Chapter Twenty Seven

2061 Words

"I missed Caleb, so I will be staying in his house."     Parang gusto kong itapon ang lahat ng mahahawakan kong bagay dahil sa narinig. Hindi ko narinig kung sino ang nagtanong sa kanya pero ngayon ay inililibot ko na ang paningin ko sa mga kaibigan namin para tingnan kung sakaling may bakas doon. Naabutan ko ang gulat sa ekspresyon nina Donna at Lei kaya siguradong hindi sila ang nagtanong. Napatingin naman ako kay Rusty at Kane na parehong hindi alam kung ngingisi ba o mangungunot ang noo.     Napabuntong-hininga na lang ako at inalis ang tingin sa kanila. Inabot kong muli ang baso sa aking harapan at halos pinangahalatian ang tubig na laman noon. Bigla akong nauhaw sa hindi malamang dahilan. Ramdam ko rin ang umuusbong na inis sa loob ko. Mali—alam kong hindi lang iyon basta inis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD