Chapter Five

2974 Words
"Sarap talagang magluto ni Manang. Busog na busog ako," sambit ni Tornado habang hinihimas-himas ang kaniyang tiyan na ngayon ay bumilog dahil na rin siguro sa kabusugan.     Nandito na kami ngayon sa salas para magpahinga. Katatapos lang namin kumain at sa unang araw ko ay talagang nakalibre ako ng hapunan. Thanks to my very sweet best friend. Masasabi ko rin na masarap ngang magluto ang kasambahay nina Lorelei.     Nagtipon-tipon kaming lahat dito sa tanggapan ng mga Lambert. Naglalaro ng chess sina Dona at Rhys. Samantalang kami naman ay nanonood ng tv habang nilalantakan ang leche flan na nakahain sa amin. Hindi lang libreng hapunan at mayroon ding panghimagas.     "Dito na kaya ako tumira sa inyo?" Maya-maya pa ay muling humirit ito sa kambal. Nakita ko naman ang pag-ismid ni Lei kay Tornado.     "Ayoko nga! Dagdag palamunin ka pa namin dito!" nang-aasar na ani ng kaibigan ko.     Nakagat ko na lang ang aking labi habang nakikinig sa mga asaran nila. Minsan ay pasmado talaga ang bibig ni Lorelei at lahat kaming mga nandito ay sanay na roon.     "Grabe sakin 'tong kambal mo, Kane. Para laging may lihim na galit sa akin. Tao rin ako. May pakiramdam. Nasasaktan!” Umakto pang humawak si Tornado sa kaniyang dibdib. Does he think he is some kind of a lead character in a certain drama that is being bullied by his relatives?     "Kung ako rin naman ang tatanungin hindi ako papayag na tumira ka rito sa amin. Tigilan mo rin ‘yan dahil nakakadiri, bro!" natatawang sagot naman ni Kane. Sumulsol pa sa tinuran ng kambal.     Kita ko ang pagsimangot ni Buhawi sa mga ito. Para siyang batang inaaway ng mga kalaro. At ang cute lang niyang tingnan.     "Tama na kasi. Pinakain ka na nga, humihirit ka pa." Natatawa namang dagdag ni Rusty.     Narinig ko ang malakas na tawa nilang magkakaibigan maliban kay Tornado. Kawawang buhawi, napagtulungan na naman. Basta kapag nagsama-sama sila ay siguradong may isang magiging biktima, at siguro ay si Tornado ang alay ngayon.     Napapangiti ako sa mga kakulitan nila. Tatlong taon ko na rin palang kilala ang barkada nila. First year college ako nang makilala ko sina Lorelei at Dona. Iisang kurso ang kinuha naming tatlo, samantalang ang limang magkakaibigan ay Engineering ang napiling kurso.     Naaalala ko pa noong una kong nakita si Caleb. First day of school noon at napadaan ako sa gym ng university na pinapasukan ko. Saktong palabas silang magkakaibigan noon sa gym. They were wearing their varsity uniforms so I assumed he's one of the varsity players at Coleman University. Siya rin talaga 'yong pinaka-una kong napansin sa kanilang lahat.     We had an eye to eye contact for about ten seconds. Yes, I am able to count that. Hindi ako halos makahinga nang magtama ang aming mgamata. I've got captivated by his intense stares. And his facial features… were so perfect. Wala kang tulak kabigin sa sobrang kagwapuhan.     Akala ko ay hindi ko na siya makikitang muli noon dahil malaki ang university at napag-alaman ko pang magkaiba ang course na kinuha namin. But maybe we're destined to meet. Lorelei happened to be the twin sister of Quinn Kane, Caleb’s teammate and one of his best buddies. Simula noon ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.     "I like you, Caleb."     I still remembered the day I confessed my feelings for him. Lakas-loob kong ipinagtapat iyon sa kaniya kahit na alam kong wala akong mapapala sa kaniya. Sinuportahan ako ng dalawa kong best friend, maging ng mga kaibigan niya na kalaunan ay naging kaibigan ko na rin. Noong umamin ako sa kaniya ay sigurado ako sa aking sarili. Hindi ako nabibigla lang o kung ano. I just love the guy and I believe that I must say that to him. Pakiramdam ko kasi ay mas makakahinga ako ng maluwag kung masasabi ko 'yon sa kaniya.    "I'm not interested with you, Malia,” harap-harapang sagot niya sa akin noon.     Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at iyon ang nakuha ko mula sa kaniya. Nasaktan ako pero iwinaglit ko ang mumunting kirot na naramdaman ng puso ko noong araw na iyon. Ipinakita ko sa kanila na hindi ako nasaktan. I'm good at pretending. Kaya kong ipakita na hindi ako nasasaktan, kahit ang totoo ay nadurog ng sobra ang puso ko sa sinabi niya.     Of all the people my heart could have chosen, it decided on a man who doesn’t have enough room in his own heart to love someone like me. That hurts like hell…   Akala ko ay nakalimutan ko na 'yong pakiramdam ng sakit noong araw na iniwan kami ni mommy, hindi ko aakalain na muli ko iyong mararamdaman sa isang lalaking katulad niya. Though, I was deeply hurt, I am still eager not to give up. I made up my mind that I will still love him. At hindi ako magsasawang iparamdam sa kaniya ito.   "I'll still pursue you, Caleb. Mamahalin mo rin ako." Ito ang isinagot ko sa kaniya noon. Pakiramdam ko kasi siya na talaga. At gagawin ko ang lahat mapabaling lang ang atensyon niya sa akin.     Pinalakpakan ako ng mga kaibigan ko noon. Pinapalakas nila lagi ang loob ko. Nakuha ko ang suporta nilang lahat para sa akin, pero si Caleb… walang pakialam. Siguro naman darating ang araw na mamahalin din niya ako. Baka kailangan ko pang maghintay ng kaunting panahon.     Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtikhim ni Caleb na ngayon ay nasa tabi ko. Ibinaling ko ang aking atensyon sa kaniya na seryosong nanonood sa paglalaro ng mga kaibigan namin. Katabi ko lang siya sa sofa at ilang pulgada ang layo namin sa isa’t-isa pero pakiramdam ko ay ang layo-layo niya sa akin.     "Do you want?" alok ko sa kaniya ng dessert na hawak ko.     Kanina ko pa napansin na hindi siya kumukuha. Maging sa hapag ay hindi rin siya gaanong nakakain. Bakit? Ayaw niya bang nandito ako malapit sa kaniya? Mapait akong napangiti at napailing sa isiping iyon. Kayang-kaya rin akong saktan ng mga bagay na naiisip ko, kaya bago pa ako mapahiya ay akmang ilalayo ko na sana ang platitong hawak nang kunin niya ito. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Akala ko… akala ko hindi niya tatanggapin.     "Thanks," mahinang sagot niya bago muling itinuon ang atensyon sa mga naglalaro.     Nakita ko ang pagsubo niya. Hindi ko napigilang hindi kiligin dahil doon. May mga mumunting paru-paru na nagliliparan sa aking tiyan.     Ginamit niya ang kutsarang ginamit ko kanina! Malay ko ba na tatanggapin niya talaga iyong leche flan na inaalok ko sa kaniya? Gusto ko lang magkaroon ng bagay na pagkakaabalahan para hindi nakakailang ang atmospera sa pagitan naming dalawa.     We just had an indirect kiss! Oh my gosh! Masaya na ang puso ko sa simpleng bagay na iyon. Inabutan ko na rin siya ng tubig na inilagay niya sa kaniyang tabi.     Wala akong ginawa kundi ang titigan lamang siya habang kumakain. Alam kong ang creepy ko pero hindi ko talaga mapigilan. Ang hot niya kasing sumubo ng pagkain. At hindi rin ako magmumukhang creepy dahil maganda kaya ako!     Nawala lamang ang atensyon ko sa kaniya nang lumubog ang nasa kanang bahagi ng sofa na inuupuan namin. Nilingon ko ito at nakita roon si Tornado. Umupo siya sa tabi ko at naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin.     "Magandang binibini, sa inyo na lang ako maninirahan ha? Ampunin mo na ako tutal wala ka namang kasama sa bahay mo,” parang bata na sabi niya sa akin.     Sa kanilang magkakaibigan ay siya talaga ang pinaka-close ko. Clingy rin siya sa akin at sanay na ako roon. Walang malisya dahil parang kapatid na ang turing namin sa isa’t-isa pati na rin ang iba pang naririto… siyempre maliban kay Caleb.     "Bakit buhawi, pinalayas ka na ba sa inyo?" natatawang sagot ko sa kaniya bago kinurot ang mataba niyang pisngi. Kanina ko pa 'to pinanggigigilan e.     "Aray ko naman, magandang binibini. Alam kong cute ako!" malakas na daing niya.     Lalo akong napatawa nang takpan niya ang magkabilang pisngi na kinurot ko. Namumula na ito ngayon.     "Sorry, buhawi. Ang cute-cute kasi ng pisngi mo. Kanina pa nagha-hi sa akin." I giggled. He is just so cute! Ang sarap lang gawing keychain at ibulsa.     Narinig ko ang marahas na pagpatong ng platito sa babasaging mesa nina Lei. Nilingon ko ito at nakita kong may natitira pang leche flan, kaya naman napatingin ako kay Caleb na naglapag noon.     "Ayaw mo na?" tanong ko sa kaniya sabay turo sa pagkain na hindi niya inubos.     "Tsk," tanging sagot niya at binigyan ako ng matalim na tingin.     Ano na naman ba, Caleb?     Napabuntong-hininga na lang ako at isinandal ang likod. Parang kanina lang ay okay kami. Bakit hindi na ako nasanay na palagi siyang galit, kahit na wala naman akong ginagawang masama? Presensya ko pa lang ay sapat na para kainisan niya.     Napabuntong-hininga akong muli at narinig ko rin ang malalim niyang paghinga. Hindi ko na siya nilingon. Ayokong salubungin ang mga tingin niya. Pinanghihinaan lang ako ng loob. Masasaktan lang din ako lalo.     "Babe, hindi ba mag-stay si Manang Gloria sa bagong bahay mo?" biglang tanong ni Lorelei sa akin.     Umiling ako. "Sa mansion tutuloy si Nanay Gloria. Sinamahan niya lang ako kanina."     Nakita kong tumango-tango ito.     "So, sinong kasama mo sa bahay?" tanong naman ni Kane na prenteng nakaupo sa katapat na sofa.     "Wala. Kaya ko namang mag-isa,” wika ko.     Kahit bago pa lang ako maninirahan mag-isa ay sa tingin ko kaya ko naman… kakayanin.     Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Caleb sa sofa na sinasandalan ko. Amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango at halos manigas ako sa kinauupuan ko.     "Kalma, heart! Kaya mo yan. Kayanin mo!"     "Inhale. Exhale. Hinga, El. Aba!"     "Hindi ka niya inaakbayan, El. Magtino ka!"     Nagtatalo-talo ang mga walang'yang organs sa loob ng katawan ko. Mga pasaway!     "Bakit wala kang kasama? Kahit naman mataas ang seguridad dito sa village ay kailangan pa rin na may kasama ka. Babae ka pa naman." Tumigil sa paglalaro si Rhys at seryosong binalingan ako ng tingin.     "Oo nga, babe. Gusto mo samahan muna kita? Pwede akong mag-stay sa bahay mo muna," ani naman ni Dona.     Inilingan ko lamang siya at nginitian. Ayokong makaabala pa sa kanila. Pinasok ko ang buhay na ito kaya dapat panindigan ko.     "Kaya ko naman. At saka malapit lang naman ang mga bahay ninyo. Kung sakaling mainip ako o kaya kung may kailangan, pupuntahan ko na lang kayo. Salamat sa pag-aalala, guys." I smiled at them. I truly appreciate their worries towards me.     Nanatili namang tahimik sa aking tabi si Caleb… walang pakialam ngunit ano nga ba ang bago ro’n?     "That’s why I suggest that I will live with you in the meantime. May instant bodyguard ka na, magandang binibini,” nakangising ani ng makulit na si Tornado.     Hindi pa rin pala siya tapos sa mga hirit niya.     "Tumigil ka, Torn! Manggugulo ka lang kay Ellie," sabat ni Rhys.     Nakita ko ang pagsimangot ni Tornado sa tinuran ng kaibigan.     "Ayoko ring mag-babysit, Buhawi." Nakisali na rin ako sa pang-aasar sa kaniya. Lalo namang humaba ang nguso nito.     Nagtawanan din sila at tumigil lamang ito nang tumayo na si Caleb. Napabaling ang atensyon naming lahat sa kaniya.     "Uuwi ka na?" tanong ni Kane sa kaniya.     "Yeah," matipid na sagot niya bago nag-umpisang maglakad patungo sa pinto. Mabilis din akong tumayo. Sasabay ako sa kaniya.     "Wait, Caleb! Sabay na tayo.” Pagtawag ko sa kaniya pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Well, mukhang ayaw niya akong kasabay.     Ano ka ba, Ellie? Hindi ka na nasanay, lagi namang ayaw ka niyang kasama. Kastigo ko rin sa aking sarili. Mapait na lang akong napangiti ako. May kung ano’ng namatay sa aking puso. Kailan niya nga ba ginustong makasama ako? Wala pa!     "Ako na ang maghahatid sayo, El." Suuhestiyon ni Rhys at handa nang tumayo nang magsalita si Caleb na pare-parehong nagpatigil sa aming lahat.     "Ako na!" seryosong saad niya bago tinalikuran kaming lahat.     Pansamantala akong natigilan dahil doon. Malakas ang kabog ng puso ko. Kung hindi pa dahil kay Lei, ay hindi ako matatauhan.     "Dali na, El!" untag niya sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata.     Oh, geez! Maiiwan ako pag patanga-tanga pa. Baka magbago pa ang isip no’n. Hindi na ako nakapag-paalam ng maayos sa kanilang lahat dahil sa pagmamadali. I just mouthed 'thank you' to Rhys. Nakita ko naman ang pagtango niya sa akin. Kinawayan ko silang lahat bago nagmamadaling tinungo ang pinto.     Taimtim akong nananalangin na sana ay nandoon pa siya. Sana hinihintay niya ako. And Lord God just answered my prayers.     Bahagya pa akong natigilan nang makita siyang nakahalukipkip at nakasandal sa gate. Sa simpleng mga galaw niya lang ay malakas na pagtibok na ng puso ko ang dulot nito. Libo-libong mga paru-paru ang palagi niyang dala. Natutuwa ang puso ko dahil dito, kahit alam kong para sa kaniya wala lang ang lahat ng ito.     Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kabog ng dibdib ko.     "Caleb,” I called his name.     Nag-angat siya ng ulo at seryosong tiningnan ako. He's always making me feel breathless. Presensya pa lang niya ay sapat na para mawala ako sa katinuan.     "You go first, Malia," seryoso pa ring saad niya at iniiwas ang tingin sa akin.     Tumango ako sa kaniya at nag-umpisang maglakad. Malapit lang naman ang bahay namin, siguro naman makaka-survive pa ako nito.     Tahimik lang kaming naglalakad. Nauuna ako at siya naman ay nasa likuran ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at pasado alas-nueve na pala ng gabi. Wala na halos mga tao sa labas. Sa bagay ganoon naman sa mga ekskulsibong village. Pero nakita ko na may mga naglalaro pa ring ilang kabataan sa court na malapit lang sa bahay ko. Madadaanan namin ito.     "Boss!"     Narinig kong tawag nilang lahat nang magawi kami rito. Nilingon ko si Caleb at nakita ko siyang tinanguan ang mga lalaking iyon na animo ay magkakakilala sila. Kahit hanggang dito ba naman ay sikat siya? Kahit saan mo yata siya ilagay ay kaya niyang mag-standout. Kaya niyang gumawa ng sariling pangalan. Iba talaga kapag gwapo. Tsk.     "Girlfriend mo, boss? Ganda ah?"     Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil sa tanong nila. Kumaway silang lahat kaya ganoon din ang ginawa ko. I waved back for some acknowledgement. Ayaw ko namang maisip nila na suplada at snob ako.     Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Caleb kaya dahan-dahan ko ring ibinaba ang kamay ko. Galit siya dahil napagkamalan akong girlfriend niya? May naramdaman akong kung anong gumuhit sa lalamunan ko. Kahit na alam ko ang totoo ay naiiyak pa rin ako. Nasasaktan pa rin ako! Malapit na ako sa aking bahay at kaya ko pa naman ang p*******t ng dibdib.     Nakita ko ang pag-iling niya bilang sagot sa tanong nila. Hindi naman talaga ako ang girlfriend, dapat ay hindi ako nasasaktan. Ni hindi nga ako gusto noong tao. Ako lang ang mahilig magpilit sa aking sarili sa kaniya. Kung pwede nga lamang na matupad lahat ng hiling ko na para kay Caleb ay hindi na ako mahihirapan pa. Sana kung ganoon kadali ay hindi na siguro ako nasasaktan dahil sa kaniya.     Tumalikod na ako at nag-umpisa na muling maglakad. Naramdaman ko na lang na sumusunod siya sa akin.     "Okay lang yan, El. Malapit ka na sa bahay mo. Makakahinga ka na." Pangungumbinsi ko sa aking sarili para kahit paano ay kumalma ito. Minsan sa mga ganitong pagkakataon ay walang ibang dapat na kausapin kung hindi ang sarili, ngunit madalas ay hindi ko na rin makasundo ito.     This is bad. I am going insane. Tsk.     Natatanaw ko na ang puting gate ng aking bahay. Huminto ako at hinarap si Caleb nang marating namin ang tapat nito.     "Thank you, Caleb,” I sincerely said to him.     Ngumiti rin ako sa kaniya. I can smile. I should smile. Hindi ako nasasaktan. Hindi pwedeng masaktan dahil ito ang ginusto ko. Ako ang nagdala sa sarili ko sa sitwasyong ito.     Tinitigan lang ako ng mga asul niyang mata at pagkatapos ay bumuntong-hininga.     Bakit, Caleb? Wala na ba talagang pag-asa? Kahit ano bang pilit ay hindi ako pwede? Wala ba kahit katiting lang diyan sa puso mo dahil kahit iyon lang… kahit gaano kaliit lang na tyansa ay buong puso kong tatanggapin. Okay na ako roon.     Gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat ng mga ‘yan ngunit wala akong lakas ng loob. Wala akong lakas ng loob na marinig ang magiging sagot niya dahil alam kong mas masasaktan lang ako roon. Mas ikababasag ko lang ang kung anong maririnig mula sa kaniya.     "Get inside, Malia," tanging sambit niya sa akin.     Tumango na lang ako sa kaniya at tinalikuran na ito. Bubuksan ko na sana ang gate nang muli ko siyang nilingon. Nakita ko pang nagulat siya dahil doon. Akala ko rin noong pagtalikod ko ay aalis na siya ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo roon. Humakbang ako palapit sa kaniya at siya naman ay nananatiling nakakunot ang noo habang tinitingnan ako.     Malakas ang kabog ng aking dibdib ngayon na iilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t-isa. Malamig din ang simoy ng hangin ngunit hindi iyon nakatulong sa nagmumuo kong mga pawis sa noo.   "Good night, Caleb. Please, dream of me.” I love you so much.     Tumingkayad ako para magawaran siya ng halik sa pisngi. Naramdaman kong bahagya pa siyang natigilan dahil doon. Huminga ako ng malalim bago walang lingon-likod na pumasok sa gate. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang naging reaksyon niya. Wala akong balak na dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sigurado akong galit na reaksyon lamang ang makukuha ko sa kaniya. What can I do to see him smile genuinely at me?     Ngunit kahit na anong sakit ay kakayanin ko. Umaasa pa rin ang puso ko. Umaasa na balang araw ay may patutunguhan lahat. He will love me eventually, I just need to be patient. Masaya na ako. Okay na 'to.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD