SOFIA Dahil na rin sa gàmot na tinurok sa akin kanina ng doktor na tinawagan ni Chase, kaya nakatulog ako at hindi ko na narinig pa kung ano ang nangyari sa paligid ko. Bakas ang pag-aalala sa tinig niya ng magising ako, pero wala kay Chase ang atensyon ko dahil sinuyod ng mga mata ko ang buong paligid para masiguro na wala si Roxy dito sa silid. “Okay na ako, Chase,” mahinang sabi ko sa kaniya ng masiguro ko na ligtas ako at wala sa paligid ko si Roxy. “Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?” magkasunod na tanong ni Chase sa akin. “Huwag ka nang mag-alala, buhay pa ako.” Dinaan ko na lang sa biro ang lahat para gumaan ang atmosphere sa paligid naming dalawa. “It's not funny, Sofie,” kunot ang noo na sabi ni Chase. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, kaya malambing n