Chapter Eight

2997 Words
Sometimes the best thing you can give someone is a smile. Let them see you are okay, because the least thing you want to do is to make them worry. Ayos nang tayo na lang ang magdala at h’wag nang abalahin pa ang iba kahit na alam naman natin na sincere ang pag-aalala nila sa atin. Minsan kasi ay tayo na lang din naman ang gumagawa ng bagay na nagpapahirap sa ating sarili. Subalit ano ang magagawa natin kung ang tanging bagay na nagpapahirap sa atin ay siya ring tanging dahilan kung bakit tayo nagiging masaya?     I decided to go to Lorelei's house and joined them. Ayokong magmukmok sa bahay. Ayoko munang isipin ang mga sinabi ni daddy at alam kong kapag kasama ko sila ay panandaliang mawawala ang lahat ng mga isipin ko ngayon.     "Nasaan po sila, manang?" I asked Manang Linda, since she is the one who opened the door for me.     "Nasa theater room sila, hija. Sumunod ka na lang sa kanila roon," magiliw na sagot naman niya sa akin.     Tumango ako at nagpasalamat bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Matagal na rin kaming magkakaibigan kaya kahit pumasok at lumabas kami rito sa bahay nila ay walang problema. Kilala na naman kaming lahat ng kanilang mga kasambahay.      "Babe..."     Paakyat na sana ako sa hagdan nang marinig ko ang boses ni Lei. Nalingunan ko siya na may hawak na dalawang malaking glass bowl. Ang isa ay may laman na popcorn habang chips naman doon sa kabila. Mukhang mapapalaban na naman sa kainan ang mga kaibigan ko.      I genuinely smiled at her. Kinuha ko rin iyong bowl na may lamang popcorn para tulungan siya. Nasaan ba kasi ang mga 'yon at hinayaan lang na siya ang magdala ng mga ito?   "Let me help you," wika ko.  Kumuha rin ako ng isa habang kumikindat sa kaniya. Tumulong naman ako kaya siguro ay pwedeng mauna akong tumikim.   "I thought you will not join us tonight?" Nagtataka man ay nakuha nya akong halikan sa pisngi bago kami nagsimulang umakyat.  Tinahak ng aming mga paa ang direksyon patungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin. Wala sigurong magawa ang mga iyon kaya nagpasya na manood na lang. Sa bagay, mayroong gagawin at wala ay parati naman nagkikita-kita ang mga ito.     I just shrugged my shoulder off and smiled at her. Hindi ba pwedeng magbago ang isip? Sudden changes...     Narinig ko ang malalakas na tawanan ng mga lalaki nang binuksan namin ang pinto. It is just a perfect timing that the movie has not started yet. Hindi ko man alam kung ano ang plano nilang panoorin, ay at least, hindi ako ma-out of place kung sakali na pag-usapan nila ang tungkol dito.     "Magandang binibini." nakangiting bati ni Tornado sa akin na agad akong nakita.     Kinawayan naman ako noong tatlong lalaki, samantalang tahimik na nakatingin sa malaking screen si Caleb. Ngumiti lang ako at tinanguan sila pabalik.     Ilang beses na akong nakapunta rito sa theater room nila Lei. Madalas kasi ay sa kanilang bahay talaga kami tumatambay kaya kahit saang sulok yata nito ay napuntahan na namin. Masyadong malaki ang silid sa aming walo subalik kahit na sobrang laki nito para sa amin ay hindi yata uso sa kanila ang salitang space. Sa nakikita ko ngayon ay nagsisiksikan sila sa isang tabi.     Ang style kasi ng theater room ng mga Lambert ay parang isang malaking kwarto na tulugan. Mayroong tatlong malalaking kama para mas kumportable ang panonood at sa baba noon ay mayroon pang semi-arc na upuan kung saan doon sila nakaupo. May ninety-inch screen tv din na siguradong kitang-kita mo kung ano man ang magaganap sa movie.     Nangingiti ako sa tanawing iyon. They are really close. Masaya akong naging parte ng barkada nila. They are all solid! Sa isang grupo ay hindi naman mawawala ang kaunting tampuhan at hindi naman iyon bago sa amin ngunit masaya ako na nagagawan naman iyon ng paraan kung sakaling may ganoong nangyayari.     "Babe, akala ko hindi ka pupunta?" tanong ni Dona sa akin. Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi.     "Walang magawa sa bahay," simpleng sagot ko.     Hinila na niya ako para pumwesto dahil magsisimula na raw iyong papanoorin namin. Pupunta na sana ako sa tabi niya pero ipinagpilitan niya na dapat ay kay Caleb ako tumabi. Nag-give way naman si Rusty na siyang dapat ay katabi ni Caleb. Lumipat siya sa tabi ni Dona na siya namang pupwestuhan ko sana. Tahimik naman akong umupo sa tabi ni Caleb, hinihintay ko ang magiging reaksyon niya. Mukhang hindi naman siya nagreklamo nang makaupo na ako roon.     Bale ang arrangement namin ay ganito: Ako – Caleb - Kane - Tornado - Lei - Dona - Rusty - Rhys     Hindi ko alam kung anong movie ba ang isinalang nila. Mahilig sila sa action movies, pero base sa panimula ng pinapanood namin hindi naman ito mukhang action movie. The title that displayed on the screen was 'IT'. Anong movie 'yon?     Tahimik lang kaming lahat habang nanonood. Mukhang interesado silang lahat sa mangyayari. Habang tumatagal ay mukhang alam ko na kung anong palabas ito. Horror yata 'to e? Unti-unti na akong kinakabahan dahil hindi talaga ako fan ng mga ganitong genre. Feeling ko hanggang pagtulog ay hahabulin ako nito. I'm fine with the heavy dramas, but not this. Kahit na umiyak pa ako ng isang balde ay ayos na sa akin. H’wag lang sisigaw dahil sa may multong nagpakita sa screen.     Tiningnan ko si Caleb na seryosong nanonood, pati na rin ang mga lalaki. Nakita kong nagtatakip naman ng mata si Donna ganoon din si Lorelei. Bakit ba kasi ito ang pinapanood namin kung ganitong nakakatakot?     Eksaktong pagharap ko sa screen ay siya ring pagpapakita ng clown. Nagulat ako kaya hindi ko napansing nakahawak na ako ng mahigpit sa braso ni Caleb.     Damn it! I don't know why, but I hate clowns. I found them creepy. Sorry! Lalo na sa personal ay hindi ko kayang makaharap ng ganoon.     Narinig ko ang tili nina Lei at Donna nang kinagat ng clown ‘yong braso ng bata. I covered my eyes. Ayokong tumingin sa screen. That's gruesome!     Sumiksik din ako kay Caleb dahil feeling ko kapag tumingin ako sa kabilang side ko ay makikita ko ‘yong clown doon. Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Caleb, pero hindi ko na pinansin pa iyon. Nakikiramdam din ako sa paligid dahil baka may biglang kumalbit sa akin.     I hate this feeling! Kaya ko nga iniiwasan na manood ng mga horror movies. Tapos mag-isa lang ako sa bahay ngayon. Paano kung mamaya ay biglang mayroong tumabi sa akin? Talagang tatakbo ako palabas ng bahay at kahit na sa garden lang ako matulog ay pwede na.     "Kuya, let's change it. Ayoko nang panoorin 'yan." Narinig kong maktol ni Lorelei kay Kane.     "No! We will watch that. Ginusto ninyong panoorin 'yan kaya panindigan ninyo!" sagot naman ni Kane sa kaniyang kambal.     Narinig ko ang tawanan ng mga lalaki. Mukhang masaya pa sila na takot na takot kaming mga babae.     "Palitan na 'yan. Ang corny naman." Pagsang-ayon ni Donna sa best friend namin.     "Or let's just turn on the lights, kuya." Dagdag pa ni Lei.     Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon din sa kanila kahit na hindi naman nila ako nakikita dahil nandito ako sa dulo.     "Paano magkakaroon ng thrill kung bukas ang ilaw?" Singit naman ni Rusty sa usapan.     "Yabang mo! Duwag ka rin naman," naiinis na sagot ni Donna sa kaniya.     Sa simpleng iyon ay nagsimula na rin na magkaroon ng diskusyon sa kanila. Naririnig ko pa ang mga pagtatalo nila, pero para akong nabingi nang kinausap ako ni Caleb.     "Malia..."     Nag-angat ako ng ulo at doon ko lang din napansin na sobrang nakadikit pa rin pala ako sa kaniya. Ang siste ay nakahawak pa rin ako sa braso niya nang sobrang higpit na akala mo ay mayroong aagaw rito.     Namula ako dahil doon. Baka maisip niya na tsina-tsansingan ko siya. Baka mainis na naman siya sa akin kaya nahihiyang lumayo ako. Sinigurado kong nagkaroon ng distansya ang pagitan naming dalawa.     "I'm sorry, Caleb. It's just that—"     Hindi ko na naituloy kung ano ang sasabihin ko dahil pinutol na niya iyon.     "It's all right." Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mga mata. Ramdam ko naman ang pagbundol ng kaba sa aking dibdib.     "You still want to watch that movie? Or you want to turn on the lights?" masuyong tanong niya sa akin.     He seems so worried, or nah? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman? Pakiramdam ko ay nag-aalala siya sa akin. Ugh! I'm imagining things again.     Marahan kong pinukpok ang ulo ko. Tumigil ka, Belle! Maghunos-dili ka bago ka umuwi na namang luhaan.     "Hey!"     Hinaplos niya ito dahilan kung bakit nagwawala ang mga paru-paru sa tiyan ko. Iyong takot na nararamdaman ko kanina ay parang bulang bigla na lang naglaho.     "Ahmm..." Itinuro ko na lang 'yong screen. Baka sakaling maintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin.     Feeling ko nalunok ko ang dila ko dahil wala akong masabi. Nakakatanga! Hindi naman ako madalas mahiya kapag nasa harap niya pero iba ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon pa ako inabutan ng hiya.     Nakita kong napailing siya at napangisi dahil doon. Gusto kong mapamura dahil ang gwapo lang niya sa lagay na ‘yon!     "Just turn off that sh-t, Bannana." Nangingising baling ni Caleb kay Tornado bago niya ako tiningnang muli.     Hindi ako makatagal sa mga titig niya kaya't sa iba ko na lang ibinaling ang atensyon ko. Nakita kong tumayo si Tornado at tuluyan na nga na ini-off ang pinapanood namin. Agad na nag-blackout ang screen.     "Kung hindi pa iuutos ni Logan ay hindi ninyo pa kami papakinggan!" nagmamaktol na sambit ni Lei.     Tumayo ito at siya na ang nagbukas ng ilaw. Ayaw kasing ibigay ni Kane ang remote ng ilaw kaya no choice kambal nito kung ‘di ay puntahan ang switch at pindutin iyon.     Ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha ko hanggang ngayon. Wala namang ginawa si Caleb pero sa mga simpleng kilos niya lang ay ganito na agad ang epekto sa akin.     "Movie marathon daw, pero wala namang napala. Bago pa lang nanonood, tinapos agad! Tsk!" Panay ang reklamo ni Rusty kay Donna. Nakita kong sinamaan naman siya ng tingin ng kaibigan ko.     Naramdaman ko ang paglapit ni Caleb sa akin kaya napabaling muli sa kaniya ang atensyon ko. Hindi yata ako makakahinga nito. Ano bang ginagawa niya? Balak ba niya na hindi ako pagpahingahin magdamag?     "You're blushing. Why?" mahinang tanong ni Caleb.     I even heard him chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko. He's enjoying it. Base sa mga ngisi niya ay mukhang pagti-trip-an na naman niya ako. Tsk.     "I'm not. Ano... ano bang nakain mo at ganiyan ka?" I finally found my tongue. Kasalanan ito ni Lorcan!     Nakita kong nagpipigil siya ng tawa. Hindi ko alam kung ano talaga ang nakain niya at ganito siya sa akin ngayon? I mean, gusto kong kinakausap niya ako. Iyong hindi siya cold, pero nagtataka lang talaga ako. Hours ago, he left me dumbfounded. Umalis siya kanina sa canteen at feeling ko ay may nagawa akong mali dahil umalis siya nang walang ang babaw ng dahilan. Tapos ngayon? Feeling ko talaga may bipolar disorder ang lalaking 'to.     "You're too beautiful. Damn!" naiiling na bulalas niya.     Laglag ang panga ko nang marinig iyon. Namimilog din ang aking mga mata dahil wala akong inaasahan na ganoon mula sa kaniya. I'm hyperventilating right now! I think I need some air.     "W-what are you saying, Caleb?" Tiningnan ko siyang mabuti dahil baka lasing lang siya o ano.     "Damn it! W-what are you doing?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para ilayo sa kaniya.     Lumapit kasi ako para amuyin siya para siguraduhin kung amoy alak ba siya o kung ano. But he is not. Yes, he is not freaking drunk. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung bakit biglang namula ang magkabila niyang tainga.     His blue eyes met mine and his stares make the butterflies in my stomach go crazy. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa mga ikinikilos niya at kanina pa rin ako halos mabingi dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Lahat naman ng pakiramdam na ito ay hindi na bago at alam kong hindi rin mawawala. Laging sa lalaking ito lang magkakagulo ang sistema ko.     "Ehem. Ehem."     Narinig ko ang sunod-sunod na pagtikhim ng mga kaibigan namin kaya parang doon lang ako nagising. I should remind myself that we are not alone here. Nakakahiya!     "Tapos na ba ang staring contest, Logan? Belle?” tanong ni Kane sa amin habang binibigyan kami ng nakalolokong ngisi. Kinindatan pa niya ako na para bang tuwang-tuwa sa nasaksihan.     What the hell?     "Hindi kami magkaintindihan sa pagtatalo rito, tapos nagtititigan lang kayo r’yan?" natatawang ani naman Rusty at napapailing na lang.     Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko. I saw them giving me malicious smiles and a look—na kailangan kong magkwento sa kanila mamaya. Tingnan mo ang dalawang ito! Hindi talaga papahuli. Tsk.     Nagpatuloy pa sila sa pang-aasar sa amin kaya hindi ko alam kung paano itatago ang pamumula ng pisngi ko. Nagtatawanan silang lahat maliban sa aming dalawa. Nilingon ko pa si Caleb para sana humingi ng tulong sa kaniya, pero mukhang hindi ko siya maaasahan. Prente siyang nakasandal sa upuan habang may mga naglalarong ngisi sa kaniyang labi. And he is just freaking looking at me!     "I'm jealous…" out of nowhere na sabi ni Rhys.     Bigla kaming lahat na natahimik doon. Tiningnan ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatingin pabalik sa akin. Binundol ng kaba ang aking dibdib. No, Rhys. Please!     "What the hell, bro?"  hindi makapaniwalang tanong ni Tornado sa kaniya.     "Bro code, remember?" dagdag pa ni Rusty.     Gulat ang reaksyon nina Lei at Donna dahil sa sinabi niya. Nakita ko namang seryosong nakatingin din si Caleb sa kaniya. Hindi ko alam pero biglang nagkaroon ng tensyon dito sa loob, samantalang kanina ay nagtatawanan lang sila.     "Rhys..." mahinang ani ko.     "Are you serious, bro?" seryosong tanong pa ni Kane sa kaniya.     Everyone were tensed until Rhys burst into laughter. Nagulat ako nang malakas siyang tumawa na para bang wala nang bukas. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang tuwa at pulang-pula na rin ang mukha niya.     "I'm kidding! Ang seryoso ninyo. Tangina hindi bagay!" Pagkatapos noon ay tumawa siyang muli.     Rhys is not the type of a person who usually cracks a joke. Siya nga ang sumusunod sa yapak ni Caleb sa pagiging tahimik. Subalit sa mga oras na ito ay hindi ko na lang pinansin iyon. Mas gusto ko na lang din isipin na nagbibiro lang siya.     Unang nakabawi si Rusty. Nakita kong binato niya ng unan si Rhys habang binatukan naman ito ni Tornado. Naiiling lang si Kane habang nakangiti na.     "I thought you're really serious." Hinampas nina Dona at Lei si Rhys sa braso.     "Akala ko makiki-love triangle ka pa e,” natatawang ani ni Rusty bago muli siyang sinuntok sa braso.     Parang biglang nabuhayan ang paligid dahil sa narinig. Kahit paano ay napangiti na rin ako.     "She is off limits. Alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ba, 'El?"     Bumaling siya sa akin at ngumiti. Pero bakit parang may kulang sa ngiting iyon? Hindi nga halos umabot iyon sa mga mata niya.     Tumango na lang ako at ngumiti din sa kaniya. Kahit paano ay nkahinga ako ng maluwag dahil sa narinig. Kung sakali man ay ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Ayokong magkaroon siya ng nararamdaman para sa akin dahil hindi ko maipapangako na masusuklian ko ito. Alam kong sa una pa lang ay alam na niyang may iba nang itinitibok ang puso ko. Siguro naman ay hindi rin aabot sa puntong iyon, hindi ba? We are all friends here.     Nilingon ko si Caleb na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Nagulat ako dahil sa mga tingin na ibinibigay niya. Beyond those blue eyes, I feel like something started to shake his faith.     "Why?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa lalim ng tingin niya sa akin.     "Ihahatid na kita sa inyo." He is still giving me his serious and intense gaze. Wala sa sariling tumango na lang ako.     Tumayo na siya at narinig kong nagpapaalam sa mga kaibigan namin. Lumapit naman sa akin si Dona at Lorelei.     "Anong kaharutan iyong kanina, ha?" Muntik na akong mapatili nang kinurot ako ni Dona sa tagiliran kaya hinampas ko na lang siya sa braso.     "Improving, babe," nangingising ani naman ni Lorelei sa akin bago naghagikhikan silang dalawa.     I know that they are sincerely happy for me. Napangiti naman ako dahil doon. Kung kanina ay binabagabag ako nang usapan namin ni daddy ay biglang nawala iyon dahil lang sa nangyari kanina.     "Uuwi na ako. Hindi ka pa ba uuwi, Donna?" Pagbabago ko sa usapan dahil hindi kami matatapos kapag sinimulan na naming pag-usapan iyon. Baka hanggang mamaya ay inaasar ako ng mga ito.     "Later, babe. Ihahatid ka ba ni Logan?" tanong niya sa akin.     Naglalakad na kami palabas ng kwarto. Nauna nang lumabas ang mga lalaki roon. Nauna kasi ang chika ng mga ito sa akin. Inaasahan ko na iyon kanina pa lang.     "Yes." Hindi na naitago ang saya sa aking boses.     Impit na tili ang sinagot nilang dalawa sa akin.     "Oh my gosh! Feeling ko talaga ito na ang start ng love story ninyo ni Logan," kinikilig na sambit ni Lei.     Naghahampasan pa silang dalawa at kung minsan naman ay ako ang kinukurot nila. I'm a battered best friend here. Ang hirap nilang kiligin dahil sa halip na matuwa ako ay parang nasasaktan pa ako sa dalawang ito.     Sabay nilang ikinawit ang kamay sa magkabilang braso ko at nagtungo na kami sa kinaroroonan nila. Pauwi na rin pala silang lahat.     Agad na hinanap ng aking mga mata ang kinaroroonan ni Caleb at muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan nang makitang nakatingin din siya sa akin. This man… he really knows how to make the butterflies in my stomach sing in glee.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD