Chapter 1

1564 Words
"Are you sure that this is the real way?" Pagbabantang tanong ko sakaniya. "Yes." Sagot niya agad. "How about you. Are you really sure 'bout what you are about to do?" Tanong niya kaya ako hindi agad nakasagot. "This is the only way I think." Mahinang sagot ko. Hindi na ulit siya nag tanong at diretso na lang sa paglalakad patungo sa sinabi niyang babaylan na maaring makapag alis sa koneksyon namin ni James. Ayoko ng mag aksaya pa ng panahon dahil naisip ko na kapag mas patatagalin ko'y baka ako mismo ay panghinaan ng loob upang magawa ito. "Chase." Tawag ko kaya siya agad napahinto at hinarap ako. "Nahanap mo na ba ang iyong kapareha?" Hindi siya agad nakasagot at bahagyang napakamot sa kaniyang ulo. "Not yet? I don't know about that mate, thing. For me, if I like that person... I meant, creature, that's it. That's my mate." Natatawang sabi niya. "Why? Nagbago na ba ang isip mo?" "No. I just asked." Sagot ko agad. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa natunton namin ang malaki at madilim na kweba. Ayon sakaniya ay may kilala siyang babaylan na nandito sa kaharian ng Xenia. "If you are just fooling me, Chase.... I will kill you in a split second." Madiin kong sambit sakaniya habang nakatingin kami sa madilim na kweba. "Oh come on, Talisha. I will not fool my soon to be mate." Mahina niyang sagot ngunit narinig ko pa rin ito. "Stop that nonsense, Chase. I'll kill you." Madiin ko ulit na sagot at nauna ng pumasok sa kweba. Mabuti na lamang at may kakayahan kaming makakita sa dilim. Narinig kong pinitik niya ang daliri niya at bigla itong lumikha ng maliit na liwanag. Napatingin ako sakaniya na nakaharap saakin habang nakangiti ngunit inirapan ko lamang siya. Ang espada ko rin ay naglilikha ng kaunting liwanag kaya't hindi ko na pinag tuonan ng pansin ang kapangyarihan niya. "You're really different. I like it." "No time for that." Sagot ko ulit agad kaya siya napatawa ng mahina. Napapansin kong pababa na ang nilalakadan namin at sumisilip na saamin ang liwanag sa dulo ng kweba sa di kalayuan. Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating kami sa parang panibagong lugar. Napakatahimik nito at napaka payapa. Para lamang itong isang hardin ngunit walang mga halaman. Tanging mga damo lang ang nandito at ang nag iisang puno na napakalaki sa gitna ng lugar. "Nasaan ang babaylan?" Iritang tanong ko sakaniya habang nilibot ang paningin sa lugar. Narinig ko naman siyang napatawa. "Chill. Halika." Pag aya niya atsaka naglakad ulit papunta sa malaking puno. Pagkarating namin sa mismong harap ng puno ay napataas ang isa kong kilay dahil sa mga halamang nakasabit na animo'y kurtina. Marahan at maingat niyang hinawi ang mga ito at bumati saakin ang isang halaman na nasa loob ng malaking puno. Ang halaman ay may mga maliliit na kulay puting bunga. "Nasaan na siya?" Tanong ko ng makapasok kami. "Señorito? Ano ang ginagawa mo dito at ikaw ay napadalaw?" Napaharap kami agad sa matandang nagsalita na nanggaling sa dinaanan namin kanina. "Señora. Me alegré verte de nuevo." Masayang sagot ni Chase at yumuko sa matanda atsaka yumakap ng marahan. "También me alegro de verte nuevo." Balik ng matanda atsaka niya tinapik ng bahagya sa balikat si Chase. "Siya na ba ang iyong kasintahan, Señorito?" Mapagbirong tanong niya kay Chase habang naglalakad siya papunta sa maliit niyang lamesa. Siya lamang ang nakita kong matanda dito na uugod-ugod na. Ang kaniyang baston na lang sa tingin ko ang umaalalay sakaniya. "Muy pronto, Señora." Hindi ko na sila pinasin sa pinag uusapan nila dahil hindi ko naman ito naiintindihan. Bigla naman akong napatingin sa labas nang marinig ko ang pagtawag ng babaeng papalapit saamin. "Abuela." Pagtawag niya ulit. "Sino kayo?" Tarantang tanong niya saamin nang makapasok siya. "Sila ay bisita, nieta." Wika ng matanda kaya kumalma ng bahagya ang babae. May mahabang buhok din ang babae ngunit mas mahaba ang akin. Naka tirintas ito ngunit may mga nakatakas na buhok niyang nalalaglag sa gilid ng kaniyang mukha. Nakasuot siya ng puting damit na may mga maliliit na rosas na disenyo na abot hanggang tuhod. Ang kaniyang damit ay napakaganda ngunit medyo nailalantad nito ang kaniyang dibdib na bumagay din sakaniya. "Ano nga ba ang pinunta niyo dito?" Pag iiba niya atsaka siya naupo sa upuang hindi ko alam kung saan nanggaling. "Nais kong ipaalis ang koneksyon namin ng aking kapareha." Sagot ko kaya siya marahang napatingin saakin at nilipat din ang tingin kay Chase. Bago pa siya umiwas ng tingin ay nakita ko ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Hindi ko na tatanungin kung ano ang iyong dahilan, Señorita" Aniya. "Pumitas ka dito." Utos niya kaya rin ako namili at ibinigay sakaniya ang bunga ng halaman sa gitna. "Maalis niyo ba kahit wala dito ang aking kapareha?" "Oo." Tipid niyang sagot at piniga ang bungang ibinigay ko sakaniya sa isang maliit na lalagyan. "Kilala mo na ba ang iyong kapareha?" Tanong niya kaya ako tumango. "Patakan mo ito ng iyong dugo." Utos niya ulit kaya ko rin ito ginawa. May kung anong makinang na inabot sakaniya ang babae at hinalo ito sa likidong nasa maliit na bote. Pagkatapos niyang haluin ito ay nagkulay pula at kuminang ang likido. "Kailangan, sabay niyo itong inumin ng iyong kapareha habang nasa tahimik kayong silid. Dapat ay kayong dalawa lang talaga ang naroon." Aniya at may kung ano siyang sinambit na dasal kaya mas kuminang ang likido. "Hindi na ba kailangan ang kaniyang dugo?" Tanong ko. "Ang kagustuhan mo talaga ay sapat na. Ngunit..." sinadya niyang huminto atsaka tumitig saaking mga mata. "Hindi ko maipapangako na matatalo nito ang pagmamahal at kagustuhan ng iyong kapareha." "Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko ulit. Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga atsaka tumingin sa boteng hawak niya. "Higit na mas makapangyarihan ang pagmamahal, Señorita. Walang kahit anong makatatalo kung tunay at malalim ang pagmamahal sa'yo ng iyong kapareha." Aniya atsaka inabot ito saakin kaya ko din ito tinanggap agad. Pagkahawak ko dito ay bigla itong lumiwanag at ilang segundo bago ito bumalik sa dati. "Dito mo makikita kung tunay at malalim ba ang pagmamahal sa'yo ng iyong kapareha, Señorita. Ngunit kung hindi ito umepekto ay maari kang bumalik dito at gagawin natin ang mas mahirap at delikadong prosesa para sa iyong kagustuhan." "Bakit hindi na lang ngayon?" Tanong ni Chase kaya napaharap sakaniya ang matanda. "Hindi ito madali, Señorito. Hindi rin ito madali para sakanilang dalawa. Ang mawalan ng kabiyak ng iyong puso at buhay ay mahirap at malungkot. Maraming nilalang ang mas pinili na lamang mamatay dahil sa kalungkutang nadarama nila." "Ibig sabihin ay ang nawalan na ng kapareha ay hindi na maaring mapares sa iba?" Tanong ko. "Maari. Ngunit hindi ito sigurado." Sagot niya kaya ko agad naisip si Hiro. "Bago mo ito gawin ay sana isipin mong maigi ang planong gagawin mo, Señorita. Huwag kang padalos-dalos sa iyong mga desisyon." Wala ng nagsalita pa saamin. Tama ang sinabi niya, dahil masyadong mabigat ang gagawin kong hakbang. Nakasalalay sa desisyon ko ang buhay ni James at ang sarili ko na ring buhay. "Hindi niya maaring malaman kung ano ang likidong ito. Mas mainam siguro na inumin niyo ito bago kayo mag-isa sa huling pagkakataon." Pagbasag niya sa katahimikan kaya ako nabigla ngunit hindi ito pinahalata. "Wala na bang ibang paraan? Maari namang iinumin nila ito ng sabay nang walang nangyayari sakanila." Tanong agad ni Chase kaya marahang napangiti ang matanda. "Señorito, hindi mo ba sila hahayaan dahil huli naman na ito?" Mapagbiro niyang tanong. "Ngunit...." hindi na siya nakasagot. "Hindi niya kailangan malaman kung ano ang likidong ito, hindi ba?" Paglilinaw ko kaya siya tumango. Maaaring mag handaan na lamang kami at ang ipapainom ko sakaniya ay ang likidong ito habang nasa tahimik kaming silid. "Ano ang mangyayari kung nainom na namin ito?" Tanong ko ulit. "Depende kung ito'y umepekto." Tugon niya. Napansin niyang naguluhan ako kaya siya bahagyang ngumiti ng pilit. "Malilimutan ka niya, Señorita. Malilimutan niya ang pinag samahan niyo at malilimutan niyang minahal ka niya. Makakalimutan niya lahat ang kung anong nangyari sainyo noong kayo pa ay mag kapareha." Paliwanag niya kaya bigla sumikip ang puso ko. "Maraming salamat." Mahinang usal ko sakaniya kaya siya ngumiti saakin. "Alaine, ihatid mo na ang ating dalawang bisita." Wika ng matanda sa babae kaya siya marahang tumango. "Kami ay mauuna na." Aniko kaya niya ako nginitian ulit. "Adiós." Ani rin ni Chase. "Sige na, Alaine." Sambit niya kaya ulit tumango ang babae. Nauna na siyang lumabas kaya na rin kami sumunod. Bago pa ako tuluyang makalabas ay tinawag ako ng matanda. "Señorita." Aniya kaya ko siya hinarap. "Tandaan mo, ang tunay at malalim na pagmamahal ay makapangyarihan." Sambit niya atsaka ako ulit nginitian. Tinanguan ko siya ng bahagya atsaka lumabas. Ramdam kong nahihiya saamin ang babae kaya siya umiiwas. Ramdam ko ring may gusto siya kay Chase dahil sa tuwing mapapatingin sakaniya ang lalaking ito'y namumula siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil katulad nila Jasper, hindi maitatago ang angking kagandahang lalaki nila. Gagawa na sana ulit si Chase ng kaniyang liwanag nang biglang itaas ng babae na nag ngangalang Alaine ang kaniyang dalawang kamay. Nagkaroon ng apoy sa gilid ng kweba na kung saan may mga parang lampara na nakasabit. "Fire." Mahinang sambit ni Chase at alam kong tinukoy niya ang kapangyarihan ni Alaine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD