True to his words, Caleb sent me home. Hindi ko aakalain na mangyayari na hindi ko na siya kailangan pang pilitin o kaya naman ay ipagsiksikan ko ang aking sarili para lang ihatid niya ako. Bago pa kami makaalis ay inulan pa kami ng pangangantiyaw at tukso ng mga kaibigan namin. Alam kasi nila na matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito na dumating. Ilang minutong paglalakad na hiniling ko na sana nga ay hindi agad matapos ngunit alam naman nating napaka-imposible noon. Nandito na kami ngayon sa tapat ng aking bahay. Sa sobrang tahimik naming dalawa kanina habang naglalakad ay hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kaniya. Subalit kahit tahimik man kanina ay sapat na sa akin iyon. Sapat na iyon para magdulot ng kakaibang kasiyahan sa aking puso. I am always happy whe