Agad na nabalot ng katahimikan ang buong mesa. Ang kaninang nagtatawanan na mga kasama namin ay para bang nakagat ang dila at agad na nakalimutan ang sasabihin. Nakatingin ako kay Caleb na nasa aking harapan, na ngayon ay para bang matindi ang galit sa mundo… ang galit sa akin. He is looking at me like I have made my biggest mistake in my life. Kung tingnan niya ako ay para bang may krimen akong nagawa sa kanya. “Stop acting as if you care.” Hindi ko alam kung saan ako nabigla. Sa sinagot ko ba o sa kalamigan ng sarili kong boses? Hindi ko rin inaasahan na masasabi ko iyon. Siguro napuno na lang din ako? Tinapatan ko rin ang intensidad ng mga tingin na ibinibigay niya sa akin kaya kitang-kita ko kung paano napaawang ang kanyang labi. Siguro ay hindi rin niya inaasahan na maririnig iyon