Marcus's POV Nagising ako na masakit ang ulo ko, nagulat ako dahil wala na si Angel. Lumabas ako at inabutan ko ang mga kaibigan at tauhan ko na mga nakayukyok sa lamesa at tulog na tulog kaya kinalampag ko agad ang lamesa kaya bigla silang nagtayuan at tinutukan ako ng baril. "Sige subukan ninyong iputok ang mga 'yan!" sigaw ko sa kanila na mabilis naman nilang ibinaba ang mga baril nila na naguguluhan. "Ano ba kasi nangyayari ha? Bakit naman kung makakalampag ka ng lamesa akala mo may gyera na!" naiinis na ani ni Hugo. "Nasan si Angel? Hindi ba sinabi ko sa inyo na bantayan ninyo ang pintuan ko at huwag ninyong hahayaan na makalabas 'yon ha?" galit kong ani, napakamot sila ng ulo at hindi malaman ang isasagot kaya sa inis ko ay sinipa ko ang upuan kaya tumilapon ito. Pinuntahan ko