“Then, here is your med…” Eksaktong pagbaba ko ng baso sa tray ay ang nakalahad na kamay ni Lorelei ang sumalubong sa akin. May isang tableta roon at noong nag-angat ako ng ulo ay naabutan kong nakataas ang kilay niya sa akin. “Uhm… do I need to take it? H-hindi naman na mataas ang lagnat ko?” nag-aalangang wika ko. “Of course, you have to.” “Paano ka gagaling kung hindi mo iinumin ‘yan?!” “‘Wag nang matigas ang ulo, ‘El.” Napalabi ako nang halos magkakasabay silang magsalita. Pare-parehong matigas ang naging pagtutol nila sa tinuran ko. Nagbabaka sakali lang naman ako na hindi na ito kailangang inumin pa. I really don’t like the taste of any medicine. It’s too bitter. Mabuti sana kung liquid ito ay makakaya ko pang i-take. “Heto na nga. Iin