“Hindi pa ba maluluto ‘yan?” tanong ni Tornado habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng mesa. “Don’t do that…” Marahang tinapik ko ang kanyang palad para umayos sa pagkakaupo. “Sorry, binibini. Ang tagal kasi maluto,” nakangusong sabi niya habang ang mga mata ay nakatingin sa karne. Nandito kami ngayon sa isang Korean restaurant. Pagkatapos bumili ng sapatos kanina ay nagpunta muna kami sa isa pang store para naman bumili ng regalo ni Donna. Matapos makapili ay nag-request ang mga lalaki na rito kami mag-dinner. Sumang-ayon lang din naman ako dahil matagal-tagal na rin simula noong kumain kami sa ganito. “Wow, ha? Ang lakas mong magreklamo. Taga-kain ka lang naman!” saad naman ni Donna na kasalukuyang naglalagay ng karne sa griller. Ako naman ay inilagay sa banda