SOFIA “Miss, parang awa mo na po, huwag mong sasaktan ang pamilya ko,” umiiyak na pakiusap sa akin ni Erwin. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Alam mo kung ano ang dapat mong gawin para mabuhay ang buong pamilya mo." “S-sige…sasabihin ko po ang lahat ng alam ko, basta huwag mo lang silang papatayìn.” Hindi ako sumagot para bigyan ng assurance si Erwin dahil hindi niya deserve iyon. Halang ang kaluluwa niya. Kasabwat siya ng mga demonyong kumukuha ng nawawalang mga babae sa bar at malaki ang ambag niya sa pagkawala nila, kaya wala akong awang nararamdaman para sa kaniya. “Now tell me, nasaan ang mga babaeng nawawala sa bar? Saan ninyo sila dinala?” galit at magkasunod na tanong ko kay Erwin. Mabilis na napalunok si Erwin bago sinagot ang tanong ko. “Nasa basement po sila ng