Chapter 13

1239 Words
"Don't make me curse you again, Alaine." "Yes. Kahit sa ganitong paraan, matulungan kita." Sagot niya kaya ako tumango. Si James ay umalis na at siya naman ay babantayan ako kasama si Dennis upang maitakas ko sila Luna. "You should make a scene. A nice scene, Alaine." Aniko. "Trio. Please allow my sister and her friends if that's her friends, to hop into your back. Kayo na lang ang alam kong may kakayahang maitakas sila dito." "Our pleasure, Tala. Anything." Sagot nila kaya ko sila marahang hinaplos. Bumaba na kami sa may kalayuang lugar upang hindi nila kami mapansin. Nagumpisa na kaming tumakbo palapit sa gate nila at nakita ang mga bampirang nag babantay. "Get my sword, Alaine. Use it." Wika ko kaya niya rin tinaas ang kaniyang kamay. Pagkarating ng espada sakaniya ay sumugod na silang dalawa. Agad silang inatake ng mga kalaban ngunit nakakayanan nila itong patayin. Tinira ko rin ang mga kalabang sumusugod saakin at sumunod si Alaine saakin. Si Dennis ay maiiwan sa labas, gaya ng aming plano, dahil siya ay may kapangyarihan at kayang kaya niya itong gamitin. Napasok namin ang iba't ibang silid hanggang sa nakarinig kami ng sigaw sa isang kwarto. Pagpasok ko'y bumungad saakin sila Luna at ang kaniyang mga kasama. Ang kulot na babae ay nanghihina dahil sa mga tusok sakaniyang katawan. Ang babaeng may makulay na buhok naman ay wala ng malay. Ang lalaki rin ay punong puno na ng sugat dahil siguro'y siya ay nanlaban. "Let's get the f**k out of here." Tawag ko sa mga ito ngunit hindi sila agad gumalaw. "Bilis! We don't have much time." Aniko ulit kaya agad na silang sumunod saakin palabas. "Alaine! Lead the way!" Nagpahuli ako dahil sa mga kalabang pilit kaming pinipigilan. Tinira ko sila ng aking apoy atsaka tumakbo kasunod nila Luna. Pagkarating namin ay biglang umungol sila Ellios atsaka bumaba sa malawak na harapan ng kastilyo. "Get on their back. They're with us. Go!" Sabi ko sa mga ito dahil sila ay tumatakbo na palayo. "Ate." Tawag ni Luna kay Alaine. "Get on their back!" Sigaw ni Dennis. Ilang segundo pa silang nakatayo hanggang sa narinig na namin ang dumadaming bampira kaya na sila agad umakyat. Pagkaakyat saakin ni Miro ay sumunod na din sila Dennis at Alaine. ... "s**t, s**t, shifter. Trio, we need to keep them safe first." "Magpapaiwan na ako. Tutulong ako. Para kay abuela." Wika ni Alaine pagharap saakin. Ang mga kalabang hindi ko alam kung saan galing ay nagkakagulo na sa ibaba. "Me too." Ani rin ni Dennis. Tinanguan ko sila kaya na sila bumaba. Lumipad ulit kami hanggang sa makarating sa kastilyo. Tinapunan ko ng aking apoy ang mga kalaban. Nakita ko rin si kuya na nakikipag laban kasama ang mga kawal. "Tala! Tala ikaw ba iyan?" "Yeah. Let's get them inside." Sambit ko kaya agad niya rin akong tinulungan. "Trio. You guys are hungry, right? Bon appetit." Aniko. Sinunggaban nila ang mga kalaban samantalang kami ay dinala sa loob ng kastilyo sila Luna. "Stay here, everyone. This place is safe if you stay here. Let's talk after the war outside." Lumabas na ako agad at nakipaglaban na rin. "Where are the others?" "At the kingdom you ordered them to defend." Tugon ni kuya atsaka tinira ang latigo sa kalaban. Tinapon ko naman ang espadang nakuha ko sa kalaban kanina atsaka ulit humugot ng espada sa mga kalabang nakahandusay sa lapag at agad iyon binato sa nagtangkang sugurin ako. Tinapunan ko na rin sila ng apoy upang mabilis silang maubos. "Ako na ang bahala dito. Go check the others." Wika ni Kuya kaya na ako tumango atsaka sumakay sakanila Sab. Kakaunti ang mga kalabang nasa Voreen samantalang sa Xenia ay katulad ng dami ng nasa Ceba. Naagaw ng ungol nila Ellios ang atensyon ng lahat pagkababa namin. Bumaba ako at kasabay nila'y tumira rin ako ng apoy. Sila Dennis, Alaine at Valentine ay patuloy sa pakikipag laban. Nakita ko rin si Chase na seryosong nakikipaglaban. "Ang dami naman nila dito. Siguro ay mas kailangan tayo ng Bravilya." Aniko sa tatlo. Sumakay ulit ako sakanilang likod at nagulat nang tumalon papunta saakin si Alaine. "Some of our opponents are going to Bravilya." "Do you know them? Saang Emperyo sila galing?" "I don't know and I don't have an idea." Sagot niya. Pagkarating namin ay mas maraming mga kalaban ang naririto. Paano kaya ang kabilang Emperyo? Should I help them? No. My Empire first. ... Halos ilang oras kaming nakipaglaban at nahirapan pa kaming tapusin ang mga ito. Sinabi ko sakanila na batayan ang magkabilang dulo ng Emperyo dahil ito ang maaring pasukan ng mga kalaban. Nandito na kami ngayon sa Emperyo ng Orchian. "You should've guard the both ends of your Empire." Madiin kong sabi sa Emperador. "Mamaya na tayo mag usap. Let's kill them now." Sagot niya. Sinusunog ko ang iba samantalang ang Emperador ay sinasaksak ang ibang mga kalaban. Marami nang nasawing kasama niya tulad saamin. "You should go to the end of your Empire. Guard it and don't let anybody or any creature go in nor out. Ako na ang bahala sa ibang kaharian dito. Basta't huwag mong pababayaan ang dulo." Utos ko sakaniya. Tinignan niya pa ako ng ilang segundo bago sumakay sakaniyang kabayo atsaka umalis. Naghari ulit ang malakas na ungol ng tatlo habang sila ay nasa himpapawid. Ang kanilang mga nadadaanan ay tinitira nila Sab at Miro samantalang si Ellios ay sumusunggab. "Umalis na kayo dito!" Sigaw ko sa mga sibilyang pakalat-kalat. Agad kumunot ang noo ko nang makita ko sila Denver. "Denver? What are you doing here?" "Jasper?" "Just helping. Para matapos na ito." Sagot ni Jasper saakin atsaka pinana ang ibang kalaban. Tinignan ko si Denver na parang nagtatanong ngunit nag kibit balikat lamang siya. "Where is James?" Tanong ko ngunit hindi nila ako sinagot. Tumingin lamang sila sa gawing kanan ko at nakita doon ang paglipad ng kaniyang punyal patungo sa ulo ng mga kabalan. "Who's guarding the border?" "Don't worry. There's Valentine, Hiro and Gerald. Let's just finish this quick." Sagot ni Denver. Nang naubos namin ang mga kalaban ay bumalik kami saaming Emperyo. Nabigla ako nang makita ang mga bampirang kalaban nila Valentine. "They've attacked this kingdom. What about Ceba and Voreen?" Wika ni Sab. "Hindi ba sila titigil?" Tanong ni Miro. "I'm f*****g tired. Let's finish this shit." Sambit ko sakanila. Sumama ulit kami sa laban sa ibaba. Nakita ko si Alaine na kalaban ang lalaking may kalakihan ang katawan kaya ko siya sinamahan. Bukod sa halatang nahihirapan siya'y pansin kong pagod na pagod na rin siya. "Ang lakas niya. Mahirap siyang patayi-" "No!" Sigaw ko atsaka niyakap si Alaine upang makaiwas sa espadang binato ng aming kalaban. "Are you ok?" "Yeah. I didn't see that coming." "Just f*****g focus, Alaine." Madiin kong wika. Nakita ko ang pagtira ni Sab ng kaniyang apoy papunta sa kalaban namin ngunit alam kong maabot kami. Nagkatinginan muna kami ni Alaine bago tumakbo papunta sa tubig. Pagkaahon ko'y nakaramdam ako ng sobrang hingal at panghihina. Napatingin ako sa sarili ko at nagulat nang bumalik na ako sa sarili kong katawan. Naagaw naman ng atesnyon ko si Alaine na dumaing dahil sa tama niya sa hita. "Shit." "Dennis!" Tawag ko sakaniya at dali dali ring lumapit nang makita ang kalagayan ni Alaine. "Umalis na kayo dito. Itakas mo na siya." "Tala. I... need to tell you... something." "Mamaya na lang. Sige na Dennis. Umalis na kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD