Chapter 3

1645 Words
SOFIA Nagising ako na tila ba may mabigat na kung ano ang nakapatong sa katawan ko. Ramdam ko rin ang kalmadong paghinga ng kung sinong nakahiga sa likuran ko, bagay na talagang ikinagulat ko dahil kahit minsan ay hindi pa ako nakatulog na may kasama sa isang silid. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa napakabilis na tîbok ng puso ko. May ideya na ako na may hindi magandang nangyari sa akin kagabi ng malasing ako sa bar kahit wala akong matandaan. Kinakabahan na bumaling ako sa katabi ko para makita kung sino ang kasama ko dito sa loob ng silid at katabi kong nakahiga ngayon dito sa ibabaw ng kama. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa paningin ko ang mukha ng isang lalaking ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Obviously, he was naked. Kahit hindi ko alisin ang makapal na kumot na takip sa mga katawan naming dalawa ay dama ko ang nakakapasong init na nagmumula sa kaniyang balat. Shìt, what happened last night? Ito ang tanong na laman ng isipan ko habang nakatitig ang mga mata ko sa mukha ng estrangherong katabi ko. He was sleeping peacefully, na para bang walang iniisip na kahit ano, gayong katabi niya ako at pareho kaming hubo't hubad na nakahiga dito sa ibabaw ng kama. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng napagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito. Mabilis na inangat ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at sinilip sa loob nito ang katawan ko. Oh, no! What did I do last night? Frustrated na hinatak ko ang kumot. Tama nga ang hinala ko. Hubo't hubad ako habang katabi dito sa kama ang lalaking kasama ko. Nagtatalo ang isipan ko kung gigisingin at tatanungin ko ba ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko, pero nanaig ang pride ko. Mabilis na inalis ko ang nakapulupot na braso niya sa katawan ko at pagkatapos ay bumangon, pero daig ko pa ang nabugbog magdamang dahil naluha ko ng biglang nanuot ang matinding sakit sa pagitan ng mga hita ko, particular sa pagkababaê ko nang igalaw ko ang mga binti ko. Kagat ang pang-ibabang labi na tiniis ko ang matinding sakit habang hinihintay itong mawala. Napasakit kasi maging ng mga balakang at hita ko. Daig ko pa ang hinahati ang buong katawan, kaya pigil ang hininga na dakot ko ng mahigpit ang kumot sa tapat ng dibdib ko. I need to get out of this room immediately, bago pa magising ang lalaking kasama ko dahil wala akong lakas ng loob para harapin siya ngayong nakuha niya ng gano'n-gano’n lang ang pagkababaê ko na pinaka-iningatan ko sa loob ng mahabang panahon. Kahit masakit ang buong katawan ko sa tuwing gagalaw ako ay mabilis na dinampot ko ang nagkalat na mga damit ko sa sahig. Agad akong nagbihis at kinuha ang aking wallet na nakapatong sa tabi ng lampshade at pagkatapos ay maingat na binuksan ang pintuan at lumabas ng silid. Bumungad sa mga mata ko ang maaliwas at malawak na sala. Puti ang pintura ng wall at minimal lamang ang design at kagamitan na bagay sa taste ng isang lalaki na nakatira dito sa bahay. “Good morning, ma'am,” nakangiting bati sa akin ng maid na nakita kong naglilinis dito sa hallway. Tipid na ngumiti ako sa kaniya at mabilis na nagtanong. “Saan po ang daan palabas?” “Aalis na po kayo, ma'am?” tanong naman sa akin ng babaeng kaharap ko. “Yes,” napalunok na sagot ko. Tumango ito at pagkatapos ay sinabing sasamahan umano niya ako palabas. “Thank you po.” Ngumiti lang sa akin ang babae. Hinatid niya ako sa tapat ng pintuan at pagkatapos ay binuksan ito, kaya walang pagdadalawang-isip na lumabas agad ako at walang lingon-likod na tinungo ang nakikita kong metal na pintuan. Nasa top floor pala ako ng isang building at ang masama pa ay wala akong access card dito sa elevator para makababa sa ground floor. Frustrated na nilingon ko ang pintuan, pero sarado na ito. Wala tuloy akong ibang option kung ‘di ang bumalik doon at kumatok dahil hindi ako makakababa kung wala akong gamit na access card para mabuksan at magamit ang elevator. Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pintuan, pero muntik pa akong bumagsak sa sahig ng bumungad sa mga mata ko ang seryosong mukha ng lalaking nagisnan kong katabi ko sa ibabaw ng kama kanina. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa paraan kung paano sinuyod ng kaniyang itim at seryosong mga mata ang kabuuan ko. I composed myself at pinatawag ko ang ekspresyon sa mukha ko bago ko siya kinausap. “Mr….hindi ko mabuksan ang elevator. Kailangan ko nang access card,” napalunok na sabi ko. Wala akong nakitang pagbabago sa emosyon ng lalaking kaharap ko. Bahagyang gumalaw ang gilid ng kaniyang mga labi na para bang nagpipigil matawa dahil mukha siguro akong katawa-tawa sa paningin niya ngayon. “Get in,” seryoso at baritono ang tinig na sabi sa akin ng estrangherong kaharap ko. “No need. K-kailangan ko ng umuwi,” nauutal na sagot ko dahil hindi ako komportable na nakatingin sa akin ang lalaking nakakuha ng virginìty ko. Muli niyang sinuyod ang kabuuan ko. Bahagyang tumaas ang kanang kilay ng lalaking kaharap ko at pagkatapos ay ngumisi na para bang hindi ko siya p'wedeng tanggihan. "Why are you living without telling me?" Awang ang mga labi na napasinghap ako. This insolent man is trying to push me to my limit, kaya pilit na pinipigilan ko ang sarili ko na makagawa ng bagay na pagsisihan ko sa huli dahil nagpadala ako sa galit ay emosyon ko. Nag-angat ako ng mukha at taas noo na tiningnan siya sa mga mata. “What do you want?” kinakabahan na tanong ko. “Come in, sa loob tayo mag-uusap,” pormal na sagot ng lalaking kaharap ko. Mabilis akong umiling bilang pagtanggi. Hindi rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatayo ng tuwid kahit nanginginig na ang mga binti ko. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko na siyang makita pa kahit kailan dahil ang awkward talaga sa pakiramdam na kaharap ko siya ngayon, pagkatapos ng nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi. Hindi ko alam kung bakit gusto pa niya akong maka-usap dahil sa tingin ko naman ay wala na kaming dapat pag-usapan pa. “Woman, kung ayaw mong pumasok sa loob ng bahay ko, p'wede naman tayong mag-usap dito mismo, while I'm only covered with this thin towel.” Alam kong may gusto pa sanang sabihin sa akin ang lalaking kaharap ko, pero sinadya niyang huwag ituloy. Saka ko lang tuluyang naunawaan ang ibig niyang sabihin ng lakihan niya ang awang ng nakabukas na pintuan at nakita ko siyang nakatayo at may tapis na puting tuwalya sa katawan. Bastos talaga ang lalaking kaharap ko. My goodness, hindi man lang siya nagbihis bago lumabas ng kaniyang silid para pagbuksan ako ng pintuan. Nag-iinit ang magkabilang pisngi na nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang nakikita kong mga mata niyang nakatitig sa akin. “Fine, papasukin mo ako.” Humakbang ako palapit sa pintuan, pero hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya ang aroganteng estrangherong kaharap ko. Wala tuloy akong nagawa kung ‘di pagkasyahin ang sarili ko sa maliit na awang ng pintuan hanggang sa nakapasok ako at biglang sumara ang pinto sa likuran ko kaya natigilan ako. Napasinghap na lamang ako ng biglang pumulupot sa bewang ko ang matigas na kanang braso ng lalaking kasama ko. “A-ano ba ang pag-uusapan natin?” nauutal at malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko sa kaniya. “Teka, lumayo ka nga!” “Bakit bigla ka na lang umalis ng hindi nagpapaalam?” Narinig kong mahinang tanong ng lalaking halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa. Nakapikit na yumuko ako dahil pakiramdam ko ay mas lalo lamang akong nanghihina kapag nakikita ko siyang nakatitig sa akin at pinagmamasdan ang mukha ko. Napakalakas ng presensya ng lalaking kaharap ko at pakiramdam ko ay may kakaiba sa kaniya, kaya kahit malakas ang kontrol ko sa aking sarili ay nakaramdam ako ng labis na kaba ngayong halos gahibla na lang ang pagitan naming dalawa. I tried to compose myself countless times, bago nagkaroon ng sapat na lakas para umangat ang dalawang mga kamay ko at itinapat sa dibdib ng lalaking halos yakap na ako para maitulak ko siya palayo sa akin. “Sa tingin ko, Mr… wala na tayong dapat pag-usapan,” taas noo na sagot ko. Nag-angat ako ng mukha para sana pagsabihan siyang lumayo sa akin pero hindi ko inaasahan na mula sa tapat ng balikat ko ay inalis niya ang nakatukod na kamay at biglang hinawakan ng estrangherong kaharap ko ang batok ko at kinabig ako palapit sa kaniya. Talagang nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan ang mapangahas na halik na natanggap ko mula sa kaniya dahil ang usapan namin ay mag-uusap kaming dalawa. Pakiramdam ko ay saglit na nawala ako sa tamang katinuan, kaya hindi ako nakapag-isip ng tama para protektahan ang sarili ko laban sa lalaking basta na lang humalik sa akin. “Walang-hiya ka! Bakit mo ako hinalikan?” Inis at naghahabol ng hininga na tinapunan ko siya ng masamang tingin. “It's just a kiss, mas grabe pa d'yan ang ginawa nating dalawa magdamag,” nakangiting sagot ng kaharap ko. Awang ang mga labi na napatingin ako sa kaniya, pero muli niya itong sinamantala at muli ay mapangahas na hinalikan niya ako sa labi. Sinubukan kong magpumiglas, pero bakit tila bigla akong nawalan ng lakas? He pinned me at the back of the closed door, at wala akong nagawa kung ‘di hayaan siyang magsawa sa labi ko hanggang kusa siyang tumigil para sumagap ng hangin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD