Habang naglalakad palapit sa kanila ay ramdam ko ang pag-alon ng aking sikmura at ang hindi magkamayaw na paghataw ng aking puso sa loob ng dibdib ko. Iniiwas ko ang tingin kay Caleb dahil pakiramdam ko ay binabasa niya ang kaluluwa ko sa riin ng kanyang pagkakatitig habang naglalakad kami papunta roon. “Caleb was the most furious when he knew that you aren’t home, and we can’t contact you…” bulong ni Lei na siguro ay napansin ang kakaibang tingin sa amin ng lalaking iyon. Nanahimik na lang ako at nagpasyang ‘wag na magbigay ng komento. Ayokong isipin na mayroon na namang ibang ibig sabihin iyon. Sinabi ko rin sa sarili ko na kung may ibig mang ipahiwatig si Caleb sa akin ay siya na mismo ang magsasabi. Hirap na hirap na akong manghula sa mga susunod niyang gagawin. Ngayon ko