska ni Lorelei sa akin.     "Well! Wala ka nang magagawa dahil maganda ako, kaya papasa akong girlfriend niya," I confidently answered.     Hindi pa rin napupuknat ang ngisi sa aking mga labi. I am excited to see him. What should I wear later, hmm?     "Oo na lang!" sagot ng dalawa kong kaibigan at akala mo ay problemado kung humugot ng malalim na hininga.     Tumayo na ako at ipinagpag ang kamay. Lumapit ako sa kama at kinalbit silang dalawa.     "Sige na nga! Umuwi na kayo sa mga bahay ninyo." Natatawang pagtataboy ko sa kanila.     They both frowned at me.     "Grabe ka sa amin, babe,” Dona said while pouting.     Mahinang pinitik ko naman ang kaniyang nguso. Mabilis niya iyong tinakpan at sinamaan ako ng tingin.     "Wala naman kayong naitulong sa akin. Humilata lang kayo sa kama kanina habang nagpapakapagod ako," sabi ko pero tinawanan lang ako ng dalawa.     Kapag guilty talaga, tatawa na lang. May angking katamaran talaga ang mga kaibigan kong ito.     "Nagpasama ka lang naman. Hindi mo naman sinabing tulungan ka namin," pilosopong sagot ni Lorelei.     Akmang pipitikin ko siya sa labi nang agad siyang nakalayo at nakatalon sa kama. Si Dona naman ay halos mahulog sa kama para lang makaiwas din sa akin.     "Bye, babe! See 'ya later!" Mabilis na paalam nilang dalawa nang pandilatan ko sila ng mata. Kumaripas sila ng takbo palabas ng pinto at hindi ko na nagawang abutan.     Napailing na lang ako at mahinang napatawa. Bukod kay daddy, ang dalawang magulong babae rin na iyon ang dahilan kung bakit nananatili akong masaya sa kabila ng hindi kumpletong pamilya. And I would also be forever grateful for having them in my life.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD