Chapter 1

1559 Words
SOFIA Past ten o'clock na nang gabi at katatapos ko lang suriin ang isa sa mga pasyente ko ng marinig kong nagri-ring ang cellphone sa loob ng bulsa ko. Agad ko itong dinukot para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin ngayon. Pangalan ng pinsan kong si Danaya ang nakita ko sa screen, kaya sinagot ko agad ang tawag niya dahil alam kong hindi tatawag ng ganitong oras ngayon sa akin ang babaeng ito kung wala siyang kailangan. “What’s wrong, Danaya?” Hindi niya agad sinagot ang tanong ko. Tanging mahinang mga hikbi ang naririnig ko mula sa kabilang linya bago umiiyak na nagsalita si Danaya. “Si JC… m-may girlfriend na siya,” umiiyak at utal-utal na sabi ni Danaya. “N-nakita ko silang naglaladian ng babae niya nang mag-dinner ako sa favorite resto ko kanina, kaya sinundan ko silang dalawa hanggang sa pumasok sila sa hotel.” Napabuntong-hininga ako. Alam kong gustong-gusto ni Danaya ang kinakapatid naming si JC na anak ng Ninong Jared namin, pero kahit anong gawin niya ay kapatid lamang ang turing sa kaniya ng lalaking iyon. “Nasaan ka ngayon Danaya at pupuntahan kita?” nag-aalalang tanong ko sa pinsan ko dahil alam kong broken hearted na naman ngayon ang babaeng ito. She's so close to me. Dalawa lang kaming babae sa pamilya at para ko na rin siyang kapatid, kaya palagi akong nasa tabi ni Danaya kapag alam kong kailangan niya ng karamay. “Naka-park ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada-” Hindi na nagawang ituloy ni Danaya ang sinasabi dahil tanging malakas na hagulhol na lamang niya ang narinig ko sa kabilang linya. Alam kong wala sa bahay ngayon si Danaya dahil naririnig ko ang malakas na tunog ng mga sasakyan mula sa kaniyang background habang kausap ko siya. Habang nasa kabilang linya pa si Danaya ay sinubukan kong i-track via GPS ang kaniyang location. Isa ito sa capabilities ko, dahil isa ako sa fully trained tracker na pinadala ni Lord Sebastian sa London para personal na mag-training noon. In just twenty seconds, I managed to track my cousin's location. Mabilis na inabot ko ang wallet ko at agad lumabas ng clinic ko para puntahan si Danaya. She's three kilometers away from my location, kaya alam kong within twenty minutes, kapag hindi ma-traffic ay makikita ko agad si Danaya. “Calm down, Danaya. I'm coming,” hindi nakatiis na sabi ko sa kaniya dahil naririnig ko ang malakas na hagulhol ng pinsan ko mula sa kabilang linya. Patakbo akong lumabas sa elevator ng hospital na pag-aari ng mga magulang ko dito sa Makati at tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Agad akong sumakay at mabilis na binuhay ang engine at pagkatapos ng ilang segundo ay pinaharurot ang kotse ko paalis para puntahan ang broken hearted na pinsan ko. Habang nagmamaneho ay may nakakabit na earpiece sa tenga ko. Paulit-ulit na pinakakalma ko si Danaya dahil baka bigla na naman siyang hindi makahiga, kaya nag-aalala na ako sa kalagayan niya. Luckily, hindi ma-traffic at naabutan kong naka-park ang sasakyan ni Danaya sa gilid ng kalsada, katapat ng isang sikat na mall dito sa Mandaluyong. Mabilis na ipinarada ko ang sasakyan ko sa safe na lugar at agad bumaba para lapitan ang kotse ni Danaya at pagkatapos ay malakas na kinatok ang bintanang salamin sa tapat ng passenger seat. Ibinaba naman ni Danaya ang bintanang salamin sa tapat ko, kaya sinabi kong i-unlock ang sasakyan dahil hindi ko mabuksan ang pintuan. Agad akong pumasok sa kotse at umupo sa katapat na driver seat kung saan nakaupo ngayon si Danaya. “Thank you, Sofie,” napasigok na sabi niya sa akin. “Okay ka na ba?” mahinahon na tanong ko sa kaniya, pero marahan siyang umiling bilang sagot sa tanong ko. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko kay Danaya para gumaan ang nararamdaman niya ngayon. Wala naman kasi akong experience sa ganitong sitwasyon dahil never pa naman kasi akong nagkaroon ng boyfriend. Bukod kasi sa strict ang parents ko at sobrang tight ang schedule ko noong nag-aaral pa ako ay nag-pokus talaga ako sa pag-aaral. Napa-iling na lamang ako habang pinagmamasdan ko at pinakikinggan ang malakas na hagulhol ng pinsan ko. Hindi ako nakatiis, hinagod ko sa balikat si Danaya para iparamdam sa kaniya na narito ako para damayan siya. “Since may girlfriend na si JC ngayon, mas mabuti pa siguro kung kakalimutan mo na siya, Danaya.” Naaawa na ako sa pinsan ko, kaya nasabi ko ito sa kaniya. “Kung sana'y gano'n lang kadali, Sofie ay ginawa ko na,” puno ng lungkot ang tinig na sagot ni Danaya. “Alam ko naman na wala akong karapatan na magselos, pero kasi-” Bigla na namang napahagulhol si Danaya. Awang-awa na ako sa kaniya, pero wala naman akong magawa para pagaanin ang loob niya. Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay nag-angat ng mukha si Danaya at luhaan na humarap sa akin. “Ang sakit-sakit ng puso ko ngayon, Sofie. Gusto kong uminom at magpakalasing kahit ngayon lang.” “Sige, sasamahan kita.” Tanging ito na lang ang nasabi ko dahil tulad ng dati, sa tuwing umiiyak ang pinsan ko kapag may bagong girlfriend si JC ay wala akong magawa kung ‘di ang damayan siya. Matapos marinig ni Danaya ang sagot ko ay agad niyang pinasibad ang sasakyan at binagtas ang kahabaan ng EDSA. Hinayaan ko na lang siya, hanggang sa nakarating kami sa Tomas Morato. Agad akong bumaba ng pumarada ang sasakyan ni Danaya sa tapat ng kilalang bar at mabilis na binuksan niya ang pintuan at basta na lang ako iniwan para pumasok sa loob. Alam kong wala na naman siyang kontrol sa emosyon ngayon, kaya sinundan kong pumasok sa loob ng bar si Danaya, na agad umupo sa harap ng counter at humingi ng pinakamatapang na alak sa bar tender. “Inom tayo, Sofie!” malakas na sabi ni Danaya habang nakataas ang hawak na baso. Dahil supportive cousin ako ay pinagbigyan ko si Danaya. Itinaas ako ang basong hawak ko at nakipag-cheers sa kaniya. “Simula bukas, kakalimutan ko na siya! Wala na akong kilalang JC Laxamana!” Napangiti ako sa narinig kong sinabi ni Danaya. Mukhang nasaktan talaga siya ng husto kanina, kaya dinamdam niya ng labis ang nakita at ngayon ay gusto na niyang kalimutan ang kinakapatid namin. “Ang pangit naman ng babaeng hinalikan niya! Maganda naman ako, sexy pa. I'm rich too, hindi nga lang famous, pero mahal ko siya, eh!” malakas na sabi ni Danaya matapos maubos ang laman ng basong binigay ng bartender sa kaniya. “Sa tingin mo, pangit ba ako, Sofie, kaya hanggang ngayon, hindi ako pinapansin ni JC?” Narinig kong tanong ng pinsan ko habang nakaturo pa ang hintuturo niyang daliri sa mukha. Mabilis akong umiling at ngumiti. “Walang pangit sa lahi natin, Danaya. Sadyang malabo lang ang mga mata ng lalaking iyon.” “Then why he can't love me?” puno ng sama ng loob na tanong ni Danaya sa akin. Ang hirap talagang ma-in-love. Ang gulong kausap ni Danaya. Kanina lang ay ayaw na raw niya kay JC, tapos ngayon ay nagse-self-pity na naman siya. Mula sa isang basong alak ay nasundan pa ito hanggang sa naramdaman ko na umiikot na ang paningin ko at magaan na rin ang ulo ko. Nagpaalam sa akin si Danaya na pupunta sa banyo, kaya kahit pakiramdam ko ay nakalutang ang mga paa ko sa sahig at susuray-suray na naglalakad ay sinamahan ko pa rin ang pinsan ko. “Hintayin mo ako, Sofie, ha? namumungay ang mga mata at lasing na sabi ni Danaya, kaya tumango ako sa kaniya. “Sure, bilisan mo.” Nang makita kong pumasok na siya sa banyo ay mabilis na kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng maong na pantalon na suot ko at tinawagan ko si Aliandrie na sunduin ang kapatid niya dito sa bar. Alam kong malapit lang siya dito sa Tomas Morato dahil along this area lang din ang pag-aaring bar ni Aliandrie. Ilang minuto matapos kong makausap si Aliandrie ay lumabas na sa comfortable room si Danaya. Hinatak agad niya ako sa braso at katulad ko rin na susuray-suray na naglakad pabalik sa upuan namin sa tapat ng counter. “Isa pa! Inom pa tayo, Sofie!” Napa-iling na lang ako ng makita kong inilapag sa harap ko ng bartender ang isa na namang baso na may lamang alak. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo, kaya sinabi ko kay Danaya na umuwi na kami, pero nagmatigas siya. “Gusto ko pang uminom, Sofie! Ang sarap palang malasing!” nakangiting sabi ng pinsan ko, pero hindi maikakaila ang lungkot na nararamdaman. Mabuti na lang at dumating na si Aliandrie. Agad siyang lumapit sa amin at inayang umuwi na ang kapatid, pero katulad kanina ay nagmatigas si Danaya. “Ayaw ko nga! Umiinom pa kami ni Sofie, eh!” Nagpumiglas si Danaya sa pagkakahawak ni Aliandrie, pero wala siyang nagawa nang buhatin siya ng kapatid. “I'll take care the bill,” sabi ko kay Aliandrie dahil nagwalala na si Danaya. Tinanguan naman ako ni Aliandrie at sinabing ihahatid na niya sa bahay nila ang kapatid, kaya naiwan akong mag-isa dito sa loob ng bar para magbayad sa bill namin ni Danaya sa counter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD