"Good morning, El,” maingay na bungad sa akin ni Lei nang pumasok ako sa loob ng classroom.
Agad silang nagtungo papunta sa akin. Kakarating ko lang, samantalang sila ay kanina pa pumasok. Inilibot ko ang paningin at mabuti na lang wala pang gaanong estudyante. Lima pa lang kaming nandito sa loob. Si Lei, Dona, ako, at 'yong dalawa naming kaklase na pareho namang natutulog.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong naman ni Dona. Naglalakad na kami ngayon patungo sa aming mga upuan.
"Because I’m beautiful!” Kinindatan ko siya at napapailing na lang ang mga ito sa akin.
“I made this first,” dugtong na wika ko dahil mukhang hindi sila umaayon sa nauna kong sinabi.
Itinaas ko ang paper bag na hawak. Agad ko namang inilayo ito nang makita kong kukunin nila ito sa kamay ko. Madadaya! Basta usapang pagkain ay asahan mo na mabibilis ang kamay nila samantalang kanina ay hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Tsk.
"Na-uh! It's not for you, girls. I’m sorry!" natatawang ani ko sa dalawa kong kaibigan na ngayon ay nakasimangot na sa akin.
"Cookies?" sabay na hula nilang dalawa.
Tumango naman ako bilang sagot at lalo lang silang napasimangot dahil doon.
I will give it to Caleb later. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako sumabay sa kanilang pumasok. Maaga pa akong nagpautos kay manang para bilhan ako ng mga ingredient na gagamitin dahil wala pa rin akong stocks sa bahay. Hindi na rin ako nagpahintay sa kanila dahil alam kong kapag hinintay ako ng dalawang ito ay wala akong matatapos na cookies dahil siguradong uubusin lang nila ang bawat magagawa ko. Hindi lang talaga halata, pero matatakaw talaga sila. Hindi ko na lang alam kung saan nila inilalagay sa kanilang mga tiyan iyon.
Umupo ako sa upuan na malapit sa bintana at ipinatong sa mesa ang dala kong paper bag. Pumwesto sa harap ko si Dona, samantalang sa katabing upuan naman naroon si Lei.
"Ang daya naman, babe. Gusto rin namin niyan. Bakit hindi mo man lang kami ginawan?" Parang bata na nagmamaktol si Dona.
"Minsan tuloy ay naiisip namin na mas mahal mo si Logan kaysa amin ni Dona,” may himig pagtatampo na saad naman ni Lei.
Ang galing talaga nilang magdrama! Pwede nang pumasa bilang best actress.
"Mas mahal ko naman talaga si Caleb," nakangising sagot ko sa kanilang dalawa.
Napanguso ang mga ito at hindi na ako nakailag pa nang magkasabay nilang hinampas ang aking braso.
“Aray ko! Ang sama ng ugali ninyo,” natatawang daing ko.
"You're mean, babe. I hate you na!" maarteng sagot ni Lei sa akin pagkatapos ay inirapan ako.
"Ganyan si El. Kinakalimutan tayo dahil lang kay Logan. Nakakainis talaga ang lalaking yon!" madramang ani ni Dona at tinalikuran ako.
Pagbuhulin ko kaya 'tong dalawa? Ano sa tingin ninyo? Parang mga bata.
" Ano ba naman? Sa tingin ninyo talaga kayo pa ba ang mawawalan?"
Napapailing na iniabot ko sa kanila ang dalawang box na may lamang cookies. At literal na nagningning ang mata nilang dalawa. Basta talaga pagkain. Marami silang pera pero hindi sila makabili ng kanilang kakainin.
"But it's not for free. Ililibre niyo ako ng lunch mamaya." Pagbawi ko pa bago tuluyang iabot sa kanila ang kanilang parte.
Napahampas si Dona sa upuan. "Ang yaman mo, tapos magpapalibre ka? Ang kuripot mo talaga, babe. Kainis!" sagot niya sa akin sabay kuha ng isang piraso ng cookies.
Minsan tuloy napapaisip ako kung talagang mahigit dalawampung taon na ang mga 'to, o sampung taon pa lang. Parang mga bata tapos ang sarap pa nilang asarin. Mga patola e!
"But still, thank you for this, babe!” they said in unison and kissed my cheek.
They may be childish but yes, they are the sweetest! Having girl best friends like them is one of the blessings I have ever received.
"Bakit wala pa 'yong prof? Ang tagal ah!" Maya-maya ay nagsimula nang magreklamo si Lei.
Yes. Kanina ko pa rin napapansin iyon. Halos nagdatingan na nga ang mga kaklase namin pero wala pa 'yong prof. Imposible namang adjustment period pa rin, e isang buwan na kaming pumapasok.
It's already nine in the morning. Our classes should have started an hour ago. Kung alam ko lang na hindi agad papasok ang professor namin ay sana pala dinala ko muna itong cookies kay Caleb. Gusto ko rin kasi siyang makita agad.
Kinuha ko ang aking cellphone at nagsimulang tumipa ng mensahe na ipadadala sa kaniya.
To My Caleb:
Good morning. I will see you later. :*
Pagkatapos noon ay itinago ko na rin ang cellphone sa loob ng bag. I'm not expecting any reply from him. I'm used to it. Baka namuti na ang aking mga mata kung maghihintay ako noong mula sa kaniya.
Inilibot kong muli ang paningin sa loob ng classroom. Halos mapabuntong-hininga ako nang makitang nagkalat ang mga kaklase ko. Mayroong nagco-concert dito sa loob, may nagsusulat sa board ng kung ano-ano, may mini talk show, may nagbabatuhan ng papel, may natutulog, at 'yong iba naman ay nasa labas ng classroom. Samantalang itong dalawa kong kaibigan ay nakikipagdaldalan sa iba naming kaklase. Isinalpak ko na lang yung earphones sa tenga ko at nakinig ng music. Life is so boring!
I browsed my playlist and played some Lewis Capaldi's songs. Naiinip na ako! Kahit gustong-gusto kong puntahan si Lorcan sa building nila ay di ko gagawin. Alam kong may klase na sila at siguradong lalo lang siyang maiinis sa akin. Minsan nga ay gusto kong tiisin muna siya at hindi magparamdam sa kaniya kahit isang araw lang, baka sakali na mami-miss at hahanapin niya ako, ngunit alam ko na suntok lang iyon sa buwan.
Mahinang sinasabayan ko ang kanta nang maramdaman kong may kumakalbit sa akin. Umalis ako sa pagkakatungo at unang bumungad sa akin sina Dona at Lei.
"Why?"
"Let's go to the cafeteria, babe. Ginugutom na ako. Nasa meeting naman daw ang mga prof hanggang hapon," sagot ni Dona sa akin habang inaayos ang gamit niya.
Tumango ako sa kaniya. Bahagya ko pang kinusot ang aking mata dahil medyo inaantok na ako sa sobrang pagkainip. Gusto ko na lang umuwi.
"Nag-chat si kuya at nasa canteen daw sila." Bigla akong nabuhayan dahil sa sinabing iyon ni Lei. Mabilis kong inayos ang bag ko at naririnig kong pinagtatawanan nila akong dalawa.
"Let's go." Nakangiting nilingon ko ang dalawa bago nauna nang lumabas ng classroom.
"Ibang klase! Basta kay Logan ang bilis lang!" biro nila sa akin kaya napatawa na lang ako.
Of course! When it comes to him, we should be active.
Humawak sa kaliwang braso ko si Lei habang nasa kabilang gilid ko naman si Dona. Isang mahabang hallway ang daraanan namin bago pa makarating sa canteen. Pwede ba na mag-teleport na lang para makarating agad doon? It excites me knowing that I will going to see him again.
"Ms. Ellie!"
Napahinto kaming tatlo nang may humarang sa aming isang estudyante. I guess he's a freshman. Medyo kulot ang maikli nitong buhok at matangkad na may kapayatan.
"Yes?" nakangiting bati ko.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi at ang pasimple nitong pagkamot sa batok. Siniko ko ang dalawa kong kaibigan nang marinig ko ang mahina nilang hagikhikan. Pinapahiya nila ‘yong bata. Tsk.
"For y-you po!"
Nahihiyang inabot niya sa akin ang isang bouquet ng pulang bulaklak at isang kahon ng mamahaling tsokolate.
Oh!
"Thanks." I smiled at him.
Agad na kumaripas ito ng takbo nang maiabot sa akin ang regalo kaya naman lalong nagtawanan ang dalawang katabi ko. Para siyang isang bula na bigla-bigla na lang na sumusulpot tapos mabilis ding mawawala.
"Nadagdagan na naman ang admirers mo, babe. Ganda mo talaga. Pakurot nga!" kinikilig na ani ni Lei bago pinanggigilan ang braso ko.
"Iba talaga ang charisma mo, babe. Pasabunot nga!" biro naman ni Dona sa akin.
Ewan ko sa dalawang ‘to! Ang lakas lang ng trip sa buhay!
"Mapupuno na naman ang isang kwarto mo ng mga bulaklak at teddy bears. Ang chocolates kasi hindi problema, nandito naman kami ni Dona. Kami ang uubos niyan." Magkasabay silang nagtawanan pagkatapos noon.
"Tumigil na nga kayo. Bilisan na natin. Hinihintay na ako ni Caleb," sabi ko na lang at nauna nang maglakad. Hindi ko naman sila mahihila dahil may hawak ang dalawa kong kamay.
Hindi ko maipagkakaila na maraming humahanga at nagbibigay ng mga bulaklak at tsokolate sa akin. Minsan nagugulat na lang ako kapag may mga hindi pamilyar na estudyante ang bumabati sa akin tuwing naglalakad sa hallway ng university. Totoong maraming nagpaparamdam at gustong manligaw pero wala sa kanila ang gusto ko. Masyadong mapili ang puso ko at tanging si Caleb lang ang isinisigaw nito. Ang hirap ng ganitong sitwasyon ngunit hindi ko rin makuhang sumuko dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko para sa lalaking iyon.
Natatanaw na namin ang cafeteria at ang grupo nina Caleb. Nakikita ko rin ang mga simpleng pagsulyap ng mga babae sa pwesto nila, perro wala namang lakas ng loob ang mga ito na lumapit sa kanila, lalo na kay Caleb. Siguro may iilan lamang na mayroong lakas ng loob at kalaunan ay nabibigo rin.
Ang pamilya ni Caleb ang may-ari ng university na ito. He is really the serious and snob type. The typical cold and famous student in the university. At alam kong iyon ang lalong nagustuhan ng mga babae sa kaniya at siyempre maging ako. Hindi ko nga alam kung bakit mas na-attract kaming mga babae sa lalaking pa-mysterious. Halos ang hirap nga nilang maabot. Katulad na nga lang nitong lalaking mahal ko.
Varsity players silang lima kaya lalong marami ang nagkakagusto sa kanila. Siguro buong porsyento ng mga babaeng nandito ay may nararamdamang paghanga sa mga ito. Mas nakakadagdag daw kasi sa kagwapuhan ng isang lalaki kung isa kang athlete, o kaya naman ay may talent ka sa pagkanta o pagsayaw. Sa akin naman, kahit na hindi ganoon si Caleb ay titibok at titibok pa rin ang puso ko para sa kaniya. Walang duda roon.
"Good morning, ladies," masiglang bati sa amin ni Rusty nang makarating kami sa kinaroroonan nila.
May mga nakalaan na sa aming upuan. Katabi ko si Caleb at Rhys. Katabi naman ni Lei si Tornado samantalang si Dona nakapwesto sa tabi ni Rusty at Kane. Hindi ko alam kung bakit kasi hiwa-hiwalay umupo ang mga lalaking ito. Siguro kung kaming tatlong babae ay halos magsiksikan kami sa isang gilid para magkakatabi kami.
Binati namin sila isa-isa at nakita kong may mga na-order na rin silang pagkain. Light meal pa lang ito dahil maaga pa naman.
"Yo, El," mahinang bati sa akin ni Rhys.
Tinapik ko naman siya sa balikat at nginitian. Ibinaling ko ang tingin kay Caleb na pinaglalaruan ang pasta sa plato niya. Napabuntong-hininga ako. Wala na naman ba siyang gana dahil nandito ako? Bago pa malungkot ay nagpasya akong batiin siya.
"Hello, Caleb!" masiglang bati ko.
He just gave me a blank stare that caused my heart to fall apart. Unti-unti na naman itong nadudurog. Hindi na nadala. Sabihin ko man na sanay na sanay na ako ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan. Pain is indeed inevitable when it comes to love.
I was about to cry when Tornado got my attention.
"Magandang binibini, bakit may pabulaklak at chocolates? Para ba sakin 'yan? Hindi pa naman valentine’s ah?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Pansamantalang nawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko dahil sa kakulitan niya. Ngumiti ako at umiling.
"Kapal mo, bro. Bakit ka bibigyan ni Ellie, ikaw ba si Logan, ha?" Pambabara ni Kane sa kaniya.
Natawa na lang ako dahil doon. Nagsisimula na naman sila sa pag-aasaran.
"Galing ‘yan sa admirer niya. H’wag kang assuming, Tornado." Pagsingit naman ni Lei sa usapan ng mga ito.
Nakita ko ang lalong pagsimangot ni Tornado. Bumubukol ang pisngi niya at gusto ko na itong kurutin. Bakit kasi ang cute-cute niya? Sayang lang at wala akong kapatid. Siguro kung may tyansa na magkaroon ako ng kapatid ay sana kasing-cute niya!
"Grabe kayong kambal sa akin. Ayoko na sa inyo!" kunwari ay nagtatampong sagot ni Tornado.
Binalingan niya ako at tumingin na parang nagmamakaawa. "Aking magandang binibini, ibigay mo na lamang sa akin ang tsokolateng iyan. Inaaway nila ako."
Lalo akong natawa dahil sa pagtatagalog niya. Half-Filipino at Half-American si Tornado at nakakatuwa kapag naririnig ko siyang nagsasalita ng Tagalog.
"Hoy, bubwit! Sa kin ibibigay ni El ang chocolate, hindi sa 'yo. Nakaplano na ‘yon kaya ‘wag kang epal!" Pang-aalaska pa ni Dona sa kaniya.
"Maka-bubwit ka r’yan, palibhasa matangkad ka!" sagot naman ni Tornado sabay subo sa limang piraso ng fries.
"Maawa kayo kay Torn, iiyak na yan," ani naman ni Rusty.
Sinabayan lang nila ito ng malalakas na tawa, napapangiti na lang ako sa mga kalokohan nila. Asahan mo na kapag nagsama-sama sila ay magiging magulo.
Nilingon ko naman saglit si Caleb at nagulat ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Pansamantalang huminto ang mundo ko noon. He's... he's looking at me! Am I dreaming? Oh my gosh!
Bawal mag-assume, El. Nakatingin lang siya sa ‘yo. Walang ibig sabihin iyon! Pagpapakalma sa akin ng isip ko.
Nakita ko ring bahagya siyang nagulat sa nangyari pero nananatili pa rin siyang nakatingin ng diretso sa aking mga mata hanggang ngayon. Hindi niya pinuputol ang pagkakahinang ng aming mata at maging ako ay walang planong sirain ito. Halos hindi na ako makahinga dahil sa mabilis na pagkabog ng puso ko at naririyan na naman ang mga paru-parung naglalaro sa aking tiyan. Gusto niya yatang atakehin ako rito!
He's still looking at me!! Paano ako kakalma? I have always imagined that he will look at me like this and I didn’t think I am ready for that! Ngayong nangyayari ay hindi ko alam ang gagawin.
"U-hm, Caleb… c-cookies?"
Nanginginig ang kamay ko nang iabot ko sa kaniya ang isang box noong ginawa kong cookies.
My gosh, Malia Isabelle! Para kang timang! Bakit kailangan mong manginig at mautal?
Kinastigo ko ang sarili. Gustong-gusto kong batukan ang sarili dahil doon. Nakakahiya! Masyado kong ipinahahalata kay Caleb na tensyonado ako sa mga oras na ito, pero normal lang naman iyon, hindi ba? Lalo na kapag nasa harapan ka ng taong mahal mo!
"Salamat, Malia," namamaos na sagot niya ng tinanggap ang kahon mula sa akin.
Damn! Bakit ang hot ng boses niya? Boses pa lang niya ay sapat na para akitin ako. Napansin ko rin ang paggalaw ng Adam's apple niya, at... at ang sexy no’n! Bakit? Bakit ganoon? Is he seducing me or what? Jesus! I feel like I am going to pass out any minute from now!
Iniiwas nito ang tingin sa akin at doon ko lamang natagpuan ang aking hininga. Pakiramdam ko iyon na ang pinakamatagal na minuto ng buhay ko. Malamig dito sa loob ng canteen dahil well-ventilated naman ito pero pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng malamig.
"Tapos na ba ang staring contest?"
Napapitlag ako sa tanong na iyon ni Kane at nang nilingon ko silang lahat ay nakita kong pare-pareho silang may mga ngisi sa labi. Pagkatapos noon ay sabay-sabay silang nagtawanan. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
They saw us! Nakakahiya!
"H'wag ninyo nga inaasar ang best friend namin. Tingnan ninyo naman pulang-pula ang mukha!" Nakisali rin sa pang-aasar ang magaling kong mga kaibigan. Sa halip na ipagtanggol nila ako ay mas nauuna pa sila sa panunudyo.
Napatungo na lang ako dahil sa hiyang nararamdaman ko. Gusto ko na tuloy lumubog sa kinauupuan ko ngayon din. Pwede bang maglaho na lang sa harapan nila? Wala na tuloy akong maiharap ng mukha sa mga kasama ko rito sa mesa. Bakit kasi sa tuwing nasa harapan ko na si Caleb ay lagi akong nakalilimot na hindi lang kami ang tao rito.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mainit na bagay na dumampi sa kanang kamay ko. May kung ano’ng kuryente ang dumaloy mula rito. Damn! It's… it's Caleb’s hand.
Breathe, El! You need it right now! Just breathe, okay? I tried to calm myself and I wish it could help me. At kahit walang humpay sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko ay pikit-mata kong hinawakan ang kamay niya na nasa ilalim ng mesa. It feels so great!
What are you doing, El? -my brain.
She's holding Caleb's hand. Are you blind? -my heart.
Stop that, Isabelle! You'll just get hurt! -my brain.
Let her be. I'm the one who'll get hurt, not you. So you better, shut up! -my heart.
Pati ang puso at utak ko ay nagtatalo na rin ngayon. s**t! Nababaliw na ako.
Huminga ako ng malalim at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Caleb. Okay lang kahit na bawiin niya! Okay lang talaga! I just tried my luck without expecting anything from him.
I'm waiting for him to pull out his hand from mine but minutes had passed and it didn't happen. I slowly opened my eyes and I just saw my hand still holding him. We are holding hands right now! Oh my goodness! Is it real or I am just dreaming at the moment?
Nag-angat ako ng ulo at tiningnan si Caleb na ngayon ay sumusubo ng pasta gamit ang isang malaya niyang kamay. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya at ang marahang pag-iling ng kaniyang ulo.
Oh my God!
Wala akong pakialam sa malalakas na tawanan ng mga kaibigan namin. Tanging ang atensyon ko ay nasa kay Caleb na hanggang ngayon ay may mumunting ngiti sa mga labi at sa puso kong kanina pa nagwawala kahit pilit kong pinapakalma.
I'm smiling like an idiot right now. I'm holding his hand. It feels surreal. There are millions of butterflies inside my stomach. My heart is beating erratically and... and I'm falling for him harder and deeper each time. I am so doomed.
It is all those little moments with him that I love the most.