Chapter 2

2072 Words
Althea's POV "Mama ano po ba ang nangyayari?" tanong ko sa aking ina ng magising ako at makita ko siyang umiiyak. "Ang papa mo anak, sinugod namin kanina sa hospital dahil namimilipit sa sakit ng kaniyang likod, kailangan na daw maoperahan sabi ng doktor upang maayos ang mga nabaling buto. Ang sabi ng doktor ay kakailanganin natin ng tatlong daang libong piso para maoperahan na ang papa mo, pero panginoon ko naman, saan naman tayo kukuha ng ganoong kalaking halaga? Kahit na maghapon tayo magtinda ng gulay at isda ay hindi natin kikitain ang ganoong kalaking halaga." ani ni mama habang umiiyak lamang ito. Napaupo ako sa sofa at maging ako ay umiiyak na rin. Hindi ko din alam ang gagawin ko, pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nawalan ng pag-asa. "Mama maghahanap po ako ng trabaho, gagawin ko po ang lahat mapaoperahan lang po natin si papa." wika ko sa aking ina at niyakap na niya ako at para kaming bata na humahagulgol. Iniisip ko din ngayon kung saan kami kukuha ng pera na pambayad ng hospital dahil kailangang manatili ni papa duon upang mabigyan siya ng sapat na gamot upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon. Umalis muna ako ng bahay, nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ko muna ang kaibigan kong si Amy, marami siyang kakilala na baka maaaring makatulong sa akin upang makapasok ng trabaho na may magandang kita. Kahit ano yata ay papasukin ko para lamang sa kaligtasan ng aking ama. "Naku bestie mahirap maghanap ng matinong trabaho na kikita ka agad ng ganiyan kalaki. Bakit hindi mo subukang manghiram ng pera kay Dominic, hindi ba at sabi niya ay kapag nangailangan ka ng tulong huwag kang mahihiyang lumapit sa kanya?" ani naman niya. Hindi ako kumibo, hindi ko naman kaano-ano si Dominic, nanliligaw lang siya sa akin at wala naman akong pagtingin sa kaniya. "Saan naman kukuha ng ganoon kalaking pera si Dominic eh palamunin lang naman 'yon ng magulang niya." ani naman ni Olive. Hindi naman nakakibo si Amy at nag-isip na lang ito ng ibang paraan. "May kakilala ako na nagtatrabaho bilang manager sa isang club, nangangailangan sila ng dancer pero naka-maskara. Sikat itong club na ito at puro mayayaman ang customer, bawal hawakan ang mga dancer nila, bawal i-table at bawal lapitan kaya safe ka. Kaya lang dancer ka, kung kaya mong sikmurain malaki ang kikitain mo dahil sa tip pa lang ng mga mayayamang customer siguradong tiba-tiba ka na." ani niya. Parang nalaglag naman ang puso ko sa sinabi niya, napaiyak na lamang ako at hindi agad ako nakasagot. Nagpunta kaming magkakaibigan ng City at baka sakali na may mahanap kami na job for hiring pero mostly ng hinahanap nila ay at least college ang narating kahit hindi nakagraduate. High school lang naman ang natapos ko kaya nahihirapan ako maghanap ng matinong trabaho para kumita ng mas malaki. "Umuwi na muna tayo, papadilim na din baka nag-aalala na sayo ang mama mo at baka magkasakit pa 'yon." ani naman ni Olive. Sumakay kami ng Jeepney ay wala pa rin akong kaimik-imik. Ang isip ko ay gulong-gulo kung saan ba ako hahanap ng malaking halaga. Ayoko namang pumasok sa club na sinasabi ni Amy. Hindi ko kayang sikmurain ang sumayaw ng naka two-piece lang sa harapan ng mga lalaking nag-iinuman. Hindi ko kaya! Nakauwi kami't lahat ay hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi naman ako pwedeng lumapit kay Dominic dahil tulad nga ng sinabi ni Olive kanina ay wala din namang pera ang taong 'yon at umaasa lamang sa mga magulang. May kaya sila sa buhay pero nag-aaral pa siya at wala pa siyang hinahawakan na kahit na anong negosyo ng kanilang pamilya. Pagkarating namin sa bahay ay hindi ko inabutan si mama at 'yung dalawang kapatid ko lamang na si Tina at Anthony ang inabutan namin. "Wala si mama, sumugod sa hospital, sabi kasi ng doktor kanina sa akin ay kailangan ng maoperahan ni papa dahil kalat na ang impeksyon at kailangan ng palitan ng bakal ang nabaling buto." ani niya kaya napaiyak na ako at mabilis akong sumakay ng tricycle kasama pa rin ang dalawa kong kaibigan. Nakarating agad kami sa hospital kaya nagmamadali akong pumasok sa loob. Pagkatanong ko sa information desk kung saang room si papa ay agad ko din itong pinuntahan. Inabutan ko na nakaupo si mama sa tabi ni papa habang umiiyak ito at kinakausap si papa. "Wala tayong pera, hayaan n'yo na lang ako. Kung talagang oras ko na ay nakahanda na ako. Huwag mo lang pababayaan ang mga anak natin." ani ni papa kaya humagulgol ako at napatingin sila sa akin. "Gagawin ko ang lahat papa para madugtungan lang po ang buhay ninyo. Hindi ko po kakayanin na mawala kayo sa amin. Kailangan po namin kayo ng aking mga kapatid." umiiyak kong ani at mabilis ko silang nalapitan. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni papa dahil ayaw talaga niya na nakikitang malungkot ako o umiiyak. Kinuha ko ang kamay niya at idinaiti ko ito sa aking pisngi at hindi ko na talaga mapigilan at humagulgol na ako ng humagulgol. Napatingin ako sa doktor ng pumapasok na ito sa loob at lumapit ito kay mama. "Kahit po sana kalahati ay makapag deposito tayo para masimulan na ang operasyon. Baka kasi mahuli ang lahat kaya as soon as possible kailangan na siyang maoperahan." ani ng doktor. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni mama at hinila ko na ang kamay ni Amy papalabas ng silid. "Saan tayo pupunta bestie?" nagtatakang tanong ni Amy habang kasunod lamang namin si Olive na nagtataka din. "Dalhin mo ako sa club na sinasabi mo. Kaya kong tapakan ang lahat ng reputasyon at dignidad ko para lamang sa aking mga magulang." umiiyak kong ani. Hindi na sila nagsalita at batid kong nauunawaan nila ako. Sumakay kami ng Jeep at pagbaba namin ay naglakad kami hanggang sa nakarating kami sa isang napakagandang club. Naghintay muna kami sa labas at si Amy lamang ang pumasok, madilim na sa labas at kami naman ni Olive ay naghihintay lamang sa pagbabalik ni Amy. Hindi naman nagtagal ay nilalapitan na kami ni Amy at may kasama itong magandang babae na sa tingin ko ay nasa edad 28 na. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay nginitian niya ako ng matamis at iginiya kami sa loob ng club. Pumasok kami sa opisina niya nagulat kami ng may isang lalaking napakagwapo ang nasa loob na tila ba hinihintay ang pagdating namin at ikinandado ang pinto, inabutan niya ako ng isang maskara na kulay pula na ang disenyo ay pakpak ng anghel. "Maghubad ka, bra at panty lang ang itira mo at pagkatapos ay isuot mo ang maskarang 'yan." ani niya. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko ng maunawaan ko ang kaniyang sinabi lalo na ng nagpatugtog siya ng malumanay na tugtugin. "Kung hindi mo kaya, malaya kang makakauwi." ani pa niya. Sinenyasan ako ni Olive at Amy na maghubad kaya sa harapan nila ay hinubad ko ang suot kong short at t-shirt at pagkatapos ay sinuot ko naman ang maskarang ibinigay niya. Nanlaki ang mga mata nila habang pinagmamasdan nila akong gumiling, sa ilalim ng aking maskarang suot ay mga luhang ayaw paampat mula sa aking mga mata ang dumadaloy at nagpapakita ng kabiguan para sa aking sarili ngunit pag-asa para sa buhay ng aking ama. Ang lalaki naman na sa tingin ko ay may-ari ng club ay hindi inaalis ang pagkakatingin sa katawan ko. "Perfect! You can start now! Bibigyan kita ng apat na pair ng two-peace na maaari mong isuot. Nasabi din sa akin ni Amy at ng manager ko na kailangan mo ng malaking halaga kaya tatawagan ko na ang doktor upang masimulan na ang pagpapaopera sa ama mo ngunit pipirma ka sa akin ng kontrata na mananatili ka sa club ko hanggang sa mabayaran mo ang pagkakautang mo. Safe ka sa club na ito, walang gagalaw sa iyo, walang magtatangkang humawak sa iyo at bawal kang i-table." ani pa niya. Napatingin ako sa aking mga kaibigan at nakaramdam ako ng katuwaan ng marinig ko ang sinabi niya na maooperahan na si papa kaya mabilis akong tumango kahit na labag man ito sa kalooban ko. Lahat ay gagawin ko para sa aking mga magulang. Nagbihis na muna ako, ang sabi kasi ng may ari ng club na si Sir Jonas Valentin ay mamayang alas onse daw ako sasayaw, pang finale daw nila at hindi ko naman maintindihan kung bakit. Binigyan din ako ng manager ng apat na pair na two-peace costume na 'yung isa ay kulay gold na may mga beads na palawit sa harapan ng bikini kaya mas komportableng tignan kaysa sa tatlong pares. "Natatakot ako, hindi ko alam kung kakayanin ko ba talaga na sumayaw sa harapan ng maraming tao." ani ko kay Amy. "Bestie, pumirma ka na ng kontrata kaya wala ka ng magagawa, isa pa natawagan na din nila ang hospital kaya sigurado ako ngayon na nasa operating room na ang papa mo. Wala ka ng gagastusin kahit piso dahil maging hospital at mga gamot ay sagot na ni Sir Jonas." ani naman ni Amy. Hindi na ako nakakibo pa pero ang t***k ng puso ko ay hindi ko na maintindihan. Matinding takot ang bumabalot sa akin ngayon dahil kaylanman ay hindi ko naisip na magagawa ko ito para lamang sa pera, pero ang pera namang 'yon ang magliligtas sa buhay ng aking ama. Napahagulgol na lamang ako dahil wala na talaga akong kawala pa at mukhang ito na ang simula ng pagkalugmok ko sa putikan. "Huwag kang mag-alala, malinis at matino ang club na ito. Walang sino man ang maaaring pumuwersa sa iyo dito, kapag ayaw mo salita mo ang masusunod." ani ng isang boses sa likuran namin kaya napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Si Sir Jonas na nakatayo at nakasandal sa pintuan habang nakatitig sa stage at pinapanuod ang isang dancer na nakamaskara na kulay puti na may paro-parong pakpak na disenyo. "Siya si Butterfly, at ikaw naman, ang magiging pangalan mo dito ay Angel, bagay na bagay sa iyo ang pangalan, anghel sa lupa." ani niya na hindi inaalis ang pagkakatingin kay Butterfly. Siguro ay gusto niya ang babaeng sumasayaw kaya ganoon na lamng ang pagkakatitig niya dito. Hindi naman ako kumibo na, nanahimik na lang ako ng maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. "Inooperahan na ang ama mo, bukas pwede mo na syang dalawin, bibigyan kita ng kaunting halaga mamaya upang may panggastos kayo sa bahay ninyo." ani niya. "Naku! Huwag na po sir! Sapat na po sa akin na naoperahan ang papa ko, hindi ko na po hinahangad na magkaroon pa ng extra. Huwag po kayong mag-alala at pagbubutihin ko po ang pagtatrabaho ko dito upang makabayad po agad ako ng pagkakautang ko sa inyo." ani ko sa kanya at nginitian naman niya ako. "Ayoko sa lahat ng tinatanggihan ako, aaminin ko sa iyo, unang kita ko pa lang sa iyo kanina ay nagustuhan na kita, pero huwag kang mag-alala hindi ako namumuwersa ng tao, kung sakali man na isang araw ay mapapasok ako diyan sa puso mo, nandito lang ako." ani niya na ikinalaki ng mata ko at bigla akong napatingin sa kanya. Nasisiraan na yata ng ulo ang amo ko. Ano ba ang pinagsasasabi nito? "Sir naman, hindi ko po alam na palabiro kayo." ani ko na natatawa pa ako. "I'm not making this up. Althea, I like you a lot." ani niya kaya napatingin ako sa aking mga kaibigan. Ano ba pinagsasasabi nito samantalang isang oras pa lang naman kaming nagkakakilala tapos I like you a lot na agad siya. May saltik yata sa utak 'tong amo ko. Ngumiti lamang ako sa kanya at hindi na ako nagsalita pa, oo aaminin ko gwapo si Sir Jonas at mabait pero amo ko siya at dancer ako sa bar. Ano naman ang maipagmamalaki niya tungkol sa akin samantalang isa lamang akong dancer ng club na pag-aari niya. My gosh! "Sir, mahiyain po talaga 'yang si Thea. Kung hindi nga lang po nangangailangan talaga ng malaking halaga 'yan hindi po niya papasukin ang ganitong uri ng trabaho. Kaya lang po talagang matindi po ang pangangailangan niya kaya kapit sa patalim na ang nangyari." ani naman ni Olive. Tumango lamang si Sir Jonas at iniwan na rin niya kami. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko talaga ay magtatagal pa siya sa tabi ko dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD