Chapter Twenty Eight

2407 Words

Nagpatuloy sila sa tawanan at panaka-nakang pinahahapyawan din ako ng pang-aasar. Napapairap na lang ako at minsan ay napapangisi. Mga lokong ‘to kasi, ako ang nakita ngayong araw!     Sa kabila ng tawanan nila ay hindi nakaligtas sa akin ang mumunting hagikhik ni Chelsea na akala mo ay may kumikiliti sa kanya. Nangunot ang aking noo at kating-kati akong tingnan siya kaya lang ay baka mapansin ako ni Caleb, at ako naman ang awayin. Sumimsim ako sa aking iced tea na ngayon ay tinitipid ko na dahil padalawang baso ko na ito. Puro likido na nga lang yata ang laman ng sikmura ko.     Sumandal ako sa upuan at pasimpleng ipinilig ang ulo sa paligid pero ang totoo ay titingnan ko lang naman itong dalawa sa kanang bahagi ko. Nakita kong nakahilig ang ulo ni Chelsea sa balikat ni Caleb. Tsk!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD