SOFIA
Kahit nanlalabo ang aking paningin ay sinundan ko ng tingin ang palayong pigura ng mga pinsan ko, hanggang sa tuluyan silang nakaalis at naiwan akong mag-isa dito sa loob ng bar, kasama ang iba pang mga customer na nagsasaya at nag-iinuman.
Malakas ang tunog ng maharot na musika na siyang naririnig namin dito sa bar, pero wala akong balak sumayaw dahil bukod sa wala naman akong kasama ay hindi ako mahilig sa party.
Dahil nauuhaw ako ay inabot ko ang juice na nasa harap ko. In-order ko ito kanina bago kami pumunta sa comfort room ni Danaya.
Sa biglang paggalaw ko ay napapikit ako ng maramdaman ko na biglang umikot ang paningin ko. Muntik na akong matumba pero hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig dahil naramdaman kong may matigas na braso ang pumulupot sa bewang ko.
Nanliliit ang mga mata na nag-angat ako ng mukha para tingnan kung sino ang pangahas na lalaking yumakap sa akin.
Nangunot ang noo ko dahil bukod sa nanlalabo ang paningin ko ay double rin siya sa paningin ko, kaya hindi ko makilala kung sino ang lalaking nakayakap ngayon sa akin.
“Leave me alone,” asik ko sa kaniya, pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Sinubukan kong baklasin ang nakapulupot na braso niya sa bewang ko, pero masyado yata siyang malakas dahil nahirapan ako.
“Behave, woman, you almost fall down.” Narinig kong bulong malapit sa punong-tenga ko ng lalaking katabi ko.
Sa kabila ng kalasingan ay ramdam ko ang mainit na buga ng hininga ng pangahas na estrangherong lumapit sa akin. Tumama ito malapit sa punong-tenga ko nang magsalita siya dahilan kaya napa-kurap ako sandaling natigilan.
“I’m fine now, Mr-” Muli ay napa-kurap ako at naputol ang sasabihin ko dahil hindi ko nga pala kilala kung sino ang lalaking kasama ko.
“Chase…Chase Mondragon,” pakilala ng lalaking lumapit sa akin.
Tumango lang ako habang tulalang nakatingin sa malabo niyang mukha.
“Okay, uuwi na ako.”
Mabuti na lang at hindi ako nabulol ng sabihin ko ito. Malakas ang presence of mind ko. Lasing man ako ngayon, pero alam ko ang nangyayari sa paligid ko kahit hindi gaanong nagpa-function ang katawan ko dahil nanghihina ako.
Kailangan ko nang makauwi, kaya minabuti kong magbayad. Kinuha ko ang wallet sa tabi ko at kumuha ng card para bayaran ang bill naming dalawa ni Danaya.
“Ma'am, sorry po, pero hindi po namin tinatanggap ang parking card tulad nito for payment.” Narinig kong sabi ng lalaking kaharap ko.
“What?” nahihilo na tanong ko sa bartender.
“May iba pa po ba kayong card, or credit card?” Narinig kong tanong na naman sa akin, kaya umiling ako at halos nakapikit na ang mga mata na itinuro ko ang card na inilapag ko sa counter.
“Swipe mo ‘yan!”
“Ma'am, hindi po talaga p'wede ‘yan,” muling sagot ng lalaking kaharap ko.
Nanliit ang mga matang tinapunan ko ng masamang tingin ang bartender na kaharap ko. Paanong naging parking card ang binigay ko sa kaniya, eh, alam ko na may sarili akong ATM card.
“It's okay, I'll pay.” Narinig kong sabi ng lalaking katabi ko.
“No!” malakas na sabat ko dahil ayaw kong magkaroon ng utang na loob kahit kanino.
“I'll pay! May pera ako!” Inabot ko ang wallet ko at kinuha ko ang lahat ng cash sa loob nito at pagkatapos ay mabilis na inilapag sa counter.
“Here!”
“I'm sorry, ma'am, pero kulang po ito,” sabi na naman ng bartender.
“How much ba ang babayaran ko?” nanlalabo ang paningin at nanghihina ang pakiramdam na tanong ko.
“Twenty thousands, six-hundred and fifty pesos po,” sagot ng bartender.
I'm not sure kung enough ang cash na laman ng wallet ko dahil hindi naman ako laging nagdadala ng malaking amount.
Mostly, card ang gamit ko kahit saan, but I don't understand kung bakit wala dito sa loob ng wallet ko ang dalawang card na malimit ay ginagamit ko kapag may babayaran ako.
“Shìt!” Nasapo ko ang noo ko ng maalala na nasa loob nga pala ng sasakyan ko ang ATM card na ginamit ko nang tumigil ako sa gasoline station kaninang umaga para magbayad.
“Kung wala kang pang-bayad, ma'am, p'wede ka namang maghugas ng plato sa kusina.” Narinig kong sabi ng bartender na kausap ko dito sa counter.
“It's okay. I'm willing to pay her bill.” Narinig ko na namang sabi ng isang lalaki may baritonong tinig
Tumango na lang ako dahil gusto ko nang matapos dito ng makaupo na ako. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ang katawan ko dahil sa labis na kalasingan, kaya hindi na ako tumutol ng maramdaman kong hinawakan ako sa braso ng lalaking lumapit sa akin at para akong walang kontrol sa sarili na sumunod na lang sa kaniya papunta sa kung saan.
Kasalanan ito ni Danaya. Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na mag-order ng pinakamatapang daw na alak, pero hindi naman pala kaya.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa gitna ng dance floor, kasama ang estranghero na kahit mukha ay hindi gaanong malinaw sa paningin ko.
“Let's dance.” Hinawakan niya ako sa bewang at iginiyang igalaw ang katawan ko kasabay ng maharot na tugtugin.
Naririnig ko ang malakas na musika na sinabayan ng malalakas na ingay at sigawan ng mga taong sumasayaw dito sa dance floor, pero wala dito ang atensyon ko dahil naramdaman kinabig ng estrangherong kasayaw ko ang bewang ko palapit sa kaniya, kaya nagkadikit ang mga katawan naming dalawa at nanuot sa ilong ko ang pabangong gamit niya.
I was confused kung bakit niya ito ginawa. Ang lakas naman yata ng loob ng estranghero na ito para hawakan at yakapin ako.
Gahibla lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa. Dama ko ang init ng kaniyang hininga na tumatama sa pisngi ko ng magkadikit ang aming mga noo habang marahang gumalaw ang aming katawan, kasabay ng maharot na musika.
My gaze landed on his face, down to his lips, na para bang inaakit ako, kaya natigilan ako at napatitig na naman sa mukha ng lalaking ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko, pero ang lakas ng loob niyang yakapin ako.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang lahat sa paligid ko at tanging ang malakas na tîbok ng puso ko ang naririnig ko.
Napapikit ako nang bumaba ang mukha niya at bumulong malapit sa punong-tenga ko.
“Let's get out of here, beautiful.”
Para akong tuod na tumango. Hindi ako tumutol ng muli ay pumulupot sa bewang ko ang braso ng estrangherong kasama ko at iginaya akong paalis sa dance floor.
Nahihilo ako at magaan ang pakiramdam ko sa ulo ko, kaya hinayaan ko ang lalaking kasama ko na alalayan ako dahil pakiramdam ko ay hindi na sumasayad ang mga paa ko sa sahig.
Ganito pala ang pakiramdam ng lango sa alak. Hirap akong makontrol ang sarili ko at tuluyan na rin akong nawalan ng pakialam sa paligid ko.
Kahit alam kong binuhat ako ng lalaking kasama ko at naglakad siya palabas ng bar ay hindi ako tumutol. Ramdam ko na binuksan niya ang sasakyan at isinakay ako sa front seat at pagkatapos ay kinabitan ng seatbelt sa katawan.
“Where am I?” nanghihina at halos pabulong na tanong ko habang nakapikit ang mga mata.
Hindi ko alam kung narinig niya ang tanong ko. Gusto ko sanang magmulat ng mga mata, pero ang bigat ng talukap ko, kaya nanghihina na gumalaw ang mga kamay ko at pilit na inabot kung ano ang p'wede kong makapitan.
“S-sino ka?” Kahit hirap ay nagawa kong magtanong, pero hindi ako sinagot ng lalaking kasama ko.
Naramdaman ko na lang na may mainit na kung ano ang lumapat labi ko bago ako nakatulog at hindi ko na namalayan kung ano na ang sumunod na nangyari sa paligid ko.
Hindi ko alam kung dala lang ba ng alak na ininom namin ni Danaya, pero ramdam ko na may kakaiba sa katawan ko ng magising ako.
Pakiramdam ko ay napakainit ng buong katawan ko at pinagpapawisan ako. Disoriented at walang pakialam sa paligid na hinubad ko ang damit na suot ko, maging ang maliliit na saplot na takip sa kaselanan ko.
Basta ko na lang tinapon ang mga damit na hinubad ko sa sahig at pagkatapos ay pabagsak na bumagsak ang katawan ko sa ibabaw ng malambot na kama.
Ang init, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang katawan ko at kahit wala na akong suot na kahit ano ay parang may maliliit at mainit na karayom ang tumutusok sa balat ko, kaya ilang ulit akong napa-igtad sa tuwing lumalapat ang likod at mga binti ko sa kobre kama.
“T-tubig,” nauutal na daing ko dahil ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.
“Shìt!” Narinig ko mula sa paligid ko, kasabay ng malakas na pagsara ng pintuan.
“It's hot.” Nakapikit at wala sa sarili na daing ko.
Wala akong narinig na kahit ano mula sa lalaking kasama ko dito sa silid, pero hindi nagtagal ay naramdaman kong nabasa ng malamig na tubig ang nanunuyong mga labi ko.
Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako, kaya mabilis na hinawakan ko ang basong hawak ng estranghero at mabilis na inubos ang laman nito pero hindi pa rin napawi ang uhaw na nararamdaman ko.
I want something, na hindi ko matukoy kung ano. Pakiramdam ko sinisilaban ang buong katawan ko at kahit alam ko na wala akong suot na damit ay napakainit pa rin ng silid na kinaroroonan ko.
“Calm down, lady.” Narinig kong sabi ng tinig ng isang lalaki na pamilyar sa akin matapos kong alisin ang kumot na itinakip niya sa katawan ko.
“A-ang init! Napakainit!” malakas na hiyaw ko.
He tried to pin me down, dahil hindi ako mapakali sa ibabaw ng kama. I'm losing my senses, dulot ng matinding frustration na nararamdaman ko habang hindi magkamayaw sa pagkiskis ang dalawang mga hita ko.
“Oh, God, what's happening to me?” namamaos na daing at tanong ko.
“Help me!”
Naramdaman kong gumalaw ang kama. Walang pakialam sa paligid na bumangon ako at mabilis na nangunyapit ang mga kamay sa damit ng kung sinumang kasama ko.
“Help me please,” paos na pakiusap ko, kahit hindi ko alam kung paano niya ako matutulungan.
Ramdam ko na hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Nagustuhan ko ang init na nagmumula sa balat ng lalaking kasama ko, kaya hindi ko napigilan ang ungol na kumawala sa labi ko.
“Like it, hmm?” Narinig kong sensual na tanong ng lalaking kasama ko, kaya kahit humihingal at mabilis na nagtataas-baba ang dibdib ay nagawa kong tumango.
“Yes, more please. Touch me, I want to feel your warmth,” nanunuyo ang lalamunan na pagmamakaawa ko.
I didn't expect him to kiss me, pero nagustuhan ko kung paano sensual na humahagod ang dila niya sa mga labi ko at pagkatapos ay muli akong siniil ng halik, kaya kahit hindi ako marunong humalik ay nagawa kong gumanti at walang pakundangan na nakipaghalikan sa lalaking ngayon ko lang nakilala.
I heard him moan ng gumanti ako ng halik, habang agresibong naglalandas ang mga kamay ko sa kaniyang matigas na balikat, pababa sa likuran.
“Please, don't stop,” sisinghap-singhap at nakapikit na pakiusap ko nang tumigil siya at pinakawalan ang mga labi ko.
Gusto kong ituloy niya ang pang-hahalik sa akin dahil ramdam ko na unti-unti ay natutugunan niya ang init na kailangan ng katawan ko.
“Are you sure?” sensual na muling tanong sa akin ng estrangherong lalaki habang nakapatong sa ibabaw ko.
“Yes.”
Habang nakapikit ako ay naramdaman ko kung paano unti-unti gumapang ang mainit na labi niya sa pisngi ko, pababa sa leeg ko.
Mainit ang buga ng kaniyang hininga sa balat ko, pero alam kong nagugustuhan ko ito, kaya hinayaan kong ituloy ng estrangherong kasama ko kung ano ang gusto niyang gawin sa katawan ko.
I'm eager to touch and feel his warm skin more. Nagsimulang maging mapangahas ang dalawang mga kamay ko. Hinatak ko ang damit na suot ng lalaking nasa ibabaw ko dahil hindi ako komportable kapag sumasayad ito sa balat ko.
Hindi ako nakatiis, kinabig ko sa batok ang lalaking kasama ko dito sa ibabaw ng kama at walang kontrol sa sarili na siniil siya ng mapangahas at mapusok na halik sa labi.
Ang sarap sa pakiramdam ng init na nagmumula sa kaniyang katawan habang tulad ko ay hubàd na rin ang estranghero kasama ko at ramdam ko ang nakapapasong init ng magkadikit naming mga balat.
Pakiramdam ko ay guminhawa ang kanina lang ay mahapding balat ko dulot ng damit na suot ko.
“Please help me… take me,” wala sa sariling pakiusap ko.
“I need you,” hirap na daing ko.
Alam kong natigilan ang lalaking nakayakap sa akin ng marinig ang sinabi ko habang nakapatong sa ibabaw ko, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na tanggihan ako.
Mabilis na kinabig ko siya sa batok at mapangahas na muling siniil ng halik sa mga labi.
Alam ko na siya lamang ang makatutulong sa akin sa mga oras na ito at kaya niyang tugunan kung ano ang pangangailangan ko.
Hindi ako nagdalawang-isip na humingi ng tulong sa kaniya dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang buong katawan ko, dulot ng matinding init na nararamdaman ko…