Chapter Four

2976 Words
Saktong alas-tres nang sumulyap ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Umakyat ako sa kama at ipinahinga ang likod. Nakaramdam kasi ako nang pangangalay dahil ilang maleta rin ang inayos ko. Hindi man lang ako tinulungan ng mga bruhang iyon. Ang sabi ko kasi sa kanila ay samahan nila ako sa paglilipat ko, at dahil literal sila kung mag-isip, literal na sinamahan lang din nila ako. Sana pala ay dinagdagan ko nang tulungan din nila ako sa pag-aayos ng bahay. Though, everything is on its proper place na naman. Kumpleto na ang mga gamit dito. Malinis na rin. Ang mga personal na gamit ko na lang ang inihabol ngayon sa aking paglilipat.     Magpapahinga na lang muna ako bago maligo. Hindi ko pa alam kung ano ang plano ko mamaya. Wala pa rin akong naiisip na kakainin ko mamaya, dahil wala pang laman ang ref. Siguro bukas na lang ako mamimili ng groceries at magpapasama kay Dona at Lei. Tutal sila ang pwedeng mag-drive, kahit iyong sasakyan ko na lang ang gamitin. Ayoko rin namang pumuslit dahil siguradong malalaman at malalaman ni daddy kung sakaling nagpilit akong gamitin ‘yong sasakyan na ibinigay niya. Baka sa halip na magtagal ako rito sa bagong bili niyang bahay para sa akin, ay mapabilis ang pag-aalsa balutan ko palipad ng Amerika para sumama sa kaniya.     Habang nakahiga ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking telepono. Someone sent me a message. Ang pangalan ni Lorelei ang siyang agad na bumungad doon. She is so clingy. Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas simula noong umalis sila ni Dona rito, pero may mensahe na agad na ipinapadala. Saka ko lang din napansin ang ilang mga unread messages na hindi ko pa nagagawang buksan at replyan dahil ang iba roon ay mula sa ibang mga hindi ko naman gaanong kakilala. Nagugulat na lang ako na biglang may magpa-pop up na mensahe mula sa kanila. Hindi rin naman kasi ako mahilig gumamit ng cellphone.     “Babe, pupunta sila sa bahay mamaya. Maglalaro sila kuya ng xbox. Dito ka na lang din magdinner dahil siguradong wala kang foods diyan. I love you kahit mas maganda ka pa sa akin. Mwah!”     Habang binabasa ko ang mensahe mula sa kaniya ay hindi ko na napigilan ang mapatawa habang napapailing. Halos naririnig ko rin kasi ang boses niyang matinis. Mabilis akong nagtipa ng mensahe dahil sa aming tatlo, si Lorelei ang pinaka-demanding sa reply. Kaya dapat kapag nag-chat o kaya nag-text siya sa ‘yo ay wala nang patumpik-tumpik pa kahit isang okay sign lang na emoji ay tatanggapin noon. Siya talaga ang pinakamalakas ang trip sa aming tatlo at sanay na kami ni Dona sa kaniya.     “Text mo si Dona. Mga six o’clock ako pupunta r’yan. Thank you, babe. I love you too. Ps: Buti alam mo na mas maganda ako sa ‘yo.”     Pagkatapos tumipa ng mensahe ay nagpasya akong matulog na muna. Dahil din siguro sa pagod kaya agad akong hinila ng antok. Pasado alas-singko ng hapon na ako nagising. Mabuti na lang at hindi ko rin nakalimutan na i-set ang alarm ng aking telepono. Minsan kasi ay napapasarap ang tulog ko at baka sa halip na alas-sais ako makapunta roon ay pare-pareho na silang nakauwi bago pa ako magising.     Mabilis akong kumilos para makapaghanda. Simpleng maong short at plain white t-shirt na may naka-print na I am sexy! sa harapan. Ilang pasada lang ng suklay sa aking buhok at ilang puslit ng pabango. Nagbaon din ako ng sweater kung sakaling malamig sa labas.   Phone? Check. Face? Check. Pretty? Me.   Yes, I am pretty and like what my shirt says, I am sexy as well. Tatamaan sa akin ang kokontra.     Nag-aagaw na ang liwanag at dilim noong lumabas ako. Akala ko ay mabilis na ang naging pagkilos ko ngunit pagtingin ko sa oras ay labinglimang minuto na rin ang nakalilipas mula noong tumuntong ang oras sa ika-anim ng gabi. Agad na humampas sa aking mukha ang lamig ng simoy ng hangin. Tahimik lang din ang paligid, mabuti na lang at may ilang poste ng ilaw kaya hindi nakakatakot maglakad mag-isa.     Habang naglalakad ay muling tumunog ang cellphone na aking hawak. Si Lei ulit ‘yon na mayaman sa load dahil naka-plan. Tinatanong niya ako kung nasaan na raw ako at ang isinagot ko lang ay papunta na ako. Kahit gustuhin ko mang magmadali ay masyadong maliliit ang biyas ko para ihakbang nang malalaki. At baka asarin lang din ako nina Dona at Lorelei kung sakaling mas napaaga ako nang punta roon.     Sa susunod na kanto lang naman ang bahay nina Lorelei. Unfortunately, hindi talaga kami magkakapitbahay. Sadyang nasa iisang village lang kami nakatira. But at least, we are near with each other already. Hindi katulad dati na ako lang ang malayo sa aming magkakaibigan.     Bawat madaraanan ay may poste ng mga ilaw. Malalaki rin ang mga kabahayan na madadaanan. Hindi naman ito nagkakalayo sa village na kinaroronan ng main house namin. Kaya napapayag ko rin si daddy na hayaan akong mamuhay mag-isa rito ay dahil nasiguro niyang secured ang village dahil halos may masasabi sa buhay ang mga nakatira rito.     Ilan pang sandali ay bumungad sa aking paningin ang isang three storey house. Ang mataas na tarangkahan nito ay may naka-imprintang pangalan kung kanino itong bahay, Lambert Residence.     Mabilis kong pinindot ang doorbell dahil siguradong kanina pang naiinip ang mga kaibigan ko roon. Sa ikalawang pindot ko ay nagpakita ang nagmamadaling si Lorelei. Kasalukuyan niyang pinupusod ang buhok habang naglalakad palapit sa akin.     "Finally! Ang tagal mo, babe. Lagi kang lugi kay Dona. Kanina pa siyang nasa kusina,” bungad na wika niya agad sa akin habang binubuksan ang gate. Inakay niya ako papasok sa kanilang bahay.   "Sorry naman. Hindi ba pwedeng napasarap lang ang tulog ko?" birong sagot ko sa kaniya.  Pasalamat na lang talaga ako at tumunog ang alarm. Kung hindi, hindi rin ako makakalibre ng hapunan.    "And he's here,” pahabol na bulong niya na agad nagdulot ng kakaibang kabog sa aking dibdib. Humagikhik pa siya na animo ay tuwang-tuwa sa mga mangyayari.     Agad akong kinabahan at pakiramdam ko ay nanlamig bigla ang aking mga kamay. I'm excited and nervous at the same time. Halo-halong emosyon na tanging siya ang nakakapagparamdam sa akin. Humigpit ang hawak ko kay Lei na animo ay sa kaniya na lang kumukuha ng lakas ng loob para hindi tuluyang mabuwal sa kinatatayuan.   Pwede ba mag-backout? Alam mo 'yong may gusto kang makita pero kapag nandiyan na sa mismong harapan mo ay gusto mo na lang umalis? Argh! I hate that feeling. Nakakawala ng ganda!   Habang palapit nang palapit ay palakas din naman nang palakas ang t***k ng aking puso. Hindi pa kami nakakapasok sa loob ngunit dinig na dinig ko na agad ang mga asaran nilang magkakaibigan. I will see him again. Kinakabahan talaga ako. Natural lang naman siguro na makaramdam nang ganoon, hindi ba?     “Are you ready, babe?” may kasama pang pang-aasar na wika niya. "Hawakan mo ang puso at pati na rin ang iyong... panty!"   Bwisit! Ang lakas talaga mang-asar!   Inirapan ko siya at pasimpleng kinurot ang tagiliran. “H’wag mo na nga ipaalala. Nakakainis ka naman!”     Alam niya kasi kung gaano ko kagusto ang lalaking iyon kaya ganito mang-asar ang babaeng ito. Minsan talaga ang sarap sabunutan ng mga kaibigan natin na sa halip na tulungan tayo sa nararamdaman ay mas palalalain lamang.  Nasaan na ba kasi si Dona para sana silang dalawa ang nagkukulitan dito at hindi ako?     Kung nagtataka kayo kung sino ang lalaking tinutukoy ko ay malalaman ninyo rin iyon mamaya.     “Ang bobo mo talaga, Torn. Magmamaneho lang ayaw mo pa gamitan ng utak at diskarte. Kaya ka laging kulelat!"     "Ul-l, bro! Ano’ng ako? Si Kane ang huli lagi. Nakikita mo ba ang moves ko? Wala kayong panama r’yan!"     "Says who? Pula 'yong nasa huli, kanino ba 'yon? Kay Rusty. Kinakalawang na talaga ang lolo ninyo!"     "Madaya kayo, paanong hindi ako mahuhuli nangingiliti si Rhys. That is clearly sabotage!"     "Talk to my hand, Rusty."     "Tsk."     Mabuti na lang at hindi magkakalapit ang mga bahay rito dahil siguradong maririndi ang mga kapitbahay sa sobrang ingay nila. Sa labas pa lang ng pinto ay daig pa nila ang mga nasa palengke. Binuksan ni Lei ang malakaing pinto ng kanilang bahay at mula sa malayo ay nakita ko ang limang bulto ng mga katawan na nakatalikod sa gawi namin.     "Ang iingay ninyo. Pare-pareho naman kayong mga g*go.” Natatawang singit ni Lorelei sa usapan ng mga kalalakihan na nandoon.     Hindi man lang nag-abalang tumingin ang iba sa tinuran ng best friend ko. Nananatiling nakatingin ang mga ito sa screen at masyadong siniseryoso ang kung anumang nilalaro. Akala mo naman ay mayroong gagantimpalaan sa kanila kung sakaling may mananalo. Tsk. Boys will always be competitive, though their friendship would remain solid as rock.     Habang naglalakad palapit sa kanila ay hindi sinasadyang napalingon sa aming gawi ang lalaking may chinitong mga mata. Medyo moreno ang kulay ng kaniyang balat at matangkad. May braces ang mga ngipin. In short gwapo. Cute na gwapo.     He's Rusty Graham.     Hindi ko na napigilan ang hindi mapatawa nang nang manlaki ang chinito niyang mga mata na akala mo ay may nakitang multo.     "Hey there, gorgeous lady," malakas na bati niya na sapat lang para umalingawngaw sa buong salas ng mga Lambert.     Walang pakialam na iniwan niya ang nilalaro. Nagmamadali itong lumapit sa akin at sinugod ako ng yakap. He is hugging me like we didn’t see each other for so long. Tsk.     "Hey, Rusty!" natatawang bati ko pabalik sa kaniya habang tinatapik ang kaniyang balikat.     Nakita ko namang tumigil silang lahat sa paglalaro, maging siya. Sabay-sabay silang lumingon sa gawi namin ni Lorelei.     “There, I finally got your attention,” piping wika ko sa isip para sa isa sa mga lalaking nandoon.     Nakita kong nanlaki ang mata niya nang makita ako rito. Mukha siyang gulat na gulat na para bang hindi niya ako inaasahan na makikita sa iisang bahay kasama siya. Why? Hindi ba nabanggit ni Lei na pupunta ako?     "Hindi niya alam." Hindi ko na pala kailangang magtanong dahil ibinulong na sa akin ni Lei ang sagot bago ako iniwan. Pinanood ko na lang ang papalayo niyang bulto na patungo sa kusina.     Inakbayan ako ni Rusty at iginiya sa mga kaibigan. Nananatili ang tingin ko sa kaniya. Sa lalaking nakaupo na ngayon sa sofa at masama ang tingin sa amin.     Napabuga ako ng marahas na hangin. Bakit ang gwapo ng lalaking ito? Wala naman siyang ginagawang kakaiba ngunit kayang-kaya niyang kunin ang buong atensyon ko. I feel so helpless. Tsk.     Nawala lamang ang atensyon ko sa kaniya nang isa-isang pumarada sa aking harapan ang iba pa naming mga kaibigan.     "Yo, Ellie,” cool na bati ng isang lalaking may suot na salamin sa mata.     Wala namang diperensya ang kaniyang mga mata, sadyang trip lang niya na magsuot noon. Maputi rin siya at medyo matangkad nang kaunti kay Rusty. In short, gwapo rin!     He is Rhys Allen Acosta. Unlike Rusty, may pagkaseryoso ito minsan.     "Yo, Rhys!” nakangiting bati ko rin pabalik sa kaniya.     Humarang naman ang isang lalaki sa paningin ko kaya sa kaniya na napabaling ang atensyon ko.     "Fist bump tayo r’yan, Miss Beautiful!" wika nito sabay tapat nang nakakuyom na kamao sa kamay ko.     Natatawang ibinunggo ko ang aking kamay sa kaniya. Iba-iba rin talaga ang trip nila sa kanilang mga buhay.     He's Quinn Kane Lambert. Ang may-ari ng bahay na ito. He is the twin brother of my best friend, Lorelei. Pareho rin silang makulit at maingay. Nagpapaligsahan pa sila kung sino ang mas bibo sa isa’t-isa. Chinito rin ang loko at may maputing balat na akala mo ay hindi dinadaluyan ng dugo sa katawan. Lalaking bersyon lang ni Lorelei. Naka-man bun ang buhok nito. In short, gwapo ulit!     Sa buong silid na ito ay umuulan ng mga lalaking pinagpala ang mukha. Hindi ko na lang sasabihin iyon sa kanila dahil sgiuradong lalaki ang ulo ng mga ito. Psh!     "Magandang gabi sa'yo, magandang binibini." makulit na ani ng isa pang lalaki.     Hindi ito nagpahuli dahil lumapit din siya sa akin. He's Tornado Bannana. Siya ang pinakamaliit sa kanilang lima, pero hindi naman totally na maliit. Matatangkad kasi silang lima. Siya rin ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan. May bilugang mata at matabang pisngi. Siya talaga ang pinaka-cute sa kanilang lahat.     "Magandang gabi rin sayo, Buhawi," natatawang bati ko sa kaniya.     I am calling him on the Tagalog version of his name. Ginulo lang niya ang buhok ko at tumawang muli.     "Tss." Someone hissed as if he is from Medusa’s race.     Napabaling ang tingin ko sa lalaking iyon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili dahil nag-uunahan na sa pagkabog ang aking puso. Hindi ko na ito nasaway dahil hindi rin naman nakikinig kahit kailan.     Sa kanilang lahat siya ang pinakamatangkad. Siya ang may pinaka-manly features. Unlike his friends, he is the serious type. Bossy, boring, cold… kung i-describe ng kaniyang mga kaibigan. Medyo moreno rin ang kaniyang balat na bumabagay sa pagiging matigas na ekspresyon ng kaniyang mukha. Matangos ang ilong. Perpekto ang panga. Mapupula ang labi. May mahahabang pilik-mata. May asul na mga mata na seryoso palagi kung tumingin. He's looking at you like he's reading your soul. May malalapad na balikat na kay sarap yakapin. Ibig sabihin, siya ang pinakagwapo sa kanilang lima. Kapag pinagtabi-tabi mo silang lahat, siya talaga ang una mong mapapansin. Walang pagdadalawang-isip na papayag ka, kapag niyaya ka niya kung saan man niya gustuhin. He is handsome—no, he's beyond handsome! Okay, I'm being biased here!     That man is Logan Caleb Coleman... my second heartbreak.     Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng tingin sa akin ng mga kasama namin na hindi ko na lang pinansin. Noong makapwesto sa kaniyang tabi ay kitang-kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Bahagya ring umigiting ang bagang niya kahit na ang atensyon naman ay nasa cellphone na kaniyang hawak. Hindi ko alam kung sino ang ka-chat niya roon.     "Caleb," tawag ko sa kaniya sa pagbabaka sakali na mapunta sa akin ang atensyon niya kahit na panandalian lamang.     Narinig ko ang pagtikhim ng mga kaibigan niya na bumalik na rin sa kani-kanilang mga ginagawa bago pa ako dumating at abalahin sila.     "What are you doing here?" bagot na tanong ni Caleb ngunit wala pa rin sa akin ang atensyon niya.     Nananatili itong nakatutok sa hawak na cellphone. Gustong-gusto kong silipin kung sinuman ang ka-text niya. I may sound a nosy girlfriend but I can’t help… and sadly, I am not the girlfriend.     "I just moved in. Dito na ako sa village ninyo nakatira,” nakangiting sagot ko sa kaniya.     I am excited to tell him the good news. Hindi ko kasi agad iyon nabanggit sa kanila. Sina Lorelei at Dona lang ang sinabihan ko. Ang malaking ngiti sa aking mga labi ay agad na napawi nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Kababakasan iyon ng kaseryosohan… hindi siya natutuwa.     Napalunok ako nang magsalubong ang aming mga mata. Malalamig ang kulay asul niyang mata na nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay biglang nanikip ang aking dibdib. Biglang naubusan ng hangin dito sa loob ng salas. Hindi ko napigiling mapalunok. My mouth suddenly get dried and I think I need water.     "You're desperate, Malia!” Nag-igting ang bagang niya nang sinabi iyon.     Malia. Yes, it's Malia for you Caleb.     Everyone is addressing me as Ellie or El. While Caleb, he prefers to call me Malia. And I love the way he called me with that name. Siya lang ang hinahayaan kong tawagin ako sa ganoong pangalan. I know it may sound silly to others but that is already a big deal for me. When it comes to a person that we love, everything became a big deal. Every little things matter.     He is so special to me, but for him? Sadly, I'm not and that freaking break my heart. I love him and I am willing to wait until he will love me back. He calls it madness, but I call it love.     "I'm not desperate, Caleb. Wala akong kasama sa mansion dahil umalis na si daddy. At saka matagal ko na rin naman na gustong lumipat dito para malapit ako kina Lei at Dona. Matagal ko nang plano ‘yon, at nagkataon lang na ngayon natuloy."     I tried to defend myself from his accusations. Kahit na maaaring ganoon nga ang lumalabas na dahilan ay hindi ako patatalo. Sinalubong ko rin ang mga mata niyang akala mo ay palaging galit, pero agad din naman niyang iniiwas iyon na akala mo ay may kung anong hindi kaaya-ayang makita sa akin. Bumuntong-hininga siya at pagod na sumandal sa sofa.     "Do you think I'll believe you? Look Malia, I don't want to play with your games. You are just wasting your time and my time. I am not interested!” walang emosyong turan pa niya. Hindi man lang nagdahan-dahan. Sapol na sapol iyon sa akin.     Kahit na ilang beses ko nang naririnig ang mga salitang iyon mula sa kaniya ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi masaktan. Nasasaktan at nasasaktan pa rin ako. Tatlong taon ko nang sinabi sa kaniya na gusto ko siya. No, na mahal ko siya! Tatlong taon na pero hanggang ngayon, ang akala niya naglalaro lang ako. Sino ba kasi ang nagsabi sa kaniya na laro lang ito? Na hindi ako seryoso? May mga mata nga siya pero pilit namang nagbubulag-bulagan!     He may break my heart countless of times, but it I won't give up. Why would I? Alam kong may patutunguhan din ang lahat ng ito. Alam ko na pagkatapos ng lahat ng sakit na ito ay magkakaroon din ng magandang dulot. Hindi ako mawawalan ng pag-asa para sa aming dalawa.     Soon, Logan Caleb Coleman will love me back… and I will do anything for that to happen.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD