CHASE “What's going on here?” galit at humihingal na tanong ko dahil tumakbo ako nang mabilis ng marinig kong sumisigaw si Sofie, kasabay ng malakas at galit na tinig ni Roxy. Walang kahit na sino sa mga taong kasama ko dito sa kusina ang sumagot sa tanong ko. Dumating na rin ang iba pang nagising na mga kasambahay ko dito sa bahay at ngayon ay nadatnan ang kaguluhan dito sa kusina. “Chase… I can explain,” bakas ang kaba sa tinig na sabi ni Roxy habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil nakita kong nakahandusay sa sahig si Sofie. Magulo ang buhok at walang malay. Mabilis at malaki ang hakbang na nilapitan ko sa sahig si Sofie. She's not feeling well earlier at nanghihina dahil dumating ang buwanang dalaw, kaya hindi ko na muna siya kinulit kagabi bago matulog dahil ilan