Chapter 4

1471 Words
Marcus POV "Paanong hindi ninyo alam kung saan hahanapin ang babaeng 'yon ha? Kapag hindi ninyo nahanap ang pinapahanap ko, sisiguraduhin ko sa inyo na uubusin ko ang bala ng baril ko diyan sa katawan ninyong lahat!" galit na galit kong ani sa kausap ko sa telepono. Mga bwisit! Isang babae lang ang pinapahanap ko hindi pa nila mahanap-hanap. "Bro, relax lang! Bigyan mo sila ng pagkakataong mahanap ang babaeng 'yon, hindi madali ang pinapagawa mo dahil unang-una ay walang pangalan ang babaeng 'yon, walang pagkakakilanlan, ang naaalala mo lang ay may kwintas siya ng isang Mama Mary at ang maganda niyang mukha. Bigyan mo sila ng pagkakataon, mahirap ang ipinapagawa mo lalo pa at biglang naglaho ang babaeng 'yon at hindi ka nga nakakasiguro kung taga duon ba talaga ang babaeng 'yon." ani sa akin ni Thomas. Huminga ako ng malalim at hinimas ko ang sintido ko na nagsisimula ng manakit. Napipikon ako, simpleng inuutos ko hindi pa nila magawa. Ano pa at sila ang pinakamagaling na tauhan ko ang pinadala ko sa lugar na 'yon? Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Thomas at muli akong tumungga ng alak. Gusto kong mapawi ang init ng ulo ko dahil masama akong magalit. Hindi ko makalimutan ang mukha ng babaeng 'yon, gusto kong maging akin ang babaeng 'yon at papatayin ko kahit na sino pa ang humadlang sa akin. Magiging asawa ko siya sa ayaw at sa gusto niya! Sa sobrang galit ko ay malakas kong ibinato sa dingding ang hawak kong bote ng alak na ikinagulat ng mga kasama ko. Matalim akong tinitigan ni Hugo at pagkatapos ay hinarap agad ako nito. "Umayos ka nga! Babae lang 'yan nagkakaganyan ka! Ano ba ang nakita mo sa babaeng 'yon at nababaliw ka na yata ha?" ani ni Hugo sa akin. Tinignan ko siya ng matalim habang naiiling lamang siya sa akin. Lumapit naman sa akin si Julian at inabutan ako ng isang bote ng alak. Isa pa itong kaibigan ko na ito, madalas na lang naglalaho at kung saan-saan nagpupunta. 'Yung kapatid niyang si Isaac ang weird, lagi akong tinatawagan para kamustahin, ang weird talaga. "Hindi ko alam! Basta ang alam ko lang ay akin siya at kung sino man ang hahadlang upang mapasaakin ang babaeng 'yon ay matitikman ang galit ko. Naiintindihan ba ninyo ako?" galit kong ani sa kanila. "Kung ganoon, huminahon ka! Para namang hindi mo kilala ang mga tauhan natin, mahahanap nila ang babaeng 'yan bigyan mo lang sila ng pagkakataon. Masyado ka namang nabaliw sa babaeng 'yon." naiinis na ani ni Hugo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, mula ng masilayan ko ang mukha ng babaeng 'yon pakiramdam ko nabaliw na ako kaya halos halughugin na namin ang bawat sulok ng lugar na eskinitang pinasok nilang magkakaibigan pero hindi talaga namin sila mahanap, duon lamang sila pumasok matapos niya akong sigawan at pagkatapos nuon ay hindi na namin sila nakita pang lumabas kaya nakakasigurado ako na taga duon ang babaeng 'yon. "Tinamaan ka talaga sa babaeng 'yon ano?" ani ni Sammy, ang lalaking mainitin ang ulo na kaibigan ko din. "Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako mula ng masilayan ko ang mukha ng babaeng 'yon. Pati sa panaginip ko ay lumalabas ang mukha niya kaya hindi ko alam ang isasagot ko sa inyo. Nababaliw na yata ako dahil nagkakaganito ako sa isang babaeng mukhang tindera ng kung ano. Gusto ko nga siyang pakasalan." ani ko sa kanila. Mahihinang tawa naman ang narinig ko sa kanila na ikinanuot ng noo ko, kaya sa inis ko ay nilabas ko ang baril ko at pinaglaruan ko ang nguso nito sa harapan nila kaya lahat sila ay natahimik at kanya-kanyang lingon sa iba't-ibang direksyon. "Huwag ninyong hintaying mangati ang daliri ko at kalabitin ang gatilyo ng baril ko." wika ko sa kanila. Hindi sila kumibo at lahat ay nagpapanggap na may kanya-kanyang ginagawa kaya napapa-iling na lamang ako at ibinalik ko ang baril ko sa aking double gun shoulder holster at isinara ko ang zipper ng leather jacket ko. "Nasaan ba si Janine?" tanong ko sa kanila upang kahit papaano ay mabago ang usapan. Si Janine ang isa sa pinakamagaling kong hitman. Tinatalo niya si Julian pagdating sa labanan kaya pikon na pikon sa kaniya si Julian, pero sa tingin ko naman ay pinagbibigyan lamang ito ni Julian dahil malakas ang pakiramdam ko na kursanada niya si Janine. Kasama ni Janine si Lyka, isa din sa pinakamagaling kong hitman na masasabi kong the best talaga lalo na pagdating sa labanan. Si Josh Morin, Lyka Sullivan at si Janine Fernandez ang magagaling kong hitman na hindi mapabagsak ng mga kalaban namin. "Baka nakipag date. Alam mo naman 'yon, daming manliligaw." ani ni Hugo. Nakita namin ang pagbabago ng mood ni Julian sabay tayo at sumilip sa bintana. Gusto kong matawa, matagal na niyang gusto si Janine pero mukhang sa kanya yata nagmana ng katorpehan ang kapatid niyang si Isaac. "Punta na lang tayo ng Jigsaw Club. Gusto kong makita si Angel. Isa pa 'yong babaeng 'yon, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kalaki ang interes ko sa kaniya samantalang isang dancer lamang siya ng club ni Jonas. Ang dami na niyang naging dancer sa club na 'yon ng naka maskara pero kaylanman ay hindi ako nagkaroon ng interes sa kanila, ngayon lang talaga at sa Angel pa na 'yon." ani ko sa kanila. Magsasalita pa sana akong muli ng marinig namin ang boses ni Janine. "Akala ko ba baliw na baliw ka sa babaeng pinapahanap mo? Bakit may Angel ka pa ngayon? Langya! Salawahan din 'yang puso mo. Sa tingin ko hindi puso mo ang tumitibok, 'yang manhood mo ang pumipintig." wika ni Janine na papalapit sa amin kaya lahat kami ay napalingon sa kaniya lalong-lalo na si Julian. "Gusto ko talaga ang babaeng pinapahanap ko, hindi ko lang alam kung bakit ganito din ang nararamdaman ko sa Angel na 'yon, pero sigurado ako sa nararamdaman ko sa babaeng muntik ko ng masagasaan." ani ko. Nakatingin lang sila sa akin habang si Janine naman ay tumatawa. "Sa tingin ko libog lang 'yan! Bakit hindi mo subukang isaksak 'yang manhood mo sa mga lungga nila para malaman natin kung pag-ibig nga ba 'yan." wika ni Janine na ikinatawa nila at tinanggal kong muli ang pagkaka zipper ng aking leather jacket kaya muli na namang tumahimik ang paligid. Hindi nagtagal, pagdating ni Lyka ay umalis na din kami upang magtungo sa club kung saan nagtatrabaho ang Angel na 'yon. May kung anong nagtutulak sa akin na pumunta sa club kung saan ay nagtatrabaho si Angel upang muling masilayan ang babaeng 'yon. Interesado ako sa Angel na 'yon pero maaaring tama din ang sinabi ni Janine sa akin na baka libog lang ang nararamdaman ko para kay Angel kaya kailangan kong alamin ngayong gabi kung libog nga lang ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung kinakailangang tikman ko siya ay gagawin ko. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit ayaw ko siyang pwersahin samantalang lahat ng babae na dumaan sa akin ay pinapahirapan ko, lahat ng babae na dumaan sa akin ay nakaranas ng kalupitan ko. Bakit hindi ko siya magawang pwersahin? Kung tutuusin ay kaya kong gawin ang gusto ko sa club na 'yon pero hindi ko ginagawa kaya nagtataka din ako sa sarili ko. May kung anong nagtutulak sa akin na ingatan at protektahan ko siya kaya 'yun naman ang ginagawa ko. Pagkarating namin sa club ay ipinag-utos ko agad sa manager na ireserba na sa akin si Angel at simula sa araw na ito ay sa akin na lang siya sasayaw. Mula ng sinayawan niya ako sa private room ay ayoko ng may ibang lalake na makakakita ng katawan niya dahil baka taniman ko lang ng bala ang sinumang tititig sa kanya ng may pagnanasa. "Talagang tinamaan ka ba sa dalawang babae ha? Baka naman init lang ng katawan 'yan o kaya naman ay nachachallenge ka lang sa kanila kaya ka nagkakaganyan sa dalawang babae." wika ni Hugo sa akin. Ngumisi lamang ako dito at iniwanan ko na sila at nagtungo ako sa private room. "Baka pasmahin ang kamay mo, pwede mo naman sigurong irequest ang lollipop sa babaeng 'yon kaysa sa pasmahin ang kamay mo, hindi ka na magiging asintado niyan, ikaw pa naman ang pinakamagaling umasinta sa grupo." pang aasar naman ni Lyka na ikinatawa nilang lahat. Nag dirty finger lamang ako sa kanila at tinungo ko na ang pribadong silid at baka naghihintay na sa akin ang aking anghel sa lupa. Habang papasok ako sa loob ng silid ay napapangiti ako, wala pa dito ang aking anghel at alam kong malaki ang takot nito sa akin. Hindi ko maunawaan ang sarili ko pero ayoko siyang makaramdam ng takot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD