SOFIA
Alam kong nagulat ang kasamahan at kaibigan kong doctor dito sa ospital ng makita ako at nalaman niya na gusto kong magpa-blood test ngayong araw.
Hindi na ako nagpaliwanag sa kaniya at nagkibit-balikat na lang ng tanungin niya ako kung may hindi ba magandang nangyari sa akin o kaya ay may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko, kaya bigla ko itong naisip gawin, gayong never ko pa itong ginawa simula ng magtrabaho ako dito sa hospital.
“Doctor Suarez, heto na ang result ng laboratory test mo,” sabi sa akin ni Doctor Penolio.
Katulad ni Heart ay napalapit na rin sa akin si Doctor Penolio. Hindi man kami gumraduate sa iisang medical school at nauna sila sa akin na pumasok at magtrabaho dito sa hospital, pero hindi ito naging hadlang para magkaroon kami ng maayos na samahan.
“What happened to you, Sofie?” Narinig kong tanong ni Joylyn.
Mula sa binabasa kong papel ay nag-angat ako ng mukha at tipid na ngumiti kay Doctor Penolio.
“P'wede bang confidencial at walang ibang makakaalam ng tungkol sa lab test na ginawa mo sa akin today, Joy?”
“Sure, pero nag-aalala ako sa iyo, Sofie,” bakas ang pag-aalala sa mukha na sabi ni Doctor Penolio.
Doctor ako, kaya nauunawaan ko ang concern niya sa akin dahil sa nakitang substance sa blood sample na kinuha niya sa akin kanina.
Ngumiti ako sa kaniya para ipakita na okay lang ako. “I can handle everything. I'm perfectly fine, Joy, so you don't have anything to worry about.”
Tiniklop ko ang papel na binigay niya sa akin at mabilis na isinilid ito sa loob ng wallet na hawak ko.
I'm not a drug user, however, I lost consciousness last night after getting drugged at the pub and ended up in someone else's bed, naked, and I had given my virginity to a stranger.
This piece of paper that I am holding right now is proof that my suspicions were justified. I can't just go home and ignore what occurred last night. Whoever is responsible for this, I must find them and deal with them personally.
Mahigpit na hawak ko ang wallet ko bago tumayo at nagpaalam kay Doctor Penolio.
“Take care of yourself, Sofie. Anytime na kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang kami ni Heart,” nakangiting sabi sa akin ni Joy.
“Sure.” Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko siya bago nagpaalam na lalabas na.
Dito sa hospital, ako ang bunso sa ward. Bukod sa tahimik at mukhang mahiyain sa harap ng mga ka-trabaho ko ay mas bata rin akong tingnan kumpara sa kanila.
Blessed with baby face raw kasi ako, kaya mukha akong inosente at walang muwang sa buhay, bagay na pabor sa akin dahil unlike my mother, hindi ako obvious na threat sa mga kalaban ng mafia clan na kinabibilangan namin ng mga magulang at ng mga kapamilya ko.
Malayong-malayo ito sa kung sino ako sa mundong ginagalawan ng pamilya ko kapag nasa loob kami ng building na nasasakupan ng council na siyang may hawak at kontrol sa lahat ng mafia organization dito sa Pilipinas pati na rin sa buong Asia and now, Magna El Cajon manage to establish a strong position globally.
Bumalik ako sa opisina ko at sinabi ko sa secretary ko na hindi muna ako papasok ngayong araw dahil may importante akong gagawin.
Aside from being a doctor, isa rin ako sa unknown board of directors ng hospital na pag-aari ng pamilya ko. I'm the heiress of Madrigal and Suarez holdings at balang araw, ipamamana ito sa akin ng mga magulang ko, pero habang hindi pa ako handa ay ini-enjoy ko muna ang hidden identity na meron ako para malaya akong makakilos.
Walang alam ang mga ka-trabaho ko dito sa hospital sa tunay na katauhan ko dahil pinili ko itong itago sa lahat. Hindi na rin ako nakatira kasama ang mga magulang ko, at kapag umuuwi ako sa amin ay gumagamit ako ng maskara para maitago ang mukha ko at walang makakilala sa akin.
Hanggang ngayon ay nanatiling sikreto sa lahat ang katauhan ko dahil ito ang gusto ko. Sa harap ng publiko, my father Jaxon Suarez, siya ang kilalang genius billionaire dito sa bansa who manages to rise from rag to riches sa tulong na rin ni mommy at walang nakakaalam kung ano ang tunay na kaugnayan ko sa kaniya.
Sakay ng taxi ay binalikan ko ang sasakyan ko na nakaparada sa parking lot ng Mega Mall sa Mandaluyong at pagkatapos ay mabilis na umuwi sa bahay ko dito sa New Manila.
“Good morning, Sofie,” nakangiting bati sa akin ni Ate Em na siyang kasama ko dito sa bahay.
“Gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?”
“Kape na lang po muna, ate,” agad na sagot ko bago mabilis na pumasok sa loob ng silid ko.
Minabuti kong maligo dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Alam kong epekto pa rin ito ng dróga sa sistema ko, gano'n rin ng nangyari sa amin ng estrangherong nagisnan kong hubo't hubad na katabi kong natutulog sa ibabaw ng kama.
Napa-iling na lamang ako ng makita ko ang mga pulang marka sa leeg at balikat ko, pababa sa mga dibdib ko.
Bukod sa masakit ang buong katawan ko ay malinaw na patunay ito sa kung ano ang namagitan sa aming dalawa ng aroganteng lalaking kasama ko magdamag.
Napapikit tuloy ako sabay sapo sa ulo dahil sobrang disappointed ako sa sarili ko dahil sa nangyari sa akin kagabi.
It's my fault. Hindi ako naging attentive, kaya nalagyan ng dróga ang inumin ko. Sunod-sunod na napa-iling tuloy ako dahil naisip ko na posibleng si Chase ang may kagagawan noon, kaya nagawa niya akong isama sa bahay niya kagabi.
Dahil sa naisip ko ay mabilis na binuksan ko ang dutsa at agad naligo. Halos sampung minuto rin akong nanatili dito sa banyo bago inabot ang makapal na roba at binalot ang sarili ko.
May nadatnan akong umuusok na kape sa ibabaw ng mesa nang lumabas ako sa banyo. Mabilis na inabot ko ito dahil tanging alak na ininom ko kagabi ang laman ng tiyan ko.
Nanlalamig ang mga kamay na binuksan ko ang wallet ko at kinuha ang cellphone ko. Agad na tinawagan ko si Danaya dahil nag-aalala ako sa pinsan ko na baka katulad ko ay nakainom rin siya ng inumin na may halong dróga.
“Hello, Sofie,” paos ang tinig at mukhang inaantok pa na sabi ni Danaya ng sagutin niya ang tawag ko.
“How are you now, Danaya?” agad na tanong ko.
“I'm fine, Sofie. Kagigising ko lang,” humihikab pa na sagot ng pinsan ko.
“Where are you?” kinakabahan na tanong ko sa kaniya.
“In my room.”
Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang safe na nakauwi ang pinsan ko kagabi. Mabuti na lang at kasama niya ang kaniyang kapatid, kaya alam kong hindi siya pababayaan ni Aliandrie.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita.
“May itatanong sana ako sa iyo, Danaya.”
“About what?” tanong rin sa akin ng pinsan ko, kaya tinanong ko siya kung ano ang naramdaman niya ng malasing siya kagabi.
“Lasing na lasing ako kagabi, Sofie. Nahilo at nagsusuka ako tapos, nakatulog na agad ako right after na ihatid ako ni Kuya Aliandrie dito sa room ko.”
Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa narinig kong sinabi ni Danaya. Ibig sabihin lang nito ay hindi siya na-drugged kagabi at ako lang ang nakainom noon.
Matapos magpaalam kay Danaya ay nanghihina na sumandal ang likod at ulo ko sa sofa. Pumikit ako at pilit inalala kung ano pa ang nangyari sa akin kagabi habang nasa bar ako.
The juice, tama, tanging iyon ang ininom ko nang bumalik kami ni Danaya galing sa comfort room.
Posibleng doon hinalo ang dróga para hindi ko mapansin. Frustrated na inumpog ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa. Napaka-careless ko. Hindi ko man lang naisip na posibleng mangyari ang gano'n sa akin dahil lasing na lasing ako.
Si Chase…tama, siya ang tanging lumapit sa akin kagabi matapos umalis ng mga pinsan ko. Hindi kaya siya ang naglagay ng dróga sa inumin ko para madala niya ako sa bahay niya at makuha ang pagkababaê ko?
Nakuyom ko ng mahigpit ang kamao ko. Damn, mananagot siya sa akin kapag napatunayan kong tama nga ang hinala ko.
Matapos ang mahabang pag-iisip ay inabot ko ang laptop ko at hinanap online ang bar na pinuntahan namin ni Danaya kagabi.
Naghanap ako ng kahit anong article na may kinalaman sa bar, pero wala akong nakitang pangit na record at comments online tungkol sa lugar na iyon, maliban sa ilang police report na may ilang kababaihan ang nawala umano matapos mag-party doon.
Sinubukan kong i-hack ang mga CCTV camera sa loob ng bar, pero tanging sa entrance, balcony at dance floor lamang ang nakita kong footage.
May kadiliman rin sa loob ng bar, pero nakita ko pa rin kung paano ako parang wala sa sarili habang kasama ng lalaking naka-one night stand ko sa dance floor kagabi.
Napa-iling na lang ako sa napanood ko. Alam ko na kung hindi ako under sa influence of drugs ay hindi ko gagawin ang gano'n, lalo na sa isang estranghero pa.
Pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko. Pinalaki akong may mabuting values ng mga magulang ko, pero gano'n-gano'n lang nawala ang pagkababaê ko.
Ano'ng mukha ang ihaharap ko sa parents ko kapag nalaman nila kung ano ang nangyari sa akin kagabi? I'm sure, madi-disappoint sa akin si mommy dahil naging careless ako gayong hindi gano'n ang personality ko.
Ang masama pa nito, paano kung mabuntis ako? Isa pa ito sa iniisip ko ngayon. Hindi ko naman maatim na ipalaglag ang bata dahil hindi ko kayang gawin iyon.
Hindi kaya ng konsensya ko na ipalaglag siya kung sakaling may mabuo kahit pa bunga lamang siya ng one night stand.
Frustrated na nahilot ko na lang ang sintido ko dahil ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng takot at pag-aalala. Isipin ko pa lang na mabubuntis ako ng walang ama ay nanghihina na ako.
Hindi ko nga alam kung ano ang buong pangalan ng lalaking naka-one night stand ko. Kung hindi ko pa narinig mula sa kasambahay niya kanina ay hindi ko malalaman, pero hindi rin ako sigurado kung iyon na ba talaga ang tunay niyang pangalan dahil posible rin na nickname lang iyon.
Napa-iling ako sabay hugot ng malalim na buntong-hininga. I just hope na hindi magbunga ang nangyari sa amin dahil baka itakwil ako ni daddy kapag nalaman niya ang nangyari.
Paulit-ulit na tinakasan ko ang lalaking gusto nilang ipakasal sa akin noon tapos ganito lang pala ang mangyayari sa akin.
Such a big disappointment para sa parents ko kapag nalaman nila kung paano nawala ang virginity ko at kung sino ang basta na lang nakakuha nito.
Sa tingin ko ay kaunti lang ang difference ng edad ni daddy sa lalaking iyon. Gwapo nga siya, pero base sa facial features niya ay alam ko na ‘di hamak na mas matanda siya sa akin, kaya lalo lamang akong napa-ngiwi ng maalala ko na naman kung paano ako nagising na katabi siya sa ibabaw ng kama kaninang umaga.
Kung alam ko lang talaga na gano'n ang mangyayari, ‘di sana ay sa ibang bar ko na lang sana sinamahan si Danaya.
Laking pagsisisi ko ngayon, pero hindi ko naman p'wedeng sisihin ang pinsan ko. Kasalanan ko iyon dahil hindi ako naging maingat at walang ibang responsable sa nangyari kung ‘di ako mismo.
Ang tagal kong nakasalampak ng upo dito sa sofa habang tulala at malalim na nag-iisip. Kung hindi pa nag-ring ang cellphone sa tabi ko ay hindi pa ako matatauhan.
“Sofie, where are you?” tanong agad ni Draven ng sagutin ko ang tawag niya.
“At home,” tipid na sagot ko sa pinsan ko.
“How are you?”
Maikli lang ang tanong sa akin ni Draven but it means a lot to me. Para bang ramdam niya na hindi ako okay ngayon, kaya niya ako tinatanong.
“I'm fine,” walang ganang sagot ko.
“I doubt, hindi ka mukhang okay ngayon,” mabilis na sabi ni Draven. “Are you sick?”
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Ayaw kong magpaliwanag kay Draven dahil hanggat maaari ay gusto kong sa akin na lang kung anuman ang nangyari sa akin kagabi.
“I already took my medicine,” napalunok na sagot ko.
“Alright, binigay na sa akin ni Aidan ang lahat ng information na nakuha niya about kay Lazaro San Francisco,” sabi ni Draven.
“Okay, send it to me,” pormal na sagot ko.
Matagal na naming hinahanap ang galamay ng drug lord na iyon dahil kahit pinatay na siya nina Tito Declan at mommy noon nang dukutin ng drug lord na iyon at pinahirapan ng husto si Tita Liegh ay may hinala si Draven na palihim pa rin na nag-ooperate ang sindikatong binuo ni Lazaro San Francisco dito sa Pilipinas.
Kahit wala akong gana ay binuksan ko ang laptop ko at tiningnan ang files na pinadala ni Draven na ngayon ay bagong pinuno na nang council.
Agad na binasa ko ang report na galing kay Aidan, maging ang mga profile ng mga key person na sa tingin niya ay posibleng nasa likod ng patuloy na operasyon ng sindikato na nagsu-supply ng dróga hindi lamang dito sa Pilipinas kung ‘di sa buong Asya.
“Hey, Sofie, are you still there?” Narinig kong tanong ni Draven natapos akong matigilan habang nakatitig ang mga mata sa screen ng nakabukas na laptop sa harap ko.
Natulala ako ng makita ko ang pamilyar na mukha ng lalaking naka-one night stand ko kagabi sa listahan ng mga taong may koneksyon sa drug lord na ini-imbestigahan ngayon ng council.
It's him, Chase Mondragon…