Chapter 3

1663 Words
Althea's POV Isang linggo na din akong nagtatrabaho sa club ni Sir Jonas, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. Ang pagkakaalam nila mama ay nagtatrabaho ako sa isang call center kaya pang gabi ang trabaho ko. Ang alam din nila ay nag advanced p*****t ako na kailangan kong bayaran kada sweldo ko. Naniwala naman sila sa akin at kahit kapirasong pagdududa ay hindi ko sila nakitaan. Nakauwi na din si papa sa bahay at sabi ng doktor hindi na magtatagal ay makakalakad na muli si papa. "Mama aalis na po ako, baka po kasi ma-late ako mapagalitan pa ako ng amo ko." ani ko kay mama. "Mag-iingat ka anak, 'yung baon mong pagkain huwag mong kalilimutang kainin, huwag kang magpapagutom para hindi ka magkasakit." ani pa niya. Ngumiti lamang ako at pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay umalis na din agad ako. Pagkarating ko ng club ay sinalubong na ako ni Badeth, siya si Butterfly at sobrang ganda niya at sobrang bait. Kinuwento din niya sa akin na nuong unang pasok niya dito ay katulad ko siya na nangangailangan ng pera dahil nasagasaan ang kapatid niya at tinakbuhan. Wala na silang mga magulang, bata pa lamang sila ng maulila sila pero ang sabi niya bago namatay ang nanay niya sa sakit na cancer ay sinabi sa kaniya na mayaman ang lahing pinanggalingan ng kanyang ina, pero hindi n'ya kilala ang mga magulang ng ina niya kasi nga naglayas lang daw ang mama niya nuon dahil sa sobrang higpit ng mga magulang nito at ayaw sa ama niya na driver ng pamilya. 'yun lang ang istoryang alam ko, dalawa lang naman silang magkapatid, siya at ang kapatid niyang lalaki na bata lang sa kanya ng isang taon. "Gusto ko si Sir Jonas kaya lang mukhang ikaw ang type." ani niya sabay hagikgik pa na ikinatawa ko naman. "Naku girl! Wala akong damdamin para kay sir, wala nga sa isip ko ang mga lalaki. Naka focus ako ngayon sa pamilya ko, kay mama at papa, sa dalawa kong kapatid na nag-aaral. Buti nga malaki kinikita natin sa tip kung hindi, wala akong iuuwi kasi baon ako sa utang." ani ko sabay bungisngis din kaya nauwi na kaming dalawa sa tawanan. Anim kaming dancer dito. Pero si Badeth lang ang nakagaanan ko ng loob, kasi siya 'yung open sa akin, siya 'yung unang lumapit sa akin at nagkwento ng buhay niya kaya heto, naging magkaibigan kaming dalawa. "Oh, girl ikaw na ang sasalang, konting kembot lang at marami ka ng maiuuwing tip." ani niya sa akin na ikinatawa ko ng mahina. Nagsimulang tumugtog ang musika kaya naman dahan-dahan akong lumakad papunta sa gitna ng stage at pagkatapos ay nagsimula akong gumiling ng marahan at umiikot-ikot sa dance pole na nakatayo sa pinakagitna ng stage. Habang sumasayaw ako ay napansin ko ang dalawang lalaki na umiinom malapit lang sa stage, nakatitig sa akin ang isang lalaki na sobrang gwapo habang ang kasama niya ay umiinom naman. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan niya ako, hindi ko din alam kung napapansin nya na sa kanya ako nakatitig Nakita kong tinawag niya ang waiter at hindi naman nagtagal ay nilapitan siya ng manager namin at kinausap at nakikita ko na tinuturo niya ako kaya ang kabog ng puso ko ay hindi ko na maintindihan, pati yata ang musika ay hindi ko na naririnig pa dahil sa lakas ng pagtibok ng aking puso. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin ang manager at hinarap na ng lalaking gwapo ang kaniyang kasama pero panaka-naka pa rin niya akong pinagmamasdan. Halos ipanalagin ko na, na sana ay matapos na ang tugtugin upang matapos na din ako dito. Hindi naman nagtagal ay si Badeth na ang kasunod kaya nagmamadali akong umalis habang sapo ko ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. "Mukhang natipuhan ka ni Sir Marcus. Mag-iingat ka dahil hindi basta-basta ang taong 'yan. May motto sa buhay 'yon, 'What Marcus wants, Marcus gets!' kaya mag-iingat ka." ani ni Ate Lindsay, ang manager ng club kaya mas lalo tuloy akong nakaramdam ng matinding takot. "Ate, kapag gusto niya akong i-table, huwag kayong papayag ha." ani ko at natawa naman siya ng mahina. "Hindi ka niya mapipilit, unless na lang gagamitan ka ng pwersa, o gagamitin niya ang kapangyarihan niya sa lugar na ito. Hindi pangkaraniwang tao 'yan, hindi man namin siya lubusang kilala pero 'yung kasama niyang 'yon, kayang-kayang ipasara ang club na ito." ani niya kaya nakaramdam ako ng takot. Kung gayon ay sino ang kasama ng lalaking 'yon na kaya daw ipasara ang club na ito. "Puro bilyonaryo ang mga 'yan, kung bilyonaryo ang amo namin, kaya lang nilang lampasuhin. Ganoon siya katindi." ani pa ni Ate Lindsay. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko ng umuwi dahil nakakatakot naman pala ang dalawang 'yon. "Huwag kang matakot, hindi pa naman sila nanggulo dito kahit kailan, marami na 'yang natipuhan dito pero wala pa siyang pinilit kaya huwag kang matakot." ani niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag sa tinuran niya. Apat na beses akong sasayaw sa stage sa buong magdamag, madadagdagan lang 'yon kapag may nag request na customer na sumayaw akong muli tapos magbibigay sila ng tip. Ganun lang naman sana kasimple 'yon pero dahil nga hindi ako sanay, napakahirap non para sa akin. Bandang alas dose ng hating gabi, akala ko ay makakapagpahinga na ako ngunit tinawag ako ni Sir Jonas dahil may gusto daw na mag pa private dance at kikita daw ako ng fifty thousand para lang sumayaw sa isang customer sa loob ng isang private room pero sinigurado naman nila sa akin na hindi ako hahawakan ng lalaking 'yon. Nabigla ako sa sinabi nila, alam kong may pa private show sila at sinabi din naman sa akin ni Badeth na sasayaw lang talaga dahil ilang beses na nya daw 'yun naranasan. "Pumayag ka na gurl, mukhang hindi titigil si Marcus hangga't hindi ka niya naipa private. Alam n'ya din na hindi mo pwedeng tanggalin ang maskara mo kaya hindi ka nya makikilala." ani ni Ate Lindsay at nakaramdam ako ng takot ng marinig ko ang sinabi niya. Kung gayon ay bumalik pala ang lalaking 'yon upang makita lamang akong sumayaw sa private room at willing pang magbayad ng fifty thousand. "Malaking tao kasi si Marcus kaya hindi ko mahindian pero ipinaliwanag ko naman sa kanya ang kalagayan mo at nangako siya na gusto ka lang niyang makitang sumayaw at kapag nagustuhan niya ay hindi ka na sasayaw sa stage at siya na lang ang sasayawan mo, at kada sayaw mo sa kanya ay babayaran ka niya ng malaking halaga." ani pa ni Sir Jonas na ikinagulat ko. Ibig sabihin kapag nagustuhan niya ang gagawin kong pag giling ay hindi na ako magsasayaw sa stage? Dahil sa narinig ko ay pumayag akong bigla. Bahala na! Nangako naman sila sa akin na hindi talaga ako hahawakan ng lalaking 'yon. Kailangan ko ng pera kaya ito na siguro ang pagkakataon ko para din mabayaran ko na si Sir Jonas at makawala na ako sa lugar na ito. Hindi naman nagtagal ay pumapasok na ako sa isang silid na madilim at tanging maliliit na ibat-ibang kulay na ilaw lamang ang tanging nagbibigay ng bahagyang liwanag sa loob ng silid na ito. Ang puso ko ay tila ba sasabog na sa tindi ng pagtibok nito, nanginginig pati ang aking mga tuhod dahil ngayon ko lamang ito gagawin. Lumapit ako sa isang mini stage na may nakatayong pole sa gitna, nababanaagan ko ang isang lalake na nakaupo sa isang malaking sofa na nakataas pa ang paa sa ibabaw ng maliit na lamesa. Nagsimulang tumugtog ang mabagal na musika kaya nagsimula din akong gumiling ng dahan-dahan na hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa sofa. Hindi ko naaaninag ang mukha niya dahil madilim. Sumasayaw lang ako at ang alam ko lang ay mananatili ako dito ng isang oras upang makasama ang lalaking ito. "I like you Angel, I really do. Kaya lang huli ka na dahil may nilalaman na ang puso ko, ang babaeng hinahanap ko na pumukaw sa natutulog kong puso. Pero gusto rin kita hindi nga lang katulad kung gaano ko kagusto ang babaeng hinahanap ko. Ang babaeng nagpapabaliw sa akin ngayon. Ang babaeng may pinakamagandang mukha sa buong mundo." ani niya na ikinagulat ko at nanginig ako sa takot dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang boses niyang 'yon. Siya ang lalaking muntik ng makabangga sa akin at ang lalaking pinahabol kami sa mga tauhan niya. Siya 'yung gustong pumatay sa akin. Dahil sa naiisip ko ay biglang nagtuluan ang aking mga luha, buti na lamang at madilim sa lugar na ito kaya sigurado akong hindi niya ako nakikitang umiiyak. "Do you know how to communicate?" tanong niya sa akin pero hindi pa din ako nagsasalita. "Well, I guess kahit sa pagsasalita ay bawal kayo. Sige ako na lang ang magkwekwento sayo." ani niya. "My name is Marcus Devon Dux. Multi Billionaire, and 28 years old, single pero nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama sa buhay pero wala pa siya sa tabi ko at gagawin ko ang lahat upang mahanap siya. Pinagtataguan kasi ako, pero kalat na ang mga tao ko upang hanapin siya at kung sino man ang hahadlang ay papatayin ko. Alam mo ba na maging ang pangalan ng babaeng 'yon ay hindi ko alam, pero may palatandaan naman ako sa kanya at maging ang mukha niya ay hinding-hindi ko makakalimutan kaya sisiguraduhin ko na magiging akin ang babaeng 'yon at willing akong ibigay sa kaniya ang lahat ng nanaisin niya. Okay ba?" ani niya na lalo kong ikinatakot. Halos mangatog na ang tuhod ko at tila hindi na ako makasayaw sa mga naririnig ko mula sa kaniya. Ganito ba talaga ang mayayaman, para makuha ang gusto nila ay handa silang pumatay? Mas lalo tuloy akong natatakot sa lalaking ito. Ang nais ko na lamang ay matapos ang oras upang makaalis na ako sa silid na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD