Mabilis na lumipas ang bawat minuto at unti-unti ay nawawalan na rin ako ng pag-asa na mayroon pang maliligaw na cab na puwedeng sakyan. Lalo na at habang tumatagal ay lumalakas na rin ang bugso ng hangin at ulan. Pero sa kabilang banda ay hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na wala talagang dumadaan o dapat na bang umiyak dahil baka rito na ako matulog sa tapat ng university. Ang totoo niyan ay ilang taon na rin simula noong huli akong nag-taxi dahil mayroon akong masamang memorya roon. Sa dami kasi nang masasakyan ay sa isang lasing na driver pa ang natiyempuhan ko. Muntik pa akong mapahamak noon, kaya naman noong makahanap ng tiyempo ay literal na bumaba ako sa sasakyan kahit na nasa gitna ng trapiko. Noong malaman ni daddy ‘yon ay sinigurado niyang hindi ako sasakay nang m