Chapter Seven

2998 Words
Holding Caleb’s hand makes me feel so complete. I am contented with it. I'm fine with this.     Habang magkahawak ang aming mga kamay sa ilalim ng mesa ay pakiramdam ko pag-aari ko na siya maging ang kaniyang puso. Pero alam ko rin na sarili ko lang ang niloloko ko sa isiping ito dahil mahirap at malabong mangyari iyon. Siguro kailangan munang pumuti ng uwak at magkaroon ng pakpak ang mga elepante. O kaya naman ay umikli ang leeg ng giraffe.     I admiringly looked at him. Nananatiling nakatuon ang pansin niya sa pagkain na nasa kaniyang harapan at kung minsan ay tumatango bilang pagsang-ayon sa pinag-uusapan ng mga kaibigan namin. He seems so oblivious. Walang pakialam sa mga kamay naming magkahawak. Tanging ako lang ang nagbibigay ng importansya at kahulugan dito. Para kasi sa akin ay malaking bagay na ang hayaan niya akong hawakan ang kaniyang kamay.     "Ano ang next class ninyo?" Narinig kong tanong ni Lorelei kay Rusty. Nagpasya ako na ituon din muna ang pansin sa kanila.     "Matrix Analysis. Ang boring ng professor sa subject na 'yon," sagot naman ni Rusty sa kaniya.     Nakita kong binato ni Kane ng tissue paper si Rusty nang marinig ang sagot nito. "Boring ang prof, o sadyang hindi mo lang ma-gets ang mga itinuturo niya? Hirap talaga kapag mapurol ang utak, ano?" Pang-aalaska pa nito sa kaibigan.     Umani naman agad iyon ng tawanan sa mga kasama namin dito sa mesa. Kahit ako ay mahina ring napatawa dahil laging benta ang mga asaran nila.   Kapag ganito na magkakasama kami ay asahan mo nang hindi magiging tahimik ang paligid. Lalo na at ang mga kasama ko ay daig pa ang mga nakalunok ng mikropono kapag humahalakhak. Minsan nga ay parang sikip ang boses nila sa isang lugar dahil sa gulo nila. We are just lucky that other students don't mind it at all.    “Lagi pa kayong nagtataka. Alam ninyo naman na slow ‘tong kaibigan natin." Pambubuska pa ni Tornado. "Kailangan pang ihasa ang utak dahil masyado nang mapurol!"     Nakasimangot na isinubo ni Rusty ang tatlong piraso ng fries at pagkatapos ay lumagok sa pineapple juice ni Lorelei. Napatawa ako dahil ako lang yata ang nakapansin noon. Pero alam ninyo rin ba na kahit gaano sila kaabala sa pag-iingay ay hindi rin nila nakakalimutan ang lumamon? They could multi-task.  "Hindi ko alam kung kaibigan ko ba kayo o ano? Feeling ko ang laki ng inggit ninyo sa akin dahil ang gwapo ko. Tss..." naiiling na sagot ni Rusty.     Bahagya akong napatawa sa naging sagot niya. The ever confident Rusty. Mauubusan na yata ng lakas ng loob ang iba ngunit si Rusty ay mananatiling malaki ang kumpyansa sa sarili. Wika nga niya ay bago ang iba, mahalin mo muna ang sarili mo. Sa bagay, mayroon nga naman siyang point doon. Love and support yourself, first.     "Ang yabang mo po!" pabirong ani ko.  Hindi ko na napigilan ang hindi makisali sa asaran nila. Sanay na sanay na ako sa mga asaran nila dahil tatlong taon na rin kaming magkakaibigan.     "Grabe ka sa akin, Belle. Gwapo lang ako pero hindi mayabang." Kinindatan pa niya ako kaya napapailing na tinawanan ko na lang siya. Ganoon din ang mga kaibigan namin.     Naramdaman ko ang pagpisil ni Caleb sa kamay ko. Nilingon ko siya para lang makita ang bahagyang pag-igting ng kaniyang panga. Mukhang mainit na naman ang ulo niya.     "Caleb..." mahinang tawag ko sa kaniya para maagaw ang kaniyang pansin.     Nag-aalala ako dahil pinag-iinitan na niya ‘yong pasta na nasa plato. Hindi naman siya kumakain. Kung wala siyang balak na kainin iyon ay sana ‘wag na lang niyang paglaruan. Ngunit wala akong lakas ng loob na sawayin siya roon. Minsan na nga lang magkaroon nang maayos na sitwasyon sa pagitan namin ay guguluhin ko pa.     Tinapunan niya ako ng tingin bago binitiwan ang aking kamay. May kung anong bumagsak sa puso ko. Iyong pansamantalang saya na naramdaman ko kanina ay natapos na. Parang sa isang laro lang na trial card ang napunta sa ‘yo. Alam mong hindi permanente. Iyong para bang gusto lang iparanas sa ‘yo kahit sandali lamang.     Totoo nga yatang kapag masaya ka ay mabilis na dumadaan ang mga oras. Ang hirap magmahal ng bato, bakit kasi ang kulit ng puso ko? Bakit sa dami ng gugustuhin ay iyong ang hirap pang spelling-in.     "Let's go!" matigas na wika niya kina Rhys.     Nagmamadali siyang tumayo at malalaki rin ang mga hakbang na tinungo ang pinto. Ang iba ay halos habulin siya ng tingin dahil  kahit hindi nila sabihin ay halata naman na mainit na naman ang ulo niya.     "Alis na muna kami, ladies. May topak yata si boss," natatawang ani naman ni Kane.     Kanina ay medyo nagulat pa sila ngunit kapagkuwan ay tumayo na rin silang apat.     "May dalaw yata!" Hirit naman ni Tornado bago sinabayan ng malakas na tawa.     Nakihalakhak din sina Dona at Lei dahil sanay na sila sa lalaki pero ako ay di ko man lang magawang makisabay sa kanila. Nasanay na rin naman ako sa ganoong turing ni Caleb pero hindi naman ako bato para hindi makaramdam ng sakit.     "Bye, girls." Paalam ni Rusty sa amin bago tinungo ang kinaroroonan ng mga kaibigan na ngayon ay palabas na.     "Belle..."     Hindi ko napansing hindi pa pala nakakaalis si Rhys dahil masyado akong abala sa pag-iisip tungkol kay Caleb. Kapag nandiyan na siya ay wala na akong ibang naiisip kung hindi siya kaya minsan ay hindi ko rin maiwasang hindi ma-guilty para sa ibang tao.     "Papasok muna kami sa next subject," wika naman niya sa akin.     Tipid na ngiti at marahang tango ang naging sagot ko bago ibinagsak muli ang tingin sa pagkain na nasa plato ko. Marahas din ang naging pagbuga ko ng hangin. My heart is clenching in pain. I find what I love... and I let it kill me.     Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang impit na tili at panghihinayang ng mga estudyante dahil sa maagang pag-alis ng grupo nina Caleb. Sorry, girls. Kahit ako ay hindi ko rin alam.     Marahas akong napabuntong-hininga. Hindi ko na maintindihan si Caleb. May ilang minuto pa naman bago ang next subject nila, kaya hindi ko alam kung bakit ang aga niyang magyayang pumasok. Sa reaksyon niya kanina ay para bang may ginawa na naman akong mali kaya nagalit siya. Sa bagay, lagi naman masama ang loob niya sa akin. Ako lang naman itong pinagsisiksikan ang sarili sa kaniya.     "Babe..." Narinig ko pa ang nag-aalalang tawag sa akin ng dalawa kong kaibigan.     "Are you okay?" tanong pa ni Donna.     Tumikhim ako at malawak na ngumiti sa kanila. "Yup! Why?" I said casually.     Nakita ko ang sabay na pagbuntong-hininga nilang dalawa kaya muli na lang akong ngumiti. Gusto kong ipakita sa kanila na ayos lang ako… na hindi ako nasasaktan.     I'm okay... I'm trying to be okay every time I feel being rejected by him. Ginusto ko ito kaya dapat ay alam ko ang consequences na maaari kong makuha.     Umiling lang sila bago muling bumuntong-hininga. Higit sa lahat kasi ay silang dalawa ang nakakaalam ng totoo kong nararamdaman. Kahit na sabihin kong ayos lang ako ay alam nilang nagsisinungaling ako ngunit walang magawa kung hindi sumang-ayon na lang sa akin.     Caleb, I hope someday you'll realize how much you are hurting me.     ***     "Movie marathon daw tayo sa bahay." Anyaya ni Lorelei habang naglalakad kami papunta sa parking lot.     It's already seven in the evening. Katatapos lang ng last subject namin. Sa isang linggo ay mayroong dalawang araw na ganito ang labas namin.     "I can't go with you," mahinang sagot ko habang binubuksan ang pinto ng kotse ni Donna.     I sat on the passenger seat while Lei suit herself at the back seat. Si Donna naman ang magda-drive para sa amin dahil kaniya itong sasakyan. Makikisabay na lang ako pag-uwi sa kanila, tutal wala naman akong dalang sasakyan. Wala rin naman si Mang Ador para sunduin ako at ihatid sa bahay.     "Why, babe? Bakit hindi ka makakasama?" tanong ni Donna habang inaayos ang kaniyang seatbelt.     Marahan akong sumandal sa upuan at pinagkasya na lang ang sarili sa pagtingin sa labas.     "Tatawagan ko si daddy mamaya. Hindi pa ulit ako nakakatawag simula noong umalis siya."     Nami-miss ko na rin ang tatay ko. Baka magtampo na sa akin iyon kapag hindi ko pa siya tinawagan. Mahirap pa naman kapag nagtampo iyon. Baka ang gawin niyang pagsuyo ko ay pasunurin ako sa kaniya roon.     "Is it really because of tito or you're just avoiding Logan?" mapang-asar na tanong ni Lorelei.     Tumayo pa siya para lang silipin ako. Ang effort ha? Nagtataas-baba ang kaniyang kilay na para bang nang-uusig.     "Ano? Sagot!" Panggagatong pa ni Dona.     Nilingon ko silang dalawa at sinamaan ng tingin. They just laughed at me. Oh, great!     "Why would I avoid him? Sa pagkakatanda ko ay wala namang dahilan para iwasan ko si Caleb."     Tumawa ako para pagtakpan ang totoo kong nararamdaman. Ayokong isipin pa nila iyon. Ayokong dumagdag pa dahil problema ko na ito.     "Totoo ba 'yan? Baka alibi mo lang 'yan."     "Ang kulit niyong dalawa. Avoiding Caleb is the least thing I would do in this lifetime. Wala sa vocabulary ko iyon at alam ninyo 'yan!" nangingising sagot ko sa kanila.     Ang hirap magkaroon ng mga bestfriends na mas madaldal pa at machika sa 'yo. Iyong tipong ikaw na ang susuko sa sobrang usisera nila.     "Okay sabi mo e." Narinig ko pa ang bungisngis nilang dalawa.     Mga baliw! Paano ko ba naging kaibigan ang mga 'to? Baka pwedeng ibalik ko sila sa saya ng kanilang mga nanay?     ***     "I'm fine. Don't worry daddy, kaya ko pong alagaan ang sarili ko."     Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang sinabi iyon sa kaniya. Napapakamot na lang ako sa aking ulo.     Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay tinawagan ko agad si daddy. Sakto lang ang tawag ko sa kaniya dahil hindi pa nag-uumpisa ang kaniyang trabaho sa oras na iyon. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape at nagbabasa ng daily news sa loob ng kaniyang opisina.     "I told you to bring Manang Gloria, para naman may kasama ka riyan, anak. Hindi ka na naman nakinig sa akin." Nakakunot na ang noo niya sa akin habang pinagsasabihan ako.     "Stop frowning, dad. Sige ka, magkaka-wrinkles ka niyan." Pang-aasar ko sa kaniya. Gusto ko lang maging light ang usapan naming dalawa. Alam ko kasing pagagalitan na naman niya ako.     "You're always making me worry, sweetie. Paano mapapanatag ang loob ko rito kung mag-isa ka lang diyan?"     Alam kong hindi maiiwasan na hindi mag-alala sa akin si daddy. Buong buhay ko ay siya lang ang tanging nandiyan para sa akin. Inalagaan at pinrotektahan niya ako sa lahat ng bagay. Pinaramdam niya sa akin na hindi ko kailangan ng isang ina, na hindi kami kulang dahil nandiyan naman siya at mahal na mahal ako. But I want to live independently. Gusto kong patunayan na kaya ko ring alagaan ang sarili ko. Hindi na kasi bumabata si daddy at gusto kong makahanap naman siya ng magiging kasama niya sa buhay. Sa sobrang pag-aalaga niya sa akin ay napapabayaan na rin niya ang sarili niyang kaligayahan. Buong buhay niya ay sa akin lang niya ginugol.     Sometimes I feel guilty. Alam ko kasi na nasa tamang edad na ako pero umaasa pa ako sa kaniya kaya ngayon ay gusto ko na nga na baguhin iyon. I also guess that he needs to let go of my mom. Matagal nang panahon na hindi siya bumalik sa amin at kahit anong desisyon ni daddy ay susuportahan ko lang. In short, gusto ko nang magka-lovelife ang daddy ko. I want him to be happy too. He deserves that.     "Dad, mataas ang security ng village na 'to. Kaya ka nga po napapayag na bumili ng bahay rito, ‘di ba? And I'm not a baby anymore, daddy. Paano kapag nagka-boyfriend na ako?" biro ko pa sa kaniya.     Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumawa ako ng malakas. Medyo kinabahan ako roon.     "Dadaan muna sa akin ang kahit na sinong lalaki bago ka makuha sa akin. Sisiguraduhin kong itim ng mata lang ang walang latay sa kung sinumang hudas ang magtatangkang paiyakin ka." Siguro nga nagkulang ako sa pagmamahal ng isang ina, pero nandiyan naman si daddy para punan ang lahat ng pagkukulang na iyon. I'm so blessed to have him in my life.     "Dad!" Natatawang palatak ko nang makitang pinapalagutok pa niya ang mga daliri niya na akala mo ay susugod sa laban.     "I'm just preparing, sweetie. Alam kong may bubugbugin na ako pagbalik ko riyan.”     Doon na ako napatigil sa pagtawa dahil sa sinabi niya. May alam si daddy? How?     "You're funny, dad. Sino naman ang tinutukoy mo?" Ngumiti ako sa kaniya pero alam kong naging ngiwi ang kinalabasan noon.     "That f-cking Coleman boy." I saw how he gritted his teeth. Malakas na binundol ng kaba ang puso ko dahil doon.     "Po?" Halos pabulong na lang ang naging sagot ko.     "Stay away from him, Malia. He won't do anything good for you," seryosong aniya sa akin gamit ang tono sa tuwing seryoso siya at pinagsasabihan ako. Wala na ang nakakalokong ngiti na kanina ay pinapakita niya sa akin.     May kung anong gumuhit na sakit sa puso ko. Akala ko.... akala ko ay susuportahan niya ako kung sakaling malalaman niya. Kahit kailan ay hindi ko nabanggit sa kaniya si Caleb. Plano ko kasi na ipakilala na lang sa kaniya kapag naging maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa.     "Dad, why? Hindi mo pa naman po siya nami-meet. Mabuti pong tao si Caleb. Once na nagbakasyon ka rito ay ipapakilala ko siya sa 'yo pati na rin ang mga kaibigan niya." Sa lahat ng bagay ay sinusuportahan ako ni daddy, pero bakit may feeling ako na sa puntong ito ay hindi ko iyon maaasahan sa kaniya?     Sa loob ng tatlong taon na naging kaibigan ko sila ay hindi ko pa nagawang maipakilala kay daddy ang barkada ni Caleb. Though he once met Dona and Lorelei, pero hindi na rin nasundan iyon. Daddy is a busy person. He's always out of the country that's why he decided that we need to settle in the US. That would be way easier for him to manage our main company.     Ngunit kahit na ganoon ay galos araw-araw nababanggit ko naman sa kaniya ang mga kaibigan ko at wala naman siyang nagiging problema sa kanila. Pero hindi ko kailanman naikwento sa kaniya na nagpapakatanga ako sa isang lalaki dito dahil alam kong magagalit siya. Kaya nagulat na lang ako nang bilang binuksan ni daddy ang usapan tungkol kay Caleb. Paano niya nalaman?     "I know everything, Malia. Walang nakakatakas sa akin. Alam ko ri na nasasaktan ka dahil sa kaniya. He doesn't love you. Wala kang mapapala sa kaniya. Stop chasing him, sweetie." May mga takot sa mata ni daddy nang sulyapan ko siya. Hindi ko alam kung ang takot na iyon ba ay dahil sa kaalaman na masasaktan ako pero bakit pakiramdam ko ay mayroong mas malalim pa na dahilan?     Umiling na lang ako bilang hindi pagsang-ayon sa gusto niya. I'm sorry, daddy.     "I can't. I'm sorry, dad. I love him. I really do." Naramdaman ko ang pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngayon lang ako susuway sa mga gusto ni daddy.     "Sweetie, please listen to me. I don't want you to get hurt. Hindi ko kakayanin iyon." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.     Hindi ko alam na sa harapan pa ng telepono lang namin ito pag-uusapan. Muli akong umiling sa kaniya.     “I'm used to get hurt, dad. Natatakot akong kapag mas tumagal pa ay hindi ko na alam kung ano ba ang masakit sa hindi. Pero mas natatakot akong itigil ang pagmamahal sa kaniya. Iyon yata ang hindi ko kayang gawin.” Gusto kong sabihin ito kay daddy ngunit alam ko na hindi lang din naman niya maiintindihan iyon.     "Mr. Gregory, your business partner from Malcolm Industries has arrived." I heard Ms. Leila's voice, my father's secretary.     Noong marinig iyon ay bahagya akong nakahinga nang maluwag. Alam ko kasi na pansamantala ay makakatakas ako mula kay daddy.     "We'll still talk, Malia Isabelle. Good night. I love you so much, sweetie." Nakita ko ang muling pagseryoso ng mukha ni daddy bago putulin ang tawag, hindi na niya hinintay na makapagpaalam din ako.     Gusto kong halikan si Ms. Leila dahil iniligtas niya ako mula sa mga pangaral ng aking ama. Alam ko naman na mas lamang ang pag-aalala ni daddy kumpara sa inis niya dahil sa pagiging matigas ng ulo ko. Siguro pag-uwi na lang niya saka ko sasabihin sa kaniya ang lahat. Mas magandang pag-usapan ang mga bagay na ito sa personal. Mas malaki rin ang tsansa na mas maintindihan niya iyon.     Pagod akong humiga sa kama at nanatiling nakatingin sa ceiling. Ano na ang mangyayari? Kapag sinuway ko si daddy ay sigurado akong mapipilitan siyang dalhin ako sa States. Kinakabahan ako sa mga maaari pa naming pag-usapan. I don't want to disappoint him. I love my dad so much. There is no doubt with that but I'm scared that some times in my life, I will fail him. May mga pagkakataon sa buhay ko na hindi ko siya magagawang sundin lalo na kung ang puso na ang pag-uusapan. I know I sounded an ungrateful daughter but what can I do?     Hindi ko na alam kung masusunod ko pa ba ang gusto niya na layuan si Caleb. Bakit kasi ang hirap turuan ng puso? Bakit hindi tayo pwedeng magmahal ng hindi tayo nasasaktan? Bakit kailangan mahirapan pa tayo? Hindi ba pwedeng masaya lang? Gaano kahirap ipagkaloob sa mga tao sa mundo ang hiling nila na mahalin sila pabalik ng taong mahal nila?     Ang kulit din kasi ng puso ko. Siya pa rin ang itinitibok nito kahit na maraming beses na akong nasaktan dahil sa kaniya. 'Coz it's him that I love. It will always be him. Walang makapagbabago noon. Maybe… maybe I will just wait for the moment when I will get tired of loving him and hoping that he will do the same.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD