CHASE Nang bumalik dito sa silid ko si Inday, matapos niyang ihatid sa garahe si Doktor Abaz ay inutusan ko siyang bantayan si Sofie dahil lalabas muna ako. “Kapag nagising siya, tawagan mo agad ako,” pormal na utos ko kay Inday. “Yes, sir.” Sumulyap muna ako sa kama bago lumabas ng silid ko at bumaba sa ground floor. Almost four o'clock pa lang ng madaling araw pero gising na ang mga kasama ko dito sa bahay ng dahil sa kaguluhang nangyari kanina. “Tawagin mo si Roxy at sabihin mong hinihintay ko siya dito sa sala,” matigas ang ekspresyon, maging ang tinig na utos ko sa isa sa mga kasambahay na naabutan kong naglinis. “Sige po, sir.” Magalang na yumuko ito at nagpaalam na pupuntahan at tatawagin umano si Roxy sa silid niya. Hindi nagtagal ay nakita kong parating na si Roxy, suot