I had my first heartbreak when I was seven years old. It was the time when my mom and dad got separated. Dahil nag-iisa lang akong anak, hindi ko alam kung kanino ako sasama. Mahal ko silang pareho at naiipit ako sa pagitan nilang dalawa.
Pitong taon pa lang ako noon, pero ang bigat na ng problema na kinakaharap ko. Dapat nagsasaya lang ako noong mga panahong iyon, pero namulat agad ako sa isyu ng pamilya namin. Ngunit ang totoo niyan ay kay daddy pa rin naman ako naiwan, dahil sa una pa lamang, wala na palang plano si mommy na isama ako kung saan man siya pupunta.
Nakakatawa, hindi ba? Namomroblema ako tapos hindi naman pala ako kabilang sa isang partido.
I was deeply hurt at that time. They decided on their own. I know I am too young at that time, but I still want to meddle in because I am their daughter. Hindi man lang nila ako tinanong kung okay lang ba sa akin na maghiwalay sila. Okay na, basta makawala lang ang isa. Hindi na bale na masaktan iyong maiiwan.
They didn't think that their only daughter would get hurt. That I would grow with a broken family. Sana hindi muna sila naghiwalay. Sana nag-usap muna sila at tinimbang ang mga bagay-bagay. They didn't know how broken-hearted I was that day. Walang sinumang anak ang gugustuhing magkahiwalay ang kaniyang mga magulang.
Labinglimang taon na ang nakaraan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang totoong dahilan kung bakit sila naghiwalay. Simula noong umalis sa bahay si mommy, wala na kaming naging balita sa kaniya. Hindi na rin nag-abala si daddy na alamin pa.
"We need to get separated because we don't love each other anymore. Hindi na kami masaya. I'm sorry, my princess." Naalala ko pang sabi ni mommy sa akin noon bago siya umalis. Dalawang malaking maleta ang dala niya at umalis lulan ng kaniyang kotse.
Hindi na nila mahal ang isa't-isa kaya naghiwalay sila. That's the reason? Really? Kalokohan!
Sana hindi umiiyak si daddy gabi-gabi kung hindi na siya mahal nito. Naaawa ako sa kaniya dahil alam kong mahal na mahal niya si mommy at nasasaktan pa rin siya.
Simula noon ay nagtanim ako ng galit sa aking ina. Galit ako sa kaniya dahil nagawa niyang makipaghiwalay kay daddy at iwanan kami ng ganoon lang. Pagkatapos noon ay hindi niya man lang ako kinamusta, kung okay lang ba ako. Hindi niya man lang ako nagawang bisitahin kahit kailan.
Mapapatanong na lang ako sa sarili kung ano bang klaseng ina ang mayroon ako?
Though, I already moved on. Matagal nang panahon iyon, naalala ko lang dahil paalis si daddy ngayon. Maiiwan na akong mag-isa rito sa bahay namin, bukod sa mga kasambahay namin na intinuring ko na ring pamilya.
"Malia Isabelle Gregory!" Agaw ni daddy sa atensyon ko.
Patay kang bata ka!
"Yes, daddy. That's me!" wala sa sariling sagot ko sa lalaking katabi ko na may kasama pang pagsaludo.
Halos matawa naman ako nang tingnan niya ako ng masama. Napanguso ako para pigilan ang ngiti na gustong sumilay sa aking mga labi. That man is no other than Arturo Gregory, my father.
"Bakit po, daddy?" alanganing tanong ko noong hindi siya sumagot.
Palabas kami ngayon ng mansion. Ihahatid ko kasi siya hanggang sa kotse niya. Katulad nga noong sinabi ko kanina, paalis si daddy ngayon at hindi matapos-tapos ang mga pangaral niya sa akin. Minsan tuloy ay naiisip ko kung dati kayang pari si daddy? Ang hilig kasi niyang magsermon.
"Are you listening, honey? Aalis na ako pero ang isip mo ay lumilipad na naman sa ibang mga bagay. Naintindihan mo ba ang lahat ng bilin ko sa ‘yo?" istriktong tanong niya sa akin.
Ang kulit ng daddy ko at pang-ilang ulit na niya kaya ito. Memorize ko na nga ang mga sinabi niya.
"Yes, daddy! Narinig ko po. Naintindihan ko po. Okay na?" I smiled sweetly at him when he looked at me with his serious face.
"Hindi ka pa po ba mali-late sa flight mo, dad?" Pag-iiba ko sa usapan kahit na alam kong malabong mangyari iyon. Baka lang naman sakaling makalusot.
"He has a private plane, Belle. Nice! Ang galing mo talagang mag-isip." Kontra sa akin ng sariling utak.
"Kailan pa na-late ang owner sa sarili niyang eroplano? Tell me, darling,” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo at muling ngumiti sa kaniya.
"Ngayon pa lang po?" pa-inosente rin na sagot ko sabay peace sign sa kaniya.
Nakita kong napabuntong-hininga ang tatay ko dahil sa sinagot ko. Masakit na ang ulo niyan dahil sa akin.
"Sinasabi ko sa ‘yo, Isabelle. Once na nag-report sa akin si Manang Gloria na may ginawa kang kalokohan dito, susunod ka talaga sa akin sa States. And I'm serious about it."
Natatakot ako kapag nagseseryoso si daddy. Alam kong tototohanin niya lahat ng sinasabi niya. And no! Hindi ako pwedeng umalis. Dito sa Pilipinas ang buhay ko.
Daddy will stay for good in US. Aasikasuhin niya ang kompanya namin na naka-base ro’n, maging ang branches ng hotel at restaurant namin. Lalo pang nadadagdagan ang negosyo ni daddy, at siyempre kailangan niyang asikasuhing mabuti ang lahat ng ito.
Yes. My father is a businessman that’s why I am taking a business course.
"Sa iyo ang lahat ng ito, anak. Ikaw ang magmamana nito kapag nawala ako."
Ito ang mga bagay na palagi niyang sinasabi sa akin at naiinis ako kapag binabanggit niya na mawawala siya. Ayoko. Kung pwede lang na magkasama kami habang-buhay, pero alam kong malabo iyon.
Pinipilit niya pa nga ako na sumama sa kaniya sa ibang bansa dahil hindi raw siya mapapakali kapag hindi niya ako nakikita. Baka raw kung ano pa ang mangyari dito habang wala siya, pero hindi ako pumayag. Gusto ko rito lang ako sa Pilipinas, at saka may inaasikaso pa ako rito. Wala pa ngang progreso iyon. Alam ko naman na hindi ako matitiis ng tatay ko.
“Nawawala ka na naman, anak!” Isang pitik sa aking noo ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Napatingala ako para tingnan ang aking ama. Unti-unti ay muling sumilay ang ngiti sa aking labi. I am forever grateful that I have a father like him. He is one of the greatest treasures I want to keep forever.