Chapter 4

1943 Words
SOFIA “Sir, handa na po ang kape-” Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na naitulak ang estrangherong humalik sa akin dahil narinig ko ang tinig ng kaniyang kasambahay. Naghahabol ng hininga na napasandal ako sa pintuan habang nakatingin sa may edad na babaeng nakausap ko kanina. Natigilan naman ito at mabilis na yumuko. “I'm sorry po-” “Get out!” Malakas na singhal ng lalaking nakasalampak ngayon sa sahig sa kaniyang kasambahay dahil napalakas pala ang pagtulak ko sa kaniya kanina. Napa-ngiwi ako ng makita ko kung paano siya mabilis na bumangon hawak ang nalaglag na tuwalya sa sahig. Bold star yata ang lalaking ito at basta na lang naghuhubad kahit saan. Kung bakit kasi hindi siya nag-suot kahit roba man lang bago lumabas ng silid niya, ‘di sana'y hindi nangyari ang ganito. “Why did you push me?” salubong ang kilay na tanong ng lalaking kaharap ko. Inikutan ko siya ng mga mata. “Ano'ng gusto mo, makita tayo ng katulong mo habang nilalandi mo ako?” inis na tanong ko. “Let me remind you, Mr. Ang sabi mo mag-uusap tayo, hindi ang basta mo na lang ako hahalikan na parang pag-aari mo ako.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Out of frustration ay kung ano-ano tuloy ang nasabi ko. Wala akong narinig na kahit ano mula sa lalaking kaharap ko. Tila ba disappointed siyang bumangon at napa-iling sa harap ko habang inaayos ang pagkakabuhol ng tapis na tuwalya sa kaniyang bewang. Basta na lang niya ako tinalikuran at iniwan, kaya wala akong nagawa kung ‘di ang sundan niya ng tanaw dahil mukhang nagalit siya ginawa ko. Hinanap ko tuloy ang katulong na sinigawan niya dahil hindi na ako umaasa na babalikan pa ako ng aroganteng lalaking iyon dito sa sala. Natagpuan ko sa kusina ang kasambahay kaya mabilis na kumatok ako sa nakabukas na pintuan para makuha ang atensyon niya. “Ma'am, may kailangan po kayo?” nakangiting tanong ng kasambahay sa akin. Mukhang balewala na sa kaniya na nasigawan siya ng kaniyang amo kanina dahil nakangiti siya ng tanungin ako. “Yes, po. Baka pwede n'yo po akong samahan hanggang sa baba. Hindi ko po kasi mabuksan ang elevator dahil wala akong access card,” mabilis na sagot at paliwanag ko. “Pasensya na po, ma'am. Wala rin po akong access card. Ang secretary po ni Sir Chase ang naghahatid at sundo sa akin dito sa penthouse kapag naglilinis po ako.” Nanlumo ako sa narinig kong sagot mula sa kasambahay ng lalaking iyon. Chase pala ang pangalan niya, sound familiar, pero hindi ko na maalala kung saan ko narinig. Ngumiti ako sa kasambahay ni Chase at nagpasalamat. Kahit ayaw kong makita ang lalaking iyon ay wala akong ibang option kung ‘di kausapin siya dahil gusto ko nang makaalis dito sa penthouse niya. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong naghihintay. Kahit naiinip na ako ay tiniis ko habang hinihintay na lumabas sa kaniyang silid ang walang-hiyang lalaking nagdala sa akin sa bahay na ito. Hindi ako nakatiis, lumapit ako sa pintuan ng silid ni Chase. Malakas na kumatok ako dahil nauubos na ang pasensya ko pero kailangan kong magtimpi para makaalis na ako sa lugar na ito. “Yes?” Nalukot ang mukha ko sa narinig kong tanong ng aroganteng lalaking kaharap ko. Isang mabilis na lunok muna ang ginawa ko bago ngumiti para magbait-baitan sa harap niya dahil hangga't maaari ay umiiwas ako sa gulo. “Look, naghihintay sa bahay namin ang nanay ko. Magdamag akong hindi nakauwi, kaya siguradong nag-aalala na siya. P'wede bang mahiram ang access card mo, para makauwi na ako?” Sinubukan kong ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon ko. Siguro naman may puso pa ang Chase na ito at mauunawaan niya kung bakit gusto ko ng umuwi. Tumango lang siya. “Follow me.” Lumuwag ang pagkakabukas ng pintuan ng silid at lumabas na si Chase. Nakabihis na pala siya at maayos na ang itsura, kaya kahit paano ay hindi na ako gaanong naiilang sa kaniya. Walang kibo na sumunod ako sa kaniya palabas ng penthouse hanggang sa nakarating kami sa tapat ng elevator. May dinukot siya sa bulsa at pagkatapos ay tinapat ang hawak na card sa tapat ng sensor. Akala ko ay ako lang ang papasok dito sa loob ng elevator pero sumama na rin si Chase at walang kibong sumandal sa dingding habang nakatingin sa akin. “Aren't you going to ask me anything?” Narinig kong tanong niya sa akin. “No,” walang paligoy-ligoy na sagot ko. “So, ayos lang sa iyo na may nangyari sa ating dalawa kagabi at ako ang naka-una sa iyo-” “Ayaw kong pag-usapan ang tungkol d'yan,” nakayuko at mabilis na sagot ko dahil pakiramdam ko ay para akong sinilaban dahil naramdaman ko ang init na kumalat sa magkabilang pisngi ko. “Hindi ba mahalaga sa iyo ang first night mo?” Narinig kong muling tanong sa akin ni Chase. Hindi ko siya sinagot dahil ayaw kong pag-usapan naming dalawa ang tungkol doon. Ilang segundo ko na lang siyang makakasama at pagkatapos nito ay sisiguraduhin ko na hinding-hindi na ulit kami magkikita. Laking pasasalamat ko na tumigil na ang elevator at bumukas na ang pintuan. Agad akong humakbang palabas dahil gusto kong makaalis na sa building na ito at makalayo na sa lalaking kasama ko. “Miss!” Natigilan ako ng maramdaman kong hinawakan ako sa braso ng lalaking kumuha sa virginity ko. Napatingin ako sa braso ko at pagkatapos ay mabilis na nag-angat ng mukha para tingnan ang lalaking kasama ko. “Bakit?” Hindi siya sumagot, pero nakita kong dinukot niya ang wallet sa bulsa at pagkatapos ay mabilis na inabot sa akin ang ilang libo. “What's that for?” kunot ang noo na tanong ko habang nakatitig ang mga mata sa perang hawak ng estranghero sa harap ko. “For your taxi,” pormal at seryoso ang ekspresyon na sagot niya sa akin habang nakatingin sa mukha ko. Nainsulto ako sa narinig ko. Ano ba ang akala sa akin ng lalaking kaharap ko, naghihirap para bigyan niya ng pera pamasahe? Daig ko pa ang babaeng bayaran sa ginawa niya. Katumbas lang ng isang gabi ay ang ilang libong hawak niya, kaya hindi ko napigilang huwag makaramdam ng inis sa kaniya. “Bitawan mo nga ako,” mahinang sabi ko, sabay hatak sa kanang braso ko para hindi kami makakuha ng atensyon mula sa ilang taong narito sa lobby. Iniiwasan kong masangkot sa kontrobersya dahil ayaw kong madungisan ang pangalan ng mga magulang ko ng dahil sa akin. Isa pa, hindi rin ako p’wedeng masangkot sa kahit anong eskando dahil pinoprotektahan ko ang reputasyon ko sa organisasyon na kinabibilangan ko. Hangga't maaari ay pilit na iniiwasan ko ang kahit anong media exposure dahil kapag nagsimula na silang manghimasok sa buhay ko ay hindi na ako makakakilos ng normal at malaya gaya ng nakasanayan ko. “Salamat sa offer, pero hindi ko matatanggap ‘yan, Mr,” taas noong sagot ko. Hindi ko na hinintay pa na magsalita ang lalaking kaharap ko. Tinalikuran ko siya at malalaki ang bawat hakbang na naglakad palabas sa building. Narinig kong binati ako ng guard, pero hindi ako lumingon sa takot na baka makita ko ang lalaking tinatakasan ko. Kailangan kong makalayo sa kaniya dahil ramdam kong mahina ako kapag nasa paligid ko siya. I'm not weak, fully trained ako sa pag-handle ng iba't ibang situation, pero hindi sa harap ng lalaking iyon. He has a dangerous aura that clearly affecting me, which I don't understand kung bakit nahihirapan ako sa emosyon ko, kaya mas mabuting makalayo agad ako sa kaniya. Agad na pinara ko ang taxi at mabilis na sumakay. Kung dati-rati ay lumilingon agad ako kapag nakasakay na ako para tingnan ang paligid ko at masiguro na walang ibang nakasunod sa akin, pero hindi ko ito ginawa ngayon. Damn it! Sino ba kasi ang lalaking iyon at bakit gano'n kalakas ang personality niya? Hindi kaya dahil ito sa nakuha niya ang pagkababaê ko, kaya ganito ang epekto sa akin ng lalaking iyon? Shìt, paano kung mabuntis niya ako? Sa naisip ko ay sinabi ko taxi driver na ihatid niya ako sa hospital. Mabuti na ang makasiguro ako habang maaga pa. Paano kung may sakit pala na nakakahawa ang lalaking iyon, tapos hindi ko alam kung gumamit man lang ba siya ng proteksyon? My goodness, malaking problema ko talaga iyon kung gano'n nga ang nangyari. Kailangan kong masuri agad at makainom ng gamöt para maagapan ko ang posibleng maging resulta ng pagiging reckless ko kagabi dahil wala na akong matandaan matapos naming maghiwalay ni Danaya sa bar ng sunduin siya ni Aliandre, kaya hindi ko alam kung ano pa ang ibang nangyari maliban sa nawala ang virginity ko. May hinala ako na hindi lamang kasi epekto ng alak, kaya gano'n na lang ang naramdaman ko sa sarili ko. Kahit paano naman ay umiinom ako paminsan-minsan kaya alam ko kung ano ang pakiramdam ng lasing. “Ma'am, nandito na po tayo.” Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng marinig ko ang sinabi ng taxi Driver. Mabilis na binuksan ko ang wallet ko para kumuha ng perang pambayad ko sa taxi, pero natigilan ako ng makitang wala pala itong laman kahit isang peso bill. “May problema po ba, ma'am?” tanong ng taxi driver ng napansin niyang natigilan ako at natulala. “Manong, sandali lang po, nawala po ang perang laman ng wallet ko,” mabilis na sagot ko. Nag-dial ako at tinawagan ang kaibigan kong doktor at kasama ko rin sa duty. Mabuti naman at sinagot agad niya ang tawag ko, kaya sinabi kong puntahan ako dito sa labas ng hospital at magdala siya ng perang pambayad ko taxi. Mabuti na lang at mabait ang taxi driver. Hindi siya nag-reklamo na pinaghintay ko siya, kaya ang dapat na sana ay four hundred bill ko ay binigyan ko siya ng isang libo. “Thank you for coming, Heart,” nakangiting sabi ko sa kaibigan ko nang makababa ako sa taxi. “Ano ba ang nangyari sa iyo, Sofie at mukhang hindi ka pa nakakauwi sa inyo simula kagabi para maligo?” May pagtataka sa tinig na tanong ni Heart sa akin. Sinuyod pa ng mga mata niya ang kabuuan ko, kaya nakaramdam ako ng kaba. “May pinuntahan akong pasyente,” mabilis na pagsisinungaling ko dahil ayaw kong magkakaroon siya ng ideya sa kung ano ba talaga ang nangyari sa akin kagabi. “Teka, bakit nag-taxi ka, Sofie? Nasaan ang sasakyan mo?” magkasunod na tanong pa ni Heart. Humaba pa ang leeg niya para hanapin sa parking lot ang kotse ko, pero hindi niya ito nakita dahil iniwan ko iyon sa tapat ng mall sa Mandaluyong. “It's a long story, Heart. Nasiraan kasi ako sa daan,” agad na sagot ko at hindi na nagbigay ng additional details. “Halika na sa loob para makapag-pahinga ka bago ang duty mo, Sofie,” yaya sa akin ni Heart. “I’m fine, may gagawin muna ako,” agad na sagot ko at ngumiti sa kaniya. “Pumasok ka na sa loob at baka hinahanap ka na nang mga pasyente mo doon.” Mabuti na lang at na-convince ko si Heart na hindi muna ako sasama sa kaniya. Hindi na siya nagtanong pa at iniwan na niya ako dito sa lobby at naglakad papunta sa elevator para balikan ang kaniyang mga pasyente. Ibang daan ang tinahak ko dahil gusto kong malaman kung totoo ang hinala ko, kaya malaki ang hakbang na tinungo ko ang laboratory para masuri ang dugo ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD