Althea's POV
"Pumasok ka na sa loob ng Private room at baka dumating si Marcus ng wala ka pa sa loob." ani sa akin ni Ate Lindsay. Mabilis ko namang isinuot ang aking maskara at tinungo ko agad ang private room kung saan ay muli kong makakasama ang Marcus na 'yon.
Nanginginig ang aking mga kamay ng binuksan ko ang pintuan ng silid. Nananalangin ako na sana ay hindi siya makarating ngayon dahil gusto kong layuan siya at ayokong mahulog ang loob ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng pagpasok ko sa loob ay wala pa siya kaya mabilis akong naglakad patungong stage at tumayo lamang ako duon habang hinihintay ko ang pagdating niya. Sinigurado ko na mahigpit ang pagkakalagay ko ng aking maskara, ito ang tanging bagay na ayokong malaman niya kung sino ba talaga ako. Ayokong makilala niya ako.
Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Marcus, napatingin siya sa akin at ngumisi habang papalapit ito sa kinaroroonan ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa pole ng malapit na siya sa akin.
"Come here," ani niya at inilahad niya sa akin ang kaniyang kamay. Kahit kinakabahan ako ay lumapit naman ako sa kanya,
Hinawakan niya ang maskara ko, agad kong hinawakan ang kamay niya ngunit inalis nya lamang ang kamay ko at muling hinawakan ang maskara ko.
"Gusto kong makita ang mukha mo." wika niya kaya nakaramdam ako ng takot kaya pinagsusuntok ko siya at bahala na kung suntukin nya din ako basta ang mahalaga ay hindi niya mahubad ang maskara ko. Hindi niya ako dapat makilala dahil baka bigla na lang niya akong barilin sa oras na matanggal ang maskara ko.
Akma na niyang aalisin ang maskara at nasa may ilong ko na ito ng biglang tumunog ang telepono niya. Napahinto siya at kinuha ang phone sa bulsa niya at tinignan ang tumatawag sa kanya at napamura pa siya. Tumayo siya at naglakad papalayo kaya mabilis kong inayos ang maskara ko habang lunod na lunod na ang mga mata ko sa luhang dumadaloy mula dito. Takot na takot ako, ayokong makilala niya ako. Alam kong sasaktan niya ako.
Nanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ko ang aking maskara, takot na takot ako sa taong kasama ko dito sa silid, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"What is it?" ani niya sa kausap niya. Nakikinig lamang ako habang walang patid akong umiiyak at napapatingin pa siya sa akin. Kahit napakagwapo niya ngayon ay balewala lamang ito sa akin dahil ang nakikita ko sa kanya ay mukha ng isang impakto kahit na ba sabihin nating nahuhulog pa ako sa kanya.
"I can do that, but to do so, I have to kill him." ani niya sa kausap kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot dahil ngayon ko napatunayan na mamamatay tao nga ang taong ito.
"Okay pinsan, darating ako. Istorbo ka talaga!" wika niya pa kaya napahinga ako ng maluwag dahil alam kong kinakailangan niyang umalis at iiwanan niya ako ngayon dito. Pinatay niya ang telepono niya at lumapit sa akin.
Bumukas ang pinto ng silid at humahangos na pumapasok si Ate Lindsay at si Sir Jonas at nilapitan ako.
"Pwede n'yo po ba akong ilipat sa ibang lugar? Kahit saan po basta malayo lang po dito." ani ko sa amo ko. Kailangan ko ng umiwas sa kanya. Nararamdaman ko na hindi siya mabuting tao at napakadali lamang para sa kanya ang pumatay ng tao. Siguradong hindi siya magdadalawang isip na patayin din ako.
"Hayaan mo at pag-iisipan ko ito, sa ngayon ay magbihis ka na at ipapahatid na kita sa inyo. Huwag kang mag-alala dahil walang makakaalam kung saan ka nakatira." ani ni Sir Jonas. Tumango ako at sabay-sabay na kaming lumabas ng silid. Nagtungo ako sa dressing room at nagbihis na ako, ipinahatid niya ako sa kaniyang driver at sa likod na din ako pinadaan dahil baka daw may naiwang tauhan si Marcus na nagmamatyag at baka masundan pa ako.
Pagkarating ko sa bahay ay nagulat pa sila mama na maaga akong nakauwi. Nagdahilan na lamang ako na masama ang pakiramdam ko upang hindi na sila magtanong pa.
Pinaghanda ako ni mama ng makakain at pagkatapos ay binigyan ako ng gamot. Tinanggap ko naman ito at ininom kahit ang totoo ay wala naman akong sakit.
Masama siyang tao at nasusuklam ako sa kanya. Gusto ko ng umalis sa club na 'yon, sana ay mapag isipan agad ni Sir Jonas na ilipat na lang niya ako kahit saan basta malayo lamang ako sa Marcus na 'yon. Ayokong makilala niya ako, ayokong malaman niya kung sino ako.
Humiga ako sa kama, tinawagan ko din si Olive upang ipaalam sa kanya na nakauwi na ako.
"Buti naman at umuwi ka, baka lumala pa 'yang nararamdaman mo kapag pinilit mong magtrabaho." ani niya.
"Buti nga pinayagan ako ni Sir Jonas, hindi ko na kasi talaga kaya, pakiramdam ko babagsak na ako kanina sa sama ng nararamdaman ko." wika ko.
"Gusto mo ba diyan ako matulog ngayon para naman maasikaso kita, parang tulad dati kapag may sakit ang isa sa atin, nagtatabi tayo matulog para naaalagaan natin kung sino ang may sakit." ani nya pa na ikinatawa ko.
"Bata pa kaya tayo nuon kaya ganuon pa tayo, pero malalaki na tayo ngayon at kaya na natin ang mga sarili natin." Tumatawa kong wika sa kanya na ikinatawa na din niya.
Naging masaya ang pag-uusap namin kaya medyo nakalimutan ko ang takot ko kay Marcus. Naging mapayapa din ang kalooban ko dahil napasaya ako ng kaibigan ko.
"Matulog ka na at masyado ng late para makapagpahinga ka na, baka lumala pa ang nararamdaman mo." ani niya kaya nagpaalam ba din ako sa kanya at natapos na din ang pag-uusap naming dalawa.
Ibinaba ko ang telepono sa kama ko at umayos na ako ng pagkakahiga. Muli akong napaiyak ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Marcus, natatakot na talaga ako, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, ayoko ng pumasok dahil baka sa susunod ay tuluyan na niya akong makilala at baka nga totoong papatayin niya ako dahil pinagsisigawan ko siya nuon at pinagsalitaan ko siya ng masasama.
Dumapa ako sa kama, humagulgol ako ng humagulgol at isinubsob ko ang mukha ko sa unan upang hindi ako makagawa ng ingay dahil ayokong malaman ng mga magulang ko kung ano ang totoong nangyayari sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata ko, gusto ko ng matulog upang kahit papaano ay mawaglit sa akin ang matinding takot at pag-aalala.
Naramdaman ko ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.