Chapter 2

1506 Words
Tahimik ang naging paglalakbay namin dahil sa dami ng iniisip ko. Hindi ko na napansin na malapit na kami sa kastilyo kung nasaan sila Jasper at kuya na nag lalaban gamit ang kaniya-kaniya nilang armas. "Hinahanap ka ni James kanina." Bati saakin ni kuya nang makalapit kami at tumingin kay Chase na para itong pinag aaralan. "Nagpunta siya dito?" Tanong ko. "May sasabihin siya sa'yo, sabi niya saakin." Ani ni Jasper at sabay sila ni kuya na napatingin sa boteng hawak ko. "Oh, well. Makakaalis ka na, Chase." Sabi ko sakaniya kaya siya bahagyang yumuko atsaka ngumiti. Nagpaalam na din siya sakanila kuya at umalis. "This is going to be fun." Galak na sambit ni Jasper habang pinagki-kiskis ang dalawa niyang kamay. "After the brothers and Valentine.... now, there's Chase." Wika niya na natatawa. "Welcome to the family, Chase." Mapang asar niyang dagdag habang nakatingin sa dinaanan ni Chase. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa loob. Naupo ako atsaka kumuha ng iniinom nila Denver at ng lolo. Napapikit ako dahil sa pait nang humagod ito sa aking lalamunan. "Damn it." Wala sa sariling sabi ko at tumungin sa bintana. "What's the matter?" Hindi ko nilingon si Denver nang magsalita siya sa likuran ko. Naupo din siya at kumuha ng maiinom. "Imbetahan mo ang Hari at Reyna sa Voreen. Isama mo na rin sila tita Clara." Wika ko kaya siya biglang napaubo ng mainom niya ang inumin niya. "Bakit? Anong mayron?" "Celebration." "Para saan?" "Basta. Mag handa na kayo at sabihan mo na sila dahil gaganapin na ito mamayang gabi." Aniko. "Mamayang gabi na agad?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya ko siya nilingon. "Bakit, may problema ba?" Tanong ko kaya hindi siya agad nakasagot atsaka umiwas ng tingin. "Pareho kayo ng iyong Ama. Pare-pareho kayo ni Haring Deven." "Kahit mas matanda ako sa iyong Ama ay hindi niya ako ginagalang. Ngunit nasanay naman na ako." "Kahit mag kambal si Haring Deven at Desmond ay hindi maipagkakaila ang postura at titig ni Haring Deven na nakuha ng iyong Ama. Pati ikaw ay nakuha mo rin." Pailing iling niyang dagdag. "Katulad sila ni Hiro at James. Makikita mo ang kapangyarihang nagsisigawan sa postura at tindig kay Hiro, samantalang si James ay isang sutil at mapagbirong nilalang." "But I don't underestimate him. He was indeed a carefree and outgoing man, but he's intelligent and wise." Sambit niya agad. "And when I say intelligent, he is really intelligent." Aniya na parang manghang mangha. "What's with that tone? Are you gay?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa bintana ngunit nakita ko pa rin ang pagtingin niya saakin ng seryoso. "I'm not." Madiing wika niya atsaka ulit sumipsip sa kaniyang inumin. "I'm not bias. Don't get me wrong, Tala. But I'm more on James's side than Hiro." "Why? Because you had a crush on him?" Tanong ko ulit atsaka uminom. "No." Madiin niya nanamang sagot. "Mahirap ipaliwanag." Sambit niya. "He leads really well." Aniya. "Uncle Den!" Malakas na tawag ni Agnes sa labas ngunit hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa bintana. "Gusto ng bumalik ni ate Sandra sa Voreen dahil natatakot siya kay ate Tala. Baka daw mapatay niya ito kung nalaman niyang nagpunta dito si James." Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano magpabalik balik ang tingin ni Denver saakin at sa pintuan bago tumawa. "Sadly, I locked the door." Wika niya at alam kong tinukoy niya si Agnes na diretso pa rin sa pagkatok sa pintuan. "Teleport. Get out of my sight." Sambit ko. Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga atsaka nilagok ang inumin niya. "Just like your father." Aniya atsaka naglaho. Pati ang malakas na pagkatok ni Agnes ay tumigil na din kaya ako nakahinga ng maluwag. Ilang minuto akong nakatitig sa labas habang umiinom, nang mapag desisyunan kong puntahan sila Ellios sa likod ng kastilyo. Naabutan ko silang natutulog kaya maingat at marahan akong naupo sa damuhan sa tabi nila. "What's the matter, Tala?" Tanong nila habang sila ay nakapikit. "How did you know it was me?" Tanong ko rin. "We can feel it. Now, what's the matter? Nararamdaman naming may gumugulo sa iyong isipan." Anila nang iminulat ang kanilang mata. "Nothing. Magpupunta dito ang Hari at Reyna galing sa Voreen." "Bakit?" "Celebration." Hindi na sila ulit nagsalita at nakaupo lang ako doon hanggang sa hindi ko namalayan na natapos na ang hapon. Pumasok na ako sa loob at nagtungo saaking silid. Inayos ko muna ang aking buhok pati na rin ang aking higaan atsaka lumabas. Bumungad saakin si Amara na may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi atsaka bigla akong niyakap. "I miss you. Don't move." Aniya atsaka kumalas. "Hindi ko alam kung bakit kami nag punta dito ngunit nagpapasalamat ako dahil magkakasama sama ulit tayo." Dagdag niya atsaka ulit ako nginitian bago nagpaalam upang puntahan sila Jasper. "C-c-c-can I talk t-to y-you?" Tanong ni Sandra nang makalakad ako palayo saaking silid. "Thank you." Wika niya at bigla akong niyakap kaya ako nagulat pagkadating namin saaking kwarto. "Hindi na ako nakahingi ng pasalamat sa'yo dahil nahihiya at natatakot ako. Maraming salamat sa pag ligtas mo saakin, Tala. Nagulat lang talaga ako nang yakapin mo ako kaya hindi ko ito napansin at hindi ako nakapag pasalamat sa'yo." Sabi niya na patuloy na sa pagiyak ngunit pilit niya itong pinipigilan. "Nakita ko ang damit mo noong umalis na kayo sa kaharian ng Reyna. Nakita ko ang pinagtagusan ng dalawang bala sa likuran. Maraming salamat talaga, Tala." "Hindi ko rin malalaman na ginamot mo ako ng dalawang beses noong nawalan ako ng malay kung hindi ko natanong si Valentine." Aniya nang kumalas siya na patuloy sa pagpunas ng kaniyang mga luha. "I didn't save you and for f*****g sake, I didn't hugged you. I just slipped. And I will never waste my energy for someone who is weak like you." Seryosong sabi ko kaya biglang nagbago ang reaksyon niya. "Hindi rin kita ginamot. Naniniwala ka diyan sa kaibigan mo, wala naman siyang alam sa totoong mga nangyayari." "And about my clothes, huwag kang nagsasabi ng kung ano-ano kung hindi naman matibay ang iyong ebidensiya." Pagtatapos ko. "I-i-i-i-i-i.... I thought.... how could you say that?" Tanong niya. Kita ko sa mga mata niya ang sakit at pag pipigil ng mga luha. "Wala kang puso." Wika niya atsaka tumakbo palabas ng aking silid. Bumuntong hininga ako atsaka na rin lumabas. She is so soft and that sucks. She's in this world and being soft is a bad thing. I need to teach her some leasson. "Ano ang nangyari?" Tanong ni tita Clara. Napatingin ako sa kaniyang tiyan na malaki na. Sa loob ko'y sobrang saya ko na sa wakas ay magkakaroon na sila ng sarili nilang pamilya. Masyado na ring matagal ang pinag-sakripisyo nilang dalawa na mag hiwalay para saamin na hindi naman talaga nila responsibilidad. Ngayon ay maari na silang magsama o lumayo dito kung gugustuhin nila, upang makaiwas sa gulong maaring mangyari sa lugar na ito. Ako naman ay gagawin ang lahat upang maayos ang Emperyong ito para ang mga nandito'y hindi mag alinlangan at matakot na lumabas nang walang iniisip na panganib. "Nothing." Sagot ko. "Kamusta kayo?" Tanong ko naman. "I'm fine. We're fine. Thank you." Tugon nila habang nakahawak sa tiyan at nakangiti. "Good. Mauuna na ako." Aniko atsaka na sila nilampasan. Napangiti ako ng maliit nang makalampas ako sakanila. "Where's Lara? Your tita Clara?" Tanong agad ni Denver saakin nang makarating ako malapit sa kusina kung nasaan sila Hiro. Hindi ko na siya sinagot nang makitang napatingin siya saaking likuran. "Tala." Bati saakin ni Hiro kaya ko siya tinanguan ng marahan. Napatingin din ako sa Reyna na nginitian ako ngunit tinanguan ko lamang siya. Wala dito si Sandra kaya't alam kong umiiyak pa rin siya. "Para saan ito?" Tanong agad saakin ni Jasper "Celebration." Sagot ko at kinuha ang inabot saakin ni kuya na baso. "Alright. Let's celebrate. Sa paglaya ng Quindoma." Aniko at itinaas ng bahagya ang baso. "At sa magiging anak nilang dalawa." Wika ni Jasper at tinukoy sila tita Clara. "At sa kalayaan ng kapatid ni Tala. Para kay Agnes." Sabi rin ni Denver at sabay-sabay kaming uminom sa kaniya-kaniya naming inumin. "Nagpapasalamat ako sainyong lahat at humihingi na rin ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan." Nahihiyang wika ni Agnes. "Ayos na ang lahat." Tipid kong tugon at sabay-sabay ulit kaming uminom. Nagkasalubong ang tingin namin ni James ng ilang segundo bago kami tawagin ni Jasper. "Huwag kayong nag uusap jan sa titig niyo sa isa't isa." Sambit niya kaya siya marahang hinampas sa braso ni Amara. "Amara." Tawag ko sakaniya kaya siya nakangiting lumapit saakin. "Hanapin mo si Sandra. I think she needs someone. Don't tell her that I'm the one who sent you." Nagbabanta kong sabi kaya siya tumango agad. "We need to talk." Bulong ni James sa gilid ng tenga ko nang abala ang iba sa pagkuha ng makakain sa gitna ng lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD