Chapter 8

1046 Words
Althea's POV Nagising ako kaninang umaga na halos wala na akong boses, marahil ay sa sobrang pag-iyak ko kagabi, sabi din sa akin ni Sir Jonas ng matanggap ko ang text niya kaninang umaga ay ililipat niya ako ng trabaho at itatalaga niya ako bilang waitress sa restaurant na pag-aari niya. "Bestie may trabaho ka ba mamaya sa club? Huwag ka na kayang pumasok kasi wala ka ng boses, malat na malat ka na. Sa sobrang puyat mo 'yan." ani ni Olive kaya bigla kong tinakpan ang bibig niya at tumingin ako sa paligid. "Sorry, ang tabil talaga ng dila ko! Sorry na bestie hindi na mauulit." wika niya kaya napabuntong hininga na ako. Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa balak na paglilipat sa akin sa restaurant ni Sir Jonas pero hindi ko naman ikinuwento sa kanya ang lahat, hindi ko rin alam kung kailan ako maililipat ni Sir Jonas pero nangako naman siya na this week ay gagawan niya ng paraan. Tuwang tuwa naman si Olive ng marinig niya ang sinabi ko, mababago na din ang buhay ko sa oras na mailipat na niya ako ng trabaho, hindi na rin ako matatakot na baka kung ano pa ang magawa sa akin ng lalaking 'yon. "Ano ba ang oras ng pasok mo ngayon?" tanong niya. Napatingin ako sa orasang pambisig ko at napabuntong hininga ako. Malapit na naman akong pumasok sa club na 'yon, sana ay hindi ko makita ang demonyong 'yon ngayong gabi dahil sobrang takot na talaga ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya. "Kailangan ko ng maligo bestie, may trabaho pa ako, bukas samahan mo sa bayan mamili tayo ng ilang gamit, bibili na rin ako ng bigas namin at ilang de-lata para laging may pagkain dito sa bahay." ani ko. Pumasok na ako sa silid ko at hinintay lang ako ni Olive sa salas, madalas nya kasi akong ihatid sa club kapag wala siyang ginagawa, katulad ngayon ay ihahatid nila ako ni Amy sa club kaya pagkatapos kong maligo ay dadaanan namin si Amy sa bahay nila, saka nangako ako sa kanila na kakain kami sa isang sikat na fast food ngayon, treat ko sa kanila dahil lagi nila akong tinutulungan sa lahat ng problema ko. Pagkatapos kong maligo ay sinundo na namin si Amy at masaya kaming nagpunta sa fast food na lagi naming gustong mapuntahan ngunit hindi naman namin magawa dahil pang kain nga lang sa araw araw ay kinakapos na kami, ikakain pa ba namin sa labas ang perang naitatabi namin? Pero ngayon dahil may mga natatabi akong pera na galing sa tip ay iti-treat ko sila ng dinner. "Sa wakas mapapasok na din natin ang kainan na 'yan, salamat talaga bestie ha!" ani nila sa akin ng pumapasok na kami sa loob. Marami kaming inorder at hindi rin kami makapaniwala na naubos naming lahat ng 'yon. Totoo nga palang masarap ang pagkain nila kaya laging puno ang bawat branch na nadadaanan namin kanina. Pagkatapos naming kumain ay inihatid na din nila ako, hanggang labas lang sila sa likod ng club at pagkatapos ay umalis na din sila dahil baka gabihin pa daw sila, nag uwi sila ng pasalubong para sa kanila na binili ko at ganoon din para kila mama at papa pati na rin sa mga kapatid ko. Pagpasok ko ng club ay sinalubong agad ako ni Ate Lindsay ng nakangiti sa akin. Sabi niya ay nandito na si Marcus at kailangan ko ng magbihis dahil kanina pa ako hinihintay. Nagtataka naman ako kung bakit ngiting-ngiti siya pero binalewala ko na lang. Mabilis naman akong pumasok sa loob at nagbihis. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tila nakakaramdam ako ng pananabik na makapasok ss private room. Ewan, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Hindi naman nagtagal ay pumasok na ako sa loob ng silid. Madilim at tanging mga maliliit na bumbilya lamang ang nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran. "Kanina pa kita hinihintay, may dala akong pagkain baka gusto mo." aniya. Hindi ako kumibo, tahimik lamang ako at nagpunta na ako ng stage pero ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Marcus ay naghuhumiyaw. Lumapit siya sa akin at binuhat niya ako, iniupo niya ako sa upuang nakaharap sa table at nilagyan ako ng plato sa harapan ko. Binuksan niya ang lampshade at itinaas ng bahagya ang maskara ko hanggang bibig ko at pagkatapos ay sinubuan ako ng pagkaing kinakain niya. Napangiti naman ako at dahil sa gutom naman ako ay tinanggap ko na lamang ito. Hindi niya ako pinagsayaw, pinahiga niya ako at pinapatulog. Pero kahit na pinapatulog niya ako at nagpapakita siya ng kabutihan sa akin ay hindi na magbabago pa ang isip ko na aalis na ako at magpapakalayo-layo. Mas mabuti pa na umalis na lang ako at magpakalayo-layo. Ipinikit ko ang mga mata ko, gusto kong isiping mabuting tao ang lalaking ito pero hindi ko naman magawa dahil nakikita ko ang mga baril nila. Idinilat ko ng bahagya ang aking isang mata at nakikita ko sa aking paningin na nakapikit siya na tila ba natutulog habang nakaupo. "Sabi ko matulog ka at magpahinga ka na, I'm sure na lagi kang pagod dahil sa gabi ka nagtatrabaho." ani niya. Hindi ako kumibo pero napangiti ako, ipinikit ko naman ang aking mata pero hindi ko pa rin maiwasan na silipin siya at idilat ang isa kong mata. "Masyado ba akong gwapo sa paningin mo kaya panay ang silip mo sa akin?" ani niya habang pikit pa rin ang kanyang mga mata. Hindi ako kumibo at napangiti akong muli ng palihim. "Ganyan nga, ngingiti ka para naman mas lalo kang gumanda. Maganda ka na nga mas lalo ka pang gumaganda." wika niya kaya naman tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Pano kaya niya nalamang nakangiti ako at paano naman niya masasabing maganda ako eh may maskara naman ako? "Bukas gusto ko ng makita ang mukha mo, kahit ayaw mo ay ako ang masusunod." wika niya kaya nakaramdam ako ng takot. Heto na nga ba sinasabi ko. Makikilala na niya ako. Napapikit ako, kailangan ko na talagang makaalis sa lugar na ito. Kapag nakatulog siya ay tatakas na ako at magpapakalayo-layo muna ako. Sa malayong lugar na hindi niya ako mahahanap bago pa niya ako tuluyang makilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD